logo
logo-text

Download this book within the app

CHAPTER 5

HABANG naglalakad sa kalsada ay hindi pa rin mawala sa isip niya ang larawan ng dalawang lalaki at babae na nakita niya sa Google browser noong nag-research siya kagabi para sa project nila sa Business Management.


Gamit ang kanyang lumang Samsung Galaxy J2 Prime na iniregalo pa ng kanyang Daddy Alec noong labinglimang taon siya ay naghanap siya ng mga larawan ng mga sikat na businessman sa Pilipinas. Sa rami ng larawan na nakita niya ay sa isang larawan lang napatuon ang kanyang pansin.


Isang lalaking nasa late 40’s na ngunit mababakas pa rin ang kakisigan dahil sa maskulado nitong pangangatawan na kitang-kita sa body fit na puting damit at maong na pantalon. Kasama rin nito ang isang babaeng nasa late 30’s na siguro na nakasuot ng pulang bestida, tapos kitang-kita ang mahubog na pangangatawan nito. Pakiramdam niya habang tinitingnan ninyo ang larawan ay parang nakaramdam siya ng pagkasabik na makita, at mayakap sila.


“Mr. John Rancel Montecillo and Mrs. Khrystal Fuentebella-Montecillo, the owner of Fuentebella-Montecillo Real Estate…” malakas na basa niya habang titig na titig sa kanila. “Pakiramdam ko parang nakita ko na sila hindi ko lang tanda kung saan.” Umiiling-iling na sabi niya habang pilit na inaalala kung saan niya ito nakita.


Naghanap pa siya ng ilang impormasyon tungkol sa Montecillo at nalaman niyang may nawawala itong anak na babae na ipinanganak noong March 18, 2001. Biglang na lang may nagsusumigaw sa utak niyang siya ang nawawalang anak ng mga ito. Kapareho kasi niya ng kaarawan ang anak nitong nawawala pero hanggang doon lang 'yon dahil wala siyang pruweba para patunayan ito dahil wala siyang mga larawan noong sanggol pa lamang siya na puwedeng magpatunay.


Kaya sa bandang huli ay ipinagkibit-balikat niya na lang ang nasa isip niya pati ang nararamdamang pagkasabik. Ipinagpatuloy na lang niya ang paggawa ng kanyang proyekto dahil kailangan niya na itong maipasa sa itinakdang-araw ng pasahan.


Papasok pa lang siya sa gate ng school nila ay nakasalubong niya ang isang lalaking may kaunting pagkakahawig kay Mr. Montecillo. Ngunit mayamaya ay ipinagkibit-balikat na lang niya ito. “Hmmnn… Parang kamukha iyon ni Mr. John Montecillo,” sabi niya sabay turo sa pigura ng lalaki na naglalakad. Napailing na lang siya at inisip na baka nagha-hallucinate na naman siya. Sanhi lang ‘yon ng sobrang pag-iisip niya nang dahil sa nakita niya kagabi kaya akala niya kamukha ni Mr. Montecillo iyong lalaki. “Kung bakit pa kasi kailangan pa kaming mag-research ng tungkol sa mga sikat na business man.” Napapailing na sabi niya. Nang dahil kasi roon ay lagi na lang siyang napapaisip.


“Hoy, Akhi ano na naman ‘yang binubulong-bulong mo r’yan? Sinasabi ko na nga ba e! Kaya ayaw kong maging matalino kasi nakakabaliw.” Umiiling-iling na sabi na ni Allysa sa kanya habang sumasabay sa kanyang paglalakad.



“Grabe ka naman sa kaibigan mo. Kapag nagsasalitang mag-isa baliw agad? Hindi ba puwedeng kinakausap ko lang sarili ko? Teka ba’t ka pala naglalakad ka kasabay ko? Di ba hinahatid ka ng kotse niyo papasok sa school?” Nakangiting sagot niya sa kaibigan.



Umirap muna ito bago nagsalita. “Kabababa ko lang sa kotse. Saktong nakita kitang naglalakad mag-isa habang parang baliw na nagsasalita kaya ayon nilapitan kita ng hindi mo napapansin.”



Tinalikuran naman niya ito. “Naku bahala ka nga kung ano isipin mo sa akin. Tara na nga sa classroom natin. Baka mahuli pa tayo sa klase kapag kinuwento ko pa sa ‘yo ang tungkol sa dahilan kung bakit kinakausap ko ang sarili ko kanina ay baka isipin mo pang ang weird ng kaibigan mo.”



"Kahit 'di mo na ikuwento ngayon pa lang e weird ka na para sa akin friend." Panonoplang sagot sa kanya ni Allysa.



Agad namang hinampas ni Akhi ang kaibigan kaya kita niyang napaaray at hinaplos ang kanyang kanang balikat.



"Mapanakit ka rin talaga minsan friend!" Irap na sabi niya saka sumunod na naglakad.



NATAPOS ang buong araw ng wala siyang naitindihan sa itinuturo ng teacher nila. Pakiramdam niya ay lumulutang kung saan ang isip niya simula pa kagabi. Kahit kurutin o sampalin niya ng palihim ang sarili niya para i-absorb ang mga sinasabi ng mga ito ay walang nangyayari.


“Kung bakit ba kasi hindi ko makalimutan ang mukha nilang mag-asawa?” Malungkot na sabi ni Akhi sa sarili habang isa-isang ipinasok sa kanyang bag ang notebook, at ballpen. Mabuti na lang kahit medyo lutang siya e nakakasagot pa rin siya kahit papaano sa tanong ng professor nila.


“Akhi, uuwi ka na ba sa inyo? Gusto mo bang gumala tayo kahit saglit lang? Para ma-divert ‘yong isip mo sa kung saaan at makalimutan mo kung ano man ‘yang gumugulo sa isip mo." Nanghihikayat na sabi ni Allysa sa kanya. “Ano? Tara sa SM Antipolo? Games?” dagdag na sabi pa nito habang minumuwestra ang kamay na parang nagso-shoot ng bola sa ring.


Ilang minutong nag-isip si Akhi kung sasama ba o siya o hindi sa kaibigan. Dahil parang gusto na ayaw niya. Talagang naguguluhan siya.


Gusto niya kasi kahit papaano ay malilibang siya at makakalimutan niya ang tungkol sa larawan.


Pero ayaw naman niya kasi baka magalit ang Mommy Joan niya kapag hindi agad siya umuwi sa tamang oras. Lalo na kapag naunang umuwi ang bunso niyang kapatid na si Blesie. Siguradong isusumbong na naman siya nito kapag nagkataon.


“Ano Besh? Sasama ka ba o sasama ka?” Nakapameywang na tanong ni Allysa kay Akhi. Alam kasi nitong gusto niyang sumama ngunit lagi siyang pinipigilan ng sarili niya.


“Gusto ko sana kaso alam mo naman di ba ang sitwasyon namin sa bahay?” Sagot niya sa kaibigan.


“So ano naman? Bakit katulong ka ba nila? Saka minsan naman kailangan mo magsaya. Ikaw rin tatanda ka agad niyan nang maaga.” Naka-cross armed pa ito habang nakatingin sa kanya na di makapaniwala.


“Oo na nga! Sige na sasama na.” Napipilitang sagot niya sa kaibigan ngunit mayamaya ay tumunog ang kanyang cell phone. Alam na niya agad kung sino ang tumatawag. “Wait lang sasagutin ko lang ang tawag sa cellphone ko. Baka si mama na ito, at papaalalahanan akong umuwi na sa bahay.”


“Hello, ma? Bakit po kayo napatawag?” Nagtatanong na sabi niya habang naglalakad.


“Akhi, umuwi ka na rito ngayon na!” Ma-awtoridad na sabi pa ng Mama Joan niya.


“Ma...kasi may pupuntahan sana kami ni…” Nagdadahilang sabi pa niya ngunit di na niya natapos dahil agad na nagsalita ito sa kabilang linya.


“Bilisan mo nang umuwi. Kung hindi, wala ka ng aabutan dito sa bahay kapag sinunod mo ‘yang kapritso mo kasama ang magaling mong kaibigan.”



“Okay po!” Laglag ang balikat na sabi niya. Ibubuka pa lang sana niya ang bibig niya ngunit pinatay na nito ang nasa kabilang linya. Kaya malungkot siyang humarap sa kanyang kaibigan.



“Ano? Pinapauwi ka na naman ng mama mo? Feeling ko talaga di mo nanay ‘yon. Ang sama e! Wala man lang konsiderasyon sa anak. Ni hindi ka man lang niya hayaang magsaya. Aba kung ako magulang…” Natigil sa pagsasalita si Allysa nang makita siguro na may namumuo ng luha sa mga mata niya.


“Sige ha? Sa susunod na lang tayo lumabas, Allysa. I got to go. See you when I see you.” Saad niya pagkatapos ay alanganing ngumiti sa kanyang kaibigan saka kumaway at nagmamadaling naglakad na palayo.


Lakad-takbo na ang ginawa niya para lang makarating agad sa kanilang bahay. Mabuti na lang ay malapit-lapit lang ang bahay nila sa paaralang pinapasukan niya kaya hindi niya na kailangan pang mamasahe para makapasok.


Pagkarating niya sa tapat ng gate ng bahay nila ay napaawang na lang ang kanyang bibig nang madatnan na nakatambak sa labas ng bahay nila ang ilang mga furnitures at appliances. Nakita niyang may ilang kalalakihang humahakot ng kanilang gamit papunta sa truck na nakita niyang nakahinto sa bandang gate nila. Nakita niyang may mangilan-ngilan silang kapitbahay na nakikiusyoso.


Humahangos siyang pumasok sa loob ng bahay at nakita niyang nakakalat sa sahig ang ilang mga natirang gamit sa bawat sulok ng kanilang maliit na bahay. Umiiyak ang Mama Joan niya, at ang kanyang bunsong kapatid habang malungkot na nakatingin sa kung saan.


“Hoy kuya! Bakit niyo kinukuha ang gamit namin? Hindi niyo ba alam labag ‘yan sa batas? Puwede namin kayong kasuhan kapag hindi niyo inilapag ang mga gamit namin.” Tapang-tapangan na sabi niya sa isa sa bumubuhat ng 50 inches nilang TV na may tatak na Samsung.


Sobrang sakit isipan ang mga gamit na naipundar ng magulang niya ay agad na lang mawawala dahil naging pambayad sa pagkakautang nila sa bangko. Kaya naglakas-loob siyang salubungin ang isa sa mga trabahador para kausapin. Hindi niya kayang tumayo na lang, at umiyak sa isang tabi na walang ginagawa.

Book Comment (7)

  • avatar
    Evander Sarabia

    500

    16/06

      0
  • avatar
    Cherry Ramos Amoroso

    Very good

    10/06

      0
  • avatar
    ReyesPrincess

    ganda

    03/05

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters