logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

CHAPTER 4

"Hindi naman ikaw iyong dahilan. Namimiss ko lang 'yong mga magulang ko." Mahina ang boses kong saad. Totoo naman iyon. Kahit na kanina'y inis-inis na ako dito ay hindi naman ito napupunta sa galit.
Sadyang gusto ko lang na bumalik sa nakaraan, 'yong mga panahong buhay pa sila Mom and Dad. Iyong sila mismo ang nagspospoiled sa akin at hindi ang sarili ko. Iyong mga panahong mayroon pa akong kasama sa buhay.
"Kumain na nga tayo." I dismissed the topic by replacing it on the food he served.
Pareho naman kaming tahimik na umupo sa harap ng hapagkainan. After a while, he started talking nonsense things.
Dahil sa mga sinasabi niya, hindi ko mapigilan tumawa at mangasar. Sinisipa ko naman siya sa ilalim ng lamesa o kukurutin sa kamay o tagiliran kapag nangangasar.
"Uy Pisngi, pahingi ng karne." Pacute nitong saad. Pinagdikit pa nito ang dulo ng mga hintuturo sa parehong kamay.
Inirapan ko naman ito at binigyan ng karne kahit na mayroon pa naman sa plato nito. I don't know why I did that. Hindi ako basta-basta namimigay ng mga bagay o pagmamay-ari ko kaya naman kahit ako nagulat sa ginawa ko. With that thought, I still continue the talk with him. It was actually relaxing.
'Hmm, not bad'
————
Nagising ako dahil sa ilaw na tumatama sa mukha ko. Bumangon ako at naghikab. Hindi muna ako tumayo sa banig bagkus tumingin lang ako sa kawalan. Sabog pa 'ko ih.
Ganun ang pwesto ko ng ilang minuto nang mayroong nangurot ng pisnge ko. Nakasimangot ako ditong tumingin. Tumawa naman ito sa mukha ko. Pagkatapos ay yumuko sa harap ko at hinawakan ang magkabila kong pisnge.
Dahil nga sa sabog pa'ko, hindi ako nagbitaw ng mga salita at patuloy na tumingin sa kaniya. Nag-aantay ako ng mga sasabihin niyang mga salita. Tumitig ito sa akin na parang may hinahanap. Sobrang mariin. Nanlaki naman ang mga mata ko nang ang mukha nito'y paunti-unting lumalapit sa akin. Iniwas ko na lamang ang aking mukha. Siya nama'y parang natauhan din sa ginawa niya.
'Ba't 'di natuloy?'
Namula naman ang mukha ko sa naisip. Gosh, bakit ako nag-iisip ng ganun. Tunog nanghihinayang pa, iww.
"Get ready may ipapakita ako sayo, for a reward, since masarap ang naging ulam natin dahil sa galing mong maghanap ng pagkain.", nakangisi niyang saad habang hawak pa rin ang magkabilang pisnge ko.
Umirap naman ako at hindi nagsalita. Nahihiya pa rin ako noh. Muntik na 'yon! Hindi ko tinanong kung saan kami pupunta kasi I wanted it to be a surprise.
Nagunot naman ang noo ng lalaki nang mapansing parang wala akong balak magtanong kung saang lugar ang binanggit ko. Napatayo naman ito at kalauna'y namulsa nang mapagtantong gusto ko itong maging surprise.
"Ah, I knew it. You wanted it to be a surprise. I guess you will be really surprise when we go to that lake. Let's see if you will be happy about it, tho.", nanghahamong saad niya sa akin.
Ako nama'y nanlaki ang mata sa tuwa nang malamang lake ito. Gosh, makakaligo na rin nang maayos. Sa wakas!
"Hanggang ilang oras tayo doon?" ngumuso ako at nagpacute sa kaniya. Ganoon na kami ka-komportable sa isa't-isa. Siya nga'y nangungurot na ih!
Umirap ako nang tumawa ito nang malakas. Napahawak pa ito sa tiyan niya. Napabusangot naman ako sa lalaki.
'Parang tanga'
"Okay, okay!", natatarantang saad nito nang makitang nakataas na ang mga kamao ko. Manununtok na talaga ako!
"Siguro pagkatapos ng tanghalian hanggang magdilim. Okay na ba 'yon sayo?" Malambing nitong saad kahit na may kasama pa ring ngisi. Umirap naman ako at nag-thumbs up.
Pumalakpak naman ito at pumunta na ng kusina. Siguro magluluto. Masarap naman siyang magluto, tsaka ako naman 'yong tagahanap ng pagkain. Siguro kung may pamilya na kami—
Nanlaki ang mga mata ko at napahawak sa bibig ko. Why did I think of that?! Dahil sa naisip, pumunta agad ako sa banyo at naghilamos nang ilang beses. Makailang ulit ko pang sinampal-sampal ang mga pisnge ko. Kahit papaano'y conservative rin naman ako kaya nakakahiya talagang mag-isip nang ganun.
Malalalim ang mga hiningang pinakawalan ko bago maligo at mag-ayos ng sarili. Pagkalipas ng ilang minutong pag-aayos, umarangkada na rin kami papuntang lake. Hindi ko pa nga alam kung anong pangalan nung lake ih, basta daw ibang klase 'yong lake 'yon.
Habang naglalakad kami sa mas maayos na daan kaysa noong nanghuli kami ng pagkain, nag-uusap din kami about anything under the sun. Nangunguna siya sa akin kase alam niya ang daan papunta doon. Nagtataka pa ako dahil halos naka-isang oras na kami sa paglalakad ay hindi pa rin ako makaramdam ng malamig na hangin. 'Ni hindi nga ako makakita ng tubig sa daanan namin.
"Sino nagturo sa unang guro?", I quickly rolled my eyes at his back. Here we go again.
"Ako." Nababagot kong sagot. Ang daldal niya ih. But I prefer this kaysa mabored ako habang naglalakad kami.
Humagalpak naman siya ng tawa nang marinig ang sagot ko. Kitang-kita ko ang pag-alog ng mga balikat nito dahil sa kakatawa mula sa aking pwesto. Nakaramdam naman ako ng tuwa nang makitang masaya ito. Hindi ko alam kung bakit.
'Bakit ako masaya 'pag masaya siya?'
Nangungunot ang noo ko sa nararamdaman. Bagama't natutuwa ako, ako'y naguguluhan rin.
Halos mapatalon ako nang humarap ito sa akin, dahilan kung bakit natawa na naman siya. At ako naman ay parang mas sumaya.
'Parang tanga '
When he stopped laughing, I swear I wanted to pinch his cheeks. Sobrang namumula ito dahil nga sa kakatawa. So I did what I wanted to do.
I pinched his cheeks hard earning a glare from him. I started chuckling when he glares at me and I laugh when he pout. He looks adorable. But no way in hell, I'll say that out loud. He looks good for me. Well.
I click my tongue when he almost stripped from the stones that are hindrance to our walk. I hold my laugh when he looks at me immediately, looking if I'm laughing at his misery. Okay, this is funny.
I bit my lips when he got stripped again after a minute of walking. This time, because of a grass. I swear, alam kong namumula na ako dahil sa tawang kanina ko pa pinipigilan. Of course, I help him get up. Tinulungan ko rin siya kanina doon sa bato.
Yumuko na lamang ako kasi hindi ko na talaga mapigilan ang tawang nararamdaman. I started chuckling and later on, it was continued by a small laugh until I was almost rolling on the ground while holding my stomach.
He just stand still. Looking annoyed while looking at me laughing my ass off at his misery.
After almost 5 minutes, I finally sobered up. Huminga ako nang malalim sa ginawa. Bagama't napapahalakhak pa rin ay hindi na rin lumalampas doon. Well ,that's a good laugh.
"Tapos ka na tumawa?" He rolled my eyes at me while crossing his arms on his chest.
I quickly nodded at him, not able to say a word even murmur. If I say something, I might end up laughing again.
He stares at me, waiting for me to laugh. I smiled at him, finishing all his doubts. I chuckle.
Because of that chuckle, his body shakes because of annoyance. This time, I laugh loudly that lasted for a minute. I know, for sure, this will be the last.
Napailing na lamang ito sa tawa ko. "Bilisan mo Pisnge, malapit na tayo.", he coldly said to me which earns a chuckle from me.
Humupa lamang ito nang makita ko na kung saan kami patungo. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang kabuuan nito. Napatanga pa nga ako nang tumingin ito sa akin na parang may inaantay na reaksyon mula sa akin. Nakapamulsa pa ito na parang alam niya na kung ano ang magiging reaksyon ko.
At pagkalipas ng ilang minuto, parang na-achieve na nito ang reaksyong inaasahan nito mula sa akin. Amuse itong ngumisi sa akin. Hindi naman sa pagiging oa ha? Pero bakit ganto ang kulay ng lake na 'to?
Kulay kayumanggi ang tubig ng lake. Bagama't ganto ang kulay nito ay kapansin-pansin ang mga hayop na hayok na hayok uminom sa lake. Dahilan ng pagkalito ko. Tumagilid pa ang ulo ko nang makitang nag-away pa ang dalawang giraffe dahil tila nag-aagawan ito sa pwesto.
Napahalakhak ang lalaki sa tabi ko at kalauna'y humarang sa harapan ko para siguro kunin ang atensyon ko. Ngumisi ito sa reaksyon ko. Hindi naman ako nandidiri pero umiinom sila from a flood?
'I think that's kinda off?'
Tumagilid ang ulo ko para patuloy na tignan ang mga hayop na patuloy pa ring umiinom ng tubig, kahit na nakaharang pa rin ang balikat nito. Tumingin ako dito nang may pagtataka at may nakahandang tanong. Bibigkasin ko na sana ito pero naunahan na ako nito.
"Hindi.", saad niya na mayroon pang pag-iling.
"Hindi yan baha.", dagdag niya.
Bagama't nagtataka sa sagot nito ay napangunahan pa rin ako ng pagtataka tungkol sa anyong tubig na nasa harapan ko.
"Then, why it is colored brown?", puno ng kuryuso kong tanong. Pure curiosity lamang ang nararamdaman ko as of the moment. Walang halong pandidiri o pagkairita. Which is odd. I am a very judgemental woman and not violently reacting on what is happening, is already a mystery to me.
"Its because, it is the Roux Lake.", masaya niyang saad. Nanlaki naman ang mata ko sa sinabi niya. Roux lake?! Naputol ang pag-iisip ko nang hawakan niya ang kamay ko at hinila papunta sa lake.
"Come on, we have to bathe. Ang baho na natin." Sinundan pa niya ito ng tawa. Natatakot pa ako at baka saktan kami ng mga hayop na umiinom dito. Baka isipin ay nangingialam kami sa lugar nila. Baka tuhugin pa kami ng mga hayop na ito.
Siguro naramdaman ng lalaki ang kaba at takot na aking nararamdaman dahil huminto ito sa paghila sa akin at pagkatapos ay humarap sa akin. Hinawakan nito ang aking pisnge.
"Don't worry too much Pisnge. They will not hurt you or us. They are harmless, hmm?", napakalambing ng boses nito kaya naman, napatango na lamang ako.
Like some stupid love story, nawala nga ang kabang nararamdaman ko. Napalitan ito ng excitement since its been ages since I swim underwater. Nakarating kami sa dulo nito, bagama't excited hinayaan kong ang lalaki ang maunang lumangoy bago ako.
M|A

Book Comment (16)

  • avatar
    BertosPhilip

    jehejririririririro

    17d

      0
  • avatar
    Jhon Louie Barrera

    wow so pretty

    26/07

      0
  • avatar
    Gerald Enad

    leget talaga grade

    15/07/2023

      1
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters