logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

CHAPTER 2: Like mother, like daughter

AUTHOR P.O.V.
Sumisinghot singhot ngayon si mira sa loob ng kweba habang nakatutok ang mga mata sa pinapanood niya dahil namatay ang bida. Madilim na at hindi niya man lang namalayang gabi na. Mabuti nalang at maraming alitaptap na nagsisilbing ilaw dito kaya imbis na matakot ay mas gusto niya tuloy doon na sana matulog.
Sa kakasinghot niya ay aksidenteng napatingin siya sa orasan ng kaniyang cellphone kaya agad na nanlaki ang mga mata niya. Ginabi na siya at alam niya sa sarili niya na may nga bala nanamang raratrat sa kaniya pagdating sa bahay.
"Puniyeta! Traffic pa naman. Shemay."
Inis na sambit niya sa kaniyang sarili at nagkukumahog na tumayo at ibinulsa ang cellphone. Kinuha niya ang kaniyang bag at dali daling umakyat palabas ng kweba. Halos madapa pa siya sa sobrang pagmamadali. Sa kakamadali niya nga ay di niya namalayang nahulog niya ang kaniyang panyo.
Dahil gabi na nga at wala ng sasakyan, napilitan siyang tawagan ang kaniyang feeling close na kaibigan na si Irene. Kahit ayaw niya ay napilitan tuloy siyang lunukin ang kaniyang pride. Kung tatanungin ninyo kung paano niya nakuha ang number ng feeling close niyang friend, si Irene mismo ang nagsave nito sa cellphone ni Mira. Kaya ipinagpapasalamat ito ngayon ng dalaga lalo na't may pakinabang naman pala si Irene sa kaniya.
"Ohh Mira. Napatawag ka?"
"Diba may sasakyan ka?"
"Oo bakit?"
*************
Tahimik ngayon na binabaybay nila Irene at Mira ang daan. Ang awkward sa loob ng kotse dahil walang nagsasalita.
"Bakit ba kase ginabi ka? Ang aga aga natin pinalabas kanina ahh tapos ganiyan pa din suot mo ngayon."
Pagtikhim na tanong ni Irene. Si Mira naman ay nanatili ang tingin sa labas habang nakatukod ang siko sa tuhod at ang baba naman niya ay nakatukod sa kaniyang kamay na nakatukod sa tuhod niya.
"Ano naman sayo?"
Boring na sagot nito na mababakas pa din ang kasungitan. Hindi na talaga nawala sa kaniya ang kasungita saan man siya mapunta. Napataas naman ng isang kilay si Irene. Talagang susungitan pa siya ni Mira sa sitwasyon niya ngayon?
"Hoy Mira! Nagtatanong lang ako ahh. Nasa kotse kita baka nakakalimutan mo."
Tumaas din ang isang kilay ng dalaga at tumingin kay Irene.
"Utang na loob ko na pala toh sayo ngayon."
Sarcastic na tanong nito kaya proud din na sumagot si Irene.
"Oo!"
"Sana kase tumanggi ka kanina diba kung hindi rin naman pala bukal sa loob mong tumulong."
Sabay irap at sandal ng ulo sa bintana at tumingin sa labas.
"Ayos ahh! Sinasabi mo bang kasalanan kopa ngayon na tinulungan kita dahil walang masakyan?"
"Aba malamang!"
Dahil sa sinabi ni Mira ay walang masabi si Irene.
"Kay gandang babae may kakapalan ang mukha."
Bulong ni Irene pero di inaasahang maririnig ito ni Mira.
"Sabi mo? May sinasabi ka?"
"Wala."
"Hindi. May narinig ako. May sinabi ka eh. Ano nga ulit yun?"
"Alam mo Mira nagdadrive ako diba? Pwede bang manahimik ka muna d'yan? Baka gusto mong pareho tayong mamatay dito?"
Pag iiba nito ng usapan kaya natahimik na si Mira.
'Pasalamat ka...’ Sa isip isip ni Mira.
**********
Nakarating naman ng maayos sila Mira sa bahay niya ngunit bago pa man lumabas si Mira ay kumuha ito ng 500 sa kaniyang bag atsaka inihagis sa mukha ni Irene. Napatanga naman si Irene sa ginawa niya.
"Ano toh?"
Tanong ni Irene kay Mira na dire diretsong lumabas sa kotse niya.
"Pera."
Simpleng sagot nito.
"Mira nagtatanong ako ng maayos!"
"Sumasagot din ako ng maayos!"
Dahil sa inis ni Irene ay bumaba ito dala ang 500 atsaka nagmamadaling hinabol si Mira at hinawakan ang braso nito para pigilan.
"Hindi ako tumatanggap ng bayad Mira."
Sincere na sabi nito atsaka pinilit ilagay sa kamay ni Mira ang 500 na ayaw rin namang tanggapin ni Mira.
"Ayoko magkaroon ng utang ng loob kaya sayo na yan.”
Walang reaksyong tugon nito atsaka ibinalik sa kamay ni Irene ang 500.
"Mira, walang bayad yu—"
"Since mapilit ka sige akin na yan. Para matahimik ka."
Sambit ni mira at muling kinuha ang 500 sa kamay ni Irene.
"Ngayon makakaalis kana. Shooo!"
Dagdag pa nito na parang nagbubugaw lang ng aso sabay sarado ng gate at dire diretsong pumasok sa bahay nila.
Napa ‘Ha!’ Nalang si Irene na di alam kung matatawa o maiinsulto sa kasungitan ni Mira. Ni hindi siya makapaniwala sa dalaga.
*************
Dahan dahang umakyat ng hagdan si Mira upang hindi makatunog ang kaniyang ina na nakatulog na sa sofa kakaantay siguro sa kaniya.
Pahakbang palang si Mira ng huling palapag ng hagdan para makaakyat ay nagpantig na ang kaniyang tenga.
"BAKIT KA GINABE??!!"
Sigaw ng kaniyang ina kaya nag isip agad si mira para di na siya mapagalitan pa. Umakto itong nananakit na ang kamay.
"Ahhh. Ma aray! Ang sakit ng kamay ko, ma. Pagod na pagod ako grabe.”
Pag iinarte nito at unti unti ng bumubwelo paakyat ng hagdan. Ang mama niya naman na tigre ay nakatunog sa balak niyang gawin.
"Subukan mong tumakbo at susunugin kita ng buhay sa kwarto mo."
"Hindi naman ako tatakbo, ma eto nga ohh, baba na nga ko jan."
Wika nito at bumaba na nga papuntang sofa.
Sumunod naman ang kaniyang ina na nakapamewang. Ibinagsak ni Mira ang kaniyang pwet sa sofa dahil pagod daw KUNO siya.
Hinihilot hilot pa nito ang kaniyang kamay na para bang sobrang sakit at ngumingiwi ngiwi pa para mapaniwala ang kaniyang ina.
"Bakit ka ginabi?"
"Kase ma, may function. Malakas yung function namin."
Naningkit agad ang mata ng nanay niya.
"Function?"
"Oo, ma. Function."
Akala ni Mira ay maayos na ang lahat ngunit napatalon siya ng biglang sumigaw ulit ang kaniyang ina.
"SINONG NILOLOKO MO MIRASOL!! SA RESTAURANT KABA NAGTATRABAHO PARA SABIHIN MONG MAY FUNCTION HA!! DIMSUM MAKER KABA!!"
Sigaw nito. Para lang matahimik ang mama niya ay kunyare nahimatay siya ngunit sinakto niyang sa sofa siya babagsak.
"Ano nanamang paandar yan Mirasol ha?"
Masungit na tanong nito sa kaniya ngunit humilik lang siya ng pagkalakas lakas kahit di naman talaga siya tulog.
Napailing iling naman si Myrabelle(Belle for short) dahil gagawin talaga lahat ng anak niya wag niya lang pagalitan. Lumapit ito kay Mira atsaka kiniliti sa tagiliran ang anak niya na agad namang napadilat
"Ano ba yan ma. Pagod ako eh."
"Magpahinga kana sa taas! Jan ba kwarto mo?"
"Eto na nga."
Walang kahirap hirap na binuhat ni Mira ang kaniyang bag na ikinapagtaka ng mama Belle niya.
"Mirasol!"
"Ohh?"
"Masakit kamay mo diba?"
Nanlaki ang mga mata ni Mira ng marealize ang ibig ipahiwatig ng kaniyang ina. Bago pa man makalapit si Belle ay kumalipas na ito ng takbo.
"Bukas nalang ako magpapaliwanag maaaa. Goodnight."
Sambit nito habang tumatakbo paakyat sa hagdan. Napatikom naman ang bibig ni Belle at napailing iling na lamang.
At ganiyan sila magbonding na mag ina. Parehong pareho sila ng ugali. Walang kaduda duda na sa kaniya nagmana ang dalaga. Like mother, like daughter ika nga.

Book Comment (41)

  • avatar
    NavarroJayvhimae

    Great story!!! Keep on writing!!!

    19/04/2022

      0
  • avatar
    Mark Jacob Norombaba

    this your hand and sword and hat is so kindness and sword 💕 you get this card for short hair to grow back after deleting the best I can do you think you will give me sowrd this is the first boss is the one I got from her in a while but it's not a car in the fairy lights on for short hair to get this your car is in blode to

    19d

      0
  • avatar
    DaddyHey

    ang ganda talaga

    12/08

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters