logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

Psychica Animo

Psychica Animo

Jan Mangahas


Chapter 1 IDENTITY: ONE

***
Alex
 
Life was too cruel. Bakit pa ba ako nabuhay kung gaganituhin lang din naman ako? All I did was to live my life to the best of my abilities, pero parang ayaw ng buhay sa akin.
Nasa likurang bahagi ako ngayon ng eskwelahan kung saan walang masyadong dumadaan. Sa maikling salita, tago at walang katao-tao. Isang magandang puwesto para gumawa ng katarantudahan, o ang mas malala, krimen. Nakaluhod ako sa lupa, kaharap ang tatlong naglalakihang mga tao. Kasin-edad ko lang naman sila, at kasin-tangkad, pero nagmistula silang higante sa mga mata ko. I just stared at my knees na nadudumihan na dahil sa putik. I could hear their laughs as they bathed me with their stinky urine, directly on my head.
Rinig na rinig ko ang tunog na nililikha ng mabahong ihi nila sa ulo ko. I had no choice but to stay still and let them do what they wanted to do to me. Wala rin naman kasing mababago kung lalaban ako. Ako lang din ang mapapahamak at matatalo. Minsan na akong nagsumbong pero ako pa ‘yong naging mali.
Tsk! Bakit ba kasi ganito? Sabi nila nananalo raw ang mga mabuti pero parang baliktad yata. Kung sino pa ‘yong walang kapangyarihan sila pa ‘yong nasasaktan.
"Are you crying, Alex?" pang-iinsulto ng leader nila, kasunod ang isang insultong halakhak. These three were the bullies of this school and the so-called popular. Anak sila ng isa sa mga pinakamayamang tao sa lugar namin. Varsity players din sila, kaya ganoon na lamang ‘yong ka-superior nila sa mga ibang estudyante na mas mababa sa kanila, na katulad ko.
Pero mas naiiba ako sa kanila. Not because I'm special but because I'm the sole bullied among them. Sa libo-libong estudyante sa eskwelahang ito, ako lang ‘yong nakita nila at napagtripan. That's why I hated life.
"Hey, Alex!" tawag nito sakin. Nakayuko lang ako at wala akong balak na tingnan ‘yong pagmumukha niya kasi 'pag nagkataon ay baka 'di ko mapigilan ang sarili ko at masuntok siya. "Look at me, Alex," utos niya sa mahinang tono, pero hindi pa rin ako tumingin sa kaniya.
But I made the wrong choice. Isang malakas na sipa sa tagiliran ang nagpagulat sakin. A stinging pain spread throughout my body as I felt myself falling onto the ground. Napahiga ako sa maputik na lupa habang nakatitig sa mga maputik nilang mga paa. "Nagiging matigas na ulo mo ha."
"Stop—" pagmamakaawa ko na siyang ikinagulat ko. Hindi ko alam kung bakit at paano ko ‘yon nasabi. Alam kong nagulat sila sa pagsagot ko pero mas nagulat ako.
"Sumasagot ka na pala?" galit na tanong n’ong nasa kanan. I could hear the slight laugh of their leader na mas ikinatakot ko.
"I'd told you, Alex, na hindi ka dapat sumasagot sa amin," paalala ng pinuno nila, at hindi na ako nagdalawang-isip pang tumango, kahit nakahiga sa maputik na lupa.
"Gusto niya atang mabugbog, ulit." Agad akong kinilabutan sa naging pahayag n’ong nasa kaliwa, dahilan para bigla kong maalala ang ginawa nila sa akin noong isang linggo.
***
Daan-daang sipa ang tinanggap ko mula sa kanila. Nakahiga lang ako habang nakapikit at namimilipit sa sakit na binibigay nila sa akin. "Sumasagot pa kasi, eh, hayan tuloy."
Napahalakhak sa tuwa at saya ang pinuno ng tatlo, habang walang tigil sa kakasipa sa katawan ko. "You did the wrong move, Alex."
"This is so satisfying. Dapat araw-arawin natin ‘to!" sabik na mungkahi naman ng isa.
Isang linggo akong 'di makapasok nun dahil sa sakit ng katawan ko. Marami din akong pasa nun kaya todo palusot ako kay Mama at Papa.
***
"You have to face your punishment, Alex. Rules are rules." Nanigas ang buong katawan ko nang sambitin niya ang mga salitang ‘yon.
"...face your punishment, Alex..."
Sa hindi malama na dahilan, ay bigla na lang dumilim ang paningin ko. Agad na nawala ang paa ng tatlo at napalitan ng kadiliman. I tried to seek for a light pero ni isang katiting na liwanag ay wala akong mahagilap. Sumunod naman ang pandinig ko na wala nang ibang naririnig kundi isang matinis na tunog. Parang akong nabingi mula sa isang pagsabog.
Bakit ngayon pa ‘to nangyari?
I closed my eyes at inisip na isa lang itong panaginip. Mas dumilim ang paningin ko dahil sa pagpikit ko.
"Alex." Napadilat na lang ako bigla nang tawagin ako ng isang bata. I traveled my gaze throughout the place pero wala akong nakita ni isa. Parehong itim na paligid pa rin ang bumulaga sa akin.
"Alex," tawag ulit nito. Napalingon ako sa likuran ko sa pag-asang may makita ako pero wala. Just an empty space of vast darkness.
"Alex," tawag nito for the third time and I'm 100% sure na malapit siya. No echoes and his voice was vivid. Nilingon ko ang harapan ko and so I saw this young boy innocently smiling in front of me. At first nalito ako, but I was surprised when I figured out that the boy standing in front of me is...me. I remembered the shirt he's wearing dahil ito ‘yong pinakapaboritong T-shirt na binili sa akin ni Mama. Suot din niya ang pambaba at sapatos na bili ni Papa. As far as I could remember, ang saya-saya ko n’ong araw na ‘yon at sa tingin ko ‘yon ‘yong pinakamasayang araw sa buhay ko.
I couldn't help myself but to smile as I reminisced the moment I'd experienced before. A pair of tears joined my emotion, filling up the gap of my happiness I currently felt. Napayuko ako para itago ang mga luhang kumawala sa mga mata ko.
"Bakit 'di mo sila nilabanan?" tanong nito na siyang nagpasimangot sakin. Dahan-dahan ko siyang tiningnan at bigla na lang akong kinilabutan na makita ko ang mukha niya. The smile he wore earlier was now replaced by a serious look. He looked at me na parang may ginawa akong mali. His stares shot dagger na parang ayaw mong salubungin.
"What-what do you mean?" takang tanong ko.
"Tsk!" he hissed as he evaded his eyes away from mine. A grin escaped from his lips na siyang ikinairita ko. "You know what I mean, Alex." A faded image of me and the three bullies popped and played above the kid's head. It was the first time na binully nila ako. ‘Yong time na isang linggo akong hindi nakapasok at nagsinungaling sa mga magulang ko. "Naaalala mo ba yan, Alex?"
Muli akong napatingin sa kaniya. Napansin kong nakatingin din siya sa imahe na nasa ibabaw niya. He's slightly smiling but in a mocking kind of way. "I really thought na lalaban ka,” akala niya.
"Wala akong laban sa kanila,” depensa ko.
"Wala?” galit na tanong niya habang tinitingnan ako nang masama. “You could've just told your parents about it!" protesta niya.
"I don't want them to be involved in my fight. Baka sila pa ang mapahamak!" inis na paliwanag ko.
Napansin ko ang muli niyang pagngiti. "You're just a coward, Alex," he said. "I never thought that I would grow weak and cowa—”
"I don't have a choice, okay!" protesta ko. Pino-provoke niya talaga ako, and guess what? He did.
"You have a choice, Alex!" koreksiyon niya at bigla na lang siyang nawala sa harap ko. "You could've kill them that time," dagdag niya pero hindi ko pa rin siya nakikita. All that was remained about him was his voice na umalingangaw sa kadiliman na kinaroroonan ko ngayon.
Ano bang pinagsasabi niya? Is he insane? Kill them? I would rather be bullied than to be a murderer. Killing is not the only way to end this.
"Soon, Alex, they will know. And after that, your life will start to shatter." Ano bang pinagsasabi niya? "By the way, it's nice meeting my weak and cowardly self. I never thought I would be this disappointed. Bye, Alex, see you soon," paalam niya kasunod ang isang malakas na halaklak. Kasabay n’on ang pagkahulog ko sa kawalan. It seemed that I was falling into a bottomless pit. The scene returned from a dimly lit to vast darkness.
Wala akong pakialam sa babagsakan ko dahil tanging nasa isip ko ngayon ay ‘yong sinabi ng batang ‘yon sa akin.
"Weak and coward," pag-uulit ko. "Tsk! Sino ba siya para husgahan ako. He's just the old me."
***
What's that sound like? Parang tunog ng electrocardiogram. Wait! Tama ba ang hinala ko? Am I-
Dahan-dahan kong binuksan ang mga mata ko at sumalubong sa akin ang liwanag na nagmumula sa isang lamp shade sa kanan ko. The room was dimly lit pero kitang-kita ko pa rin ang kabuuan nito. Base on it's structure, I could say na nasa hospital ako, particularly in a suite room.
Pero bakit ako nandito? This is too much for my family to pay!
A click of the doorknob caught my attention kaya napatingin ako sa may pintuan. A slender woman of her 40s came in, followed by a muscular man. They both wore this worried look on their faces as they moved their way towards my position. They're my parents.
Agad nanlaki ang mata nila parehas, nang makita ako. Napatakbo silang dalawang sa akin na tila mga nangungulilang mga magulang. Nakaguhit sa mukha ni Mama ang isang malapad na ngiti, pero nangibabaw pa rin ang pag-aalala sa mga mata niya. Same for Papa, pero 'di siya nakangiti. He's just giving me his stoic face na tila ayaw ipakita sa akin na nasasaktan siya.
"Gising ka na pala. Alam mo bang ilang taon kaming naghintay na gumising ka?" panimula ni Mama.
Wait! Did I hear it right? Years? Imposible!
"Kakagising nga lang ng bata, pinapalito mo na," tugon ni Papa. Nagsalubong ang mga kilay ko dala ng taka sa mga pinagsasabi nila. Sa bilis ng impormasyon ay hindi ko kaagad naproseso 'yong mga sinabi nila. I'd tried to open my mouth pero masyado pang pagod ang katawan ko.
"Sorry naman, na-excite lang ako," naiiyak na depensa ni Mama, habang pinipilit ang isang tawa.
"Tingnan mo ang mukha niya, nalilito na siya," turo ni Papa sa akin.
Napangiti lang si Mama at saka hinimas ang ulo ko. "You're in a coma for 10 years. Naging critical ang kalagayan mo pagkatapos kang bugbugin ng mga bullies."
10 years? Imposible! Parang ilang minuto lang ang nakaraan simula nung magdilim ang paningin ko! Imposibleng aabot ng 10 years 'yon! At saka, paano nalaman nila Mama na binugbug ako?
"You don't have to worry about it, dear. Ikukuwento namin sa iyo ang lahat, once na fully recovered ka na. Kaya for now, just rest." Wala akong magawa kundi ang tumango. Hinalikan ni Mama ang noo ko saka sila umalis ni papa papuntang kusina ng kwarto. The suite had its own kitchen kaya sigurado akong mamahalin 'tong kwarto na 'to.
I just stared at the ceiling, processing the information na ibinigay sa akin ni Mama. I just couldn't believe that I was in a coma for 10 years.
Wait. That just mean that I'm 22 years old? Pero may isang tanong lang ako na hindi ko masagot-sagot. Paano nalaman nila Mama na binugbog ako nung time na yun. May nakakita ba? Kung meron, then who?
"Soon Alex, they will know. And after that, your life will start to shatter," pag-alala ko sa sinabi ng batang ako. Minsan nang sumagi sa isip ko na ang tinutukoy ng batang n'on ay ang mga magulang ko kung saan nangyari nga. Nalaman nga nila. Pero kinilabutan ako sa kasunod niyang pangungusap. Iisa lang ang naisip ko, 'yon ay ang pagkasira ng pamilya ko o pagkasira ng buhay ko.
A knock on the door gave us notice, kaya napatingin kaming lahat dito. Napahinto si Mama sa pagluluto habang si Papa ay napatayo mula sa sofa para buksan ang pintuan. Nang hawakan ni Papa ang knob ay bigla nalang itong tumilapon papasok sa kwarto kasabay ang katawan niya, na tila may malakas na puwersa na tumulak dito. Nagulat ako at gusto ko siyang tulungan pero hindi pa kaya ng katawan ko. Buti nalang tinulungan ni Mama si Papa.
Tatlong armadong lalaki na nakasuot ng black tuxedo at black na salamin ang pumasok at lumapit kina Mama. Sumunod sa kanila ang isang lalaki na naka-tuxedo din pero puti 'yong kulay nito. He's holding a cigar on his right while a staff on his left. Papunta siya sa akin at pagbabasehan ang kilos niya, malalaman mong galing siya sa isang impluwensiyado at mayamang pamilya.
"Hello, Alex," bati niya. "Nang malaman kong gumising ka na ay agad kitang pinuntahan dito." Kilala ko ang lalaking 'to. If I'm not mistaken, siya ang ama ng leader ng mga bullies na nang-bully sa akin. Si Richard Osaka. Pero bakit siya nandito? "How can you still be alive after you killed my son."
Ano daw? I killed his son? That's absurd. How can I kill his son, when I'm in a coma for 10 years?
"I don't know how did you do it, but I'll make sure you'll receive your consequence. Life for a life." Biglang nanigas ang buo kong katawan. I couldn't move, kahit mga daliri ko. Why does everytime na nalalagay ako sa ganitong sitwasyon, naninigas ako?
"Please huwag! Wala siyang kasalanan," iyak na pagmamakaawa ni Mama.
"Make her shut," agarang utos ni Richard. Isang malakas na sampal ang pinakawalan ng lalaki na siyang tinanggap ni Mama. Nagulat ako at mas napuno ang sarili ko ng galit. Galit na parang gusto ko silang patayin.
"Kill them, Alex."
"Don't hurt her!" malakas at galit kong sabi. Napatingin ako kay Mama na wala nang malay, habang hawak-hawak ni Papa. Umaapaw na sa galit ang buong katawan ko na parang gusto na itong kumawala at sumabog. Napatitig ako sa lalaki habang siya ay nakatingin na walang emosiyon sa akin.
"I can feel your hatred, dear. Don't worry, because with this..." The man grabbed a metal rectangular box from his pocket. He opened it and a syringe filled with a white unknown substance was laying inside of it. Tinanggal niya ito mula sa lalagyan nito at saka mas lumapit sakin. "...you'll forget everything and everyone."
Mas kinabahan ako sa susunod na mangyayari. Nanlaki ang mga mata ko, habang siya ay papalapit na naglakad sa akin. The anger I felt earlier was now replaced by fear. So much fear. Kung ano man 'yang hawak niya ay sigurado akong hindi ito makakabuti sa akin.
"Huwag kang mag-alala, this won't kill you," pagkokomporta niya.
Napaiyak ako, habang panay ang pag-iling. "No, please." Itinapat ng lalaki ang syringe sa dextrose na nakasabit sa ibabaw ko at saka tinusukan ito. He pressed the syringe, releasing the substance into the dextrose pack. The substance diffused and mixed with the dextrose na siyang mas nagpatakot sa akin.
"Disposed the two at pagkatapos niyo dyan sa dalawa, isunod niyo ito. Make it clean and non-suspicious. Ako na ang bahala sa CCTV."
Di... di... disposed of the two? Di naman nila papatayin sila Mama-
Isang putok ng baril ang umalingawngaw sa buong kwarto. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko si Papa na nakatingin sa akin habang may butas ang gilid ng noo nito. Biglang bumagal ang paligid ko na parang nakaslow motion ito. Dahan-dahang bumagsak si Papa hanggang sa mapahiga siya sa gilid ni Mama. Blood started to drip out from his wound at saka kumalat sa sahig.
I unclasped my fist when I felt the strength inside of me was sucked out by something. I didn't know if this was just a normal reaction or an effect of the substance the man injected in my dextrose earlier. Ramdam ko rin ang pagtulo ng mga luha mula sa mga mata ko.
I just stared at my father who was now lying lifelessly on the carpet. Pero nakakuha ng atensiyon ko ang baril na nakatutok sa walang malay na si Mama.
"Save them, Alex." Biglang bumalik sa akin ang galit na naramdaman ko kanina. I could feel my anger resonating with everything around me. I could feel the energy of everything in this room. The vibration. The connection. The power. "That's right, Alex."
Wala akong pake kung gumagalaw na ang mga gamit dito basta ang alam ko ay kailangan kong iligtas si Mama. Kahit si Mama lang.
A feeling of drowsiness engulfed my body. Parang gusto kong matulog pero hindi pwede, I needed to save Mom. I tried myself not to fall asleep pero sadyang malakas ang epekto ng gamot. Pampatulog ata ang itinurok ng lalaking 'yon.
Shit! My eyes are getting heavy!
Bigla ko nalang naramdaman na parang gusto kong matulog. May body started to relax na parang kinokomporta ako ni Mama. I missed this feeling. 'Yong tipong wala kang poproblemahin. I found myself drifting towards the vast darkness and nothingness, and then, I heard a loud gunshot out of nowhere.
Ano 'yon? May binaril ba? Sino 'yong binaril? Sino...? Sino...? Sino...ako?

Book Comment (13)

  • avatar
    Michael Gebrelle

    500

    23/07

      0
  • avatar
    Daniel Bongabong

    Ganda niya

    08/07

      0
  • avatar
    DougmiYahya

    mon noyau

    06/07

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters