logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

CHAPTER 3

As I look at the sunset, I remember his words yesterday. Yes, 2 days na kami dito and thankfully may stocks dito. But then, everything has a limits. I know our food will be gone in a few days and I need to work my ass off to get our needs which includes foods.
"You will be the one who will decide whether you will stay here or not"
"You will be the one who will decide whether you will stay here or not"
"You will be the one who will decide whether you will stay here or not"
Up until now, I still can't process that in my head. Maybe, I need to be more hardworking person here. Napahilamos ako sa mukha sa sobrang inis sa sarili at sa lahat.
Sa paglilinis pa nga lamang ng bahay ay sobrang hirap na ng naranasan ko. Pa'no pa kaya kung iyong mga bagay na gagawin sa gubat ang ibigay sa akin as a 'punishment'.
I rolled my eyes at the thought. He, the man I'm with, says that there are 5 things I need to learn in order to get out of here. I am very confused and rigid. Gosh, 5 things?! It better be easy or I'll literally do everything, as in everything, to get out from here.
"Kindness, Happiness, Appreciation and Acceptance. That's the 4 things you need to learn from here. And me, as your guide, will help you throughout your journey.", sa akin ang tingin niya habang binibigkas ang mga salitang ito.
Napakunot ang noo ko dito. Sabi nito noong nakaraan, lima ang dapat kong malaman. Tapos ngayon apat nalang?!
Hindi naman sa nagrerekamo pero bakit nabawasan? Is he always like that? Stupid?
Pinigilan ko ito sa braso ng makitang papaalis na ito sa harapan ko. Napatingin naman ito sa kamay kong nakahawak sa kaniya. Ngumiti ako sa kaniya nang may pag-aalinlangan habang unti-unti ko siyang binibitawan.
"Sandali lang. Sabi mo noong nakaraan, limang bagay ang dapat kong matutunan. Tapos ngayon, apat lang?! Ano ba talaga?" Hysterical kong tanong. Kunot na kunot na ang noo ko sa pagtataka.
Mayabang naman itong namulsa habang nakatingin sa akin. Napakayabang talaga ng lalaking 'to! Akala mo naman kung sinong gwapo!
"Oo nga, lima nga. Iyong huling dapat gagawin mo ay magagawa mo lamang kung matagumpay mong naintindihan 'yong naunang apat." Makahulugan niyang saad.
Umayos ako ng tayo nang makitang patungo ito sa akin. Nakakainis talaga ang aura ng lalaki, kala mo kung sinong superior.
"Eh, edi gawin na natin iyong una! Para makaalis na ako!" Excited kong sagot.
"Kindness diba? Kabaitan lang naman pala, madali lang iyon!" dagdag ko pa.
Sumeryoso naman ang mukha nito ng marinig ang mga sinabi ko. "Wag mong mamadaliin, kung hindi pare-pareho tayong mananatili sa lugar na ito."
Natigilan ako nang marining ito. Kaba at pagtataka— iyan lamang ang nananatili sa akin, matapos nitong sabihin iyon.
May sasabihin pa sana ako nang biglang ibahin nito ang topic.
"Siya nga pala, maligo ka na at mag-ayos. Hahanap ka ng pagkain para sa atin. I'll guide you anyways. But I will not be the one who will look for food.", saad niya sa akin.
Nanliit naman ang mga mata ko sa pahayag. Iniiba niya ang topic. Does he really think I can be played easily?
"Teka, wag mo na iyan ang isipin natin. Isipin muna natin yung unang dapat kong matutunan. ", nangunot ang noo ng lalaki sa sinabi ko.
"Diba mas maganda kung magawa natin ng maaga iyong mga bagay na dapat nating magawa in order to get out from here. In that way, makakaalis tayo ng mabilis dito at makakabalik sa dati-dati nating buhay!" I happily suggested.
"Don't worry, I'll treat you your favorite foods. I'm rich anyways, I can handle that. What do you think?", I even clapped my hands to expressed my happiness about my suggestion.
But then, of course, ipinanganak siyang sagabal sa buhay at kaligayahan ko.
"We can't. Even if we try. Those things that you've to know must learn by you, naturally. Means you don't have to force yourself to do those things." Mahinahon niyang saad. Siguro para mas maintindihan ko ang mga sinasabi niyang bagay.
Of course, I get sad about it. Since I came here, all I really wanted is to get out. The excitement I'm feeling crashed. Gosh?! Now, how can I survive?
I slapped my forehead. I walked back and forth as I think of my journey here in this forest. My most hated place in Earth.
He merely stared at me which made me nervous and conscious. Do I have a dirt on my face? Am I still look extremely good? Gosh, all of a sudden I'm not confident with my physical appearance. That's a first.
Did this man witchcraft me?!
Now, he looked at me with a smirk plastered in his face. It is irritating the hell out of me. See?! I hate every part of him! Even his shadow!
Nangunot ang noo ko nang maalala ang tingin niya kanina. Nababasa niya ba isip ko?! As I think of that, namula ang mukha ko. Iniinsulto ko siya at minumura sa isip ko pero ngumingisi lang siya?!
Ah, what an immortal.
Of course dito sya naninirahan ih, matik na agad na hindi iyan normal na tao.
Natigilan ako sa pag-iisip nang bigla itong lumapit sa akin at yumuko sa harap ko. Nanlalaki ang mga mata ko sa ginawa niyan iyon. After a second of staring, should I say glaring?, at each other, I finally calm my system from nervousness. Pero kahit may kaka-onting kaba pa ring nararamdaman, taas noo ko pa rin siyang pabalik na tinitingnan.
Hindi pa ako nakuntento ay tinaasan ko pa ito ng kilay. Mataray ako, bakit?
"Magbihis ka na. Hahanap ka pa ng pagkain. Halatang galit ka sa akin ah. Kanina pa nakakunot ang noo mo habang galit na nakatingin sa'kin." Nakangisi niyang saad.
Umayos ito ng tayo at nangangasar na nakatingin sa akin. Tumagilid ang ulo nito nang magpatuloy lang akong tumingin sa kaniya at hindi siya pinakinggan. Ito na ata ang pinakamasamang tingin ko sa isang tao.
After a minute or so, I dramatically turned around and walk fiercely towards the bathroom. Sa inis ko ay sinarado ko ito ng may kasamang dabog.
Inis ang nararamdaman ko habang naglalakad kami sa may damuhan. Sabi niya'y dito daw kami dapat maghanap ng pagkain kasi marami daw ditong mga hayop. Which kind of scares me. What if may tiger dito? What if may snakes? Owemji, baka malason pa ko ng mga halaman na 'to.
Kahit na puno ako ng inis, siyempre kinakabahan din naman ako. I rolled my eyes at the thing I'd walked on. Ang lambot, shuta.
Realization hit me. Nagsisitili ako habang paikot-ikot sa damuhang iyon. Hindi ko pa alam kong ano nga ba iyong bagay na iyon pero nag-react na agad ako. Advanced kasi ako pinanganak ni Mama ih.
Tumigil lamang ako sa pagtili nang binuhat ako ng lalaki. Tiningnan ako nito ng masama. Ako naman ay natigilan dahil sa sobrang lapit namin sa isa't-isa. I wore a disgusting face. The heck?!
Itinulak ko ang mukha nito sa akin. Sobrang lapit naman kasi ih! Baka magkapalit pa kami ng mukha. Kahit hindi na ako masyado nag-aapply ng skin care ko, precious pa rin naman sa akin itong mukha ko kahit papaano.
Kasabay ng pagtulak ko sa mukha nito papalayo sa akin ay siya namang pagbitaw nito sa akin. Sanhi ng pagkahulog ko sa damuhan. Dahil dito, ramdam na ramdam ko ang hapdi at sakit sa pwetan ko. Hindi sa pagiging oa ha pero masakit talaga.
"Tumayo ka na diyan. Huwag kang maarte. Putik lang naman 'yon, kung makatili ka.", galit nitong saad. Siguro galit talaga siya. Kahit iyong mga maid ko sa bahay, ayaw na ayaw marinig iyong tili ko kasi daw matinis at nakakairita pakinggan.
"Faster, woman!", sigaw nito sa akin. Napatalon naman ako sa sigaw nito. Kahit paika-ika'y naglakad pa rin ako upang magpatuloy sa paghahanap ng pagkain. Napapayuko na lamang ako kapag tinitingnan ako nito. Namuo ang luha sa mata ko. Pakiramdam ko'y kinakawawa ako ng mundo.
Kasalanan ko bang maarte at demanding ako ipinanganak? Tumulo ang luha ko. Nanguna na ang lalaki sa paglalakad. I harshly touched my eyes to get rid of the tears.
'Hindi ako mahina' Galit kong saad sa isip ko.
Naglakad ako at nagsimula maghanap ng pagkain. Mabuti na lamang may nakita akong usa. We can eat that for lunch and dinner. Nag-aral ako ng martial arts and pamamaril noon kaya naman yakang-yaka sa akin ang pagaasinta ng mga bagay o hayop kahit ano pang hawak ko. That's one of my skills that I'm really proud about.
Kinuha ko sa likod ko ang kutsilyo na ibinigay sa akin ng lalaki kanina sa bahay. Pagkatapos ay tahimik akong lumapit sa usa habang nagtatago sa likod ng malalaking damo. Kahit na ganoon ang pinagtataguan ko ay malinaw ko pa ring nakikita ang hayop na puntirya ko.
Habang inaasinta ang hayop ay nararamdaman ko ang presensya ng lalaki sa likod ko, nagmamasid. Hindi pa tapos ang minuto ay natamaan ko na sa tiyan ang hayop na sanhi ng paghihirap nitong tumayo at tumakbo.
Tinakbo ko naman ito upang masiguro kong mayroon na agad kaming pagkain. Nilingon ko ang lalaki sa likuran ko. Pagkamangha ang nakikita ko sa mga mata nito. Hindi ko naman ito pinansin.
'Duh?, Ang sakit sakit pa rin ng pwet ko noh!'
I rolled my eyes and examined the deer. Patay na ito. Kinuha ko ang kutsilyo mula sa tiyan nito pagkatapos ay inilagay sa lalagyang hinanda ko kanina. Pagkalagay ko nito sa lalagyan ay may kumuha na agad nito mula sa akin. Binuhat ito ng lalaki.
Inirapan ko ito. Iyan lang ambag mo?! Pathetic.
"Let's go home." softly said by him. Umirap na naman ako. Parang kanina lang sinisigawan mo pa ako tapos ngayon ang lambing-lambing ng boses mo?! Ulol.
Naka-ilang irap na ako ay hindi pa rin nakakaramdam ang lalaki. Parang tanga.
I just nodded at him. Baka masinghalan ko pa siya kapag nagsalita ako.
Tahimik kaming umuwi sa bahay. Pagkarating pa lang namin ay pumunta na agad ako sa banyo nang hindi siya pinapansin. Ewan ko ba. Sobrang sama ng loob ko ngayon. Halo-halo ang mga emosyon sa loob ko.
Habang naliligo, I remember my parents. I remember my mom teaching me how to comb my hair properly. I smiled at that thought. And then, I remember my dad going home from work but still managed to spend time with me and mom. I immediately teared up reminiscing that golden memories.
I covered my mouth when I started to cry. Dalawang kamay ko na ang nagtatakip sa bibig ko. Habang ganun ang pwesto ko ay dumaan din sa isipan ko noong ngumiti sila Mama at Papa sa akin noong papasabog na ang kotse namin at ako ang inunang ibaba. Napaupo na ako sa sahig nang maaala ko ang huling beses na ngingiti sa akin ang mga magulang ko. Ang huling beses na kasama ko sila. Dapat pala niyakap ko sila noon.
Sobrang sikip na ng dibdib ko pero nagpatuloy pa rin ako sa pagligo. Mabuti na lamang ay ayos na ang pakiramdam ko nang lumabas ako ng banyo. Hindi ko nga lang sigurado sa mga mata ko.
Nakita ko ang lalaki sa kusina, naghahanda na ng makakain. Inasikaso na pala nito ang usang nahuli ko habang naliligo ako. Ngiting-ngiti ang lalaki habang ang mata ay nakatuon sa inihaw na karne ng usa. Ngunit nawala ang mga ngiting ito nang madako sa akin ang tingin nito.
Mariin itong tumingin sa'kin bago naghugas ng kamay at lumapit sa akin. Napaatras naman ako sa mabilisang paglakad nito. In a heartbeat, hawak na nito ang baba ko at masuring tinitingnan ang aking mga mata.
"Umiyak ka ba? I'm sorry." Malambing nitong saad. Iniwas ko naman ang mukha ko dito pagkatapos ay yumuko.
M|A

Book Comment (16)

  • avatar
    BertosPhilip

    jehejririririririro

    17d

      0
  • avatar
    Jhon Louie Barrera

    wow so pretty

    26/07

      0
  • avatar
    Gerald Enad

    leget talaga grade

    15/07/2023

      1
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters