logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

Chapter 5 IDENTITY: FIVE

***
Alex
"What do you mean by answer?" takang tanong ko kay Sky. Kahit kailan hindi ko naiintindihan ang lalaking to.
"Nevermind," tugon niya at saka pumasok sa bakanteng kwarto na binuksan ko. It's so narrow na napaka-awkward kapag na-stuck kaming dalawa dito. "Aren't you coming?" tanong niya sa akin. Nagsalubong ang dalawa kong kilay dahil sa tanong niya. "Just get in," sabay hila niya sa akin papasok sa masikip na kwarto, na siyang ikinagulat ko. Buti nalang at nagawa kong balansehin ang katawan ko.
Agad niyang binitawan ang kamay ko at saka ako nag-ayos ng damit ko. Akala ko 'yon lang ang kagagohan na gagawin niya pero nagkamali ako. I saw from the corner of my eyes na isasara niya ang pinto. From that moment muli ko na namang naramdaman 'yong naramdaman ko kanina.
"Please keep this a secret," hiling niya na mas ikinatakot ko. Anong binabalak niya? Bigla ko nalang naramdaman na nakatingin siya sa akin. I'm not sure pero parang nakatingin siya sa akin. My body started to tremble in fear at nabubuo na sa noo ko ang pawis. Both of my eyes were dilated and I couldn't properly breath.
As I heard his first step towards me, ay napapikit na talaga ako. Hindi ko na ramdam ang sarili ko dahil nagsimula na siyang mamanhid. Tanging tunog nalang ng paa niya ang naririnig ko.
Lord! Ewan ko kung ano ang nakain ng lalaking 'to pero sana naman hindi siya gagawa ng kalokohan. I'm not ready, especially for this!
"Excuse m-"
"Dahan-dahan lang po! First time ko 'to!" singit na sigaw ko habang yakap-yakap ang sariling katawanat hawak-hawak nang mahigpit ang damit. Sarado ang dalawa kong mata at kagat-kagat ko ang ibabang labi ko.
"What are you talking about?" tanong nito. Dahan-dahan kong ibinuka ang mga mata ko at saka lumingon sa kanya. Una kong napansin ang nakapamulsa niyang mga kamay saka ang mukha niyang nalilito at nagtataka. Nagkatitigan muna kami ng ilang segundo hanggang sa magsink-in sa utak ko na mali pala ang hinala ko. Agad akong napayuko at saka doon na nagsimulang uminit ang pisngi ko.
Tangina naman oh! Ikaw kasi, Alex, eh. Asyumero ka kasi eh!
"Excuse me...again," sambit niya at saka ako umurong para bigyan siya ng espasyo. Naglakad siya sa puwesto ko kanina at saka niya inilapat ang kamay niya sa pader. "Tama nga ang hinala ko," ani niya at saka tinanggal ang kamay at napatingin sa relo. He pressed something on his watch, dahilan para muling maglabas ng isang ingay ang kwarto. The same mechanic noise na narinig namin kanina.
Ano na naman ang ginawa ng lalaking to? Papatayin niya ata kami nito.
Isang rectangular door frame ang lumitaw mula sa bakanteng pader sa likurang bahagi ng kwarto. Out of shock ay 'di na ako nakapag-react nang maayos. What was happening right now was too fast for my brain to process. But I tried myself not to be outdated, kasi ako ang kawawa kapag nangyari 'yon.
"I'm going in. Wanna come?" tanong niya. Tanging tango lang ang naging naisagot ko sa kanya at saka niya tinulak ang pader na nagmistulang pinto. Unlike sa pinto ng mismong kwarto, hindi ito naglabas ng ingay. The door was completely opened and all we could see was a dark and gloomy descending staircase. Lingid sa kaalaman namin kung ano ang naghihintay sa baba kaya minabuti naming umalis nala- "Let's go."
What? Seryoso ba siya? Baka kung ano pa ang nasa baba!
"Ma-mauna k-ka na," nauutal kong alok. Sky began to walk at saka binaba ang madilim na hagdan. Nang makailang hakbang siya ay agad akong sumunod. Unang tapak ko palang sa hagdan ay agad nagsibukasan ang mga ilaw, turning the dark, gloomy staircase into a well-lit one. Napahinto ako at saka napatingin kay Sky na patuloy pa ring naglalakad.
Iba talaga tong lalaking to!
Nagpatuloy nalang ako sa paglalakad hanggang sa mapansin kong napahinto si Sky. Nakaharap siya sa isang pinto na ibang-iba n'ong nasa taas. I could feel the thickness of this one, kesa sa pinto na nasa itaas. I looked at Sky na nakatitig lang sa pinto. Like he was waiting for it to open itself. Natahimik lang kami ng ilang segundo dahil walang ni isa sa amin ang gustong magsalita. Wala naman akong masabi kasi on the process pa rin sa utak ko ang nangyayari ngayon.
"It's useless. This door needs an I.D. I can't open it."
Mabuti kung ganoon kasi wala naman talaga akong plano na magpatuloy pa.
"So~...let's go home?" paanyaya ko.
Sky let out a big sigh at saka sinimulang akyatin ang hagdan. Hindi na rin ako nagdalawang isip na sumunod pa baka ma-trap pa ako dito. Mahirap na. Nang makalabas kami ay agad sumara ang pinto nang mag-isa. Hindi na ako nagulat kasi marami nang mga automated doors ngayon.
Nang makalabas kami sa mismong kwarto ay agad itong sinarado ni Sky. We heard again the same mechanical sound, hanggang sa huminto ito. Nang tumahimik ang pinto ay agad na kaming bumaba ni Sky at saka lumabas ng bahay.
Malakas ang hinala ko na babalik si Sky dito. I didn't know why but he's kinda mysterious to me. It seemed that he was hiding something. But I'm not that interested. I had more things to focus into and uncovering his hidden agenda was not on my list. Napagdesisyonan naming huminto muna sa isang convenience store dahil may bibilhin raw siya. Pagkadating namin doon ay agad niyang tinungo ang noodles section. Nagno-noodles lang siya?
"'Yan lang ba kinakain mo every meal?" nag-aalalang tanong ko habang abala siya sa pagpili ng flavor.
"I don't have a choice." Don't have a choice? Like, pwede naman siyang bumili ng butane stove at iilang mga kagamitang pangkusina kung gugustuhin niya. "Also, I'm not good in cooking," dagdag niya. Something popped up on my head na hindi ko alam kung bakit ko naisip 'yon. It sounded embarrassing but-
"Walang kikilos! Holdap 'to!" biglang sigaw ng isang lalaki na siyang nakakuha ng atensiyon namin ni Sky. Nagkatinginan kami ni Sky at saka nagtago.
"Buti naman at nag-iisa lang siya," pabulong na sabi ni Sky.
How did he even know? Nakakatakot naman pala ng lalaking 'to.
"Paano mo naman nalaman?" takang tanong ko at saka niya inangat ang hintuturo niya na tila may tinuturo. Sinundan ko ang kamay niya at nalaman kong may isang concave mirror pala na nakasabit malapit sa amin.
Tama nga si Sky na nag-iisa lang siya. Ang malas nga lang kasi may hawak siyang baril. Nasa cashier siya ngayon at pinagbabantaan ang kahera gamit ang baril niya. "Ibigay mo lahat ng pera! Bilis!" galit na utos ng holdaper. Dahil sa takot ay walang magawa si Ateng kahera kundi ang sundin ang kagustuhan ng holdaper.
"Kill him."
"What?!" gulat na sabi ko. Napatingin ako kay Sky na tila nagtataka sa biglaang pagsalita ko. "May sinabi ka ba, Sky?"
Kumunot ang noo niya. "Wala."
"Kill him."
There it is again! Sino ba 'yon?
"Kill him, Alex."
"Who are you?" sigaw ko.
"Hoy! Ikaw?!" sigaw ng isang lalaki, na napag-alaman kong ang holdaper. Ang nakakagulat ay hindi ko namalayan na lumabas pala ako sa pinagtataguan ko. Kaya heto ako ngayon, kaharap ang kirminal. My body, once again, started to tremble for the second time, nang makita ko ang baril niya na nakatutok sa akin. Sa hindi malaman na dahilan ay biglang nalang nagsitaasan ang dalawa kong kamay, bilang tanda ng pagsuko ko.
"Pumunta ka dito nang dahan-dahan," utos nito. Kahit nanginginig sa takot ay agad akong naglakad nang dahan-dahan sa sinabing direksiyon ng lalaki. Nakatingin pa din ako sa baril niya na parang tinititigan din ako. Agad akong huminto nang marating ko ang lokasyon na tinutukoy ng lalaki. "Itapon mo dito ang wallet at cellphone mo!"
Tumango bilang pagsang-ayon. Nagulat nalang ako nang hindi ko magalaw ang mga kamay ko.
Tangina naman oh! Bakit 'di ko magalaw ang kamay ko?!
"Hoy! Nakikinig ka ba! Sabi ko, itapon mo sa akin ang wallet at cellphone mo!" muling utos niya, at mukhang papuputukan na niya ako.
"Te-teka lang po! Hin-hind-hindi ko po magalaw ang mga kamay ko!" paliwanag ko. Nanginginig na ako sa takot, at nagsimula nang manuyo ang lalamunan ko.
This is getting worst! Kapag nagpatuloy 'to baka barilin ako ng lalaking 'to at ikamatay ko!
"'Wag ka ngang magbiro! Kung gusto mo pang mabuhay, sundin mo nalang ang inutos ko!"
"I'm trying, pero hindi ko talaga magalaw ang mga kamay ko!" naiinis kong reklamo.
"Tsk! Ginusto mo to!" Agad akong napapikit nang sambitin niya ang mga katagang iyon. Sigurado ako na katapusan ko na 'to.
Teka. Ba't wala akong narinig na putok? Am I dead already? Hindi man lang ako nakaramdam ng sakit.
A strangling noise captivated my ears. Dahan-dahan kong binuka ang mga mata ko at saka agad tiningnan ang katawan kong may sugat ba o tama ng bala, pero wala akong makita. Wala ring masakit kaya ibig sabihin- Muli akong napatingin sa holdaper, pero nagulat ako nang makita ko ang kalagayan niya. The money he stole from the cashier was now on the floor. 'Yong baril naman niya ay nakatutok sa gilid ng ulo niya. It seemed that he was trying to get out of a grip from someone na may kontrol sa kaniya. Nanginginig ang buong katawan niya habang sinusubukang pigilan ang galaw ng katawan niya laban sa sarili niya.
From that very moment, ay nangyari nga ang inaasahan kong mangyari. The man pulled the trigger of his own gun, causing him to his untimely death. Series of shouts and loud running footsteps echoed throughout the scene habang ako ay tulalang nakatingin sa lalaki na unti-unting bumabagsak sa sahig.
The world was in slow motion and my vision started to spin. A memory suddenly appeared in my brain, shifting this very scene into a new one.
***
I was lying on the bed. Hindi ko alam kung kaninong kama ito but it seemed so familiar. Sa unahan ko ay mag-asawang nakahiga sa sahig habang napapalibutan ng dalawang lalaki. Pero mas nakatawag-pansin sa akin ang isang lalaki na nasa gilid ko na nakasuot ng puting tuxedo. He was holding a syringe. Hindi ko masyadong makita ang mga mukha nila, but I knew for sure that this was something to me. Something part of me.
***
I felt myself waking up na parang nakatulog ako. Nilingon ko ang buong kwarto at nalaman kong nasa kwarto pala ako ngayon.
"Gising ka na pala," bulalas ng isang pamilyar na boses. Nilingon ko ang pinanggagalingan nito at napansin ko ang isang taong nakaupo, ilang metro mula sa kama ko. Hindi ko makita ang mukha niya dahil sa librong nakaharang na abala niyang binabasa, pero iisang tao lang ang naglalabas ng walang emosyong boses.
"What happened?" tanong ko. Sky put down the book he's reading at saka ako tiningnan. Tumayo siya at saka lumapit sa akin. Napaupo ako at saka siya hinintay na magkuwento.
"You passed out."
"And..."
"That's all."
Akala ko pa naman mahabang kuwentuhan ang mangyayari. Hayss...
"By the way, Sky, what happened to that guy?"
"Dead."
"I know, but what I mean is, what happened to him? Why did he kill himself?"
"That is something that I do not know, Alex."
Napayuko nalang ako at saka nag-isip ng pwedeng gawin ngayong araw. Maybe Maica has some idea.
"Sky? Cellphone ko?"
"In your pocket."
Agad kong kinuha ang cellphone sa bulsa ko at binuksan ito. Pagkabukas ko ay sumalubong sa akin ang dose-dosenang mga mensahe mula kay Tita, but this time, kinabahan na ako. Something happened na hindi ko magugustuhan.
Kahit kinakabahan at natatakot sa kung ano ang posibleng mabasa sa message ni Tita ay nagpatuloy pa rin ako. Hindi makokompirma ang hinala ko kung hindi ko ito mapapatunayan. Agad kong binuksan ang latest message na sinend ni Tita. Napapikit ako at hinanda ang sarili sa posibleng mabasa ko.
My heart were racing and I could feel my hand shaking. I opened my eyes at saka dahan-dahang inangat ang kamay ko para mabasa ko kung ano man ang laman ng message ni Tita.
***
From: Tita🧡
09-22-19
11:47 pm
Maica is not home yet. I'm getting worried. I can't reach her phone. Can you contact her for me? Thanks Alex.
***
Tama nga ang hinala ko. Something wrong might had happened to Maica. Biglang nag-flashback sa utak ko ang napanaginipan ko noong isang gabi. "18...9...3...11."
Agad akong tumayo at saka nag-ayos. Tinungo ko ang aparador at saka nagbihis ng damit at saka kinuha ang jacket. I looked at my watch at nalaman kong it's exactly 12 midnight.
"Where are you going?" tanong ni Sky na siyang nagpahinto sa akin.
"Sa bahay nila Maica," diretsang sagot ko.
"But it's already midnight."
"Maica is not home, sabi ng Mama niya. Something wrong might've happened to her, at ayokong umupo lang dito at walang gagawin," paliwanag ko na ikinatahimik niya. I heared he closed the book at saka tumayo at naglakad palabas ng kwarto.
Pero bago pa siya makalabas, napahinto siya. "Wait me outside. I'm coming with you," boluntaryo niya na ikinagulat ko. Natulala ako nang ilang segundo pero agad bumalik sa pag-aayos ng sarili. Nang matapos ako ay agad ko nang pinatay ang ilaw at isinara ang pinto. Sakto namang lumabas si Sky sa kwarto niya, kaya sabay na kaming lumabas ng boarding house.
Aktong lalabas na sana kami sa main door nang may pumigil sa amin. "At saan naman kayo pupunta sa dis-oras ng gabi?" nag-aalalang tanong ni Lola Vemine sa amin.
"Nagtext sa akin ang Mama ni Maica. Hindi pa raw siya umuuwi. Baka kung ano po ang nangyari sa kanya. Pupunta po kami doon para maka-usap po ang mama niya."
Mas lalong nag-alala si Lola. "Ganun ba? Marunong ba kayong mag-drive ng kotse?" tanong niya na ikinataka ko.
"Ako po, Madame."
"Mabuti naman, Sky," sabay bato ni Lola sa susi ng sasakyan.
"Sure ba kayo, Lola?" kunot-noo kong tanong.
"Mas mabilis kayong makakapunta doon at mas safe pa," paliwanag nito. Hindi na ako nagdalawang isip na yakapin siya at saka kami umalis. I let Sky drive the car since siya lang naman ang marunong sa aming dalawa. Nang mapaandar niya ang makina ay agad na naming tinungo ang bahay ni Maica.

Book Comment (13)

  • avatar
    Michael Gebrelle

    500

    23/07

      0
  • avatar
    Daniel Bongabong

    Ganda niya

    08/07

      0
  • avatar
    DougmiYahya

    mon noyau

    06/07

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters