logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

Chapter 7 IDENTITY: SEVEN

***
Alex
"Are you sure?" tanong sa akin ni Sky habang tinitingnan namin sa may pintuan ang paalis na si Richard Osaka. Tinungo nito ang magara niyang sasakyan kasama ang dalawa niyang bodyguard. Puno pa rin ng hiyawan at palakpakan ang lugar na siyang ikinairita ko.
***
30 minutes earlier...
Nasa sofa ako ngayon at nasa harap ko nakaupo ang isa sa kinamumuhian kong tao, si Richard Osaka. Sa likod niya ay ang dalawa niyang bodyguard at isa na doon ang nakita ni Sky sa police station na nag-abot ng sobre sa Police Head.
Umalis muna si Lola Vemine para maghanda ng meryenda para sa mga bwisit-a. Richard was just like most the rich out there - mataas ang pride, malaki 'yong kumpyansa sa sarili, at naniniwala na nabibili lahat ng pera ang kahit anong bagay.
"You're Alex Rischon, right?" tanong nito sa mababang tono. I could feel the sense of authority from his voice na parang gugustuhin mo nalang siyang sundin kesa kalabanin siya.
"Yes," seryoso at maikli kong tugon.
"You might be wondering why I talked to you, because I was looking for a scholar, and luckily, my daughter recommended you."
Trisha recommended me? Tsk! At in-emphasize niya pa talaga ang salita 'luckily'. Anong akala niya sa akin minalas?
"Why me?"
"Well, she said you're the less fortunate."
Less fortunate? Mas magiging less fortunate kayong mag-ama kapag nalaman ng lahat ang baho niyo.
"Well, thanks for the compliment, Mr. Osaka," sarkastiko kong sagot. I could feel na nainsulto siya sa sinabi ko kaya nagpakita ako ng ngiti para mas mairita pa siya.
"So...are you willing to be one? This is a one time opportunity. Minsan lang ako namimigay ng scholarship," paalala niya na tila ba pinapamukha sa akin na hindi ko kayang magkaroon ng scholarship.
I don't want your filthy money.
"It is indeed a great offer, Mr. Osaka, pero may tanong lang po sana ako."
Heto na. Magkakaharapan na.
"What is it?"
I instantly changed my cheerful face into a serious one. In that instant, naramdaman ko ang pagbigat ng hangin sa pagitan naming dalawa. Nakangiti pa rin siya, pero ramdam ko 'yong nakatagong galit sa kaloob-looban niya.
"Anong ginawa niyo kay Maica?" tanong ko at kasabay nito ang pagkuyom ng palad niya. Nakangiti pa rin siya pero 'yong nakatagong galit niya, umaalingasaw na.
"What are yo-"
"Sorry," singit na paumanhin ko, kasunod ang isang hilaw na tawa. "Saan ko ba napulot ang tanong na 'yon. By the way, not to disappoint you, Mr. Osaka, but your offer is too much for me. At sa tingin ko, hindi kaya ng konsensiya ko kapag tinanggap ko 'yan."
Hindi talaga kaya ng konsensiya ko kapag tinanggap ko ang offer mo, lalo na't ikaw ang leading suspect namin sa pagkawala ni Maica.
"Ganun ba? How sad. Well, I respect your decision, Alex, and I know for sure that you have reasons behind your refusal." At saka siya nagpalabas muli ng isang nakakasuklam na ngiti.
"Thank you for undestanding, Mr. Osaka," sabay ngiti.
"Well, I think I have to find as worthy as you, Alex," paalam niya, saka napatayo, at nag-alok ng kamay. Kahit nandidiri at galit na galit ay kinuha ko ito at saka siya kinamayan. Still, wearing our masks of deception.
"Okay, Sir," tugon ko.
Pagkatapos ng kamayan namin ay agad na silang umalis. Tamang-tama rin ang pagdating ni Lola na may nagtatakang mukha. "Aalis na sila?" tanong ni Lola Vemine matapos ilagay ang isang tray ng meryenda sa mesa.
"Opo."
"Ganoon ba?" dismayado niyang sabi. "Sayang naman 'tong hinanda ko," bulalas niya, at saka ako napatingin muli sa hinanda niyang meryenda. Naawa tuloy ako sa kanya. Napaupo ako pabalik sa kinuupuan ko kanina at saka naglabas ng isang buntong-hininga. "Okay ka lang?" nag-aalalang tanong ni Lola.
"Opo, La." I closed my eyes na tila pilit kinakalimutan ang mukha ng lalaking yun. Tumayo ako at tinungo ang pinto. Mula rito ay kitang-kita ko siya na plastikang nginingitian ang mga taong humahanga sa kanya.
***
"I would rather stop studying than being supported by a filthy money," tugon ko sa naging tanong ni Sky.
"Magmeryenda nalang kayong dalawa," yaya sa amin ni Lola Vemine habang nakaupo sa usual na upuan niya. Tinungo namin ni Sky ang sofa at saka umupo dito. Sa harap namin ang isang pitsel ng orange juice at blueberry pie na palaging niluluto ni Lola kada kaarawan ko. I took a slice of the pie and a glass of orange juice. Hindi ko na pinatagal pa at kumagat na nga sa pie and as I'd expected, sobrang sarap niya. Parang kaya kong kumain ng tatlong buo nito. "By the way Alex, tinanggap mo ba ang alok ni Mr. Rick." Napatigil ako sa pagkain.
Hala! Dahil sa galit ko nakalimutan ko si Lola Vemine. Nangako ako sa kanya na kumuha ng scholarship para hindi siya mahirapan na pag-aralin ako, but I just wasted the opportunity. Stupid, Alex.
Napayuko ako, suot ang isang nakasimangot at nagi-guilty na mukha. "I-I'm sorry po, La, pero tinanggihan ko po si Mr. Osaka. Sorry talaga."
I felt Lola Vemines hands grasp mine na ikinagulat ko. "It's okay, Alex." Nang tingnan ko siya ay tanging ngiti lang sa mukha niya ang nakita ko. Neither a hint of disappointment nor anger was present on her face. Just a genuine smile that she always wore.
"Pero hindi po ba kayo nahihirapan?" nag-aalalang tanong ko.
Muling napatingin si Lola, at saka tinapik ang kamay ko na hawak pa rin niya. "Nang dumating ka sa buhay ko, Alex, ay itinuring agad kitang apo. Wala na rin naman akong ibang pagkakagastusan, kaya wala lang sa akin 'yong bayarin mo sa eskwelahan."
Gulat at mangiyak-ngiyak akong napatingin kay Lola. I never felt being loved like this before. It felt so new to me na parang gusto kong manatili nalang na ganito. "Thank you, Lola."
***
Nasa kwarto ako ngayon ni Sky. Nakaupo sa sofa habang nag-iisip ng pwedeng gawin para mabigyan ng hustisya ang pagkawala ni Maica. Malakas ang kutob ko na hawak ni Rick si Maica dahil hindi pa natatagpuan ang bangkay nito. O hindi kaya, dinispatya nila si Maica sa lugar na walang makakakita ni kahit isa.
"So, what's the plan?" tanong sa akin ni Sky habang abalang nagbabasa ng dyaryo.
Kumunot ang noo ko. "What plan? Akala ko ba hindi tayo makikialam sa trabaho ng iba? Ikaw mismo nagsabi niyan."
"I know, but remember what I'd told you earlier," tukoy niya sa mga pulisya na hawak ni Rick.
"Alam ko na naman na manipulado niya ang pulisya, pero wala naman tayong magagawa. All we can do is wait sa kung ano man ang findings ng imbestigasiyon nila," katwiran ko.
Natahimik ang buong kwarto sa naging pahayag ko. Muli ko nalang tiningan ang labas mula sa bintana. Gabi na at gising na ang ilan sa mga tao. Kahit mga kapitbahay namin ay gising na din. Mga taong-gabi kasi 'yan sila. Mas pinipili nila maging gising sa gabi kesa sa umaga. Nocturnal kumbaga.
Nakadagdag din sa ingay ang ginagawang concert sa plaza na ilang metro lang ang layo mula rito, kaya ganoon na lamang kagising ang gabi na ito. Actually, plano namin ni Maica na dumalo sa nasabing concert pero nangyari ang hindi inaasahan. That explained why I didn't like the ambiance tonight, kasi hindi suwak sa nararanasan ko, lalong-lalo na para sa Mama ni Maica.
"You heard that?" biglang tanong ni Sky.
"Ali-"
"Shhhh," pagputol niya at saka aktong tatayo na. Ako naman na walang alam sa ginagawa niya ay kinakabahan na. Ilang segundo din siyang natulala at nakatitig sa sahig na tila pinapakinggan kung ano man ang narinig niya kanina. Bigla nalang siyang napatingin sa akin na siyang nagpatalon sa akin sa gulat. "Something's wrong downstairs," bulong na ulat niya na agad tumayo at saka tinungo ang pinto. Ako naman na takot na ayaw maiwang mag-isa sa kwarto, ay walang ibang nagawa kundi ang sumunod sa kanya.
Ano na naman trip ng lalaking to? Prank ba to? Kung prank 'to, lagot talaga sa akin 'tong gagong 'to. Ano ba kasi naririnig nito? Wala naman akong narinig na kakaiba, maliban sa mga ingay ng kapitbahay at concert.
Napatigil kami sa paglalakad na hindi ko malaman ang dahilan. He looked at me at saka sinenyasan na hindi mag-ingay na sinang-ayunan ko. Napansin kong nasa may hagdan na kami pero parang walang balak ata si Sky na bumaba. Sky trudged few inches towards the railings at saka sinilip ang kung ano man ang nasa baba.
Ilang segundo din siyang nakasilip hanggang sa mapatingin siya sakin. Pero ang pinagtataka ko lang, kahit sa sitwasyong ito, suot-suot niya pa rin 'yong walang emosyon niyang mukha, habang ako ay nanlalaki na ang mga mata sa takot at lito.
"May dalawang tao sa ibaba. Hindi ko alam kung sino sila pero armado sila. Let's just pray na walang mangyaring masama kay Lola Ve-" Isang putok ng baril ang umalingawngaw sa buong bahay na siyang nagpagulat sa amin. At ngayon, kitang-kita ko sa mukha ni Sky ang kaba at gulat.
Hindi ko na namalayan ay bigla nalang akong tumakbo pababa sa hagdan. I knew it's a wrong move, pero 'di ko mapigilan ang katawan ko. Parang kumikilos ito nang mag-isa. I wanted to stop pero ayaw nitong sumunod. Napatigil lang ito nang makita ko sa may kusina ang dalawang lalaking balot na balot ang katawan ng isang maitim na kasuotan, at isang nakahandusay na walang malay na matandang babae. Sabay na napalingon sa akin ang dalawang lalaki at tila gulat sila nang makita nila ako. Pero hindi nila alam na ako ang mas nagulat nang makita ko ang walang malay na si Lola Vemine.
Muli na namang kumilos nang mag-isa ang katawan ko at agad tumakbo papunta kay Lola. Taliwas sa isip ko ang dalawang lalaki dahil diretso akong papunta sa kanila. Napansin ko ang pag-angat ng lalaki sa baril niya at agad na itinutok sa akin. A loud gunshot ricocheted throughout the area na siyang nagpatigil sa akin. I stopped running, at tanging nagawa ko lang ay huminto at tumayo. Hinihintay na may maramdamang sakit at may makitang tumutulong dugo. Pero ni isa wala akong naramdaman o nakita.
Sa 'di malaman na dahilan ay bigla nalang tumilapon ang dalawang lalaki na agad nawalan ng malay. Hindi ko alam kung sino o ano ang may gawa nito at wala akong pake d'on. Ang importante si Lola. Agad ko siyang nilapitan at saka tiningnan ang katawan niya sa posibleng sugat na natamo niya sa putok ng baril na narinig namin kanina. Pero wala akong nakita. Walang ni isang katiting ng dugo.
How come wala siyang sugat? Base sa lapit niya sa dalawa kanina I'm sure that bullet won't miss!
"Alex, are you okay?" salubong sa akin ni Sky na nagpalingon sa akin sa kanya. Tumango ako bilang tugon pero ang totoo hindi talaga. "You have your cellphone with you?" Tumango na naman ako. I couldn't utter a word dahil masyadong nagulat ang katawan ko, dala ng pangyayari. Muntik na nga akong mamatay kanina. "Call the police. Sisiguraduhin ko munang hindi sila makakatakas."
For the last time, tumango na naman ako. Tanging tango nalang ang naibibigay ko sa kanya at hindi niya ako masisisi. Pagka-alis niya ay agad kong kinuha ang phone ko at saka nag-dial ng 911.
"Hello? This is Emergency Hotline, how can we serve you?" bating tanong ng isang lalaki mula sa kabila ng linya.
"He...elp"
***
Nasa sala kami ngayon. Kasama ko si Sky at si Lola Vemine na wala pa ring malay. Chine-check ngayon ng medical team ang vital signs ni Lola Vemine, habang ang mga police ay inaasikaso ang dalawang lalaki na hindi ko alam kung paano nagawang talunin ni Sky. May ibang police din na ini-examine ang crime scene.
"Excuse me, sir," tawag sa akin ng isang babaeng paramedic. Tiningnan ko siya at saka siya napangiti. "Iche-check ko lang po sana kayo, sir, for possible complications," pabor niya.
"Sure," halos bulong na tugon ko. At least ngayon nakakapagsalita na ako. But still, nanginginig pa rin ang katawan ko, pati boses ko. The staff took his penlight at saka itinutok sa mata ko. Sunod niyang chineck ang pulse rate ko.
"Your eyes are dilated at mabilis ang pulse rate mo, sir. Don't worry, sir, kasi normal lang po 'yan sa mga taong naka-experience ng extreme shock. Everything will back to normal once po na kalmado na kayo at naka-recover na. However, sir, this shock you have can lead to anxiety and depression. So, advice ko lang po na magpa-check-up po kayo, in case na makaramdam kayo ng anxiety attack," paliwanag niya.
"Sige po. Maraming salamat po." Nginitian ako ng babae at saka siya nagpaalam at sunod na tinungo si Sky.
"Excuse me, sir," tawag na naman sa akin ng isang lalaki, pero nanggagaling ito sa direksiyon ni Lola. Tiningnan ko ang lalaki and he had this same aura na na-feel ko sa babae kanina. "Are you related to the victim?"
"Actually, she's my guardian. Bakit po? Okay lang po ba siya?" nag-aalalang tanong ko sa kanya.
"You don't have to worry, sir. All of her vital signs showed normal and no evident injuries so far. Siguro bukas, gigising na siya but she might experience PTSDs, like anxiety or shock, which is normal lang naman po sa mga taong nakaka-experience ng ganitong insidente," paliwanag niya na tinanguan ko.
"Maraming salamat po."
"Walang anoman po. Tumawag lang po kayo if may mga problema po kayo. Our service is open 24/7 naman po," pagbibigay-alam niya.
"Sige po." Napatingin ako kay Lola na tahimik at kalmadong natutulog sa sofa. I never expected for this to happen. Lalong-lalo na kay Lola. Kung sino man ang nag-utos sa dalawang lalaking 'yon, siguradong may galit sa akin o hindi kaya kay Lola. Pero iisang tao lang ang pwedeng may gawa nito. "Richard Osaka."

Book Comment (13)

  • avatar
    Michael Gebrelle

    500

    23/07

      0
  • avatar
    Daniel Bongabong

    Ganda niya

    08/07

      0
  • avatar
    DougmiYahya

    mon noyau

    06/07

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters