logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

Chapter 7 Mananatili si Barbara

Barbara's POV
💛💛💛
"Kapag tumibok ang puso! Wala ka nang magagawa kun'di sundin ito. Kapag tumibok ang puso, lagot ka na! Siguradong huli ka--- AY!"
Nabitawan ko ang takip ng kaldero na aking hawak dahil sa gulat nang may pahabol pang tumalsik na pop corn pagkabukas ko no'ng kaldero. Nailing-iling pa ako bago pinulot ang tumalsik na popcorn mula sa niluto ko at kinain ito. Sayang naman kasi.
"Maid? Okay ka lang?"
Alanganin ko namang kinuha ang nahulog na takip ng kaldero bago harapin si My labs. Nakasandal siya sa may hamba ng pintuan ng kusina. Malamang ay naiinip na siyang maghintay kasi kanina pa siya nangungulit na mag-movie marathon daw kami.
"Ha? Oo naman. Nabitawan ko lang 'to."At ipinakita ko pa ang takip namg kaldero bago siya nginitian.
Kumunot ang noo niya 'tapos ay bahagya nalang ding tumango. Akala ko ay aalis na s'ya pero natigilan ako nang naglakad siya palapit sa akin.
"May kailangan ka pa ba?"
"Oo. Ikaw."
Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya at 'agad napaatras. Itong si my labs, habang tumatagal ang bakasyon namin dito ay halatang lalong nahuhumaling sa akin. Mas agresibo na siya ngayon. Nako talaga! Iba ang kamandag ng Magpakatapang!
"My labs, alam kong malaki ang pagnanasa mo sa 'kin. Ngunit, dapat mo ring malaman na hindi naman ako gano'n ka-easy. Papahirapan naman kita kahit kaunti," at hinagod ng mga mata ko ang malapad at matipunong dibdib ni Clark na bakat sa suot niyang shirt.
Napaangat ako ng tingin kay Clark nang bigla na naman siyang humagalpak ng tawa. Sinabunutan niya pa ang sarili bago huminga ng malalim upang pigilan ang pagtawa niya. Naiiling na pinunasan ko pa ang kaunting luha sa gilid ng mata niya dahil sa sobrang pagtawa.
"I will really loose my mind because of you, Maid." pagkatapos ay naiiling siyang lumayo sa 'kin para maupo sa isa sa mga upuan sa may dining area.
"Ikaw naman kasi My labs! Walang preno 'yang bibig mo. Gan'yan ka ba kapatay sa 'kin?!" at tinaas baba ko pa ang kilay ko habang nginingisian ko s'ya.
"Whatever, Maid. Are you done with the popcorn?"
Malaki ang ngiti na tumango ako sa kan'ya 'tapos ay inilagay ko sa harap niya ang mangkok na may lamang bagong luto na popcorn.
"Uhmn. Nagutom ako bigla. Lets go?"
"Okay."
Akmang kukunin ko na ang popcorn nang matigilan ako dahil sa bigla niyang paghawak sa aking kamao. Automatiko namang bumilis ang tibok ng puso ko. Huminga muna ako ng malalim bago ako nag-angat ng tingin kay Clark.
"Let me."
"Ha?"
Nanlaki ang mga mata ko nang biglang inilapit ni Clark ang mukha niya sa akin pagkatapos ay hinawi ang ilang hibla ng buhok kong nakatabing sa aking mukha.
"You look stressed, Maid. Are you okay?" Mas bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa sinabi niya sa 'kin. Por da pers taym in poreber, nag-alala s'ya sa 'kin! "I don't want to think you look stressed because you took care of me last night but... I know you're tired. So, you can take a rest. I won't mind." at ngumiti s'ya sa 'kin bago tinapik ang ulo ko nang marahan na para bang ako ay isang bata.
"Pero My labs... Oka---"
"No. You can sleep. Take a rest. I promise, I won't mind." at kinuha niya na nga sa 'kin ang mangkok ng popcorn bago ako tinalikuran at naglakad na palabas ng dining room.
Hindi ko alam kung kikiligin ba ako dahil nag-aalala s'ya sa 'kin o maiinis dahil parang ayaw niya akong kasama na manood ng pelikula?
Huminga nalang ako nang malalim bago muling kumilos para linisin ang mga ginamit ko sa pagluluto. Nang matapos sa paglilinis ay lumabas na rin ako sa dining room at dumiretso sa living room kung saan abalang nanonood si Clark ng kung anong movie habang kumakain ng popcorn.
Matapos ma-check na okay na nga ang pakiramdam ni Clark, umakyat nalang ako sa kuwarto ko. Hindi ako matutulog pero maliligo ako para bumango-bango naman ang amoy ko.
Pagkapasok sa kuwarto, natigilan ako nang makita ko si Baby Eman sa may kama ko. Nangunot ang aking noo nang mapansin ang nasa sa kandungan ni Baby Eman. Isang kahon.
Sino ang naglagay niyan?
Agad akong naupo sa kama at kinuha ang box. Napangiti ako nang mabasa ang sticky note na nakadikit dito.
'Thank you for last night. Appreciated ^_^ --- C'
Kinikilig na naman ako! Ano ba naman 'tong si My labs! Binabaliw talaga ako!
Dahil sa kilig, kinuha ko si Baby Eman at mahigpit na niyakap para lang mapigil ang sarili ko na tumili nang pagkalakas-lakas.
Matapos kiligin ay pinagtuunan ko naman ang box na galing kay My labs na unti-unti na atang umaaming may gusto talaga siya sa 'kin.
"Hay nako, Baby Eman. Itong Daddy mo, masiyadong denial. Pero may pagan'to-gan'to pa siya! Gano'n ba ang walang gusto?" at binuksan ko na ang box.
Box of Choco-Choco?
Seryoso?
Alangan na tiningnan ko ang teddy bear na tanging kasama ko ngayon sa silid na para bang sasagot ito sa mapagtanong kong tingin.
Ano naman kung Choco-Choco lang ang laman?! Ang point dito, galing ito kay Clark! Galing kay My labs!
Tama. Tama. Tama.
Naiiling na nangingiti nalang akong tumayo sa kama at maingat na ibinaba ang box of choco-choco sa kama para magtungo sa banyo at maligo.
Matapos maligo at makapagbihis, nangingiti kong kinuha ang box at si Baby Eman bago bumaba papuntang living room para samahang manood ang My labs ko.
"My labs! Salamat par---" hindi ko natuloy ang sasabihin ko nang makitang tulog naman pala ang nanonood.
"Wait lang Baby Eman, ha? Nakatulog na pala ang Daddy mo." at ibinaba ko ang mga hawak ko sa sofa. Pagkatapos ay naupo sa tabi ni Clark.
"Mukhang hindi pa rin gano'n kaayos ang pakiramdam mo, My labs," bulong ko bago ko inayos ang pagkakahiga niya. Isinandal ko ang ulo ni Clark sa arm rest ng sofa at iniakyat ang nakalaylay niyang paa sa sofa para mas kumportable ang maging tulog niya.
"Ang pogi mo pala talagang matulog, My labs." at nangingiting naupo ako sa carpeted floor. Isinandal ko ang aking likod sa sofa kung saan nakahiga si My labs. Saka ko ibinaling ang tingin sa T.V. upang manood ng movie na kasalukuyang ipinalabas.
"Ano ba 'tong pinapanood mo, My labs? Ang corny! Wala man lang bang Horror?!"
Kampante akong nagsalita dahil alam ko namang hindi nakikinig si My labs dahil nga tulog s'ya. Pero akala lang na naman pala iyon. Kailan ba ako magtatanda?
"Maid, why are you here? You should be resting."
Nilingon ko ang My labs ko na inayos ko pa ang pagkakatulog para lang malamang hindi naman talaga s'ya ganoong natulog.
"Akala ko tulog ka, Mylabs?"
"Tss. Answering my question by another question?" at naupo na s'ya mula sa pagkakahiga 'tapos ay tinapik ang puwesto sa tabi niya.
"Diyan ako?" paninigurado ko.
"Gusto mo rito?" at itinuro niya ang kaniyang kandungan. Kinagat niya pa ang pang-ibabang labi niya bago ako nakangiting kinindatan. Nag-init naman ang mga pisngi ko. Hindi ako nakasagot. Nakakaakit kasi iyong alok niya. "Maid? I said... Do you want to sit here?" at iminuwestra niyang muli ang kaniyang kandungan.
At dahil ako si Barbara Magpakatapang... I will never say no to any opportunity. Including, sitting on My labs' lap!
Kaya naman walang reklamo akong naupo sa kandungan ni my labs. And it's my turn to smile devilish when Clark was taken a back because of what I did.
At dahil minsan niya lang akong aayaing maupo sa kandungan niya, siyempre sasamantalahin ko na ito! Kaya naman, kinuha ko ang dalawang braso ni Clark at ipinulupot sa baywang ko. Pagkatapos, ay isinandal ko ang likod ko kay Clark.
"What the heck, Maid?!" pabulong na tanong ni Mylabs. Ramdam ko ang hininga niya sa may balikat ko.
"Sabi ko naman sa 'yo, Mylabs e. 'Wag ako. Pero tinukso mo ako e. Sino ba ako para hindi magpatukso." At napahagikgik pa ako.
Akmang tatanggalin ni My labs ang mga braso niyang nakapulupot sa 'kin nang hindi ko ito hinayaan. Sa halip ay mas hinigpitan ko ang hawak sa mga braso niya.
"Maid? I am telling you, this position is not a good thing. Something might wake up, you know?" sabi ni Clark kasabay ng malalim niyang paghinga. Nangunot ang noo ko sa sinabi ni My labs.
Wake up? Ano naman ang magigising ng puwestong ito?
"Maid. You better get off of me, now." At naramdaman kong ibinaon niya ang kaniyang mukha sa may balikat ko. Asus! Pinapaalis ako pero may paglandi naman sa balikat ko.
"Ayoko, Clark! Ayaw ko ta---" natigilan ako sa dapat kong pag-iinarte nang may maramdaman akong tumutusok sa may pang-upo ko. "My labs? Parang... Parang may matulis ata sa... sa..."
Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko at kaagad napatayo dahil sa na-realize ko.
Baka may magising? Tumutusok? Matulis? Kay Clark?
Sa mga naiisip ko, dahang-dahang bumaba ang tingin ko sa pantalon ni Clark. Talagang nanlaki ang mga mata ko sa nakita kong tent sa gitna no'n!
"AAAAAHHHHH--- Uhmn. Umhn. Hmn." natigil ang malakas kong tili dahil mabilis na natakpan ni Clark ang bibig ko.
"Sshh! Ang O.A. mo naman, Maid! Kasalanan mo naman iyon e! I told you earlier, something might wake up. But you didn't listen!" Pinanlakihan ko naman siya ng mata para alisin ang kamay niyang nakatakip sa bibig ko. "Tss. Whatever. Okay. Promise me, you will come down and then I will release you. Okay?"
Tumango naman agad ako dahil hindi na ako makahinga.
"Promise?"
Tumango muli ako at kaagad napapikit nang dumako na naman ang tingin ko sa pantalon ni My labs na may tent.
"Okay." and he released me.
Naupo kaagad ako sa isang gilid ng sofa at nakayukong hinahabol ang hinihinga ko.
Napalunok naman ako nang lumundo ang sofa dahil sa pag-upo ni Clark sa isang gilid nito. Bumuntong hininga siya.
"Maid? I want you to forget what you saw. Its a natural reaction for a man towards a woman. And apparently, you are a woman. Are you getting me?" kalmado ang boses niya na tila nagpapaliwanag sa isang bata.
Hindi ko magawang tumingin kay Clark kaya nakayuko nalang akong tumango.
Dahil siguro nadadama rin ni Clark ang awkwardness dahil sa nangyari, napabuntong hininga nalang s'ya. Hindi ko alam ang dapat kong sabihin.
"Maid? Do you want to watch a horror movie?"
Tumango nalang ulit ako bilang tugon. Muli, bumuntong hininga si Clark. Pagkaraa'y tumayo siya at lumapit sa player upang maiba ang pinapanood namin.
Okay Barbara. Hindi dapat ganito. 'Wag mong gawing awkward ang mga bagay-bagay. Kalimutan mo na ang tent sa pantalon ni Clark.
Huminga muna ako ng malalim bago ko nahanap ang aking boses upang makapagsalita.
"Ahh... Mylabs? Anong m-movie 'yan?" tanong ko habang sinasalang ni Clark ang CD sa player.
"Ha? Ah... Uhmn... Wrong Turn 6," sagot niya.
Huminga ulit ako ng malalim nang matapos isalang ang cd ng Wrong Turn 6 ay bumalik na s'ya sa sofa. Napalunok ako nang naupo siya sa tabi ko 'tapos ay umakbay sa back rest ng sofa.
"Napanood mo na ba 'yan, My labs?"
"Hindi pa. Maganda raw 'yan. Intense." At nagkibit balikat pa siya. Halatang interesado siya sa palabas dahil nakatutok talaga sa screen ang mga mata niya.
Tumango-tango naman ako dahil sa sinabi ni Clark. At para tuluyan nang mawala ang akwardness, tumayo ako upang kinin si Eman at ang box ng choco-choco na nasa kabilang sofa. Muling naupo ako sa tabi ni Clark.
"Gusto mo?"
"Sige. Thank you, Maid." at kumuha s'ya ng choco-chocong inalok ko.
"Salamat dito ha?"
"Tss. You are very much welcome, Maid." at ngumiti s'ya sa 'kin na nagpatibok na naman sa aking puso.
"Alam mo, naikuwento sa 'kin ng kakilala ko dati na 'yang movie na 'yan ay masiyado raw brutal," ani ko.
"Wrong turn is all about cannibals. Malamang brutal nga ang movie na iyan."
"Eiww... Cannibal talaga?! Kadiri na---"
Natigilan ang mga sinasabi ko nang manlaki ang mga mata ko sa eksenang pinapalabas sa t.v.
'Yong babae't lalaki kasi na nagbabike ay bigla nalang naghubad ng mga damit nila at naglandian sa batis.
Napayakap ako bigla kay Baby Eman at naibaon ko ang mukha ko rito dahil hindi pa kaya ng powers ko ang mga ganiyang eksena. Masiyadong mapangahas at malandi!
"A... e... Wait lang, Maid. Ano... Ayan. Okay na. "
Matapos sabihin iyon ni My labs ay saka ko lang dahan-dahang inangat ang tingin ko at napatili naman ako nang sumakto naman sa scene ng movie na naputol iyong ulo no'ng lalaking nagbabike dahil sumabit sa alambreng hindi niya namalayang nando'n pala.
"Sh*t!" at tuluyan nang namatay iyong t.v. Napabuntong hininga si Clark. "Uhmn... I guess... Watching movie is not a good idea."
Napangiti nalang ako dahil sa sinabi ni Clark. Mukhang hindi nga magandang ideya ang bagay na ito.
"Clark?"
"Hmn?"
"Okay ka na ba talaga?"
"Oo. Bakit? Hindi naman na masakit ang katawan ko pati ulo ko."
Tumango-tango naman ako.
Huwag kang umalis, please?
Huwag mo akong iwan, please.
Natigilan ako nang maalala ko na naman ang malungkot na pakiusap sa 'kin ni Clark kagabi na huwag akong umalis.
"Clark?"
"Clark? Seriously, Maid? I thought I was your My labs?"
Napangiti naman ako sa hirit niya. Kunwari pang ayaw ng My labs pero ito s'ya at hinahanap-hanap naman!
"Whatever you say, my labs. Pero seryoso, Clark. My labs kita kaya kahit anong mangyari, hindi kita iiwan."
"What are you saying, Maid?" nakakunot ang noong tanong nyya sa 'kin.
Inabot ko naman ang kamay niya at hinawakan ito bago ako tumingin ng diretso sa kaniyang mga mata
"Hindi kita iiwan. Kahit anong mangyari, hindi. Okay? Kung sino man iyong umiwan sa 'yo, hinding-hindi ko gagawin ang ginawa niya. Ayokong masaktan ka. Lagi lang akong nandito para sa 'yo, Clark."
Matapos kong sabihin iyon, nakita ko kung paano rumehistro sa mga mata ni Clark ang sakit, lungkot at pangungulila. Ang kaparehong mga emosyon na ipinakita niya rin sa akin kagabi.
Natigilan ako nang alisin ni Clark ang kamay kong nakahawak sa kamay niya. Pagkatapos ay tumayo s'ya. Hindi nakalagpas sa paningin ko nang kumuyom ang mga kamao niya na para bang gusto niyang manuntok.
"No one is meant to stay, Barbara. And that is one thing you have to remember if you do not want to be hurt." At saka siya bumaling sa akin ng tingin. "Kapag umasa ka sa kahit na sino, ikaw lang din ang masasaktan sa huli. Please don't give me false hopes and don't give yourself a broken heart."

Book Comment (59)

  • avatar
    MiñozaJenilyn

    THIS STORY IS BEAUTIFULLY CREATED AND I LOVE THE CHARACTERS 🥰 LOVE IT~

    02/05/2022

      0
  • avatar
    NavarroJayvhimae

    Isang malakas na palakpak! Para sa Author! 💘

    16/04/2022

      1
  • avatar
    CabanillaMalyn

    so nice

    22/03

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters