logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

Lignesium Academy: The Forbidden Magic

Lignesium Academy: The Forbidden Magic

seaunsets


Chapter 1: Leiv Silven

8 months after...
"Amazonang yellow!" sigaw ni Kalli.
"Oh? Bakit buhay ka pa?" tanong ko. He was asleep for 2 weeks already at ngayon na lang ulit siya nagising.
"Bakit? Gusto mo na ba akong mamatay? Tss. Teka... Anong amoy 'yun? Ang baho mo!"
"Wow! Hoy, FYI... Naligo ako 2 days ago. Eh ikaw? Dalawang linggo ka nang hindi naliligo. Malamang sa malamang, naaamoy mo lang ang sarili mo!"
"2 weeks?" parang gulat pa siya. "I killed 3 stubborn dragons... And I was dead exhausted. Huwag ka ng magtaka. Sige, ligo na ako. Maligo ka rin."
"Huwag mo akong utusan! Sleeping Kalli!"
Umalis na siya. By the way, nasa hideout kami ng Mythical Glory ngayon. Ang iba ay naghihintay for a mission at ang iba ay hinihintay na bumalik ang mga kasama naming nagtungo sa mission.
"They're back..." mahinang usal ni Silver pero sapat na para marinig ko. Silver is Xien's guardian.
"Sino?"
"Sina Yuji... I can sense Mizuumi's magic from here."
Lahat ay natahimik. Kahit si Cane na kanina pa nagdadadaldal ay napatikom. Habang ang Dewerts triplets na sina Laraline, Luscinia at Lylivia naman na abala sa ginagawa, napatigil.
Everything changed... Ang lakas ng epekto ni Mizu sa lahat. Ang iba sa amin, takot na sa kanya when she became the Rank 1 here in Lignesium. Maging siya mismo, ang laki ng pinagbago.
Bumukas ang pinto... Naunang pumasok si Nami at ang guardian niya na si Dwight. Kasunod niya si Shiro na kasama rin ang guardian na si Yuki.
"Ate, pwede ba? Lumayo layo ka sa'kin! Napaka-clingy mo..." iritadong puna sabi ni Yuji kay Yuki.
"Hug lang eh, damot! Naglalambing lang naman ang ate mo..."
They are both in their human form now. Pero pansamantala lang iyon. Depende pa rin sa reserved magic at sa will nila, nagagawa nilang magtransform.
"Nasan si Mizuumi?" tanong ni Cane.
"Nagdiretso siya sa dorm niyo, maliligo raw." sagot ni Nami.
I heard relieved sighs from everyone, except samin nina Cane.
"Kumain na kayo. I cooked foods for you. How was your mission pala?" pag aya at tanong ni Xien sa mga bagong dating.
"We killed 12 dragons in Ramiah Town. They're so wild na halos lahat ng bahay ay binugahan nila ng apoy. All went berserk. Good thing walang namatay, pero may ibang mga nasugatan lang." si Shiro ang sumagot.
"I'm not a Dragon Slayer or even a Demon Slayer like you. Buti na lang talaga at kasama namin si Mizuumi. At ako lang yata ang walang naitulong..." saad naman ni Nami.
"That's not true. You're the one who saved the people. And si Mizuumi... I think siya ang mas maraming napatay na dragons."
Grabe. These past few weeks, dumadami na ang may kaso ng Dragon Attacks. Y'an din lagi ang naging mission nina Kalli.
***
Ang karamihan ay nagsibalik na sa kani kanilang mga dorm pagkatapos naming kumain lahat. Mula sa sampo, nabawasan man kami ng dalawa, nadagdagan naman kami ng marami. We're a total of 25 members in Mythical Glory now. Ang saya diba?
Ang natira na lamang sa hideout ngayon ay ako, Nami, Xien, Bryson, Shiro at Howard. Tahimik lang kaming lahat, tila pinapakiramdaman ang isa't isa.
"May balita na ba kayo sa kanya?" basag katahimikan ni Xien.
"Naah."
"Wala. And I don't wanna hear anything from him anymore." ani Bryson.
"Don't say that. Four is still part of us... He's our friend." sabi ni Nami.
"Tss... Hindi ko masisisi si Bryson. Galit din ako kay Four." I butted in. "Sino ba namang hindi? Dude, umalis siya ng Lignesium, no, umalis siya ng Havenry ng walang kahit na sinong nakakaalam! Hindi nga siya nagpaalam sa atin eh, diba? Ni hindi natin alam ang reason kung bakit bigla na lang siyang umalis!" dagdag ko pa.
"There has to be a reason... Just calm down guys." ani Shiro.
"There you go again... Protecting that dumbass. Kung may reason siya, he should have told us. Kaibigan niya tayo!"
Xien started to cry... Ayaw niya sa lahat, nagsisigawan kami. It also hurts me of course... It really hurts. Kahit si Nami ay napayuko na lang, alam kong naiiyak na rin siya.
"Pinag uusapan niyo na naman ang taong wala na?" sabi ng isang boses.
Lahat kami ay napalingon sa may pintuan. Tss. Si Kalli lang pala.
"Tama na 'to guys... Magtiwala na lang tayo. Anong malay natin, babalik pala si Four? We will know the answers tour questions once he came back. Okay? Chill lang kayo." awat ni Nami. Pero hindi pa rin sila tumigil.
"Kahit huwag na siyang bumalik kahit kailan. Nothing will change anyway." sabi naman ni Howard.
"Yeah. Huwag na siyang babalik dito. Hindi ko alam kung anong magagawa ko sa kanya kapag bumalik pa siya." sabi ko. Bumalik na naman ang galit ko sa kanya. Ang bigat lang sa kalooban.
"Sino?"
Lahat kami ay nagulat nang marinig namin ang boses ni Mizuumi. How did she... Ni hindi man lang namin naramdaman ang presensya niya. Yakap yakap ng kanang braso niya ang isang giant teddy bear na sa pagkakaalala ko ay bigay ni Vusion.
"We're talking about Four... Ikaw, Mizuumi? Sa tingin mo babalik pa siya?" tanong ni Bryson sa kanya. Pinandilatan namin siya pero hindi siya nagpatinag. "Paano kung bumalik siya?" Napaka-insensitive ng lalaking to.
Kung meron mang taong sobrang naapektuhan sa pag alis ni Four, si Mizuumi 'yun. I know what relationship they had, most of us knew about it. We witnessed how Mizuumi changed Four. Kaya nung bigla na lamang nawala si Four... Nagbago na rin si Mizuumi. She became cold.
Kung dati, sobrang fragile niya and naive sa lahat ng bagay, naging kabaligtaran siya ngayon. She's stonger and bolder, pero mabait pa rin naman siya. It's just that, mas matapang na siya ngayon. She's not the crying baby that we know anymore. Mula noong namatay si Vusion, kailanman ay hindi na namin siya ulit nakitang umiyak.
Silence...
"I don't care." aniya. We all didn't expect her response. She said it as if she really doesn't care at all, no emotions.
"M-mizuumi?"
"I don't care either he'll come back or not. May magbabago ba? Wala naman hindi ba?"
Nagtungo siya sa malaking sofa at saka humiga. And I think that made us all stopped from argying...
"Dito ka rin matutulog?" tanong ni Bryson kay Mizu.
"Oo. Nagpaalam na ako kay Cane. Nasan pala sina Yuji?"
"Nasa kwarto, natutulog na kasama sina Dwight." sagot ni Nami.
"Ah, okay. I'm sleeping. Pakipatay na lang ang mga ilaw kapag aalis na kayo. Salamat." saad niya. Kinumutan niya ang sarili niya, mula ulo hanggang paa.
"Uhmmm... Actually Mizuumi, kaming lahat dito matutulog." ani Xien. Tinanggal niya ang kumot, mukha niya lang ang nakikita.
"O-oh. Then, pakipatay na lang kapag matutulog na kayo."
"Sure..."
***
Mizuumi's POV
8 months ago... Hindi ko pa rin makalimutan lahat. Vusion's death... That was the most painful na nangyari. Pero tanggap ko na. Vusion's my guardian angel from above. I know hindi niya magugustuhan kung magmumukmok lang ako.
6 months ago, nang bigla na lamang nawala si Four. We all thought that time, may kumidnap sa kanya, but someone told us that he saw him left Lignesium. Pinahanap na rin siya sa mga Army but they couldn't find him. Nahalughog na nila ang buong Havenry, we all even helped to search for him but he's nowhere to find. I don't want to give up on him, pero kailangan. Paano mo mahahanap ang isang taong ayaw naman magpakita? If that's what he wants, then I'll just let him. Matagal ko na siyang pinakawalan. At kapag bumalik siya? Actually the truth is, hindi ko alam... Half of me is hoping na babalik siya pero half of me is saying na wag na lang siyang bumalik. I don't even know what relationship we had. It wasn't clear.
After a month, test results came out at inannounced ang lahat ng level at rank namin. Nadagdagan kami. Kasama sa mga nagrank up to Mythical Glory sina Cane, Dwayne, Gab, Daniel, Bruno, Zoe at ang tatlong Dewerts. May mga iba pa na hindi ko pa gaanong kakilala. Basta, we're a total of 25 now. Pero 3 months ago, when Zoe decided to dropped out. Walang may alam kung bakit, kahit ang tatlong Dewerts.
Pansin kong patay na ang ilaw, wala na ring maingay. Maybe tulog na silang lahat
Sa sobrang pagod at sa dami ng iniisip ko ay tuluyan na akong nakatulog.
***
"Mizuumi... Wake up na! May pasok pa tayo."
"Hmmm..." Nag inat-inat muna ako bago bumangon. Nagkusot pa ako ng mata pagkatapos ay nagmulat na para tingnan kung sino ang gumising sa akin. Si Cane.
"Maligo ka na! Male-late na tayo. Inayos ko na ang susuotin mo sa dorm. Go, go!"
Sinunod ko na lang siya at lumabas na ng hideout namin.
I was on my way to my dorm nang mapansin ko ang isang lalaking nakaharang sa hallway, hawak hawak niya ang isang bagay na pamilyar sa akin. It's the teddy bear that Vusion gave me, si Dark! Paanong napunta sa kanya 'yun?
Nilapitan ko siya.
"Hey... I think that's mine. Why do you have that?" He turned to me. That's when nakita ko ng buo ang mukha niya.
His face is new. Matangkad siya, hanggang balikat niya lang ako. Halong gray at black ang kanyang buhok at may bangs din siya. Ang mata niya ay medyo singkit. He's cute, that's all I can say. Ngayon ko lang siya nakita pero nakauniporme siya ng Lignesium.
"Oh this? Napulot ko lang 'to dito..." aniya.
"That's mine. Ibigay mo sa akin 'yan." sabi ko. Inilahad ko ang kamay ko. I was waiting for him to give it back pero tinitigan niya lang ang kamay ko.
"Get it... If you can." he said and smiled teasingly. Talaga naman oh.
"I don't wanna waste my time... Lalo na sa mga katulad mo. So just give it to me, and I'll let you live."
"Woah. Scary..." usal niya. "Here... Don't cry okay?"
"Tss."
Binigay niya na sa akin si Dark. Wala na akong sinayang na oras at nagtungo na sa dorm ko para maligo, tinalikuran siya.
Pagkatapos kong gawin ang lahat, ligo, bihis, kain, ay pumasok na rin ako.
***
Nagkakaingayan sa buong silid ng pumasok ko. Pero nang makita na nila ako ay agad rin silang natahimik.
"Good morning Mizu!" bati ni Blaire.
"Morning Mizuumi..." bati rin ni Shiro.
Nginitian ko sila. "Morning."
I sat beside Blaire, my usual seat.
"Wala pa si Master?" tanong ko. Umiling si Blaire.
"Hindi pa dumarating eh."
Ang tagal ni Master... Naiinip na ang mga kaklase ko kaya nagsimula ulit silang magdaldalan.
"Balita ko may new recruit daw..." rinig kong sabi ng kaklase ko, di ko alam pangalan.
"Talaga?"
"Oo. Ang sabi pa nga, Mythical Glory daw ang rank."
"Eh 'di ibig sabihin dito? Kaklase natin?"
"Babae o lalaki?"
"Who knows... 'Yun lang narinig ko eh."
New recruit? Bago yun ah. It's not a bad idea tho. It's a good thing nga eh, madadagdagan na naman kami.
"Chichismis na lang, kulang kulang pa." inis na usal ng katabi ko. Oh? Nakikinig din pala siya?
Ilang minuto bago dumating si Master Vlad.
"Good morning everyone!" bungad niya, bitbit ang mga gamit. Halatang nagmadali siya papunta dito.
"Good morning Master!" bati nilang lahat.
"You're 38 minutes late..." sabi ko. Mahina lang 'yun pero dahil tahimik ang lahat ay narinig nila ang sinabi ko.
"Ah, eh kasi busy ang mga admins ngayon, tulad ko... For Lignesium's future purposes." paliwanag niya.
"Hmmm..."
He started turning pages of his book, and stopped.
"Oo nga pala... We have a new recruit. Come on in, Leiv." sinenyasan ni Master ang nasa labas.
Dahan dahang pumasok ang isang pamilyar na postura ng lalaki... Nagpunta siya sa pinakaharap, sa nay desk, habang nakangiti ng wagas sa lahat.
This guy... Siya yung kanina sa hallway na kumuha ng teddy bear ko.
"Introduce yourself to all of them, young man."
"Yo! I'm Leiv Silven." nakangiting sabi niya. And everyone went wild.
***

Book Comment (42)

  • avatar
    FodraRovelyn

    hello may name ashly nicole torrano

    24d

      0
  • avatar
    GanotRashed

    nice🥰

    10/07

      0
  • avatar
    Yusra Jadjurie

    thankyou very much because you’re story so beautiful 💗

    21/06

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters