logo
logo-text

Download this book within the app

Pangpito

"I'll take care of her." Ani ni Karlos kay Ivan, nang marinig niya ang pinag-uusapan ng dalawa.
Hindi naman nakatugon kaagad ang binata sa kaniya at nakasunod lang ng tingin sa kaniya habang naglalakad siya, patungo sa loob ng silid ni Alona. Ngunit kaagad din siyang natigilan sa paglalakad ng tabigin siya sa isang balikat ni Ivan at mapangmata siyang tinignan.
Ano ba talaga ang problema ng isang 'to? ang lakas din naman pala ng loob niyang pigilan ako, samantalang isang hamak na private bodyguard lang naman siya. Paglalayag sa isipan ni Karlos habang nakatitig siya sa mga mata ni Ivan.
"Huwag na huwag mong babalaking gumawa ng kolokohan sa kaniya. Dahil alam mo kung ano ang kasasapitan ng buhay mo," mahinang turan nito sa kaniya, pero napangisi lang siya at tinaboy ang kamay nitong nakahawak sa balikat niya.
Anong sinabi niya? alam ko ang kasasapitan ng buhay ko? wow! so, ang akala ba niya ay matatakot niya ako sa mga pinagsasabi niya?
Nakakatawa siya! bulong ni Karlos sa kaniyang isipan, pagkatapos niyang alisin ang kamay nitong nakahawak sa balikat niya at saka na siya tumuloy sa loob ng kwarto ni Alona.
Nang makapasok na siya sa loob ay nagkataon namang nagkasalubong silang dalawa ng doktor at tipong palabas na rin sana ito.
"Excuse me, dok. Kamusta na po ang kondisyon niya?" tanong niya sa doktor. Magsasalita pa lamang sana ito nang bigla naman pumasok sa loob sina Ivan at Kiko, habang apurahang nilapitan ang doktor.
"Dok, kamusta na po ang lagay niya? ano po ba ang nangyari sa kaniya?" tanong naman ni Kiko sa doktor nang makalapit na silang dalawa ni Ivan.
"Kamusta na ho ang lagay niya dok." Sa pagkakataong iyon ay si Ivan naman ang nagsalita at may bakas ng pag-aalala sa kaniyang mukha.
"Sino ba talaga sa inyo ang guardian ng pasyente?" usisa naman ng doktor sa kanila, habang palipat-lipat ang tingin nito sa tatlong binatang nasa harapan niya ngayon. Nagkatinginan naman sina Ivan at Karlos, pero kaagad din nilang iniwasan ang isa't-isa.
"Ako po ang private bodyguard niya," ani ni Ivan sa doktor habang nakaturo sa kaniyang sarili. Ngumisi naman si Karlos sa sinabi nito at pasimpleng pinipigilan ang kaniyang pagtawa, kaya nabaling ang atensyon ng doktor sa kaniya.
"At ikaw naman?" turo niya sa binata, kaya kaagad ding nabawi ang guhit ng ngiti nito sa kaniyang labi.
"Ako?" turo niya sa sarili at saglit siyang napalingon sa dalawa nang marinig niya ang pabungisngis ni Kiko sa kaniya.
"Yes, ikaw." Tugon ng doktor sa kaniya. Medyo natagalan sa pagtugon ang binata at tila hindi niya alam ang isasagot niya sa doktor na kaharap.
"Ako, ako ang ..." kinakabahan niyang usal at patingin-tingin siya sa dalawa na pigil sa pagtawa.
Bakit ba sila tumatawa? ano bang nakakatawa roon sa sinabi ko? mukhang nasisiraan na talaga sila ng ulo. Bulong ni Karlos sa kaniyang isipan na may pag-iling sa kaniyang ulo.
"Actually, ako ang future husband niya. I'm Karlos Miguel Sermiento, her fiancee." Turan niya at prenteng nakipagkamayan sa doktor. Natahimik naman ang dalawa sa sinagot ng binata sa kaniya at tila bigla ring naglaho ang mga guhit ng ngiti nito sa kanilang mga labi.
Saglit namang lumingon si Karlos sa binatang katabi niya, na si Ivan at gumuhit ang pilyong ngiti sa dulo ng kaniyang labi. Pagkatapos non ay muli niyang binalingan ng tingin ang doktor na kaharap nila.
"Medyo komplikado kasi ang sasabihin ko tungkol sa kalagayan ng pasyente. Pero wala na kayong dapat ikabahala pa,  sapagkat stable na ang lagay niya. Kailangan lang kitang makausap in private, Mr. Sermiento. I need to tell you something regarding to her body conditions." Pagkasabi ng doktor ay tumango naman si Karlos at saka sumunod sa kaniya, patungo sa office nito. Nakasunod naman ng tingin ang dalawang binata sa kaniya, hanggang sa makalabas na ito ng kwarto.
"Alam Ivan, bigyan mo lang talaga ako ng permiso na turuan siya ng leksyon at hindi ako magdadalawang isip na lumpuhin siya," mahina ngunit mariin na turan ni Kiko sa kaibigan niya. Nagbuga na lang ng malalim na paghingan si Ivan at sqka siya inakbayan sa balikat.
"Uminahon ka lang, Kiko. Huwag mong aksayahin ang lakas at oras mo para sa mga taong katulad niya. Wala ka lang mapapala sa kaniya." Pagkatapos niyang sabihin iyon ay lumapit naman siya sa kinaroroonan ng dalaga at pinagmamasdan niya ito mula ulo hanggang paa, pabalik. Sumunod din naman kaagad si Kiko sa kaniya at pinagmasdan din niya ang dalagang nakahiga.
"Ang akala ko ba ay hindi siya nacomatose? pero, bakit ganoon? bakit parang ganoon din ang nakikita ko ngayon sa sitwasyon niya?" usisa ni Kiko sa kaniyang kaibigan.
"Huwag mong sabihin 'yan, naririnig ka niya. Hindi lang maganda ang lagay ng katawan niya sa ngayon, pero hindi ibig sabihin non ay habambuhay na siyang ganito." Tugon ni Ivan sa binatang nasa tabi niya.
"Parang si slepping beauty lang. Naghihintay sa halik ng prince charming niya," dagdag pang sabi ni Kiko, kaya napangisi si Ivan sa kaniya at saka siya binatukan sa ulo.
"Aray ko naman!" reklamo niya habang nakahawak siya sa likod ng ulo niya at magkasalubong ang dalawa niyang kilay.
"Ganiyan na ganiyan din ang gagawin niya sa'yo, kung hindi lang siya nandiyan sa kalagayan niya ngayon." Pabirong ani ng binata sa kaniya.
"Sandali! ano bang mali sa sinabi kong iyon? hindi ko naman sinabing, siya yung bruhang sumumpa sa prinsesa, ha? ang sinabi ko lang naman ay parang siyang si sleeping beauty kung titignan." Pang-gigiit niya, ngunit ningingisian lamang siya nito. Pagkatapos non ay natahimik naman silang dalawa at naging seyoso muli ang kanilang mga mukha. Binalingan ulit ng atensyon ni Ivan ang dalaga, hanggang sa bumaba ang tingin niya sa kamay nito na kung saan saglit ding umangat ang isang daliri nito.
Tila bigla siyang nakaramdam ng kirot sa kaniyang puso na may halong saya at kalungkutan.
"Ang totoo niyan, ayaw na ayaw niya talaga sa mga fairy tales. Especially, yung tungkol kay sleeping beauty." Pagkasabi niya ay napalingon naman si Kiko sa kaniya na may bakas ng pagtataka sa kaniyang mukha.
"Huh? ano ang ibig mong sabihin? ayaw niya kay Princess Aurora?" ani ng binata habang nakapamulsa ang dalawa niyang kamay.
"Minsan ko na rin naitanong sa kaniya iyan, kung bakit ayaw niya sa mga fairy tales," sandali siyang nahinto sa pagsasalita at mapait na ngumiti sa kaniyang labi.
"E, ano naman ang sinabi niya sa'yo?" aniya sabay napalingon si Ivan sa kaniya.
"Walang happy ending sa totoong buhay, iyon ang sinabi niya sa akin." Tugon niya, pagkatapos ay muli niyang nilingunan ang dalaga at may pangingilid ng luha sa kaniyang mga mata.
"Pero sisiguraduhin kong pagkatapos nitong lahat, may happy ending." Aniya habang pinipigilan ang pagpatak ng luha sa mga mata niya. Muli niyang napansin ang pag-angat ng hintuturo ng daliri nito sa kamay, kung kaya't kinusot niya ang kaniyang mga mata gamit ang sariling kamay at gumuhit ng ngiti sa labi niya.
"Alam kong naririnig mo ako ngayon, Ms. Alona. Gusto ko lang din ipaalam sa'yo na pansamatala akong mawawala sa tabi mo dahil may ilang bagay ako na dapat asikasuhin. Huwag kang mag-alala dahil babalik din naman ako, babalikan kita pagkatapos non. Kaya hanggat wala ako sa tabi mo, dapat magpagaling ka at magpalakas. Para sa muling pagbabalik ko at sa oras na magkita tayo muling dalawa ay magagawa muna ako muling sigawan, sipain, pagtripan at patawanin. Mamimiss ko ang mga malalakas mong paghalakhak at pati na ang mahahaba mong kwento. Kaya ipangako mo sa akin, Alona. Na magpapagaling ka at hihintayin mo ako hanggang sa aking pagbabalik." Pagkatapos niyang sabihin iyon ay muli nitong pinagmasdan ang mga kamay ng dalaga, ngunit wala siyang tugon na natanggap mula sa kaniya.
Pakiramdam tuloy niya ay nagtatampo ito sa kaniya at gusto siyang pigilan sa pag-alis niya. Hindi man siya makapagsalita ngayon o hindi man niya maigalaw ng normal ang kaniyang katawan, pero natitiyak naman niya na nais siyang pigilan nito.
Tahimik namang nakikinig si Kiko sa kaniya at nilapitan siya nito.
"Teka, maitanong ko nga lang. Bakit parang namamaalam ka na sa kaniya? malayo ba ang pupuntahan mo? matatagalan ka ba sa pagbalik mo?" usisa niya. Napabuga naman ng mabigat at malalim na paghinga ang binata, bago pa man siya tugunin nito.
"Hindi ko matatansya, kung gaano ako katagal na mawawala. Pero sa tingin ko, kulang pa ang isang taon para matapos ko ang lahat ng iyon,"
"E, ano ba talaga kasi ang pinaplano mo? bakit hindi mo na lang kasi ipagpaliban na muna iyan, hanggang sa gumaling siya bago ka magdesisyon diyan mag-isa."
"Gustuhin ko man, pero hindi puwede. Tumatakbo ang oras at panahon, hindi ko puwedeng sayangin ang bawat pagkakataon upang-" naputol din kaagad ang kaniyang sinasabi nang marinig niya ang pagpihit ng pintuan at pumasok sa loob si Karlos.
Sabay naman silang napalingong dalawa sa kaniya at nagkatinginan sa isa't-isa.
"Oh? nandito pa pala kayong dalawa? ang buong akala ko pa naman ay makakasimoy na ako ng mabangong hangin, pero mukhang kailangan ko na namang pigilan ang aking paghinga." Pilosopong ani ng Karlos sa dalawa, pagkapasok na pagkapasok pa lamang niya sa loob.
Tipong susugurin sana siya ni Kiko, pero kaagad din naman siyang pinigilan ni Ivan sa kwelyo ng damit niya at hinila siya pabalik sa kaniya.
Ngumisi naman ang pilyong binata sa kanila habang tinitignan sila nito.
"Ang sabi ko naman sa inyo, kung may balak kayong gulpuhin ako gawin niyo lang! hindi ko naman kayo pinipigilan. Gawin niyo ang gusto niyong gawin sa akin, hanggat kaya niyo pa. Dahil sa oras na ako naman ang gumanti, alam niyo na kung saan ang kalalagyan niyong dalawa." Saad niya na pag-ngiwi sa kaniyang labi. Tipong lalapitan na sana siya ulit ni Kiko, pero muli lang siyang inawat ni Ivan at hinawakan sa braso niya. Nagkapalitan naman sila ng tingin sa isa't-isa, habang sumesenyas si Ivan sa kaniya at umiiling ng ulo.
Pagkatapos non ay napabuga na lang ito ng malalim na paghinga at napakuyom sa dalawa niyang kamao. Halos sukdulan na nga ang galit na nararamdam niya para sa pilyong binata, ngunit wala din naman siyang magagawa dahil higit na makapangyarihan ito kesa sa kaniya.
Sa yaman ng angkan ni Karlos ay kayang-kaya siya nitong patalsikin sa unibersidad na pinapasukan niya at may posibilidad din na agawin nito sa kaniya ang inaasam-aam niyang pangarap na maging isang pulis. Hindi madaling kalabanin ang mga taong may laman parati ang mga bulsa, lalo na ang mga katulad ni Karlos na maraming assets at may kapit sa matataas na rangko, katulad ng gobyerno.
Kayang-kaya niyang yurakan ang pagkatao nito sa isang pilantik lamang ng kaniyang daliri at mawala ang lahat-lahat ng mayroon siya ngayon. At isa iyon sa mga nais ni Ivan na ipaalaala sa kaniyang kaibigan. Gusto niyang bigyan ito ng babala tungkol sa lalaking kaharap nila ngayon. Marahil ay mukha lang itong lampa-lampa at lalambutin sa paningin nilang dalawa, ngunit katulad nga ng sabi nito sa kanila kanina ay hindi mo rin magugustuhan, kapag siya na ang gumanti.
Higit pa sa suntok, tadyak o bugbog ang kaya niyang gawin. Kaya naman kahit punong-puno na rin si Ivan sa kaniya ay pinipigilan na lang din niya ang sarili at nilulunok na lamang niya ang poot na nararamdaman niya sa binata. Iniisip na lamang niya ang sitwasyon at kalagayan ni Alona, kung kaya't napapakalma niya ang kaniyang sarili at nadedema niya ang mga sinasabi nito.
"Halika na, Kiko." Ang sinabi na lamang niya sa kaniyang kaibigan, upang tumungo palabas ng kwarto. Sinundan naman sila ng tingin ni Karlos hanggang sa dumaan ito sa kaniyang harapan.
Nagkatinginan silang dalawa ni Kiko, pero ningisian lang niya ito at saka tinalikuran.
Pagkalabas nilang dalawa sa silid ng dalaga ay kaagad din namang napasuntok at napatadyak ng malakas si Kiko sa pader at paulit-ulit din niyang sinisipa ang metal trash bin na nakalagay sa isang gilid.
"Kiko, tama na! ano ba ang ginagawa mo?" pagpipigil ng kaibigan nito sa kaniya habang hinahawakan siya sa dalawang braso niya. Nahinto rin naman kaagad anag binata at pulang-pula ang buo niyang mukha dahil sa sobrang pagpipigil sa kaniyang sarili at pagkagalit sa pilyong binata na si Karlos.
"Tandaan mo, Ivan. May araw din sa akin ang lalaking iyon! sisiguraduhin kong hindi na siya makakangisi o makakatawa pa sa oras na magkrus muli ang aming mga landas!" mariin niyang sinambit habang napakuyom ang dalawang nitong kamao.

Book Comment (26)

  • avatar
    Gio Angelo Leopardas Pindoy

    nice

    12/05

      0
  • avatar
    GemperosoIrish

    nice to read

    03/02

      0
  • avatar
    versorachelle

    maganda at malinaw

    18/01

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters