logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

Chapter 5 Drive

Kabanata 4
Drive
--
Hapon nang umuwi kami ni Andrew. Nagpresinta siyang ihatid ako sa bahay at dahil pagod na, hindi na ako nagreklamo. Pero nagpababa lang ako sa kanto ng barangay namin dahil baka kung ano pa ang sabihin ng mga chismosang kapitbahay kapag nakitang bumaba ang sa napaka gandang kotse. Tsaka baka nandyan sina Tita sa bahay, baka kung ano rin ang isipin nila.
"Oh, eto lang?"
Hindi ako makapaniwala na hindi pa rin sapat ang binigay ko kay Tita Cecilia. Medyo malaki laki na iyon kaya hindi ko alam kung bakit hindi pa rin siya natutuwa. Kumuha ako ng kaunti pandagdag sa ipon ko pero mas malaki itong binibigay ko sa kanya.
"Hindi ito sapat! Kulang pa ito! Nasa limang libo ang bayarin natin kaya dagdagan mo pa!" sigaw niya.
Kaya wala akong nagawa nung araw ring iyon kundi bumili ulit ng mga ingredients para sa cupcakes ko. Pagkarating ko sa bahay nagluto lang ako ng hapunan nila para mamayang gabi at umalis na. Pupunta ulit ako ng simbahan.
Dahil kailangan na talaga ang pera dahil baka maputulan kami, kailangan kong mag bake pa ulit. Sigurado akong magugulat si Pastora at sigurado akong gagabihin na rin ako. Nahihiya na nga ako kay Pastora dahil palagi kong ginagamit ang oven at ref niya, baka dagdag gastusin niya pa iyon sa kuryente.
"Ano ka ba, ayos lang. Wag mong intindihin ang mga bayarin ko," si Pastora pagkatapos kong humingi ng pasensya.
Kahit papaano gumaan ang loob ko sa sinabi niya kahit pa nahihiya pa rin talaga ako. Siguradong lalaki ang gastusin niya dahil sa palagi kong paggamit sa kanyang oven.
"Sige na at baka gabihin ka pa. Wag mo nang intindihin iyon. Hapon na, Sha sha. Delikado na kapag gabi," si Pastora.
"Sige po. Maraming salamat po ulit, Pastora..." ngumiti ako.
Sobra talaga akong nagpapasalamat na may mga kasama akong ganito rito. Kahit wala na akong mga magulang para gumabay sa akin, nandyan naman si Pastora para gabayan ako. Para ko na siyang pangalawang ina.
Nalaman ko na nandyan pa rin ang mga Abelardo. Hindi pa sila umaalis at mukhang seryoso ang ginagawang pag aaral sa simbahan. Hindi ko alam kung bakit nagtatagal sila rito pero hindi ko nalang inisip. Kailangan kong bilisan ang paggawa rito at nang makapag benta na. Tama si Pastora, gagabihin ako panigurado.
Pawis na pawis ako habang ginagawa ko ang cupcakes. Umiinom nalang ako ng tubig para kahit papaano maibsan ang hingal ko. Nang natapos naman ay mas lalo kong naramdaman ang pagod ko.
Kumuha ulit ako sa ipon ko para makabili ng ingredients para sa cupcakes na gagawin ko ngayon. Pero ngayong araw, mas malaki ang kinuha ko dahil mukhang kailangan na talaga ni Tita Cecilia ang pera para makapag bayad na. Limang box ng cupcakes ang nagawa ko ngayon at iba iba pa ang flavor.
Habang hinihintay ang cupcakes na nasa ref, dumukmo ako sa lamesa sa tapat lang ng kusina kung saan kumain ang mga Abelardo at ang iba pa nilang tauhan kanina. Dito ako madalas nagpapahinga kapag gumagawa ng cupcakes.
Pumikit ako. Pagod na pagod talaga ako ngayong araw. Kahit na pagba-bake lang naman ang ginawa ko, pakiramdam ko ang hina hina na ng katawan ko. Para bang ngayon ko lang nararamdaman ang pagod na hindi ko naramdaman nung mga nakaraang araw.
Napabuntong hininga ako.
Hindi ko namalayan ang oras at nakatulog na pala ako. Unti unti kong dinilat ang aking mga mata at nakarinig ng isang mahinang tinig malapit lang siguro sa akin.
"Pangalawang bake niya na ito ngayong araw at sigurado akong pagod na pagod na nga iyang batang yan. Tsaka sigurado rin akong hindi lang ito ang ginagawa niya, may mga gawain pa siya sa bahay na kailangan niyang gawin. Napaka sipag..." si Pastora iyon.
Nag angat ako ng tingin at agad nagtama ang mga mata namin ni Benjamin. Napabangon agad ako sa pagkakadukmo. Natanaw ko na madilim na sa labas kaya siguradong gabi na!
Agad akong napatayo.
"Sha sha..." pagtawag ni Pastora.
"Uh... Pastora, pasensya na po. Gabi na po pala..."
Bumuntong hininga siya at lumapit sa akin. "Wala iyon, Sha sha. Kung gusto mo matulog ka pa. Doon ka na sa bahay matulog."
Umiling ako. "Hindi po pwede. K-Kailangan ko pang ibenta ang cupcakes para..."
Napatingin ako kay Benjamin at may napagtanto. Kay Benjamin ba sinasabi ni Pastora ang mga sinasabi niya kanina tungkol sa akin?
"Hay nako! Bukas nalang iyan! May bukas pa naman, Sha sha," sermon ni Pastora.
"P-Pero kailangan ko na pong ibenta ang mga iyon. Papagalitan po ako ni Tita Cecilia kapag wala akong naibigay sa kanya ngayong gabi kaya... s-sige na po, Pastora," nakikiusap kong sinabi dahil siguradong hindi na niya ako hahayaang umalis ngayon.
Napabuntong hininga siya. "Pero gabi na. Paano ka uuwi niyan?"
"Sasakay nalang po ako. May kaunting pera pa naman po ako rito..." sabi ko at muling napatingin kay Benjamin.
Seryoso siyang nakatingin sa akin, bahagyang magkakasalubong ang mga kilay at mukhang galit sa kung ano. Nakahalukipkip siya at nakikinig sa amin. Mukhang wala nang tao sa simbahan bukod sa aming tatlo. Wala na rin ang mga tauhan nila sa kung saan saan. Ano pa kaya ang ginagawa niya rito?
"Napaka tigas talaga ng ulo mong bata ka," napapabuntong hiningang sinabi ni Pastora. "Oh, sige na. Mag iingat ka sa pag uwi mo. Sumakay ka sa kakilala mo."
"Opo--" bago ko pa man matuloy, nagsalita na si Benjamin sa gilid dahilan para mapatingin kami ni Pastora sa kanya.
"I'll drive you home," anya na nagpagulat sa akin.
Hindi ako nakapag salita. Napakurap kurap ako.
"Oh?" si Pastora.
"I have my car outside. Ihahatid na kita," seryoso niyang sinabi habang nakatitig sa akin.
"Uh..." hindi pa rin ako makapag salita.
"Sigurado ka ba, hijo? Hindi ba makaka abala sayo?" tanong ni Pastora.
"Hindi po," sagot ni Benj.
"P-Pero..." sa wakas nakapag salita na rin ako. "Ayos lang naman ako. K-Kaya ko nang... sumakay..."
"Gabi na. Delikado na sa daan. Ihahatid na kita," anya.
Napakurap kurap ulit ako. Hindi ko alam ang sasabihin ko kaya si Pastora na ang nagsalita.
"Iyon naman pala, Sha sha. Sumabay ka na kay Benjamin. Mabait iyan kaya wag ka nang mag alala."
Ano? P-Pero...
"Nakakahiya naman po. Uh... kaya ko naman na talagang sumakay..." pagpapatuloy ko.
Hindi na nagsalita si Benj. Mariin na ang titig niya sa akin ngayon at base sa ekspresyon niya na iyon, alam kong hindi pa rin siya sang ayon. Lumunok ako at napatingin kay Pastora na ngumiti.
"Sumabay ka na sa kanya, Sha sha. Tama siya at delikado na nga sa daan dahil gabi na. Kung mapano ka pa. Marami pa namang nag iinuman sa barangay ninyo..."
Ano? Kailangan pa bang sabihin iyon ni Pastora?
"Wala naman pong umiinom sa amin. Kaunti lang..." kinagat ko ang labi ko.
"Sumabay ka na. Wag ka nang maarte. Kunin mo na ang mga cupcakes mo roon," utos niya.
Napatingin ako kay Benj na seryoso pa ring nakatingin sa akin. Nakahalukipkip siya at nakatayo ng tuwid na para bang hindi siya aalis roon hanggay hindi niya ako kasama.
Kaya wala na rin akong nagawa.
"S-Sandali lang..." sabi ko at pumasok sa loob ng bahay ni Pastora para kunin na ang mga cupcakes ko.
Nakakahiya! Kaya ko naman na talagang sumakay nalang at ilang beses ko nang nagawa iyon. Hindi ko alam kung bakit pumayag si Pastora rito pero siguro dahil kilala niya naman si Benj.
Ngumuso ako. Hindi ko alam kung bakit nahihiya ako pero siguro dahil iyon mayaman si Benjamin at pakiramdam ko mali ang makipag usap ako sa kanya. Sino ba naman kasi ako? Mayaman siya at mahirap ako. Ang pagkausap sa kanya ay mali na para sa akin, paano pa kaya itong sasabay pa ako sa kanya?!
Napapikit ako. At naabutan pa yata nila akong natutulog sa lamesa! Nakita niya akong natutulog roon panigurado kaya mas lalong nakakahiya! Ano ba yan! Bakit ba kasi ako natulog roon?
"Ingat!" ngiting ngiti si Pastora nang sabihin iyon. Hinatid niya kami ni Benj sa labas.
"Salamat po ulit, Pastora! Ingat rin po kayo!" sabi ko at kumaway sa kanya.
Malaki ang sasakyan ni Benj kaya halos mapahinto ako sa gulat. Hindi iyon kagaya ng sasakyan ni Andrew na kotse lang. Ito, SUV na yata ito! Malaki at mahaba!
Binuksan si Benj ang pintuan ng passenger seat at tumingin sa akin. Hindi agad ako nakagalaw. Hanggang ngayon nagdadalawang isip pa rin ako pero ano pa bang magagawa ko? Nandito na ako, oh! Hindi na ako pwedeng magreklamo. At alam kong nanonood si Pastora sa likod.
"Get in," utos ni Benjamin nang hindi ako gumalaw ng ilan pang segundo.
Kaya naman agad agad akong kumilos at lumapit sa kanya. Pumasok ako sa loob ng kanyang sasakyan at umayos ng upo. Hindi ako masyadong gumalaw dahil baka may magalaw ako at may masira pa rito.
"Wear your seatbelt," si Benjamin kaya napatingin ako sa kanya.
Hindi niya pa sinasarado ang pintuan at nandoon lang sa harapan ko. Mabilis kong hinanap ang seatbelt at agad na kinabit iyon sa akin. Pagkatapos noon ay tumingin ako sa kanya. Nang nakita niyang ayos na ako ay doon niya palang sinarado ang pintuan.
Sandali akong nakahinga ng maluwag. Napaka seryoso ng titig niya na nakakanerbyos na iyon. Pansin ko ring kanina pa siya suplado pero hindi ko magawang magtanong dahil alam kong hindi kami close. Baka rin ayaw niya akong kausap. Nakapag usap na kami noong bumili siya sa akin pero iyon ay dahil inalok ko lang siya! Naging mabait lang siya sa akin noon!
O baka naman talagang suplado na siya? Naging mabait lang talaga siya sa akin noong una?
"Paano mo ibebenta iyan ngayon?" tanong ni Benjamin.
Umaandar na ang sasakyan. Tinuro ko ang daan papunta sa amin.
Napatingin ako sa kanya at hindi agad nakasagot. Akala ko hindi na niya ako kakausapin. Hindi ko na rin naman na inasahan dahil nagmagandang loob lang siya ngayon, akala ko hindi na niya kailangang makipag usap.
Sumulyap siya sa akin ng isang beses bago tumingin sa daan.
"You said kailangan mo nang mabenta lahat yan ngayon," dagdag niya nang hindi ako nagsalita.
"Uh... sa online. Ipopost ko online at... sigurado akong may bibili na agad. Matagal na kasing naghahanap yung mga... uh... kaklase ko noon..." sabi ko.
"Uh-huh. And then? Sila ang pupunta sayo?"
"Hindi. Ako ang magdedeliver sa mga bahay nila."
Kumunot ang kanyang noo at napatingin sa akin. "Ikaw ang pupunta?"
"Oo..." medyo lito kong sagot dahil sa pagkakasalubong ng kilay niya, parang hindi niya kasi nagustuhan ang sagot ko.
"It's already night. Magdedeliver ka pa rin?" kunot noo niyang tanong.
"Uh... oo. Kailangan kasi, eh. Magbabayad na kami ng ilaw at tubig..."
"Bakit hindi nalang sila ang papuntahin mo sa bahay niyo?"
"Uhm... ganon kasi talaga kapag ikaw ang nagbebenta. Ikaw dapat ang pupunta kaya..."
Bumuntong hininga siya at ilang sandaling hindi nagsalita. Akala ko hindi na ulit siya magsasalita pero nagkamali ako.
"Is that your boyfriend?" tanong niya na ikinalito ko.
"Sino?"
Kumunot ang noo ko. Wala naman akong boyfriend.
"That boy you were with while you were baking cupcakes," hindi siya tumingin sa akin nang sabihin niya iyon, siguro focus lang siya sa pag da-drive.
"Ah," bahagya akong natawa nang napagtanto ang sinasabi niya. "Si Andrew? Hindi ko iyon boyfriend. Kaibigan ko lang iyon."
Dahan dahan siyang tumango nang narinig ang sagot ko.
"Bakit?" kuryoso kong tanong.
"Nothing. Saan ang inyo?"
Napatingin agad ako sa harapan at nakitang kailangan nang lumiko. Tinuro ko iyon sa kanya at agad siyang tumango at sinunod ang sinabi ko.
"Anong flavors ng cupcakes mo?" tanong ni Benjamin maya maya.
"Uh..." napatingin ako sa mga cupcakes ko na nasa likuran. "Merong... chocolate, mango, strawberry, cookies and cream at... hazelnut."
"Hmm..." tumango tango si Benj.
"Uh... siya nga pala... nagustuhan ba ng Mommy mo ang cupcakes ko?" tanong ko.
Sumulyap siya sa akin bago tumingin ulit sa harapan.
"Yeah. She loves it."
Napangiti ako. "Mabuti naman..."
"She wants another one, actually."
Nagulat ako at napatingin kay Benj dahil sa sinabi niya. "Talaga?"
"Oo kaya bibili ulit ako," tumingin siya sa akin. "I'll buy all your cupcakes."
Mas lalong nanlaki ang mga mata ko. Totoo ba ang narinig ko? Talaga bang bibilhin niya ulit lahat? Parang gusto kong magsisigaw sa tuwa kung hindi lang ako nahihiya sa kanya!
Hindi ko na naman kailangang magpost online at magdeliver para lang magkaroon ng pera dahil may bibili na agad! Napaka swerte ko naman ngayong araw! Siguradong matutuwa si Tita nito!
"Sigurado kang bibilhin mo lahat?" tanong ko.
"Yes. Bakit? May iba na bang bibili?" malamig niyang tanong.
"W-Wala naman! Hindi lang ako makapaniwala. Maraming salamat! Hindi ko na kailangang magdeliver!"
Nawala ang kunot sa kanyang noo at natawa sa sinabi ko. "You also hate doing that, huh?"
Natigilan ako. "Uh... hindi naman. Naisip ko lang... maaga akong makakapag pahinga ngayon..." awkward akong tumawa.
Napatingin siya sa akin at nakita kong wala na ang ngiti niya kanina. Nang nakita kong barangay na namin ay pinahinto ko na siya at sinabing dito nalang ako.
"Maraming salamat ulit," sabi ko at ngumiti sa kanya.
"Here," inabot niya sa akin ang maraming libo na pera.
Nanlaki ang mga mata ko. "Uh, sobra ito."
"Keep it. Isipin mo nalang tip ko sayo iyan dahil nagustuhan ng Mama ko ang cupcakes mo."
Ilang sandali akong hindi nakapag salita pero sa huli tinanggap na rin ang pera. Ngumiti ulit ako.
"Maraming salamat!"
"You're welcome, Sha sha..."
Kinagat ko ang labi ko at sandaling napatitig sa kanya nang banggitin niya ang pangalan ko nang ganon. Hindi ko alam kung bakit parang may kakaiba. Parang kay gandang pakinggan ng pangalan ko ngayong siya na ang nagsabi noon.
Tumingin siya sa akin nang naramdaman ang titig ko at agad akong nag iwas ng tingin. Uminit ang pisngi ko at mabilis na hinubad ang aking seatbelt. Tumikhim ako.
"Uh... labas na ako. Salamat sa paghatid at salamat ulit sa pagbili ng cupcakes..." sabi ko at agad agad nang bumaba sa kanyang sasakyan.
Malakas ang kalabog ng puso ko. Mabilis akong naglakad papunta sa amin nang hindi na nililingon pa ang kanyang sasakyan. Napahawak ako sa dibdib ko at pinakiramdamang mabuti ang mabilis at malakas na kalabog roon.

Book Comment (91)

  • avatar
    Fontelara Alvin

    okey

    3d

      0
  • avatar
    Annalou Soliba Limosnero

    excellent

    19d

      0
  • avatar
    MI KE

    nakakaiyak

    16/08

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters