logo
logo-text

Download this book within the app

06

Chapter Six.
Leche. Sigurado akong pulang-pula ako kanina dahil sa kahihiyan. Siya ‘tong may kasalanan! Hindi niya man lang inayos ang pagkakasabi, tuloy iba ang pagkakaintindi ko.
Paulit-ulit na nagplay sa isipan ko ang katangahan ko kanina. Kung paano ako magmukhang bingi sa harapan niya kakasabi ko ng ‘ha?’ kahit na hindi naman gano'n kalaki ang espasyo sa pagitan naming dalawa. Halos lamunin ako ng hiya nang marinig ang kasunod niyang sinabi. 
“Yung kulay ng t-shirt ko, bagay sa'yo.” 
Nananatiling blanko ang isipan ko. Napansin din iyon ni Hope nang makabalik ako sa gymnasium. She was saying something to me, but I can't seem to understand it because my mind is elsewhere. Namalayan ko na lang na tapos na pala ang first set ng game.
“Congrats, Ji!” Masayang sigaw ni Hope kay Jiro.
Napangisi naman ang lalaki. Pawisan itong tumakbo papalapit sa amin. “Ano? Panis na naman kayo sa’kin.” 
“Ang hangin mo naman, ganyan ba talaga kapag inspired?” Pang-aasar ni Hope. “Grabe yung tres kanina e, pasok na pasok!” Umakto pa siyang nagddribble sabay shoot ng imaginary ball niya sa hangin.
The corner of my lips rose. My eyes went down to the scoreboard. “Wow! Ang laki ng lamang, parang deserve mag mix and match, oh.” 
“Oh, ano, tara! Libre ko, tutal nanood kayo ng laro namin.” 
Saglit na nagpaalam si Jiro sa coach at mga teammates niya bago kami tuluyang umalis sa school. We were allowed to go home since we'd already finished watching a game. Basta nanood ka kahit isang game lang ay okay na ‘yon. May attendance ka na.
We went to the nearest branch of Mcdo from our school. Medyo marami rin ang mga tao sa loob ng fast food chain. All the seats on the first floor were occupied, so we went upstairs to find an empty table for us.
“Kailangan ba talagang buong linggo tayong pumasok?” Tamad kong tanong nang makaupo.
Kumuha ako ng fries sa plato ni Hope nang makitang ubos na ang akin. Pinalo naman niya ang kamay ko at inilayo ang plato niya mula sa akin. Inilapit naman ni Jiro sa akin ang plato niyang may fries.
“Sabi sa amin, kahit kumpletuhin lang daw yung 3 days na pasok, okay na kahit hindi ka umattend ng isang buong linggo.” Sagot ni Jiro. Nakatukod ang magkabila niyang siko sa lamesa habang umiinom ng iced coffee.  
Pasimple akong kumuha ng fries habang tumatango-tango sa sinabi niya.  
“Mabuti naman, ayokong sayangin ang buong linggo ko para lang diyan.” Masungit na sambit ni Hope.
“Buti pa kayo,” Jiro sighed.
I squinted. “Bakit?”
“Required kaming pumasok ng buong linggo e, napakaactive ba naman ng department namin.” Tamad niyang sabi.
Ilang minuto pa kaming nagstay sa Mcdo pagtapos namin kumain. Pinag-usapan namin ang tungkol sa mga posibleng mangyari this week. Nalaman ko lang kay Jiro na magkakaroon pala ng pageant sa last day ng Intrams. Napaisip tuloy ako kung sino ang piniling representative ng department namin. 
Mabuti at sinabi sa amin ni Jiro na tatlong araw lang ang kailangan naming kumpletuhin para maperfect ang attendance for this week. Medyo gumaan tuloy ang pakiramdam ko nang malaman iyon. I think I'll spend the following days roaming around the city.
Kinagabihan ay naisipan kong dalhin ang camera ko para bukas. Low battery ito kaya't kinuha ko agad ang charger mula sa drawer para icharge ito. May mga pictures kasi akong kailangan ilipat sa laptop. Napalundag ako sa kama nang makaramdam ng pagkaburyo.
Ang tagal naman nitong magcharge, hindi ko pa tuloy maopen.
Napatingin ako sa oras mula sa phone ko. 11:48 PM. Bukas pa kaya ang 7/11? Noong huling punta ko kasi ay closed na agad sila kahit na maaga pa para magsarado. 9 pa lang kaya no‘n.
I'm already in my PJs; tinatamad naman akong magpalit pa kaya't pinatungan ko na lang ang suot kong sando ng hoodie jacket. Tulog na si Kuya Franco kaya't hindi ko na siya inabala pang gisingin para magpaalam. Saglit lang naman ako.
Napakalamig ng simoy ng hangin. Wala na rin masyadong tao sa labas ng subdivision. Iilang mga namamasadang trycicle na lang ang nakikita ko sa kalsada. Suot ko ang earphone ko habang tahimik na naglalakad sa daan.
Nakalabas na ako ng subdivision nang may madaanan akong coffee vending machine kaya't naisipan kong maghulog ng 5 pesos, gusto kong magkape. Dalawang minuto lang ang hinintay ko para rito at dahil mainit pa ang kape, hindi ko muna ito ininom.
Napakacute naman ng vending machine na ‘to! Puno siya ng mga stickers na pambata pero ang linis pa rin tignan. Palagi siguro itong chinecheck at nililinisan ng may-ari.
Napaupo ako sa bench sa gilid ng vending machine. I was quietly humming a song, but I suddenly stopped when I saw a familiar figure standing near the post light. Sa tabi ng poste ay kaunting lakad pa mararating na ang 7/11.
Nakatalikod siya mula sa akin habang nakasandal doon sa pumupundi-punding poste na para bang may hinihintay. Gano'n pa rin ang ayos niya, blue t-shirt at jogger. Kakauwi niya lang ata galing ng school. Malapit lang ba ang bahay niya rito?
Sino namang hinihintay niya? At dito pa talaga ang naisipan nilang meet-up place ah.
Napaiwas ako ng tingin at mabilis na tumalikod. Napahigop pa ako sa kape ng 'di oras! Halos maubo-ubo ako dahil do'n. Bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa nangyari. Lumingon siya! 
Napapikit ako ng mariin nang marealize ang ginawa ko. Bakit ba ako nagtatago?
Ilang minuto pa ang tinagal bago ako lumingon para tignan kung nandoon pa ba siya. Mabuti na lang at pagtingin ko ay wala na siya, umalis na siguro. 
From: Kuya Franco 
Saan ka? Wala ka sa kwarto mo.
To: Kuya Franco 
May binili lang ako saglit sa 7/11.
To: Kuya Franco
Balik rin me agad. May papabili ka?
From Kuya Franco:
Wala, bumalik ka agad. 
Hindi ko na siya nireplyan pa. 
Pagpasok ko pa lang ng 7/11 ay sinalubong na agad ako ng napakalamig nilang aircon. Maya-maya pa ay narinig ko ang pagplay ng kanta mula sa speaker ng store. Isa ito sa na kanta ng isang sa sikat na banda sa bansa, ang December Avenue. 
Napatigil ako sa aisle kung saan organized na nakapwesto ang mga beers at wines sa loob ng refrigerator. Sa tabi nito ay ang mga in canned drinks, yakult, and bottled waters.
Binuksan ko ang ref at saka kumuha ng isang bote ng soju at isang pack ng yakult. Bumili rin ako ng tatlong iba’t-ibang chips at isang in canned na coffee. Hindi ko na talaga alam kung anong magiging reaction ng tiyan ko mamaya dahil sa mga binili ko.
“Bawal po kami magbenta sa mga minor.” 
Paglapag ko pa lang sa lamesa ng mga bibilhin ko ay iyon agad ang salubong sa akin ng lalaki sa counter.
Seryoso ba? Anong tingin niya sa’kin, kinse anyos? 
Busy ako sa pagkalikot sa wallet ko para sa perang ipangbabayad ko. Kung nagkataong naiwan ko ang wallet ko sa bahay, uuwi na lang talaga ako! Titiisin ko na lang siguro ang gutom ko. Ayoko ng bumalik ulit at maglakad.
“Anong minor? FYI, 19 na ‘ko ‘no! Ipakita ko pa sa'yo ID ko eh.” Masungit kong sabi. Kinuha ko mula sa wallet ang student ID ko at marahas itong inilapag sa counter.
Narinig ko naman ang mahina nitong pagtawa. Inalis ko ang tela ng hoodie na tumatakip sa ulo ko at napaangat ng tingin. 
My eyes widened in shock. Sa tawa pa lang ay mukhang kilala ko na kung sino ito. Nang mag-angat ako ng tingin ay hindi nga ako nagkamali. Sumalubong agad ang kulay kayumanggi niyang mga mata sa akin. Bahagya siyang yumuko, binabasa ang ekspresyon ng aking mukha.
Ngumisi siya. “Ay sorry, akala ko 17 lang eh.”
Napakapit ako ng mahigpit sa wallet ko. Gago? Bakit siya nandito? 
Napatingin ako kay Aldrin. Kumpara sa suot nito kanina ay mas hapit ngayon sa mga braso nito ang suot niyang dark green na polo shirt. Bumaba ang tingin ko sa mga kamay niya. Kitang-kita ko ang mga ugat dito habang ginagawa ang trabaho. Hindi ko alam kung dahil lang ba ito sa AC pero hanggang dito ay umaabot ang amoy ng panglalaki niyang pabango. 
Saglit siyang natigilan nang hindi magregister sa monitor ang price ng isang chips. I saw how a line appeared between his brows. Nagtype siya saglit sa keyboard bago magpatuloy sa ginagawa. 
“Cravings?” Tanong niya.
Mahina ang boses niya pero sapat na para marinig ko. Maya-maya ay nakita ko siyang humikab. Mapupungay ang mata nito na para bang inaantok na. Napalingon tuloy ako sa paligid. Ako lang pala ang customer dito ngayon.
“Ganito talaga ako kapag gabi,” Sabi ko. “Gutom palagi.”
Nakangiti lang siyang tumango. Nahuli ko siyang pasimpleng sumasabay sa kanta habang inaayos ang mga binili ko. Mukhang kabisado niya pa nga.
“Fan ka rin?” Curious kong tanong. 
Napatigil siya sa ginagawa. Umiwas siya ng tingin nang makita akong nakangiti. He lowered his head, and embarrassment overtook his face.
Napakamot siya sa batok. “Oo, ang ganda kasi ng mga kanta nila.”
Ngumisi ako. “Kaya pala kabisado,” Sambit ko. “By the way, same tayo, fan rin ako.”
Nahihiya siyang tumingin sa akin. Saglit kaming nagkatitigan bago sabay na napangiti. 
“Ikaw lang mag-isa rito?” Tanong ko, iniiba ang usapan. 
He nodded and rubbed his eyes. Tumango lang ako. 
Ramdam na ramdam ko ang pagod at antok niya nang magtama ang tingin namin. 
I gulped, kinakabahan sa sasabihin. “Anong oras out mo?” Tanong ko habang hinihintay ang mga binili ko.
Napatigil siya sa pagkamot ng mata at papikit pikit na tumingin sa akin. 
“2 AM pa out ko.” Sagot niya.
“Edi, ilang oras lang pala ang tulog mo niyan?” Umupo ako sa wooden stool na nakapuwesto malapit sa counter. 
Tumango lang siya sa akin. 
“Dito ka pala nagtatrabaho? Ngayon lang kita nakita dito ah?”
Gusto kong sabunutan ang sarili sa ginagawa ko ngayon. Pwede namang tahimik na lang akong maghintay pero heto ako at nakikipag-usap pa rin sa kaniya. At bakit tanong pa ako ng tanong?! Nakakainis.
Baka iniisip na ni Aldrin na masyado akong makulit. Baka sabihin niya ay hindi ako marunong makiramdam. Alam na inaantok na yung tao tapos pagod pa pero heto pa rin ako, nanggugulo. Nawala lahat ng tanong ko sa isipan nang marinig ko siyang magsalita.
“Tambay ka dito ‘no?” Dumako ang pares ng mga mata niya sa akin.
Nag-iwas ako ng tingin.
“Hindi ah! Minsan lang, kapag ano... gutom gano'n.”
Sinuklay nito ang magulong buhok gamit ang mga daliri niya. “Night shift ako dito every M-W-F.” Sagot niya sa tanong ko kanina.
Tumayo ako at saka lumapit sa counter.
“Magkano po?” Tanong ko.
His eyes squinted, pressing his lips together. “218 po.”
Kumuha ako ng 250 pesos sa aking wallet. Inilapag ko iyon sa counter at binigyan siya ng tipid na ngiti. “Ito po oh, yung sukli po itong ano na lang, uhm... chocolate.“
Saglit akong napatingin kay Aldrin. Nakatagilid siya sa akin habang isa-isang inilalagay ang mga binili ko sa isang plastic bag. 
“Aldrin, diba?” Sambit ko, itinuturo siya.
Tumango siya bilang sagot sabay abot ng resibo sa akin pati na ang mga pinamili kong nasa iisang plastic na. Itinaas nito ang hintuturo niya at idinikit iyon sa daliri ko. “Faith.” 
Natigilan ako. It took me seconds to step back. Parang saglit na nakuryente ang buong katawan ko dahil sa ginawa niya. Parang mas lalo atang lumamig ang aircon dito sa loob.
May kinuha siyang bottled water sa tabi nito at inabot iyon sa akin. Napatingin ako naman ako dito habang nagtataka. Hindi naman kasi kasama sa mga binili ko ang bottled water na hawak ko ngayon. 
“Masama yung puro mga binili mo lang kanina ang iinumin mo, sasakit tiyan mo niyan, promise.” Tumatango-tango pa siya habang nagsasalita. “Thank you po, come again.”
Tumingin ako sa kaniya at ngumiti rin. I waved at him before leaving.
“Ingat...“ Habol niya bago ako tuluyang lumabas ng store.
I went back home with a smile on my face. Nagulat pa ako nang maabutang gising si Kuya Franco at tahimik na nakaupo sa salas. Naghihintay pala siya sa akin. Nang makita niya naman akong makabalik sa bahay na kumpleto pa rin ang body parts ay umakyat na siya pabalik sa kwarto para matulog. 
Kinabukasan ay maaga ulit akong gumising. Medyo mahaba ang oras ko ngayon sa school kaya't 9 AM pa lang ay nakaayos na ako pati ang mga gamit na dadalhin ko. 
Simpleng white tank top na pinatungan ko ng checkered black long sleeves ang suot ko pang-itaas. Tinernuhan ko naman ito ng skinny jeans at puting sneakers. Ang buhok kong hanggang bewang na ngayon ay ginawa kong messy bun. 
Nakasukbit sa leeg ko ang aking camera. Para akong freelance photographer sa porma ko ngayon. Hindi ko tuloy maiwasang mapangiti habang tinitignan ang sarili sa salamin. 
Habang papunta sa school ay napapadasal na lang talaga ako na sana ay hindi puro mukha ng mga kaklase ko ang pumuno sa dala kong camera. Pero mukhang hindi ata ako malakas kay Lord dahil pagpasok ko pa lang sa room ay iyon na agad ang bungad nila sa akin. 
“Pasend na lang te sa telegram ah, malabo kasi kapag sa messenger eh.” Abot tenga pa ang ngiti ng kaklase kong si Carly.
I plastered a smile on my face but deep inside, ay naiirita na ako. Kanina pa nila ako kinukulit at ngayong napagbigyan sila ay sobrang demanding naman!
“Taray, may pang palit na ng profile si bakla!” Singit ni Hope. 
Full charged ang camera ko nang dumating ako sa school, pero ngayon ay 2 bars na lang ang battery nito. Partida, hindi pa nagsstart ang event niyan ah.
Hinila niya ako palabas ng room namin para tumambay at umupo sa hagdanan. Wala masyadong tao ang dumaraan dito, halos lahat kasi sila ay nasa gymnasium na at naghihintay na lang na magsimula ang game. This time ay volleyball teams naman mula sa iba't-ibang department ang maglalaban.
I raised a brow. “Ano? Magpapapicture ka rin?” Masungit na tanong ko kay Hope. 
“Alam kong maganda ako pero huwag na, hindi ako photogenic.” Humawak pa siya sa braso ko at marahan iyong pinisil-pisil.
Napairap naman ako sa sinabi niya. Anong hindi photogenic? Eh kung batukan ko kaya siya ngayon din? Maganda si Hope, yung natural na ganda talaga. Ang tuwid niyang buhok na hanggang balikat ay bagay na bagay para sa kaniya. Pati na ang bangs nito na kahit hindi pantay ay nagmumukhang cute tignan.
“Sinasabi mo? Eh kung sabunutan kita ngayon din?” 
Simula nang makita niya ang stolen picture niya sa cellphone ng isa sa mga kaklase namin ay halos bumuga na siya ng apoy sa galit. Iyon siguro ang dahilan kung bakit ayaw niya ng magpapicture.
“Patry na lang ako,” Todo ngiti pa siya sa akin bago kunin ang camera sa mga kamay ko.
Pinanood ko lang siyang tumayo at lumapit sa bintana. May kung ano siyang pinipicturan sa baba. I can hear her chuckles from here. Maya-maya ay ngingiti siya habang tinitignan ang kinunan niyang mga larawan. 
Tumayo ako dala ng kyuryosidad. I saw a guy sitting alone on a bench near a tree. Nakasandal lang ito at nakapikit habang nakikinig ng music mula sa suot nitong headphone.
“Shet, ang gwapo.” Mahinang sambit ni Hope.
Isa-isa niyang tinignan ang mga larawang kinunan mula sa camera ko. Halos lahat ng iyon ay naka zoom in sa mukha ng lalaki habang nakapikit na animo’y natutulog. May isang picture pa nga na napatingin ito mismo sa camera. The next photo ay blurred na. Nataranta siguro ang gaga nang tumingin ang lalaki.
“Di mo kayang lapitan si Kuyang naka-headphones para magpapicture,” Natatawang hamon ko kay Hope.
Tumawa rin siya bago ako taasan ng kilay. “Gago huwag, baka isipin may crush ako sa kaniya.”
“Bakit? Wala ba?” Pang-aasar ko.
“Napogian lang e, crush na agad?” Defensive niyang sambit.
Kinuha ko ang camera mula sa kaniya. “Sayang may potensyal ka sana,” 
Pinalo niya ang braso ko at sabay kaming nagtawanan. 
Matapos ang laro ay pumunta naman agad kami sa quadrangle. Dito kasi namin napag-usapan nila Jiro na magkita bago kami sabay-sabay na umuwi. Gusto ko sanang maupo ng tahimik sa damuhan at kunan ng mga litrato ang mga tao sa quadrangle na payapang nagkukuwentuhan. But to my surprise, it wasn't as peaceful as I thought it would be when we reached the quadrangle.
The loud beats of the music welcomed us. There are two big speakers on each side of the mini stage. Mayroong malaking tarpaulin na nakadikit sa pader at kapansin-pansin din ang unti-unting pagdami ng mga tao. 
“Battle of The Bands?” Pagbasa ni Hope sa text na nasa tarpaulin. 
Mula rito ay naririnig na namin ang pagsasalita ng emcee. He was hyping the audience with his energetic voice. Kasabay non ay ang nakakabinging tugtog mula sa malalaking speakers sa magkabilang gilid ng stage.
Namalayan ko na lang ang sariling nakikipagsiksikan sa mga taong nanonood rin. Naunang umuwi si Hope sa akin dahil nabanggit niya sa akin kanina na kailangan niyang umuwi agad dahil may trabaho pa siya. Si Jiro naman ay wala pang text sa akin. Hihintayin ko na lang siya habang nanonood ako.
Nagkaroon pa ng mabilisang introduction bago ito tuluyang nagsimula. Nagmula sa iba't-ibang department ang mga banda na maglalaban ngayon. Ang naunang grupo na nagperform ay mula sa department nila Jiro. Tama nga ang sinabi niya na napakaactive ng department nila. Halos lahat ata ng pwedeng salihan ay mayroon silang representative. 
Sa sobrang lakas ng hiyawan ng mga tao sa paligid ay nagmumukha na itong concert. At dahil gabi na ay sabay-sabay naming pinailaw ang mga cell phone namin at iwinagayway ito sa ere.
Matapos magperform ng naunang banda ay inentertain muna kami ng emcee. The next band is probably getting ready now. Ano naman kaya ang kakantahin nila?
“Let me hear some noise! Nag-eenjoy ba kayo?” Masayang sigaw ng lalaki.
Malakas na dumagundong ang background music matapos niya iyong tanungin. Sabay-sabay kaming nagsitalunan at sumigaw. 
Lumapit ang MC sa isang babaeng malapit sa stage. Kanina pa siya sumisigaw at talon ng talon kaya naman napansin na siya ng lalaki.
“Gitarahin mo ‘ko!” 
Sabay-sabay kaming nagtawanan dahil sa sinabi ng babae sa mic. All out pa ang sigaw niya eh. Mabilis namang binawi ng MC ang mic mula sa babae dahil paniguradong mapapagalitan siya mamaya ng mga school officials. Hindi ko tuloy maiwasang matawa nang makita ang reaksiyon nito. 
He let out a nervous laugh. Napapunas pa ng pawis sa noo ang lalaki bago ulit magsalita. With his energetic voice, he introduced the next band to us. Kasabay non ay ang malakas na hiyawan at sigawan ng mga estudyanteng nasa gilid ko. 
“Go, BS HRM!” 
“Let’s go! Ibomba niyo mga par!” 
Napangisi ako ng makita ang banner na hawak nila. It was made out of a light blue cartolina paper, marker pen pa ang ginamit na panulat dito. Ang iba sa kanila ay iwinawagayway pa ang mga panyo nila sa ere.
Napakasupportive naman nitong mga ‘to! Sinong hindi gaganahan magperform sa lagay na ‘yan, ‘di ba?
Isa-isang lumabas sa backstage ang miyembro ng bandang magpeperform. Binubuo ito ng matatangkad na lalaking nakasuot ng leather jackets at kulay puting t-shirt panloob. Kaniya-kaniyang pumunta sa pwesto ang mga kasamahan nito habang ang isang pamilyar na lalaki ay nanatili lang na nakatayo sa stage.
The moment he stood up on stage, I knew that it would be amazing. 
•••

Book Comment (13)

  • avatar
    Lyjud Bugat

    why give thr money

    13d

      0
  • avatar
    Jayson Patenia

    hi po pwede ba mag withdraw

    01/07

      0
  • avatar
    MATUGASJENESHEL

    nice story

    26/04

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters