logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

LOVE AT FIRST KISS

“HUWAG na huwag ka nang lumalapit sa lalaking iyon! Iwasan mo siya kung sakali mang siya ang lumalapit. Aksidente man o hindi ang nangyari sa inyo. Mas mabuti nang nakakasiguro tayong hindi ka naaabuso. Understand?” pangaral ng kaniyang daddy pagkababang-pagkababa nila sa sasakyan na narinig yata ni mommy na naghihintay sa kanila sa may pintuan, dahilan nang mabilis nitong paglapit sa kanila.
“Sinong inabuso? Anak, ano ang nangyari sa iyo? Ayos ka lang ba, anak?” sunod-sunod na tanong ni mommy. Halos suriin niya ang kabuuan ko habang tinatanong nang paulit-ulit kung ayos lang ba ako. Tumatango-tango naman ako at pilit ang ngiting pinapakitang walang nangyaring masama.
“Kasi may halikang naganap sa school at involved ang anak mo!” Iniwan na ako ni Daddy at hinayaang magpaliwanag kay Mommy. Maging siya ay nakaabang din sa isasagot ko.
“Mommy, aksidente lang naman iyon e,” naka-pout pa ako habang binibigkas ito sa harapan ni Mommy. May kapirangot na takot sa aking mga mata. Hinabi ko ang hibla ng aking buhok mula sa nababagyang tumatabing sa aking mukha.
“Bakit? May tinatanong na ba ako sa iyo? Sinasabi ko ba, kung aksidente o hindi?” ngumingiti siya na may dalang pang-aasar. Kilala ko na si Mommy at alam kong hindi ko siya mapapaikot. Kilala niya rin ako, alam niya kung kailan ako nagsisinungaling o hindi?
“Hindi naman. Pero, ikaw pa ba, Mommy? Kilala na kita no.”
“So, kung kilala mo nga ako? Ano ang sunod kong itatanong sa iyo?”
“Syempre, itatanong mo sa akin. Kung sino? Mommy, naman! Hayaan mo na. Wala naman iyon. Aksidente lang din naman iyon! Nothing’s special.”
“Anong aksidente-aksidente ang pinagsasabi mo? Walang aksidente sa mundo, ang lahat ng nangyayari ay itinakda ni Kupido. Malay mo, hindi pala iyon aksidente, dahil ipagbubuklod na pala ang inyong mga puso.”
“Mommy, grabe na iyang iniisip mo. Pag-aaral muna ang inaatupag ko. Ayaw ko pang mag-love life.”
“Ganyan din naman din ako dati e. Fourth year ako noon. Nakasakay ako sa dyip. May katabi akong isang lalaki. May ipinapasang plete ng barya kaya agad akong humarap sa kanya. Ngunit, sa isang iglap lamang ay naglapat ang aming mga labi. Buhat nang biglaang pagpreno ng dyip. Siya ay isa sa kinaiinisan kong kaklase. Galit na galit ako sa kanya kasi ninakaw niya ang first kiss ko. Pero, alam mo ba anak? Dahil sa first kiss na iyon, lagi ko na siyang naiisip. Sa pagtulog, paggising at maging sa panaginip ang itsura niya ay hindi na mabura-bura..”
“Gumagawa ka lang yata ng kwento e. Sino naman ang lalaking iyan? Huwag mong sabihin sa aking si Daddy iyon?” pagtatanong ko kay Mommy nang may pananabik.
“Oo, tama ka. Ang daddy mo ang first kiss ko. Sabi nga nila, ‘The more you hate. The more you love’. Kaya anak, huwag kang kampante, baka iyang ka-1st Kiss mo na iyan ang forever mo.”
“Mom, huwag ka ngang ganyan. Mabait yata ako. Study first before you enter the kingdom of love,” mabilisan ko siyang sinagot dahil sa mapanukso niyang gawi.
Tumakbo na rin ako papunta sa aking kwarto upang magbihis. Hindi naman kasi naging katulad nina mommy at daddy ang first kiss ko. Wala naman akong naramdamang spark noong unang pagtatama ng aming mga labi. Imbis na araw-araw ko siyang iniisip e, mas nanaig sa akin na, araw araw akong naiinis sa kanya. Imbis na gusto ko siyang makita e, mas gusto ko pa siyang iwasan. Wala iyong mga senyales na kadalasang nangyayari sa mga teleserye. Peke ang sinasabi nilang First Kiss Never Dies.
“Sino nga ang first kiss mo?” untag ni Mommy, nang umupo ako sa mesa dahil nakahanda na ang pagkaing niluto niya.
“Mommy, kain na tayo. Gutom na gutom na ako.” Hindi ko na siya pinakingan pa. Seryoso na lamang akong kumain. Nakalimutan ko na ngang magdasal dahil sa pag-iiwas e. Patawarin sana ako ng Diyos.
“Alvertuh, nagsisikreto na sa akin ang anak mo. Pakiramdam ko may iniisip na iyang iba. Nagbibingibingihan na. Kuwento mo nga sa kanya ang first kiss mo.”
“Honey. Umayos ka nga. Huwag mong turuan ang bata. Hayaan mo siyang mag-aral para sa kinabukasan niya.”
“Bakit ka galit? Hindi naman ako magseselos kung hindi ako ang first kiss mo e. Ang sungit mo talaga. Hindi ko nga alam kung bakit ikaw pa ang napili kong mahalin e, dati rati magkaaway lang naman tayo.”
Gusto ko nang tumayo para makaiwas na sa kanilang dalawa pero nanlaki ang tenga ko sa mga binitiwang salita ni Mommy. Parang gusto ko na lang tuloy malaman kung ano ang naging love story ng kanilang buhay.
“Si Janice ang first kiss ko.” Biglang natahimik si Mommy, buhat sa narinig.
“Seryoso? Si Janice? Iyong may mahaba ang buhok? Iyong nag-donate lang naman ng bagong building para sa school para lang maagaw sa akin ang pagiging valedictorian? Ang pangit ng taste mo!” saad ni Mommy.
“Hindi. Aksidente lang naman kasi iyon. Tsaka, walang spark na naganap. Ni hindi nga tumatak sa utak ko ang kiss namin. Iyong mga slow motion daw? Hindi ko iyon naramdaman sa kanya. Kaya hindi ako naniniwala sa love at first kiss na iyan.”
“Magsama kayo ng Janice na iyon. Mang-aagaw na nga sa pagiging valedictorian ko, inagaw niya pa ang first kiss mo na dapat ay akin!”
“Honey! Hindi ako naniniwala sa love at first kiss kasi mas naniniwala ako sa second kiss. Alam mo ba kung bakit? Kasi iyong pangalawang babaeng nahalikan ko. Palagi ko siyang naiisip. Iyong boses niya ay parang naging musika sa aking pandinig. Gustong-gusto ko siyang makita araw-araw. Kaso, ang sungit sungit niya sa akin e. Kaya para mapansin niya ako, palagi ko siyang inaaway.” Hindi ko alam pero bigla ko na lamang naalala si Kael buhat sa sinabi ni Daddy. Pero, impossible naman. Hindi pwedeng siya. Oo, siya nga ang first kiss ko. OO, siya rin ang aking pangalawa. Pero, wala akong nararamdamang kakaiba sa mga halik na iyon. Siguro, hindi katulad nina Mommy at Daddy ang sa akin. Maaaring iyong third kiss ko? Teka nga, kailangan ko munang makapagtapos kundi patay ako kay Daddy. Stop muna sa kakaisip ng ganyang bagay. Dapat nasa utak ko ang makapagtapos muna bago ang magdyowa. Iyon lamang. Iyon muna.
“Ang bilis mong bumawi a. Kaya pala palagi mo akong iniinis. Ibig sabihin, ikaw ang unang na-in love sa akin.”
“Hindi. Ikaw ang unang na-in love sa akin. Hindi ba nga naniniwala ka sa love at first kiss? Kasi ako ang first kiss mo. Pa-kiss nga.” Tumayo na si Daddy para lapitan si Mommy.
“Hindi kaya,” pag-iinarte ni Mommy.
“Huwag kang maniwala diyan, Daddy. Ikaw talaga ang first kiss niyan. Kakasabi niya lang kanina.” Bigla akong sumabat sa kanilang dalawa at dumiretso na sa aking silid. Hays… Nakaiwas din ako kay Mommy.

Book Comment (91)

  • avatar
    Judy-ann Sasis

    Highly recommend guys, the title caught my attention and the writing style is very unique. I love the way how you enhanced the characters development. Keep up the good work. Good luck to your writing journey. More stories to come! 😊😊😊

    03/06/2022

      2
  • avatar
    d******b@yahoo.com

    such a nice story, Highly recommended....

    19/05/2022

      3
  • avatar
    Omon Sonjay

    good morning

    25/08

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters