logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

06: DISCOVERED QUESTION

If there is one thing that you can prevent doing in your life, that is lying. Many white lies is total of big lies, it may or may not affect you, but this is dangerous.
Author's Pov:
"These bunch of files is all about the deals, these another bunch of files is all about the trades and another bunch of files is all about the contracts. One of each drawer and cabinet has its own content and first things first, you need to read and sign all these papers," pagpapaliwanag ni Rage at tinuro ang limpak-limpak at makakapal na puting papel na nakapatong sa ibabaw ng lamesa.
Wala sa sariling napahinga ng malalim si Shan bago pumunta sa malaking upuan na hindi malaman kung para ba talaga iyon sa kanya o para sa reyna. Umupo siya roon at kinuha ang isa sa mga papeles na nakapatong sa ibabaw ng mamahaling lamesa tsaka binasa ang laman nito. Kanina pa paliwanag nang paliwanag si Rage sa dalaga kahit halata naman sa mukha nitong hindi ito nakikinig at interesado sa mga sinasabi niya. Mukha ngang gusto na nitong lumisan sa kastilyong ito nang sa gayon ay matakasan ang mga trabahong binibigay sa kanya.
"What mission is this?" Kunot-noo niyang tanong matapos mabasa ang laman nito at pinakita ang papel tsaka salubong ang mga kilay na tinignan si Rage.
Mabilis iyong sinulyapan ni Rage at saglit na binasa bago napatango-tango na tinignan siya.
"You'll do that mission sooner," tugon nito tsaka umayos sa pagkakatayo sa kanyang harapan.
Kung sa siyensya pagbabasehan ang kanyang tindig ay kulang na lang ay matawag itong anatomical position. Parang bangkay na nakatayo habang hinahayaang suriin ng iba ang iba't-ibang parte ng katawan.
"Why can't you do this yourself, huh?" Pabalang na saad ni Shan at napabuga ng marahas na hininga.
Napangiwi siya nang makitang ilingan siya ni Rage tila hindi kinakaya ang tabas ng kanyang dila tsaka nagpaalam na aalis dahil kanina pa may tawag nang tawag sa kanya ngunit hindi lamang nito sinasagot dahil nag-uusap pa silang dalawa.
"It's your job, Boss, not mine." anito pa tsaka bahagyang yumukod sa kanya bilang paalam sa pag-alis niya.
Hinayaan ng dalaga na makaalis ito sa loob ng silid bago iiling-iling na sinandal ang sarili sa malambot na upuan tsaka wala sa sariling napabuga ng mabigat na hininga at blangkong napatitig sa kawalan. Mariin niyang minasahe ang kanyang sentido gamit ang kanang kamay upang pakalmahin ang sarili bago pinasadahan ng paningin ang mga papeles sa kanyang harapan tsaka ulit napahinga ng malalim. Napipilitan at labag sa kanyang kalooban siyang umayos sa pagkakaupo tsaka sinimulang basahin ang bawat letra at pangungusap ng mga papel nang sa gayon ay masimulan na niyang permahan ang mga ito.
Hindi napagtanto ng dalaga kung ilang oras na siyang nagbabasa at nagpeperma ng mga papeles nang matigil siya dahil sa dalawang malalakas at sunod-sunod na katok mula sa labas ng itim at malaking pintuan ng silid na kinaroroonan niya.
Nag-angat siya ng paningin at napatingin sa pintuan na ngayo'y nakabukas na.
Pumasok roon ang isang katulong na nakasuot ng itim at puting uniporme habang dala-dala ang pabilog at malaking kulay pilak na tray na may nakapatong na isang baso ng juice at dalawang slice ng tsokolateng cake. Maaliwalas ang mukha at nakangiti itong naglalakad palapit sa gawi ni Shan na para bang napakasaya at napakagaan ng kanyang buhay.
"You should have a rest, Queen. Here, have some snacks," aniya matapos ilapag sa ibabaw ng lamesa ang pilak na tray tsaka bahagyang yumukod upang magbigay galang.
Binitawan ni Shan ang hawak na papel tsaka napahinga ng malalim bago kinuha ang isang platito na naglalaman ng dalawang slice ng tsokolateng cake. Akala niya'y aalis na ang katulong na iyon pero nanatili pa rin itong nakatayo sa harapan ng kanyang lamesahan habang nakangiting maayos na nakatindig na pinagmamasdan siya.
"You know what, Queen. You and your father doesn't seem to have the same features," maya-maya'y pagsasalita nito at bahagyang napatagilid ang ulo kasabay ng pagkunot ng noo.
Agad na natigil si Shan sa pagkain tsaka dahan-dahan at wala sa sariling napaangat ng paningin sa katulong na iyon. Naiwan ang kutsara sa ere na dapat niyang isubo sa kanyang bibig at nakaawang ang mga labing napatingin sa kanya.
"Yet, you seemed to look so familiar." Iiling-iling na dagdag pa nito tila naguguluhan at nalilito sa mga nangyayari dahilan upang tuluyang magsalubong ang mga kilay ni Shan.
Marahang nilapag ni Shan ang kutsarang hawak niya. Sumandal siya sa kanyang kinauupuan bago pinagkrus ang mga braso habang ang mga mata'y matamang sinusuri ang pisikal na anyo ng katulong.
"I'm sorry, Queen I didn't mean to say that. This damn f*cking mouth." Pagsuway kaagad nito sa sarili at mabilis na tinampal ang sariling bibig, halatang hindi nais sabihin ang mga salitang binitawan kanina.
"What's your name?" Walang emosyong tinig na tanong ni Shan na ngayo'y hindi na mapapantayan ng kung sino man ang mukha sa pagiging seryoso.
Mabilis na natigilan ang katulong na iyon tsaka agad na napatingin sa kanya.
"Pardon?" Tanong nito tila nabingi ng ilang segundo dahil sa nakitang ekspresyon nito sa mukha ng taong kaharap niya.
Sunod-sunod na palihim na napalunok ang katulong kasabay ng pagnginig ng kanyang buong katawan at ang panlalamig ng kanyang palad nang makita ang agresibong pagsasalubong ng kilay ni Shan. Nangangatog sa takot ang kanyang mga tuhod at pinagpapawisan siya ng malamig dahil sa kaba at pangamba na baka saktan siya ng taong kaharap.
"Your name," pag-uulit ni Shan at mas lalong nagsalubong ang mga kilay matapos makita ang magkahalong takot, kaba at pangamba sa mukha ng katulong.
"Aya, Your Highness." Aligaga at wala sa sarili nitong sagot at mabilis na napayukod upang magbigay galang.
Minsang natigilan si Shan matapos marinig ang pangalang iyon tsaka napapantiskulang napatingin kay Aya.
"You may now take your leave." Pag-iimporma ni Shan kay Aya pagkatapos ng ilang minutong pagyuko nito sa kanya at ang pananahimik ng buong silid.
Mabilis at balisang napaayos sa pagkakatayo si Aya sa sinabing iyon ni Shan. Kinuha niya ang pilak na tray na nasa lamesahan tsaka alanganing nginitian ang dalaga bago dali-dali at hindi magkandaugagang lumisan sa silid na iyon.
Naiwan namang nagtataka at naguguluhan si Shan matapos makita ang kataka-takang reaksyon ni Aya. Hindi na lamang niya iyon pinansin at sinimulan na lang na kainin ang pagkaing inihanda sa kanya dahil kanina pa kumukulo ang kanyang tiyan.
Hindi namalayan ni Shan kung ilang minuto siyang nakatulalang kumakain ng cake habang nag-iisip sa kawalan nang biglang sumagi ang kanyang mga mata sa drawer ng lamesahan na kinakainan niya.
Napansin niyang simula nang makapasok sila sa loob ng silid na ito ay itong drawer lang na nasa harapan niya ang hindi pinakealaman ni Rage. Habang nagsasalita kasi ito kanina ay napadaan sila sa drawer na ito, pero agad niyang napansin ang sandaling pananahimik ni Rage kasabay ng pag-iwas nito ng paningin na para bang isang kasalanan ang sino mang magtangkang hawakan at buksan ang drawer na iyon.
Dala ng matinding kuryusidad, mabilis at wala sa sariling binuksan iyon ng dalaga upang tignan ang laman nito. Mabilis na kumunot ang kanyang noo nang makitang puro mga nakatiklop na puting papel at asul na sobre ang laman ng drawer. Ang inaasahan niya'y makakakita siya ng kung anu-anong ginto o mga mamahaling alahas, pero ngayon na nakita niyang puro mga papel lamang ang laman nito ay mas lalong lumaki at lumala ang kanyang kuryusidad.
Kinuha niya ang isang asul na sobre tsaka ito binuksan para kunin ang puting makalumang papel na laman nito. Nagtataka man ay binasa niya ang laman ng papel na iyon.
Mission 108:
Kill Mr. Samson to trigger Mr. Drex, his brother. I hate to see those two enjoying the life that they don't deserve, especially that old man, Mr. Drex. He should and must die together with Mr. Samson.
-F.H
Agad na nagsalubong ang mga kilay ni Shan kasabay ng pagkunot ng kanyang noo matapos basahin ang nilalaman ng liham na iyon. Napapanstikulan at hindi makapaniwala siyang wala sa sariling napatitig sa hawak na papel tila hindi magawang iproseso sa sarili ang mga nabasa.
'Bakit ito nandito? Anong kinalaman nito sa misyong ginawa namin? Si Dad ba nagsulat ng liham na ito? Pero bakit hindi ako nakatanggap ng ganito kung sakaling sa kanya nga ito galing?' Nagtataka na at nalilitong pagkausap ni Shan sa sarili habang blangkong nakatingin sa sobreng iyon.
Muli niyang binasa ulit ang huling salita at nakita ang dalawang letra na F at H na nakasulat sa malalaking titik. Hindi na siya magtataka kung initials iyon ng taong nagpadala ng sulat na ito.
Pero kung totoo ngang may nagpadala ng sulat na ito kay Erick, bakit kina Shan niya pinagawa ang dapat na misyon na gawin niya? Bakit niya inutusan ang dalaga na patayin si Mr. Samson gayong siya naman pala ang dapat na gumawa nito? Bakit hindi man lang ito nalaman ng dalaga kung sakali mang may nagpadala ng ganitong liham sa kanyang Ama? At bakit nga ba inuutusan ng taong 'to ang kanyang Ama?
Ang pagkakaalam kasi ng dalaga ay walang sinuman ang makakapag-utos sa kanyang Ama kundi ang sarili lang nito, kaya ngayon heto siya't nagtataka sa maraming katanungan na bumabagabag sa kanyang isipan na alam naman niyang walang sagot na malalaman.
Hindi pa roon natatapos ang kanyang kuryusidad.
Mabilis at dali-dali niyang hinalungkat ang lahat ng liham, sulat at sobre na nakita niya sa loob ng drawer na iyon tsaka isa-isang binabasa ang bawat laman ng mga ito bagay na mas lalong nagpagulo sa kanyang isipan. Lahat ng nakasulat sa loob ng mga liham ay mga misyong natapos at maayos niyang nagagawa. Lahat ng mga inuutos ng kanyang ama ay eksaktong nakasulat sa loob ng mga liham bagay na mas lalong nagpadami ng mga katanungan sa kanyang isipan.
Papano't nangyari ito? Pa'nong ang ama niya ang inuutusan ng may-ari ng liham nito, pero siya ang palaging gumagawa at nag-aayos? Pa'nong siya ang gumagawa ng lahat ng ito, pero ang totoo ay dapat na ang kanyang ama pala ang gumagawa nito? Hindi na alam ni Shan kung ano ba dapat ang maramdaman. Naghahalo-halo na ang emosyon na pumapatong sa kanyang puso na kahit siya ay nalilito sa dapat na maramdaman. Limpak-limpak na tanong na walang namang kasagutan. Halo-halong emosyon na hindi alam ang dapat na maramdaman.
Agad na tumayo si Shan at mabilis na naglakad papunta sa malaking pintuan para sana umalis sa silid na iyon nang biglang matigilan dahil sa malakas na pagtunog ng kanyang telepono. Huminto siya sa paglalakad upang tignan ang tumatawag sa kanya at nang makita kung sino ito ay mabilis niya agad itong sinagot, nagbabakasali na baka tinawagan siya ng taong 'to dahil may nalaman o nadiskobreng kakaiba.
"Hello, Shan? Kamusta-" naputol ang mga dapat na sabihin ng taong nasa kabilang linya nang biglang magsalita si Shan.
"May nakita ka rin bang sulat na may kinalaman sa mga misyon natin? Anong klaseng sulat nakita mo? Kailan mo nakita at saan? Kilala mo ba sino nagpapadala nito at alam mo ba kung bakit sa akin iyon iniuutos ni Dad? Jake, ano ba magsalita ka naman!" Sunod-sunod at habol-hiningang tanong ni Shan habang aligaga at balisang-balisa na naglalakad paroo't-parito sa harapan ng malaking pintuan.
Wala sa sariling napasapo ng noo ang dalaga at mariing napapikit ng mga mata upang pakalmahin ang sarili samantalang si Jake naman ay hindi makapaniwala at nanlalaki ang mga matang natigilan sa kabilang linya.
Ilang beses itong napakurap tsaka dahan-dahang napatingin sa screen ng telepono upang siguraduhin kung tama ba ang taong tinawagan niya. Hindi niya maintindihan kung anong pinagsasabi ng dalaga at mas lalong wala siyang alam sa mga salitang binitawan nito kanina.
"Ano ba'ng pinagsasabi mo, Shan? Anong sulat?" Nalilito man ay kunot na kunot ang noong tanong ni Jake pagkalipas ng ilang minutong pananahimik dahilan upang matigil sa paglalakad si Shan nang pabalik-balik. Nanlalaki ang mga mata ngunit salubong ang mga kilay na napatingin siya sa screen ng kanyang telepono. "May problema ka ba? Tulungan na kita," muling pagsasalita pa ni Jake sa kabilang linya nang hindi siya makasagot.
Doon pa lang napagtanto ng dalaga kung ano ang mga nasabi niya dahilan upang palihim na murahin at suwayin niya ang kanyang sarili.
Bakit ba siya umaasang may alam si Jake rito, e siya nga na anak ng pinadalhan ng liham na iyon ay walang kaalam-alam.
Malakas na natampal ng dalaga ang sariling noo tsaka napahilot sa sentido dahil sa katangahang nagawa. Napahinga ito ng malalim tsaka inipon ang hangin sa loob ng bibig upang palubohin ang pisnge bago ito dahan-dahang pinakawalan para pakalmahin ang sarili.
"Never mind." Iling ng dalaga sa sarili at muling nagsalita upang ibahin ang usapan. "Ano na nga iyong sasabihin mo?" tanong na lang nito bago napabuga ng mabigat na hininga, magkahalong pagkadismaya at lungkot dahil sa ideyang wala ring kaalam-alam si Jake sa mga nangyayari.
"Anong sulat iyong sinasabi mo kanina?" Salubong ang mga kilay na tanong ni Jake sa kabilang linya.
"Wala iyon. Sabihin mo nalang ang mga gusto mong sabihin." tugon ni Shan at naglakad papuntang long sofa upang maupo.
Sinandal niya ang kanyang sarili sa sandalan nito tsaka hinayaang ang sarili na tumulala sa kisame habang hinihintay ang mga sasabihin ni Jake. Hindi pa rin niya matanggap na kahit si Jake ay walang kaalam-alam sa mga nangyayari.
"Kakamustahin lang sana kita," saad ni Jake kahit na hindi kumbensido sa sinabi ng dalaga na agad namang sinagot ni Shan gamit ang walang gana niyang pag-ungot. "Sigurado ka bang okay ka lang?" Nag-aalangan man ay nagawang pa ring tanongin nang binata nang mapansin ang biglaang pananahimik nito.
"Yeah," napapabuntong-hiningang pagtango ni Shan sa kawalan. "I have to go." Dagdag pa nito at walang pasabing pinatay ang tawag upang hindi na muling makapagtanong si Jake.
Mabilis na binagsak ng dalaga ang kanyang sarili sa sofa tsaka nakatihayang humiga rito. Pinatong niya ang kanyang kaliwang kamay sa nakapikit niyang mga mata kasunod ng mabigat at malalim na hiningang pinakawalan niya.
Hindi na niya alam kung ano ang gagawin. Masyadong marami na siyang iniisip at inaalala tapos ngayon ay may bago na naman siyang iisipin. Nalilito at napapagod na siya sa takbo ng buhay na mayroon siya, gusto niyang magpahinga pero hindi niya alam kung paano dahil ang kaisa-isahang taong nagbibigay lakas at pahinga sa puso niya ay nawala. Hindi niya alam kung saan niya ulit pupulutin ang sarili upang buoin at patatagin ang pagkatao.

Book Comment (23)

  • avatar
    Salmah Bantuas Batara

    hehehe

    2d

      0
  • avatar
    Ancheta Isra

    OMG!, so beautiful!!

    20d

      0
  • avatar
    Jhon Maico

    maganda nice nice 👍

    13/08

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters