logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

CHAPTER 1

RICHIELLE ANASTACIA GREY'S POV;
"Owemjiii! I cannot!" kinikilig na saad ni Eloise, habang kumakain kami dito sa bagong restaurant, malapit sa condo ko.
Yes, I have my own condo, malaki siya, dahil may inilaan akong room para sa hobby ko, which is yung pagpipinta.
"Eloise, lower down your voice." sita ko sa kanya.
Naikwento ko kase sa kanya, ang nangyari sa office ko, yesterday. And imbes na magalit kay Hunter, dahil hinalikan niya ako ng walang permiso, eh kinilig pa siya.
"Wait langg, kinikilig kase akoo! ACKKK!" saad nito habang niyuyugyog ang balikat ko.
"Stop what you're doing, Eloise. Di ako makakain ng maayos." pagrereklamo ko, at bahagyang lumayo sa kanya, para makakain ako ng maayos.
"Bakit ako yung kinikilig sa ating dalawa? eh ikaw yung hinalikan niya? HUHUUU," walang kwenta nitong tanong.
"Aba, ewan ko sayo." mataray na sagot ko, at ipinagpatuloy lang ang pagkain, kaya ganon din ang ginawa niya, kahit nakanguso siya.
Pakalipas ng ilang saglit, biglang tumunog ang phone niya, kaya napatigil kami sa pagkain.
"Hello?....oo, kasama ko siya....ha? pupunta ka?....sigee sigeee...Ingattt!"
Ilan lang yan sa mga naririnig ko, pero wala akong ideya kung sino ang kausap niya.
"Sino yun?" tanong ko sa kanya, ng matapos na siyang makipag-usap.
"Yung boy best friend ko, si Lucas. Naaalala mo pa ba siya?" nakangiting saad ni Eloise, na namumula.
Ahh, si Lucas Benjamin Sai yung tinutukoy niya. Naging classmate ko siya noon, but we're not really close. Feeling ko kase, may gusto siya sa akin noong nasa college palang ako, kaya lumayo ako sa kanya.
"Boy best friend lang ba talaga?" panunukso ko rito.
Bahagya naman siyang namula, sa di malamang dahilan. Siguro nga'y tama ang hinala ko noon palang, na may gusto siya kay Lucas. Tama lang pala ang naging desisyon ko noon, na wag hayaang mapalapit sa akin ang best friend niyang lalake.
"O-oo, ano ba ang nasa isip mo? HAHAHAHA." naiilang na saad nito.
Nagkibit balikat nalang ako, at napatingin nalang kami sa labas ng restaurant, nang may bumusinang sasakyan. Maybe si Lucas na yun.
Pinagmasdan ko lang ang reaksyon ni Eloise, hanggang sa makapasok ng restaurant si Lucas.
Pareho silang ngumiti sa isa't isa, at kung di lang sila magkaibigan, baka napagkamalan kong magjowa sila, lalo na't hinalikan ni Lucas si Eloise sa pisngi.
"Hi?" nahihiyang bati ni Lucas, sa akin.
Nginitian ko siya, at itinuro ang isang available na upuan sa tabi ko.
"Hello, maupo ka, nakakangalay tumingala." saad ko, na ikinatawa nila Eloise at Lucas.
Mukha ba akong nagbibiro? eh totoo namang nakakangalay tumingala.
"Hindi ka pa rin nagbabago, Richielle, HAHAHA." nangingiting saad ni Lucas, at umupo na sa tabi ko.
"Ganyan talaga kapag sobrang mayaman, HAHAHAHA." pagbibiro ni Eloise, na hindi ko ikinatuwa.
"The way I act is not based on my life status." seryosong saad ko, na nakapagpatahimik sa kanilang dalawa.
Ipinagpatuloy ko nalang ang pagkain, dahil mukhang naputol na ang dila ng dalawa kong kasama.
Ayaw ko talagang isinasali sa usapan ang life status ko. Lalo na kung ang kasama ko, ay sina Eloise at Lucas. Nakakailang kase, on the given fact, na simple lang ang pamumuhay nilang dalawa kung ikukumpara sa akin.
Si Eloise kase, scholar siya ni grandpa since elementary, kaya kasama ko siya sa bawat private school na pinapasukan ko noon, hanggang sa college, and we became best friend because of that.
Sa hospital namin siya nagtatrabaho ngayon, doctor siya, di lang halata, hahaha. Pero kahit doctor siya, paminsan-minsan ko lang siya nakakasama sa hospital na pinamamahalaan ko, dahil sa iba't ibang lugar ko siya pinapapunta, para mabigyan din ng tulong medical yung mga nasa malalayo at tagong lugar.
"Uhm, I'm sorry." paghingi ko ng tawad, dahil nailang na ako sa katahimikan.
"Halaa siyaa, okay lang noh! ako nga ang dapat magsorry." saad ni Eloise, at lumapit sa akin, upang mayakap ako.
Muntik niya pa akong mayakap sa leeg, buti nalang tinignan ko kaagad siya ng masama.
"Parang magkapatid na talaga kayong dalawa," nakangiting saad ni Lucas, habang nakatitig sa aming dalawa ni Eloise.
"Really, Attorney Lucas Benjamin Sai?" pang-aasar namin ni Eloise sa kanya.
Napatawa naman ito, ayaw niya kase talagang tinatawag siyang attorney, dahil nakakailang daw, at ayaw niyang ipagyabang.
"Stop calling me Attorney, or else..." pabiting saad ni Lucas.
"Willing akong makulong attorney, basta sa puso mo, HAHAHAHAHA." pagbibiro ni Eloise.
Napatampal nalanga ko sa aking noo, dahil sa sobrang pagiging corny ni Eloise.
"Ang corny pala bumanat ng mga doctor? HAHAHAHA," pang-aasar ni Lucas kay Eloise, na ikinatawa ko.
Nagkulitan pa sila sa harap ko, kaya di ko maiwasang maisip na sobrang bagay nila sa isa't isa. Pero sabi nga nila, lahat daw ng halos magkaparehong tao, ay parang parallel lines, na never magkakasama.
And based on my opinion, parallel lines do not met, right? so, kung almost perfect ako at si Vrake, di kami pwede sa isa't isa. We can communicate with each other, but from a distance nga lang. Kaya di ako sigurado if our marriage will work or not.
Napabuga nalang ako sa hangin, at sumandal sa kinauupuan ko. Nawalan na din ako ng gana na kumain.
Huminto naman sa pagkukulitan sina Eloise at Lucas, nang mapansin ako.
"May problema ba?" sabay na tanong ng dalawa.
Umiling naman ako, "Nothing, naisip ko lang kung may possibility bang magwork ang marriage namin ng fiancé ko, after the wedding." saad ko, at tumingin sa malayo.
"Ikakasal ka na?" gulat na tanong ni Lucas.
Hindi na ako nagulat na hindi alam ni Lucas ang tungkol sa arranged marriage ko, dahil palagi siyang umaalis ng bansa, simula ng maging attorney siya.
"Yes," sagot ko, at alanganing ngumiti.
Nakita ko ang pagdaan ng kalungkutan sa mata niya, habang nakatingin sa akin. Gusto niya pa rin ba ako, until now?
"Uhm, I guess, your marriage will work, as long as, you and your partner, love each other." malalim na saad ni Lucas.
"Eh paano yan, Attorney Lucas? arranged marriage yung kay Bessywaps, HUHU" saad ni Eloise, at umaktong umiiyak.
Binatukan ko naman siya, dahil para siyang ewan sa ginagawa niya.
"What? how come? I mean, Richielle will never settle for less. Being in arranged marriage is not her thing." pagsasalita ni Lucas na hindi makapaniwala.
Umayos ako ng upo, "My grandpa wants me to be married, on the son of his business partner." pagpapaliwanag ko, "You already know, that my grandfather is not getting young anymore, so, I don't have any choice but to involve myself into this situation." dagdag ko.
Napatango-tango naman si Lucas, "I guess, in this situation, I can't do anything to save you, in fact, this is your choice. But, kapag niloko at sinaktan ka ng mapapangasawa mo, don't worry, I got your back." saad ni Lucas, at kumindat pa.
"Attorney, kalma lang HAHAHAHA, basta ako, kapag nabuntis si Bessywaps, ako ang mag-aalaga sa kanila ng baby niya." proud na saad ni Eloise, na ikinatawa namin ni Lucas.
"Kalma ka lang din, Doc, HAHAHAHA." natatawang saad ni Lucas.
After ng asaran namin, tinapos na namin ang kinakain namin ni Eloise, habang hinihintay kami ni Lucas. Napagdesisyonan kase naming pumunta sa isang bar, na exclusive lang para sa mga professionals. Like, kung may iniingatan kang lisence, safe kang magwalwal sa bar na yun, hahaha, kaya doon ko niyaya sina Eloise at Lucas, on the given fact that they are doctor and attorney.
Pakalipas ng ilang minuto, lumabas na kaming tatlo ng restaurant.
"Bago tayo pumunta sa HotNDriX's Bar, magpapalit muna tayo ng susuotin natin, sa condo ko." saad ko, at tumawid kami ng kalsada, dahil nasa harap lang ng restaurant na ito, ang condo ko, na parang isang bahay na din kung ikukumpara sa mga maliliit ba bahay.
"Grabe, iba talaga kapag mag-aasawa na, HAHAHAHAHA," pagpaparinig ni Eloise, nang makapasok na kami sa loob ng condo.
"Why?" tanong ko sa kanya, at pinaupo muna sila sa dalawang couch na nasa sala.
"Kase ngayon ka nalang ulit nagyayang pumunta sa bar, HAHAHAHA, akala ko nga dati, tatanda kang dalaga, dahil yung focus mo lang eh andoon sa hospital na minamanage mo." mahabang saad ni Eloise na nakapagpangiti lang sa akin.
"Gusto ko lang makapagisip-isip," saad ko, at umakyat muna sa kwarto ko, para makapili ng susuotin.
Binuksan ko kaagad ang closet ko, para tignan ang mga damit na nadala ko dito sa condo.
Konti lang din kase yung mga dinadala kong gamit dito, dahil doon ako madalas mag-stay sa office. May room na din kase ako doon, at mas okay na andoon ako, upang mabantayan ko si Lolo.
Sa tagal ng pagpili ko, bumagsak ako sa pagsusuot ng black halter dress, that really suits my personality. They say, black, white and gray color, really suits a cold, serious, and a matured type of a woman.
"Nice one, Anastaciaaa!" saad ni Eloise habang pababa ako ng hagdan.
Lumabas na kase ako ng kwarto, after kong mag-ayos, para makapag-ayos na rin ang dalawa kong kasama.
"Okay ba?" tanong ko, nang makalapit na ako sa kanila.
"Absolutely gorgeous, Richielle," nakangiting papuri ni Lucas, na tinignan muna ako, mula ulo hanggang paa.
Ngumiti lang ako sa kanya, bilang pasasalamat.

It's already seven in the evening, at kakarating lang namin sa HotNDriX's Bar, na medyo may kalayuan sa condo ko. Halos magdadalawang oras din ang naging byahe namin, papunta rito, kaya kinailangan kong magretouch, ganon din si Eloise.
"Anastaciaa, paano kung, may mahanap kang mas gwapo kaysa sa fiancé mo, what will you do? hihii." saad ni Eloise, at sinundot pa ang aking tagiliran, nang makalabas kami ng sasakyan.
"I'm not interested on mens, you know me." saad ko, at nauna ng pumasok sa Bar.
Bumati naman sa akin ang isang lalake sa entrance, na nginitian ko lang. Alam kong nakasunod sa akin sina Lucas at Eloise, naririnig ko din kase na nagtatalo sila.
Habang tumitingin-tingin sa paligid, di ko maiwasang mandiri sa mga taong naghahalikan kung saan-saan. I'm not saying na bawal yung ginagawa nila, kase Bar nga ito, given na yung makakakita ka ng mga taong gumagawa ng milagro, but I can't deny the fact na halos masuka ako sa ginagawa nila.
Naupo nalang muna ako sa Bar Counter, at nginitian ang Bartender na naroon. Gwapo siya, at mukhang hilig niya lang ang paghahalo-halo ng mga inumin, dahil mukha naman siyang galing sa mayamang pamilya.
"A professional, Miss? a Teacher? doctor?" pagtatanong nito, habang nakangiti.
"Nope," maikling sagot ko, at nag-isip ng pwedeng inumin, "Can you give me, one shot of Mojito and Martini?" saad ko sa bartender.
Nakangiting ibinigay niya naman sa akin ang orders ko, at walang pag-aalinlangang ininom ko ito, na medyo di kinaya ng lalamunan ko.
"First time?" tanong ng bartender.
"Nope, minsan lang kase ako uminom." I honestly said.
Tumango-tango naman ito, bago ilahad ang kamay niya sa harap ko, "I'm William Axel Villareal, how about you?" nakangiting pagpapakilala nito.
I guess, he's a nice guy, kaya nakipagkamay ako sa kanya, "Nice name, I'm Richielle Anastacia Grey, by the way." nakangiting saad ko, na nakapagpakunot ng noo niya.
May problema ba sa pangalan ko?
"Your name, sounds familiar....di ko lang maalala kung saan o kanino ko siya narinig." saad nito, na pinipilit isipin ang isang bagay na di niya maalala.
I just chuckled, at hinanap sina Eloise at Lucas. Akala ko, kung nasaan na sila, andoon lang pala sa Dance floor.
"They are childish." bulong ko.
Nakarinig naman ako ng pagtawa, kaya napatingin ako kay William.
"Why are you laughing?" tanong ko, mukha siyang baliw sa ginagawa niya, hayst.
"Ang bitter mo kase," sagot nito ng walang pagaalinlangan.
Nagkibit-balikat lang ako, at bumalik sa pagtingin-tingin sa paligid....na sana ay di ko na ginawa.
"Ikaw ba talaga ang lalakeng papakasalan ko?" tanong ko, sa aking isipan, habang nakatingin sa lalakeng nakaupo sa isang couch, di kalayuan sa pwesto ko. Meron siyang dalawang babae na katabi, at nakikipaghalikan siya sa isa, habang hawak niya naman ang isang babae, sa bewang.
"The heck with you, Hunter." bulong ko, at di maiwasang hawakan ng mahigpit ang basong hawak ko.
Ang sama ko ba sa past life ko, for me to have a fiancé, na di ko naman mahal, at sobrang babaero? aish!
Sa sobrang inis ko, tinawag ko si William, na kasalukuyang nakikipagusap sa isang costumer. Kaagad niya naman akong nginitian, at iniwan ang kausap niya, upang lumapit sa akin.
"Spirytus Vodka, please." diretsong saad ko, na naging sanhi ng pagkagulat niya.
"Pardon? can you repeat what you've said?" saad ni William.
"I said, give me Spirytus Vodka." nauubusan ng pasensya na saad ko.
Bumuntong-hininga muna ito, bago tumalikod sa akin, at ginawa ang inumin na gusto ko.
Habang naghihintay, ibinalik ko ulit ang aking paningin, sa lalakeng napakalandi.
Wala na siyang kahalikan ngayon, nakikipagtawanan nalang siya sa mga babae na kumakandong sa kanya.
"Heart broken ka ba?" biglang saad ni William, kasabay ng paglapag niya ng alak sa bar top.
"No, I'm not." pagtanggi ko, at tinitigan ang inumin na nasa harapan ko.
"Are you sure? kase karamihan sa umuorder ng ganyang inumin, ay yung mga taong iniwan at pinagpalit." natatawang saad nito.
Tumango lang naman ako sa kanya, at ininom ang isang shot ng Spirytus Vodka. Alam kong napakatapang ng alak na ito, pero gusto ko talagang inumin ito ngayon, dahil sa sobrang inis na nararamdaman ko.
"One more shot, p-please." saad ko, na medyo tinatamaan na agad ng alak.
"Richielle, listen, matapang ang alak na ito. Baka kung mapano ka sa paguwi mo." saad ni William, na halatang nag-aalala sa akin.
"I d-don't care, just...give me one m-more shot— hik!" saad ko, at suminok pa.
Nakita ko ang pagiling-iling nito, at walang nagawa, kaya binigyan niya ulit ako ng isang shot.
"T-thanks, hihi." saad ko, na may malawak na ngiti.
Nilagok ko kaagad ang alak na binigay niya, at naisipang tumayo, mula sa pagkakaupo sa bar counter chair.
"Oh? saan ka pupunta?" tanong ni William, pero di ko siya sinagot at tumuloy lang ako sa paglalakad, papunta sa kinauupuan ni Hunter.
Dala na rin ng kalasingan, di ko na macontrol ang katawan ko, kaya ng makarating ako sa harap ni Hunter, hinablot ko ang braso ng isang babaeng nakakandong sa kanya, kaya nakuha ko, ang atensyon ng mga lalake at babaeng nakaupo din sa pwesto na iyon.
"What do you need?!" maarteng tanong sa akin ng babaeng mukhang kamatis.
"H-hulaan mo, hahaha— hik!" nang-aasar na sagot ko.
Magsasalita pa sana ang babae, pero may sinabi sa kanya si Hunter, kaya bigla siyang umalis.
Seryoso namang tumingin sa akin si Hunter, na mukhang di natutuwa na andito ako, at nasa harap niya.
Nagulat nalang ako, ng bigla niya akong hapitin sa bewang, kaya napakandong ako sa kanya, at parang magkayakap na kami. Narinig ko din ang malakas na sigawan ng mga taong malapit sa amin.
Inilapit niya ang kanyang labi sa likod ng aking tenga, "You're drunk, woman." bulong niya, in a manly tone.
"I'm n-not...hik!" pagtanggi ko, kasabay ang pagiling-iling.
Nakarinig naman ako ng isang magandang tawa, at naramdaman ko na lamang ang labi niya, na nakalapat sa labi ko.
This is not great...

Book Comment (105)

  • avatar
    Ashieee

    season 2 pleaseeeee!!!

    10/04/2022

      0
  • avatar
    Amiel Suson

    so wonderful great story

    17h

      0
  • avatar
    Norayah D. Hadji Abdulhalim

    5.0

    14d

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters