logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

Chapter 2 IDENTITY: TWO

ALEX
6 months later...
Listening to Taylor Swift's song while walking towards our classroom was my kind of scenario. 'Yong tipong wala kang poproblemahin kundi ang makinig lang sa paborito mong kanta. It's a beautiful day... walang nagbabantang ulan o bagyo. Just a plain sunny day.
"YAH!" Isang sigaw ang narinig ko pero hindi ko ito pinansin, hanggang sa may tumama sa ulo ko na kung ano. Hindi naman siya masyadong masakit pero tama lang para makuha ang atensiyon. Napahinto ako sa paglalakad at saka nilingon yung posibleng nambato sa akin. "Kanina pa ako tawag nang tawag sa 'yo!" inis na sigaw ng isang babae na nakasuot ng uniform ng eskwelahang pinapasukan ko. It made me more irritated kasi nalaman kong bestfriend ko pala ito.
I removed my earphones at saka pinatay ang music. "Kailangan talaga mambato? Eh kung ikaw kaya 'yong batuhin ko!" galit kong buwelta. Hindi naman talaga ako galit. Hindi ako nagagalit sa best friend ko. Hindi ko kasi natitiis. After all, she's all I'd got. Without her, baka kung saan-saan na ako napunta.
"Hmp!" irap niya at saka pinuntahan ang notebook na ibinato niya sa akin na nasa lupa na. Nilinis niya ito at saka isinali sa pile ng book at notebook na hawak-hawak niya.
"Ikaw pa ngayon ang may lakas na magalit, eh ikaw nga 'tong may kasalanan sa akin," depensa ko.
"Excuse me! Kasalanan ko bang bingi ka? Ba't kasi ang lakas-lakas ng volume kapag nage-earphone ka! Para akong tanga kanina kakatawag sa'yo. Pinagtitinginan na ako ng mga ibang estudyante!" rason niya habang dahan-dahan kaming naglakad papunta sa classroom namin. It's already 7:23 and our classes started at 7:30. That means, 7 minutes left bago ang first class. Luckily, 2 minutes na lang at mararating na namin ang classroom namin.
This was my third week of being here pero tila naninibago pa rin ako. I'm not a transferee dahil nakalagay sa records ko na I'd been studying here since first year, which hindi ko maalala. It's weird to think na hindi ko maalala ang freshman years ko. And the worse case was, pati second year memories ko ay wala din akong maalala. It seemed that I skipped the two years and got accelerated in third year. I tried to Google this condition of mine at tanging lumilitaw lang sa results ay "Amnesia".
"Alex!" tawag sa akin ni Maica na nagbalik sa akin sa katinuan. I looked at her, standing on her desk na katabi sa desk ko. "It's time already! Papasok ka ba o tutunganga ka lang dyan?"
Agad akong pumasok nang mag-sink in sa utak ko na may klase pala ako. I moved my way towards my seat at saka umupo dito. Pagkaupo ko, ay sakto namang pumasok ang professor namin.
"Good morning, aspiring Medical Technologists!" bati sa amin ni Ms. Porte. She's my favorite professor dahil sa angking positivity niya. She always wore this smile na kayang kong titigan buong araw. Ms. Porte was in her 40s pero maganda pa rin siya.
Agad kaming tumayo at binati din siya. Ms. Porte started her discussion focusing on bacteria. As a MedTech Practitioner, kailangan naming malaman lahat ng klase ng bacteria for us to know what to do and what process to perform. As usual, Ms. Porte made our discussion a fun one. Hindi 'yong ibang subjects namin na ang boring. Makatulog ka nalang dahil sa kaboring-an.
***
Nandito kami ngayon sa canteen para mananghalian. I ordered my favorite ulam na adobong manok paired by a coca cola. Si Maica naman ay 'yong paborito niyang chicken curry na may kasamang royal. As we look for a table, may napapansin na naman akong titig ng mga estudyante at mga bulungan. Na tila pinag-uusapan ako.
Ano ba kasi ang problema nila?
I tried to ignore them. After all, I just didn't care kung ano man 'yong pinagsasabi nila tungkol sa akin.
"I can't believe how he did it, pero he deserve to be punished, or maybe expelled," bulalas ng isang babae na pansin kong nakatingin sa akin mula ulo hanggang paa. I could see in my peripheral view the way she was mocking me.
Anong "punished" na sinasabi niya? Did I do something wrong?
"Trisha! Baka marinig ka niya," pigil sa kanya ng kaibigan niya.
"I don't fucking care! Totoo naman ah. He's a murderer. He killed my brother!"
"Kill him, Alex! Kill him." Hindi ako makagalaw sa narinig ko.
"He's a murderer..."
Did I killed someone? Bakit di ko yan alam? Totoo ba? Mamamatay-tao ba ako?
"Hoy! G*go ka pala eh!" biglang bulyaw ni Maica na nagpatigil sa akin sa pag-iisip. "Kung wala kang magawa, 'wag kang mangbintang ng tao!"
"Sinong gago ang tinatawag mo? Me?! Excuse me, what I said is true. Yang kaibigan mo na yan ang pumatay kay Xander!" galit din na sigaw na sa tingin ko ay Trisha ang pangalan.
Sino si Xander? How could I kill him if I didn't even know him?
"You mean the bully? Kaya pala eh. Karma pala sa kanya 'yon!"
"Miss Cristavilla?!" Agad kaming napatingin sa pinangyarihan ng boses, lalo na si Maica. Nakita namin ang School Dean na nakatingin sa amin, and by the looks of her face, mukhang galit na galit siya. "In my office, now!" Napatingin ako kay Maica na nakayuko na.
Wait... ba't si Maica lang ang tinawag?
"Good luck...bitch!" nakangiting bilin ni Trisha at saka muling hinarap ang mga kaibigan niya.
"Let's go, Alex," paanyaya ni Maica. Malungkot kong sinunod si Maica habang iniiwasan ang mga titig ng mg estudyante. All of their glares shot dagger at us na kulang nalang ay mabutas kami.
Nakahinga ako nang maluwag nang makalabas kami sa canteen, pero hindi pa rin nawala sa akin ang pag-aalala para kay Maica.
"Mauna ka na sa room, Alex. Mukhang matatagalan ata ako."
"No, I'm coming with you. In fact, ako naman talaga ang puno't dulo ng lahat ng 'to."
"Huwag na nga. Hindi naman ikaw ang tinawag."
"Bestfriend code: We're all in this together," bitaw ko na siyang nagpangiti sa kanya.
"Sabi ko nga ba. Sige na. Tutal, hindi naman ako makakatanggi sa bestfriend code."
***
"Whaaatt?! Bakit siya lang ang suspended?! You should also suspend that Trisha girl na nagpasimuno nito!" galit kong reklamo habang nakatayo sa harap ng Dean. I knew na maaari rin akong ma-suspend sa ginagawa ko, but I didn't fucking care. Mas mabuti na nga 'yon para masamahan ko ang bestfriend ko.
"My eyes never lies, Alex, neitherr my ears," mahinahong tugon ng Dean.
"So 'yon lang? Dahil si Maica lang ang narinig at nakita mo siya agad ang kakasuhan mo?!"
"Alex, tama na," mahinahong awat sakin ni Maica.
"No, Maica. This is a total discrimination!"
"Watch your mouth, Mr. Alex Rischon. If you keep this attitude infront of me, I have no choice but to suspend you," pagbabanta ng Dean.
"So be it, because I can't stand this school anymore! Tara na, Maica."
Agad na tumayo si Maica at saka lumapit sa akin. Mabilis naming tinungo ang pinto ng office at saka binuksan ito. Naunang lumabas si Maica at sumunod ako. Pero bago paman ako makalabas, muli kong tiningnan ang dean na nakatingin din sakin. "I looked up to you as my role model. Pero hindi ko aakalain na magpapadala ka sa pera. I know that Trisha's father is supporting this school with his wealth, kaya hindi mo basta-basta napapatawag sa office si Trisha, because it might affect the support." I was expecting a response from her, pero hindi ko siya narinig na magsalita. Kaya lumabas nalang ako para makalayo na sa nakakasukang lugar na ito.
I saw Maica waiting for me at the staircase, kaya agad ko siyang pinuntahan. Despite of being suspended, nagawa niya pading ngumiti. "I never expected na sasagot ka. Ikaw pa naman 'yong pinakamahiyain sa klase natin."
"I stay silent in class, but when it comes to rights and justice, I will never hesitate to use my voice to fight for it."
"Sabihin mo nga sa akin, Alex. Activist ka ba?"
Di ko napigilan ang sarili ko na ngumiti dahil sa joke niya. "Baliw! Tara na nga! Gutom na ako. Hindi pa naman tayo nakakain kanina dahil sa buwisit na Trisha na 'yon."
"Bullies will always be a bully, unless a force is acted on it."
"Newton's Law of motion? Nakikinig ka din pala?"
"Dzuh~. Don't underestimate me, Alex. I am more than you think I am," mayabang niyang sabi.
"Talaga ah!"
***
We're on our way sa mga bahay namin. Kakauwi lang namin galing gala. Since we're suspended, we decided to enjoy it instead of being covered by negativity. We went to cinema, we went shopping, also we did a food trip. We were so happy. Para kaming mga ibon na nakawala sa isang nakakasukang hawla.
"This may be the happiest day of my life! Akalain mo, we did all our weekly goal in just half a day!" masayang sabi ni Maica. Napangiti nalang ako sa naging pahayag niya at saka nagpatuloy sa paglalakad. It's almost 9:45 in the evening, and luckily walang curfew sa boarding house namin. Hindi rin strict 'yong parents ni Maica kaya oks na oks kami ngayon. Nothing to worry about.
"By the way Maica, anong plano mo this week?" tanong ko.
"Oo nga noh? Since we already did our weekly goals, wala na tayong pwedeng ibang gawin?" Natahimik kami ng ilang segundo kakaisip sa pwedeng gawin bukas at sa mga susunod pang mga araw. "Alam mo! 'Wag muna natin 'yang problemahin. Malalaman na natin 'yan bukas."
"Sabagay, mas exciting 'pag 'di pinagplanuhan."
"Correct ka dyan!" masigla niyang sang-ayon.
Sa abala naming pag-uusap ay hindi ko namalayan na nasa mismong tapat na pala ako ng boarding house ko. "Nandito na pala ako."
"Sige na pasok na."
"Ingat ka pauwi," bilin ko sa kanya na tinanguan.
"Opo, tay!"
We waved each other goodbye at saka siya nagpatuloy sa paglalakad. Hindi muna ako pumasok at tiningnan muna siyang mawala sa paningin ko. Medyo malayo pa kasi 'yong bahay niya sa boarding house ko. Mga kalahating kilometro pa ata ang lalakarin niya.
Nang hindi ko na siya makita, ay agad na akong pumasok, dahil hindi na kaya ng katawan ko ang lamig. Kahit gusto ko pang titigan ang mabituing langit ay hindi ko nagawa dahil sa lamig.
Nasa hallway na ako papuntang kwarto. As usual, mabaho pa rin 'yong hallway sa hindi malaman na dahilan. Hindi ko maipaliwanag ang amoy niya, pero nasanay na ako kaya pinabayaan ko nalang. Aside sa amoy ay napaka-ingay din dito. Mostly kasi sa nagboboard dito ay maglive-in, kaya todo ang away. Mabuti nalang talaga at sa dulo ang kwarto ko, kaya hindi masyadong maingay. Nagpapasalamat din ako dahil ang katabi kong kwarto ay walang ta-
Wait...bakit parang may tao?
Alam kong may tao dahil bukas ang ilaw sa loob at saka wala na ang kandado. Bukas din 'yong TV at parang may umaagos na tubig. Ilang segundo din akong napahinto sa harap ng pinto na inakala kong bakante pa. Dali-dali akong umalis nang mapansin ko ang anino niya sa ilalim ng pintuan. Nang marating ko ang pinto ng kwarto ko ay agad ko na itong binuksan at saka pumasok.
As expected, wala pa ring pinagbago yung kwarto ko. Makalat pa rin pero hindi naman ganoon kakalat. Mga damit ko lang na nagkalat sa higaan, 'yon lang.
Napatingin ako sa relo ko and I saw the time strikes on 10:01 which was behind na ako sa sleeping hour ko. Agad kong inilagay ang bag ko sa usual spot niya at saka tinungo ang kama na may mga nakakalat pa na mga damit. Tinupi ko ang mga ito at saka ibinalik sa closet since hindi ko naman sila ginamit.
Pagkatapos ay nanghilamos na ako at saka naghanda na para matulog. At hindi nga nagtagal ay nakahiga na nga ako sa malambot kong kama. Kinuha ko muna ang cellphone ko para I-check ang mga unread messages ng kung sino. Minabuti ko na ding i-text si Maica kung nakauwi na ba siya. Pagkatapos kong I-send ay tinurned off ko na ito at saka pumikit na.
***
"Alex!" tawag sa akin ng babaeng may ngiti sa mukha. She was wearing the uniform she wore earlier. But something was wrong. Maica's crying. Marumi din 'yong uniform na suot niya.
"Ano bang nangyari sayo?"
"18..."
"Huh? 18? Ano yan?"
"9..."
"Para kang tanga Maica! Ba't ka ba umiiyak?"
"3..."
"Parang baliw."
"11."
Hindi ko na napigilan na maguluhan sa pinagsasabi niya. I'm trying to ask her but she kept answering me numbers.
What the fuck is that numbers?
Napansin ko unti-unti na siyang nawawala. But someone is appearing in her place. A smaller, young little-
Wait...he seems familiar.
"Hi, Alex." bati niya while wearing his devil smile. After that, a black something coming out from his feet and gradually occupying the place. Everything turned into black and no light could be seen. I'm starting to get anxious of what might happen. My danger sense was alarmed, telling me that something wrong will happen.

Book Comment (13)

  • avatar
    Michael Gebrelle

    500

    23/07

      0
  • avatar
    Daniel Bongabong

    Ganda niya

    08/07

      0
  • avatar
    DougmiYahya

    mon noyau

    06/07

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters