logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

CHAPTER 5

It has been 3 consecutive hours na walang ahunang naganap sa pagitan namin ng lalaki. Shockingly, it is very enjoyable. It may look dirty but it gives something to an organism which will make their adrenaline heightened.
Also kagulat-gulat din na ang mga hayop ay tahimik at mapayapang umiinom pa rin kahit na andito kami sa pinag-iinuman nila.
"You will also not be able to stop drinking when you try it. So don't. ", nakangiti ako ng humarap sa kaniya.
"Concerned ka na ngayon?", matamis ang ngiti ang binigay ko sa kaniya, tila nangangasar. Napahalakhak naman ako nang umirap ito.
Napatigil lamang ako nang makitang mayroong parang ulong unti-unting lumalabas mula sa tubig which made me panic. I panickly hold his hand underwater sanhi ng paglaki ng mga mata nito nang tumingin sa akin.
I cannot be abled to say something because nakatingin lamang ako sa mga ulong tila naghahanda sa pagsugod. Ang lalaki nama'y lumapit sa akin at hinawakan ang pisnge ko. Tila napansin ang pagkabalisa ko.
"Bakit namumutla ka, Pisnge? Ahon na tayo?", malambing na saad nito. Nang hindi ako sumagot, sinundan nito ang tinitingnan ko na mayroong kunot na noo.
Natigilan ito nang makita ang tinitignan ko, kalauna'y mabilis akong hinila at sinabihang lumangoy nang mabilis. Rinig ko ang takot sa boses nito na nagpakabog ng dibdib ko.
'Kung natatakot siya? Ibig sabihin nasa peligro kami.'
Sumunod agad ako sa lalaki. Nang nasa buhangin na kami, sinulyapan ko ang mga ulong nasa tubig. Ganun na lamang ang takot ko nang makitang hindi lang ang ulo ang nakikita ko kundi ang buong katawan ng mga unggoy! Papikit-pikit pa ang mga mata ko para lamang tingnan kung totoo ba ang nakikita ko. Turns out its really true! Ang ibang mga hayop ay nagsimula ring nagsitakbuhan. At hindi lamang 'yon, mabilis rin nagsisitalon ang mga unggoy papunta sa amin.
Humigpit ang hawak ko sa kamay ng lalaki. Dahilan ng pagtingin nito sa akin kahit na patuloy pa rin kaming tumatakbo. Dahil sa kaba, unti unti na akong napapatigil sa pagtakbo. Rinig na rinig ko rin ang mga kakaibang tunog na nililikha ng mga unggoy. Naramdaman naman ng lalaki ang paghinto ko ngunit kala ko ay tatakbo siya nang diretso. Ganun na lamang ang paglaki ng mga mata ko nang bigla nito akong buhatin at tumakbo nang mabilis. Kahit na gulat ay parang mayroong utak ang mga braso kong kumapit sa kaniya.
"Close your eyes.", bulong niya sa akin habang hinihingal na tumatakbo. Unconsciously, my eyes started to close. Humigpit rin ang mga braso kong nakakapit sa kaniya. I can feel his warm body and I can hear his fast heartbeats due to running. I feel so comfortable in his arms covering me. So warm...
Pagpikit ko palang ay may pumitik na agad sa noo ko. Puno ang pagtatakang nagmulat ako ng mga mata at tumingin sa paligid ko. Napako ang tingin ko sa nakangiting lalaking nasa harapan ko.
"Why are you smiling?", kunot ang noong tanong ko sa lalaki.
"You look cute when snoring.", humahagikhik nitong saad sa akin. Nakangiti itong pinipindot ang pisnge ko nang makitang bumusangot ang mukha ko. Maninigaw na sana ako nang mayroong maalala.
"Bakit ang bilis nating makabalik?", tanong ko. Namulsa naman ang lalaki bago sumagot sa tanong ko.
"Ang tulugin mo kasi habang ako pagod na pagod. Bakit ang bigat mo, Pisnge? Lahat ba ng taba mo nasa pisnge?", nagrereklamong saad nito. Ako nama'y hinampas siya sa balikat.
'Nangangasar na naman!'
After ng ilang oras na asaran, kapwa kami napatahimik nang matuon ang aming pansin sa kumikislap na buwan. Hindi ko man lang napansing gabi na. Ganun ba ako kaantok kanina?
"Ang ganda ng buwan 'no?", tanong ko sa lalaki habang ang tingin ay nasa buwan pa rin.
"Mas maganda ka diyan.", saad niya which is true.
'Damn'
Nakangiti akong tumingin sa kaniya. Nakatingala ito sa buwan habang nakasilip kami.
"Alam ko.", sagot kong mayroong pagyayabang.
He sweetly chuckle. Maybe he feel my eyes looking at him. He equate my smile afterwards. Which makes me more happy and peaceful.
Again, I look at the moon and I swear the moon smiles at me. I immediately look at him and ready to say it but then, he, as always.
"Ganiyan talaga siya, lagi nakangiti.", natatawang saad niya. Ako nama'y nahawa ng tawa niya. The house filled by our laughter and the night goes sweetly.
'This is my first best night in a forest..... with him....', I looked at him, smiling.
—————
Sinigawan ko agad ang lalaki nang binuhat ako nito patuwarik. Pinagpapalo ko ang mga pisnge ng puwetan nito at dahil doon ay agad ako nitong ibinaba. Masamang tingin ang agarang ibinigay nito sa akin na sinuklian ko lamang ng inosenteng ngiti.
Pinisil nito nang malakas ang pisnge ko nang makalapit sa akin. Napa-aray naman ako at sinampal ang kamay niyang nakapisil pa rin sa pisnge ko. Ang sakit,shuta.
Nang bitiwan nito ay mangiyak-ngiyak ang mata ko sa sakit at hapdi ng
pisnge. Galit ma'y hindi ko na lamang pinansin at nagtungo na agad sa banyo para tingnan ang pisnge. Narinig ko pa siyang tinawag ang pangalan ko sa malambing at parang nanunuyong boses pero hindi ko na lamang pinansin.
Nang makapasok sa banyo, ganoon na lamang ang gulat ko ng makitang namumula ang parteng ito. Kumuha ako ng ointment para kahit papaano'y maibsan ang sakit. Ngunit sa kalagitnaan ng paglalagay ko ay bigla na lamang tumulo ang luha ko dahil sa sakit ng pisnge ko. Agad ko naman itong pinunasan. Kaartehan lamang ito. Kurot lang iiyak na?
"Hindi ako mahina.", nakangusong bulong ko sa sarili.
Nang matapos lagyan ng ointment ang pisnge ko ay lumabas na rin ako. Nakita ko siyang nakaupo na sa harap ng lamesa at mayroon na ring nakahandang pagkain para sa akin. Nakita ko rin ang karne ng baboy ramong nahuli ko kanina. Pinrito nito ang iba kaya naman sobrang bango ng loob ng bahay. Sa pagmamasid ko ay nararamdaman ko ang titig niya sa akin. Huminga ako nang malalim bago pumunta sa upuan ko.
Bago ako umupo, mayroon na agad akong naramdamang parang mayroong gumagalaw sa ilalim ng lupa. Ang lakas ng paggalaw. Napatigil lang ako sa pag-iisip nang hilahin ako ng lalaki pailalim sa lamesa. Hinawakan din nito ang kamay ko at nilagay sa ulo ko para sa proteksiyon. Habang ginagawa niya ito, ay nakatingin lamang ako sa kaniya.
"Lumilindol kaya tabunan mo ang ulo mo.", saad nito sa akin.
Tumango na lamang ako sa sinabi nito. Makalipas ang ilang minutong nasa ilalim ng lamesa at nakikiramdam sa mga nagaganap, huminto na rin ang paglindol. Agad akong umalis sa ilalim ng lamesa at tumingin sa loob ng kabahayan. Magulong-magulo at sobrang kalat. Dalawang salita pero sapat na para ilarawan ang nakikita ko ngayon. Maging ang utensils and kitchenware ay inorganize sa pangyayari.
"Pack all our things. We're leaving.", utos niyang may pagmamadali. Ako nama'y napakunot ang noo at hindi pa rin makapagsalita. Napatigil naman ito nang makitang hindi pa rin nagpoproseso sa isip ko ang nangyari. Lumindol?
"Ako na bahala sa mga pagkain at inumin natin. Don't worry, okay?", hinawakan nito ang pisnge ko. I winced at the contact. Mahapdi pa rin.
Napatigil naman siya ng makitang nasaktan ako sa hawak niya. I immediately looked away from him and think of something to avoid him.
"I-I will pack our things now.", balisa kong saad bago nagmamadaling tumungo sa lagayan namin ng mga damit at gamit.
While I'm packing our things, I glance at him. I saw how serious he is when readying our foods and needs. My heart nearly popped out from its place when his eyes met mine. He stared at me, wanting to say something. I blushed when his eyes look at my lips and gulp.
'Natatakam ka ngayon?', umirap ako dito bago mag-iwas ng tingin.
Nag-ayos lang ako nang kaunti pagkatapos maghanda ng mga gamit. Kinuha ko ang bag at inilagay sa likod ko. Buti na lamang kakaunti lang ang mga gamit namin kaya hindi masyadong hassle. Tatawagin ko pa sana ang lalaki para tanungin kung tapos na ito nang makitang nasa likuran ko na ito at mayroon ng dalawang bag na dala-dala.
"Halika na, nakuha ko na lahat ng mga importanteng gamit natin.", saad niya. Tumango na lamang ako kahit napansin ko ang tingin niya sa akin sa likuran.
Naglakad kami nang mahigit isang oras bago makaramdam ng paggalaw ulit na nanggagaling sa lupa. Napamura ang lalaki sa nangyaring iyon. He cover up my head using his other hand while we continue our walk.
After some time, nawala rin ang paggalaw. Nagpatuloy kami sa paglalakad nang makaramdam ulit ng paggalaw. Nakaramdam kami ng mahigit 5 beses na paglindol habang naglalakad. Sabi niya, mayroon daw kweba dito na maaari naming tirahan for a meantime. Okay sana sa akin pero paano kung may paniki? Papaano kapag 'yung mga paniki nangangagat?
I shivered at that thought which makes him look at me, checking if I'm alright. Tumango na lamang ako para masagot na ang tanong na nakikita ko sa kaniyang mga mata. After a lot of little earthquakes we experienced, we stayed on a tree. Sobrang nakakapagod!
"I'm sorry.", mahinahon niyang saad habang nakaupo kami sa mga ugat ng malaking punong Akasya. Agad ko naman itong naintindihan. Hinawakan ko ang pisnge ko at naramdamang hindi na iyon sensitibo at masakit. Tumango ako sa kaniya at ngumiti kahit hindi ako nakatingin. Ang mga mata ko ay nakapokus lamang sa kuko kong napakatagal ng nakaranas ng nail polished.
Napatigil lang ako sa pag-iisip nang hawakan nito ang pisnge ko at maamong tumingin sa akin. "Are you okay?", tanong niyang agad nagpaluha sa akin. Agad niya itong pinunasan.
"Its been so long since someone ask me that question.", mahina kong saad.
"Thank you.....so much...", bulong kong saad sa kaniya ng mayroong ngiti sa labi habang pareho kaming nakatingin sa isa't-isa.
Nakatingin kami sa isa't-isa hanggang sa unti-unting pumipikit ang mga mata nito at ang mukha'y papalapit na sa akin na dahilan rin ng unti-unting pagpikit ng aking mga mata. Hindi pa nagtatagpo ang mga labi namin nang may marinig na malakas na yabag na parang patungo sa aming direksiyon. Nanigas ako ng marinig iyon. Naramdaman ko rin ang paninigas niya sa harap ko habang nakahawak pa rin sa pisnge ko.
Agad naman nitong binitiwan ang aking pisnge at hinawakan ang kamay ko upang mahila. Ako nama'y nagtataka dahil kita ko ang pangamba sa kaniyang mukha. Kaya naman ay tumingin ako kung saan nagmumula ang malalakas at nakakaintrigang tunog. Ganun na lamang ang laki ng mata ko nang makitang grupo ng mga black rhinos ang lumilikha nito. At hindi lamang 'yon, dahil tila galit ang mga ito habang papunta sa amin. Tila gutom at ngayon lamang nakakita ng masarap na pagkain.
Siguro dahil din sa takot at kaba, binilisan ko rin ang takbo dala-dala ang mga bag namin. Hingal na hingal kaming nagpatuloy sa pagtakbo, kahit pagod ay hindi ko naman makayanang huminto dahil alam ko kung ano ang mangyayari sa akin kung sakaling tumigil ako.
M|A

Book Comment (16)

  • avatar
    BertosPhilip

    jehejririririririro

    17d

      0
  • avatar
    Jhon Louie Barrera

    wow so pretty

    26/07

      0
  • avatar
    Gerald Enad

    leget talaga grade

    15/07/2023

      1
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters