logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

Chapter 6 Yakap at Sopas ni Barbara

Barbara's POV
💛💛💛
Dahan-dahan kong binuksan ang pintuan ng kuwarto ni Clark nang sa ikatlong tawag ko ay hindi pa rin s'ya sumagot. Alas syete na kasi ng gabi at hindi pa s'ya bumababa mula sa kuwarto niya simula kanina no'ng nangyaring eksena sa agahan.
[Maid, 'yong something na sinasabi mo? Walang kasiguraduhan iyon. Kaya nga something ang tawag. Walang label. Walang assurance. So, if that's the thing you want to have, you better prepare yourself to get hurt.]
Ipinilig ko ang aking ulo nang maalala ko na naman ang sinabi niya. Kanina, hindi ako gaanong naapektuhan sa mga sinabi niyang iyon at talagang dinedma ko lang. But thinking about it again made me doubt everything. Ngayon ko lang naisip na malaki pala ang itinaya ko para sa pagmamahal ko kay Clark.
Walang kayo, Barbara. Wala kang assurance. Bakit ka pa rin nandito? tanong ko sa aking sarili. Napabuntong hininga ako. Bakit nga ba?
Humigpit ang hawak ko seradura ng pintuan ng kuwarto ni Clark dahil sa naiisip ko. Bakit nga ba ako nandito?
Napabuntong hininga nalang ulit ako bago ko isinara ang pinto. Napasandal ako at napatingala sa kisame. Totoo ba 'to? Si Barbara Magpakatapang ay pinanghihinaan ng loob?
Nailing na lang ako bago tinungo ang hagdanan. Kung gutom si Clark, bababa naman s'ya.
Nasa kalagitnaan na ako ng hagdanan nang may marinig akong kalabog. At sigurado akong galing iyon sa kuwarto ni Clark. Kaya wala na akong ibang naisip kung hindi ay umakyat muli at magtungo pabalik sa kuwarto niya.
Agad kong binuksan ang pintuan at natigilan ako nang makita kong nakabulagta si Clark sa sahig. Dinaluhan ko s'ya at tinulungang makatayo. Kinabahan ako nang malamang wala siyang malay.
Pagkahiga ko kay Clark sa kama, kaagad kong napansin na namumula ang buong mukha niya ngunit namumutla ang kaniyang labi. Pagkatapos, pinagpapawisan pa s'ya. Kaya 'agad kong sinalat ang noo niya at napaigtad ako dahil sa sobrang init nito. Paktay na diha! Inaapoy s'ya ng lagnat!
Kaagad kong pinatay ang aircon ng kuwarto ni Clark pagkatapos ay naghanap ako ng thermometer. Mabuti na lang talaga at mayro'n s'ya sa kaniyang drawer. 38.2 degrees? Ang taas ng lagnat niya!
"Barbara?"
Napatigil ako akmang pagtayo mula sa kama dahil sa pagtawag ni Clark sa aking pangalan. Pasimple ko pang inabot ang kumot upang ibalot ito sa katawan ni Clark.
"My labs? Bakit? May masakit ba?"
Natigilan ako nang hinawakan niya ang aking kamay pagkatapos ay may tumulong luha mula sa mga mata niya.
"Huwag kang umalis... please?"
Lumambot ang puso ko dahil sa sinabi niya. Ngayon, nasagot na kung bakit nga ba nandito pa rin ako kahit walang label o assurance mula kay Clark. Ito ay dahil mahal ko ang lalaking ito. Handa akong magpakabaliw para sa kan'ya dahil mahal ko siya. Hay, pag-ibig.
"Huwag mo akong iwan, please..."
Napangiti ako sa sinabi ng Clark ko. Hinaplos ko ang kaniyang buhok bago inayos ang kumot na ipinatong ko sa kaniya.
"Hindi ako aalis. My labs kaya kita. Dito lang ako." Marahan naman siyang tumango habang malamlam ang mga tingin sa akin. Nginitian ko siya bago hinalikan sa noo. Doon lang niya muling pinikit ang mga mata.
Inakyat ko hanggang sa may leeg niya ang kumot 'tapos ay ipinagpatuloy ang paghaplos sa kaniyang buhok.
"Ikaw na lalaki ka. Bakit ba ang pogi-pogi mo? Ayan tuloy, nahuhulog ako nang palalim ng palalim. 'Tapos may pahawak-hawak ka pa ng kamay. Ginagalingan mo rin talaga e."
Naiiling nalang ako dahil sa sinasabi ko. Sa pagkakataong ito, sigurado akong tulog na talaga si my labs at hindi niya na narinig ang mga sinabi ko. Malalim ang paghinga niya at patuloy siyang pinagpapawisan. Kailangan kong gumawa ng paraan para pababain ang lagnat ni Clark. Kaya nang masigurong mahimbing na talaga ang kaniyang tulog, lumabas na ako ng silid.
Pumunta kaagad ako sa kusina at nagluto ng sopas. Matapos makapagluto, 'agad kong dinala ang pagkain at gamot paakyat sa kuwarto ni my labs.
Pagpasok ko sa loob, 'agad akong natigilan nang makitang nakaupo na si Clark sa gilid ng kaniyang kama at umiiyak.
Kaagad kong ibinaba ang tray na hawak ko sa may bedside table bago nilapitan si Clark. Naupo ako sa kaniyang tabi.
"Clark?" untag ko sa kaniya. Nag-aalala ako dahil sa pag-iyak niya.
"Sabi mo hindi ka aalis?" mahinang sabi niya bago bumaling ng tingin sa akin. Napaawang ang labi ko sa patuloy na pagtulo ng kaniyang mga luha.
"Hindi naman ako umalis, Clark." Pagkatapos ay pinunasan ko ang kaniyang mga luha. "Ang ibig kong sabihin, kumuha lang ako ng pagkain at saka gamot mo."
Naawa ako bigla nang hindi pa rin tumigil sa pag-iyak si Clark kaya't niyakap ko na siya.
"Akala ko, katulad ka niya. B-buti... Buti, bumalik ka..." bulong niya bago siya gumanti ng yakap sa akin.
"Sshhh... Hindi kita iiwan."
Naramdaman ko ang mas mahigpit na pagyakap ni Clark sa 'kin. Para bang ako ang kinakapitan niya para kayanin ang sakit na dinadamdam niya.
"Clark... My labs kita 'di ba? Kaya lagi mong tatandaang hindi kita iiwan. Umalis man ako pero asahan mong dahil baliw na baliw ako sa 'yo ay babalik at babalik ako. "
Mas lumakas ang iyak niya. Naramdaman ko ang pagsiksik niya sa may leeg ko. Hinigpitan ko naman ang yakap sa kan'ya. Hindi ko alam kung bakit siya umiiyak ng ganito. Pero ano pa mang dahilan, alam kong palagi akong narito para damayan si Clark.
"Hindi... Kapag umalis ang tao, hindi na sila babalik..." Dinig ko ang kasiguraduhan ni Clark sa kaniyang mga sinabi.
Nangunot naman ang noo ko dahil dito. Bahagya ko siyang inilayo sa akin upang matingnan ng ayos. Natigilan ako sa sakit na ipinapakita ng kaniyang mga mata. Para bang may isang tao na ang umalis sa kaniyang buhay 'tapos ay hindi na bumalik pa. Kung sino man ang taong iyon, maaaring sobrang importante niya kay Clark para iyakan s'ya nang ganito ng taong mahal ko.
"Makinig ka sa 'kin, my labs." At hinawakan ko ang mga pisngi niya upang magtagpo ang aming mga tingin. "Iba ako sa kan'ya na iniwan ka. Mahal kita masiyado kaya kahit anong mangyari, mananatili lang ako sa iyong tabi. Dito lang ako, my labs..."
Napalunok ako at hindi ko magawang ituloy ang mga sasabihin ko dahil diretso akong tinitingnan ni Clark sa mga mata. Para bang tinatantiya niya kung totoo ba ang mga sinasabi ko. At dahil isa lang naman akong babaeng baliw sa kan'ya, siyempre sobrang naapektuhan ako sa mga tingin niyang 'yon. Sobrang bilis ng tibok ng aking puso.
"Hindi ka ba niya katulad, Barbara? Sigurado ka bang hindi mo ako iiwan?"
Dahan- dahan akong tumango sa naging tanong niya. Pagkatapos ay kinuha ko ang kamay niya. Nakita ko na natigilan s'ya dahil sa ginawa ko.
"Ako si Barbara Magpakatapang at nangangakong habang buhay na baliw sa 'yo, my labs."
Pagkatapos ay pinahid ko na ang mga luhang nasa mga pisngi niya. Sumunod ay muli ko siyang inihiga sa kama.
"Magpahinga ka na. Hindi ako aalis, okay?"
"Ayokong matulog."
Nangunot ang noo ko sa sinabi ni My labs.
"Kailangan mong matulog. Pa'no ka gagaling kung h---"
"Paano kung umalis ka?"
Napabuntong hininga ako sa sinabi ni Clark. Mukhang kailangan ko talagang mag-stay. I have no choice. Kita ko ang takot sa mga mata niya. Kaya naman, nahiga ako sa kaniyang tabi na ikinagulat naman ni Clark.
"O tara my labs. Tulog na tayo a?" at yumakap pa ako sa kaniyang baywang.
Chance ko na rin naman ito! Grab the opportunity!
Napangiti ako nang mahinang natawa si my labs sa ginawa ko. E kasi naman, ayaw niyang maniwalang hindi ako aalis 'di ba? E 'di, matulog nalang kami nang makatabi para maniwala na s'ya. Ang talino ko talaga!
"Alam kong maganda ako my labs. At kahit na kinikilig ako dahil tinititigan mo ako, gusto ko namang gumaling ka kaya matulog ka na pa---"
Natigilan ako sa sinasabi ko nang tinanggal ni my labs iyong yakap ko sa kaniyang baywang. Pagkatapos ay umusog s'ya pababa ng kaunti bago iniyakap sa baywang ko ang mga braso niya. Isinandal niya ang ulo sa may dibdib ko at hindi pa s'ya nakuntento sa posisyon namin dahil ipinulupot niya pa ang kaniyang mga binti sa mga legs ko.
"Hmmmnn... Goodnight, Barbara," usal ni Clark bago ipinikit ang kaniyang mga mata.
At ako? Ang bilis ng tibok ng puso at feeling ko mamamatay na ako dahil sa kilig. Gusto kong tumili at magtatalon dahil sa kilig. Ginantihan ko ang yakap ni Clark at ibinaon ko pa ang mukha ko sa may buhok niya. Kinikilig talaga ako!
"Kainis ka, my labs. Kinikilig ako." bulong ko sa kan'ya kahit na alam kong tulog na s'ya.
Pero akala ko lang pala na tulog s'ya dahil matapos kong ibulong iyon, naramdaman kong humigpit ang yakap niya sa 'kin. 'Tapos ay isiniksik niya lalo ang kaniyang mukha sa may leeg ko. Nailing nalang ako sa kalokohan niya. Kahit may sakit, trip pa rin akong kulitin.
Pero okay lang na ganito s'ya kakulit basta ba sa 'kin lang e.
***
Nagising ako sa maganda kong panaginip dahil sa marahang haplos na nararamdaman kong humahawi sa aking buhok. Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata at ang guwapong mukha ng lalaking kinababaliwan ko ang bumungad sa 'kin. Napangiti naman ako nang maisip na mukhang nanaginip pa rin ako.
"Mylabs, ang pogi mo," usal ko. Kahit sa aking panaginip ay nakapaguwapo ni Clark. Mas lumawak ang ngiti ko nang matawa siya sa 'kin.
"Are you really awake now, Maid?"
Nangunot ang noo ko nang sumagot pa sa 'kin ang Clark na ito. Bakit parang totoo 'to?
Pinakatitigan ko ang Clark na nasa harapan ko. Inangat ko pa ang aking kamay para hawakan ang kaniyang pisngi. Ngumisi naman siya.
Kumunot ang noo ko habang pinakatitigan si Clark.
Ilang sandali pa ay naintindihan ko nang hindi ako nanaginip! Natulog kaming magkatabi ni Clark kagabi! Nanlalaki ang mga mata ko na napabangon nang wala sa oras. Pakiramdam ko ay namula ang buong mukha ko dahil tawa ng tawa sa 'kin si Clark.
"Easy, Maid." At pinigil niya ang sarili sa kakatawa.
"Kainis ka naman my labs e!" At sinabunutan ko pa ang sarili ko v buhok. "Bakit 'di mo ko ginising kaagad? Okay ka na ba? Nagugutom ka?" sunod-sunod kong tanong sa kaniya.
"Oo. Sa 'yo." Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya at automatic na hinila ko ang kumot para takpan ang katawan ko. "Maid... Nagugutom ako," bulong niya bago unti-unti siyang lumapit sa 'kin habang may nakakaakit na tingin.
Napalunok naman ako at mahigpit ang naging hawak sa kumot na nakapalibot sa katawan ko. Pinipigilan ko ang aking sarili na sunggaban si Clark.
"Ahmnn... Magluluto nalang ako! Tama! Magluluto ako, Clark! Wait lang!" at kaagad akong tumayo mula sa kama. Pero dahil sa pagmamadali ko, nasanggi ko ang bed side table at nabasag ang mangkok na nakapatong do'n.
Teka? Bakit may mangkok dito?
"My labs, bakit may mangkok?" At nilingon ko siya.
"'Yong sopas," sagot niya.
Nangunot ang noo ko nang maalalang hindi naman nakain 'yong sopas kagabi. Kaya bakit wala naman nang laman iyong mangkok? Kung gano'n, sinong kumain no'ng sopas?
"Pero... Nasaan na 'yong sopas?" naguguluhang tanong ko.
"Kinain ko?"
Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya.
"Ano?! Bakit mo kinain?! Kagabi pa iyon e! Pa'no kung malason ka ro'n kasi ginapangan ng ipis?! My labs naman e! Sana ginising mo nalang ako p---"
"I don't want to wake you up. I want you to sleep. You need to rest." Natigilan ako sa sinabi niya. Pinabilis na naman no'n ang tibok ng aking puso. Natulala ako sa kaniya. "Maid, are you okay?"
"Ha? Ah-eh... Ano bang gusto mong lutuin ko?"
"Pa-deliver nalang tayo 'tapos nood tayo ng movie sa sala?"
Ang laki ng ngiti ko dahil sa sinabi ni Clark.
"Ikaw my labs ah! Ayan na naman ang diskarte mo sa 'kin!" at inipit ko pa ang buhok ko sa likod ng aking tainga.
"Really, Maid? Sino kaya sa atin ang bumabanggit sa pangalan ko habang natutulog?" nakangisi niyang tugon sa akin.
Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya! Watda?!
Nakakahiya!

Book Comment (59)

  • avatar
    MiñozaJenilyn

    THIS STORY IS BEAUTIFULLY CREATED AND I LOVE THE CHARACTERS 🥰 LOVE IT~

    02/05/2022

      0
  • avatar
    NavarroJayvhimae

    Isang malakas na palakpak! Para sa Author! 💘

    16/04/2022

      1
  • avatar
    CabanillaMalyn

    so nice

    22/03

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters