logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

Accidental Kiss

Nararamdaman ko pa rin ang sakit dulot sa pagbundol ko sa mesa. Gusto ko na hindi na muna pumasok ngunit may importanteng exam kaming gagawin. Mahirap na at baka lalong mangingingit sa galit si daddy.
Magkasabay kami ni Mommy na pumasok sa paaralan. Hinatid niya lang ako sa school namin, atsaka siya dumiretso sa paaralang kanyang pinagtratrabahuan. Isa siyang Grade 1 Teacher sa may malapit na paaralan kung saan ako nag-aaral. Kahit na male-late na siya ay sinamahan pa rin niya ako. Gusto niyang makarating ako sa school na safe.
Sarado ang gate sa pagbaba ko ng sasakyang aming sinakyan ni Mommy. Nakita ko si Manong Guard kaya agad ko siyang nilapitan.
“Good Morning, Manong Guard! Sorry, I’m late. Papasok na ako!” Hindi ko pa naranasang ma-late sa tanang buhay ko rito sa high chool. Lumapit lang ako nang bahagya sa guard at bubuksan na sana ang gate nang, “Ms. Villarico, hindi porket anak ka ng Guidance Councilor e, papalampasin ka nang sariling batas ng daddy mo.”
“Ano?” hinarap ko si Manong Guard.
“Kailangan may gawin ka muna, bago ka makapasok.”
“Pero, Manong Guard. May exam kami, ngayon na ngayon din.”
“Ang batas ay batas. Kapag late ang isang estudyante, absent siya sa unang subject. Makakapasok lang siya sa susunod na bell. Habang naghihintay siya sa susunod na bell ay kailangan niya munang magtrabaho sa mga hindi natapos na gawain o gawain na hindi pa nagagalaw. Sa kalagayan mo, nakita kong may vandalism sa likod ng inyong room. Pangalan mo ang nakasulat sa vandal, kaya dapat mo iyong alisin.”
“Daddy!” mula sa hindi kalayuan ay tinawag ko si Daddy. Siguro naman ay ipapapasok niya ako. Anak niya ako, kaya kailangan niya akong papasukin.
“Daddy, may exam kami ngayon. Kailangan ko iyong mahabol.”
“Jam, sumunod ka na lang. Alam mo naman pa lang may exam kayo, tapos magpapa-late ka? Ayaw kong isipin ng mga estudyante dito na hindi ako patas sa kanila. Sundin mo na lang ang utos ng guard.” Tinulos ako sa kinatatayuan ko dahil sa narinig.
Ganoon ba talaga? Sa bagay, masisira ang pangalan niya kapag pinalampas niya ako. Pero, hindi e, paano ako magiging first honor kung hindi ako makakapag-exam?
“Okay,” mahinahon kong sagot. Tiningnan ko rin ang mga estudyanteng kakarating at katulad ko ay late din. Siguro, tama ang desisyon ni Daddy, pero hindi ko pa rin matanggap na hindi ako makakapag-exam. Paano ko ba aalisin ang mga vandal sa gilid ng classroom namin?
“Jam!” Hindi ko pinansin ang mga kaklase kong tumawag sa akin. Dumiretso agad ako sa kung saan nakasulat ang buo kong pangalan! ‘Jam Bie Villarico for President’. Ang laki ng pagkakasulat ng mga salita. Sobrang supportive naman ng mga supporters ko. To the point na, iba-vandal nila ang buo kong pangalan para ikampanya. Pero, hindi e. Hindi nagbunga ang kanilang pagba-vandal kasi natalo ako.
Naisipan kong lumapit sa may malapit na silid. Hihiram ako ng upuan. Ayaw ko munang magpakita sa mga kaklase ko.
“Pwedeng makahiram ng upuan?” marahan kong bigkas sa may malapit na lalaki.
“Gusto mo pati puso ko, ipapahiram ko sa iyo, e.” Sa kinamalasmalasang sandali, ang lalaking sumisira sa buhay ko ang aking nahiraman ng upuan.
“Ay, kung sa iyo lang din pala galing, huwag na lang.” Umalis ako kaagad matapos kong malaman na si Kael iyon. Ayaw ko siyang makita. Bakit ba naman kasi sa dinami-rami ng hihiraman ko ng upuan e, siya pa? Sa dinami-rami ng mga estudyante sa bastos na lalaking iyon pa!
“Tukayo!” Naririnig ko ang yapak ng kanyang mga paa, sinusundan niya ako.
“Umalis ka na. Hindi ba sabi ko sa iyo na huwag ka nang magpakita pa sa akin. Tapos na ang eleksyon. Tapos na tayo!”
“Meron bang tayo?” Napatigil ako,
“Tapos na tayong maglaban. Panalo ka na nga, hindi ba? Masaya ka na? Congratulation!” sarkastiko kong bati bago ko siya hinarap. Ang pogi niya talaga. Dark brown ang buhok niya. Dark brown din ang kanyang mga mata, his eyelids drooping in a way that made his eyes look triangular ang incredibly sexy. Strong straight nose, a strong squarish jaw, and strongly sculptured mouth added to the male impact of his face. Para siyang isang sikat na action star. Isang dahilan kaya hindi ko maiwasan ang kanyang…Takte, ang mga mata niya— ang sarap titigan! Parang nahipnotismo ang mga mata ko at hindi ko magawang alisin ang tingin sa kanya.
Dalawang minuto lamang akong nakatitig sa kanya. Nagsasalita siya pero parang hindi ko marinig dahil tila may isang musikang nakabalot sa aming dalawa. Lumapit siya sa akin. Gusto kung umiwas pero hindi ko magawa. Pinikit ko ang aking mga mata. Kailangan ko siyang iwasan, may naririnig akong kakaibang kalabog sa aking dibdib. Siguro, matinding damdamin ito. Dahil sa takot na baka… halikan niya ulit ako.
“Huwag!” Naitulak ko siya dahilan para mapaupo siya. Akala ko, hanggang doon lang iyon. Hindi ko napansin ang upuang dala niya na nabitiwan niya nang maitulak ko siya. Sa kagustuhan kong maiwasan iyon ay na-out of balance ako— at natumba na naman sa ibabaw niya at dahan dahang naglapat na naman muli ang aming mga labi.
“Jam Bie!” Naitulak ko siya dahil sa gulat. Kilalang kilala ko ang boses ng lalaking iyon. Hinding-hindi ako kailanman magkakamali. Papagalitan na naman niya ako sa muling pagkakataon.
“Sir Villarico!” napatulala lamang ako kay Kael matapos marinig ang pangalan ng aking daddy na binanggit niya. Sabi ko na nga ba e. Napatango ako sa kahihiyan. Sa lahat ba naman na pwedeng makita ni daddy. Bakit ganitong eksena pa?
Malilintikan na naman ako nito. Baka imbis na sigaw lang ay masasampal na niya ako. Lord! Ayaw ko na sa earth. Kunin mo na ako!
“Jam Bie!” Noon lamang ako muling nahimasmasan. Mabilis ang naging pagtayo ko, gayon din ang lalaking nasa ibabaw ko.
“Dad, let me ex—”
“Explain what? Kitang-kita ko na ikaw mismo ang humalik sa kaniya. Kaya ka ba nagpatalo kasi may relasyon kayong dalawa?” mahina ngunit mariing akusasyon ng ama ko.
“Daddy, no! Aksidente lang po ang nangyari!”
“Sir! Nagkakamali po kayo ng nakita.” Itinaas ni Kael ang kanyang mga kamay na para bagang sumusuko sa isang pulis. “Hawak ko po kasi ang upuang iyan kaso itinulak niya ako kaya ko nabitawan.” Nakikita kong nakikinig si daddy. “Natumba ito malapit sa kanya, at sa pag-iwas niya ay sinubukan ko siyang saluhin.” Tumatango-tango ako habang nagdadalawang isip na sumusulyap si daddy sa akin. “Subalit, imbis na masalo siya ay tuluyan kaming natumba sa lupa.” Detalyado? Ang galing niyang magsalita e. Para lang siyang isang DJ sa radyo na nagkwekwento.
“Tama po, Daddy. Ganoon po ang totoong nangyari. Aksidente lang po ang lahat.”
“Hindi ninyo ginusto?”
“DAD!” nagulat ako buhat sa turan ni Daddy.
“Sir, wala po akong balak na masama sa anak ninyo,” malumanay niyang pagkakasaad.
“Okay. So, Mr. Briones. May gusto ka ba sa anak ko?” Hindi ako makahinga sa huling katanungan ni Daddy. Parang gusto ko na lang talagang maglaho na parang bula.
“Sir?” Napaharap ako kay Kael. Bakit parang gusto kong marinig ang isasagot niya pero hindi, ayaw ko na palang marinig?
“Wala po, Sir.” Bakit parang gusto kong kumontra? Bakit parang gusto kong marinig sa bibig niya na ‘OO’ ang isagot niya.
“That’s great. Kasi bata pa kayo. Ayaw ko na magkaroon ng distraction sa pag-aaral ng anak ko. Sige na. Bumalik na kayong dalawa sa klase ninyo. Ikaw, Jam Bie, gagawin mo pa rin iyong iniutos sa iyo.”
“Yes, Sir.” Habang humahakbang ako papunta sa silid namin ay parang nabibigatan ako sa sarili ko. Ayaw kong makaramdam nang ganito ulit. Kailangan ko na talaga siyang iwasan. Kapahamakan lamang ang magiging dala niya sa buhay,
Operation: Block Mike Kael Jam Briones sa buhay ko!

Book Comment (91)

  • avatar
    Judy-ann Sasis

    Highly recommend guys, the title caught my attention and the writing style is very unique. I love the way how you enhanced the characters development. Keep up the good work. Good luck to your writing journey. More stories to come! 😊😊😊

    03/06/2022

      2
  • avatar
    d******b@yahoo.com

    such a nice story, Highly recommended....

    19/05/2022

      3
  • avatar
    Omon Sonjay

    good morning

    25/08

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters