logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

CHAPTER ONE

CINDY’S P.O.V.
Sa gitna ng pagkakaidlip ay naalimpungatan ako nang may biglang kumalabit sa'kin.
"Ano ba? Can't you see I'm sleepi—"
Natigilan ako at napabalikwas nang mapagtanto kung sino ang gumising sa akin—a guy on his late twenties with brown eyes, hair brushed up and a manly body.
"Mind your attitude, Miss. Besides, I am the worst nightmare of all the on-job trainees here," he said in a calm yet warning voice.
Inayos ko ang sarili ko at nag-buntong hininga.
"Y-yes, Sir Lester," sagot ko at huminga nang malalim sabay pilit na ngiti.
"Also, there isn’t a person, staff or student, allowed sleeping at this hour. Maliban na lang kung pasyente ka. Ang tanong, gusto mo?" he sarcastically said with an intimidating look.
"Uh, sorry, Sir. This will be the last time." Napayuko ako.
"It should be. I heard it a thousand times from you, Miss Wright.”
Tumango na lang ako.
Akmang lalakad na siya papalayo nang bigla siyang tumigil at lumingon sa akin.
"Don't you bother looking yourself at the mirror?" he said as he smirked and finally left.
Panibagong araw, panibagong sermon. Bilang isang graduating nursing student na nasa pangatlong linggo ng internship, napapaisip ako kung makakapasa baa ko dahil magmula nang magsimula ay hindi mabilang na sikmat at sermon na ang inabot ko.
Hindi ko naman talaga ginusto mag-nurse. Napilitan lang ako kasi kailangan ni Papa. Limang taon nang paralyzed si papa. Weeks after mamatay ni Mama at twin sister ko sa plane crash, na-paralyze na siya. Hindi ko alam kung bakit pero never niya in-open up ang issue ng pagkaka-paralyze niya. Minsan sinusubukan ko pero nagagalit lang siya.
Nakatayo lamang ako ro'n habang pinagmamasdan lumakad palayo si Sir Lester, nang may narinig akong sitsit.
"Pst!"
Lumingon ako pero wala akong nakita.
"Pst!"
Ilang beses pa ako nagpalingon-lingon ngunit walang nagpakita.
"Kita ko buhok mo, gaga," saad ko na nagkukun'waring nakikita ko.
Wala pang isang minuto ay isang babae ang lumabas mula sa likod ng isang halaman. Medyo petite ang katawan at makapal na kulot ang buhok. People say she's different but I reckon she's beautiful. Kita ang stress sa mukha niya at parang nainis siya kasi nakita ko siya.
"Ano ba 'yan, akala ko hindi mo ako makikita,” angil niya habang kumakamot sa ulo.
"Sa laki ng buhok mo, parang pugad ng lawin, makikita ka kahit saan ka magtago," pabirong sabi ko.
"Ay, harsh naman. ‘Wag ka nga riyan, ginalingan ko kaya magtago."
"Hindi mo ako matataguan, Dhaeny. Saka sa likod ka pa talaga ng halaman nagtago, lalo ka tuloy nagmukhang pugad." Tumawa ako at pumait ang mukha niya.
"Iyong buhok mo nga parang dinilaan ng baka. Sobrang bagsak, Sis."
"Mabuti nang bagsak kaysa naman buhaghag. Sabog, parang ikaw."
"Bagsak, parang ikaw, malapit nang bumagsak. Bakit ba kasi tulog ka nang tulog?"
"Huh? Paano mo nalamang natulog ako?" gulat na tanong ko.
"Hello, may panis na laway ka pa kaya," natatawang aniya pa.
Nagmamadali akong tumakbo papuntang restroom at naghagilap ng wet wipes sa bag ko. Sumunod naman ang gaga.
"Valerie, ano ba kasi ang pinagkaka-abalahan mo tuwing gabi at lagi kang puyat na puyat?"
“Walang Valerie rito. Ando'n sa sementeryo, patay na.”
"Cindy Valerie Wright, I really think mas maganda ang Valerie kaysa sa Cindy,” sambit ni Dhaeny at tumingin sa akin.
"Dhaeny Andrea Scrimgeour, gusto mo tawagin kitang Andrea?"
"Hindi ka talaga nagpapatalo ‘no? Ayaw ko nga ng Andrea, parang ‘yong classmate natin noong senior high na bida-bida. Pero ano nga, Cindy? Anong ginagawa mo tuwing gabi?"
"Wala. Maaga nga ako natutulog e.”
Nagtaas siya ng kilay.
"Talaga ba?"
Tumango ako at walang ganang ngumiti.
"Don't tell me, napapanaginipan mo pa rin ‘yong accident," saad niya habang naglalagay ng liptint.
I smiled.
"Cindy that was five years ago, move on.”
Kapwa kami natahimik. Walang umiimik at tumigil siya sa paglalagay ng liptint.
"Pero, syempre hindi kita masisisi. Doon namatay mom at kakambal mo. Si tito Adam naman paralyzed na."
Siguro nga tama si Dhaeny. Ilang taon na ang lumipas, ngunit bakit hindi ako maka-move on? Bakit hindi ko makalimutan ang mga pangyaayaring iyon?
Ilang linggo pagkatapos ng plane crash, napag-alaman na hindi system malfunction ang dahilan, kun'di isang sabotage. Weeks after ay nahuli rin ang utak sa likod nito kasama ang limang kasabwat niya.
They were interrogated. Nang matapos ay diretso sa kulungan ang limang kasabwat subalit siya'y nakapagtatakang dinala sa mental hospital matapos mapag-alaman na wala ito sa tamang pag-iisip. At hanggang ngayon after five years, walang sinuman ang dumadalaw sa kaniya. Itinakwil siya kahit ng kaniyang sariling anak.
About naman sa hijacking, it's a whole different thing. Walang itong kinalaman sa pagka-sabotage ng plane. It just happened that both demonic crimes took place in one plane. Completely unfortunate, isn’t it?
Si Dhaeny, na-meet ko siya sa hospital. Nang nasa recovery state ako, magkatabi kami ng beds ng mama niya. Sa araw-araw na dalaw niya sa mama niya, binibigyan niya rin ako ng prutas at kung anong mayroon. That's when I knew, she's a good person. Coincidence? Nah, I believe it's destiny. When my twin sister died, I had her as a new sister.
Naglalakad na kami pabalik at hindi ako halos nagsasalita. Naghihintay na kami bumukas ang elevator nang kalabitin ako ni Dhaeny.
"Sorry," saad niya at nag-pout na parang nagpa-paawa.
“Huh?” tanong ko.
“Mama mo, hakdog. Sorry kasi—uh, ‘yong sa aksidente, dapat hindi ko na ino-open up. Kung hindi mo ako papatawarin, salamat na lang sa lahat.”
"Sadghorl ka? Sipa gusto mo?"
Nang sabihin iyon ay nagulat ako dahil biglang bumukas ang elevator. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko ang mukha ni Sir Lester na naka-smirk. Mukhang narinig niya kung ano ang sinabi ko. Naka-pamulsa pa ito at halatang naiinip na sa mabagal na elevator.
"You really can't control your attitude, Ms. Wright, huh? Pity, people hear your words," sambit niya at lumabas na ng elevator.
Bakit ba nandito iyan si Sir Lester? Akala ko ba tumaas na siya. Nagt-teleport ka ghorl?
"S-sorry, Sir,” sambit ko sabay yuko.
Nang marinig iyon ay napatigil siya at nagsalita, ngunit hindi lumingon.
"Kung susunod ka, kahit walang nakatingin, susunod ka. Sincerity always coexist with loyalty," sambit niya sa pinaka-nakakatakot na boses na narinig ko. Sobrang kalmado pero nakakakilabot.
"O-opo.” Nahihiyang napayuko ako.
Just then, umalis na siya at naiwan kami ni Dhaeny na pinagtitinginan ng mga tao. Walang gumagalaw sa aming dalawa nang biglang narinig namin na nagsara ang pinto ng elevator.
Sinubukan naming pindutin nang paulit-ulit iyong buttons pero hindi na nagbukas.
"Shit," rinig kong bulong ni Dhaeny habang pilit pinipindot ang mga buttons.
“Kahit wasakin mo iyan, wala nang mangyayari.”
Napalingon siya sa akin at tumingin na wari'y nagkakaintindihan na kami sa tingin pa lamang.
"E kung was akin ko nga kaya? Char. No choice. Bobo iyong elevator e."
Ilang sandali lamang ay naglalakad na kami pataas ng hagdan.
"Bakit ba kasi biglang sumusulpot si Sir Lester?" tanong ko habang padabog na naglalakad.
"Oo nga, saka napansin mo, Gurl? Halos pagtinginan na tayo ng lahat ng tao kanina dahil sa Lester na 'yon."
"Sus, kahit sino naman na pinapagalitan niya, napapahiya. Bakit ba kasi ganoon ‘yon?"
"Ewan ko, baka pinaglihi sa sama ng loob."
"Baka mayabang," sabi ko sabay mahinang tawa.
"Hindi, balita ko magaling nga raw talaga siya. Five years pa lang siya graduate pero nag-eexcel siya kaysa sa mga gurang na,” sagot naman ni Dhaeny.
"E’di wow, mama niya excel. Mayabang pa rin siya.”
"Hindi naman mayabang. Mabagsik lang."
"Mabagsik? Ano siya, tiger?"
Tumawa si Dhaeny at nagkatinginan kami.
"Who knows, baka wild din siya?” kinikilig na sambit ni Dhaeny. “Rawr, kagatin mo 'ko, Sir.”
Halos hindi kami maawat sa pagtawa dahil sa sinabi niyang iyon.
Ilang oras na ang nakalipas ngunit iniisip ko pa rin ang napag-usapan namin ni Dhaeny kanina. No, hindi si Sir Lester, about do’n sa plane crash. At speaking of that tiger, nakatikim pa ako ulit ng bagsik niya bago umuwi.
Nang makarating na ako sa bahay ay nakapagtataka dahil walang anumang ingay ang maririnig. Hindi ko maisip kung bakit sobrang tahimik ng paligid. Normally, kapag uuwi ako nakapagluto na si ate Eva at nakapaghain na. Pero ngayon, wala. May mga kalat pa sa sahig at halatang hindi nakapagwalis. Ah, baka naman may surprise sila. Papakabahin muna ako tapos pagbukas ko ng ilaw magsisigawan sila ng happy birthday. Teka, hindi ko naman pala birthday.
Nagmamadaling hinanap ko sila papa. Halos baliktarin ko na ang buong bahay para makita sila ngunit wala. Napuntahan ko na ang lahat ng kwarto, pati sa kusina, at kahit sa likod ng bahay ngunit wala sila ni ate Eva. Isang parte ng bahay na lamang ang maaari niyang puntahan pero hindi. Imposibleng pupunta siya roon. Ilang taon na rin nang huli niyang buksan ang attic.
Aksidenteng nabuksan namin ni Candice iyon noong eight years old kami. Nagalit pa si papa kasi nakabasag si Candice ng flask. Science laboratory iyon na ginawa ni papa katulong ni mom. Hindi naman nakakagulat na may ganoon kami sa bahay dahil scientist si papa at si mama naman ay mahilig sa experiments.
Halos matumba na ako sa pagmamadali paakyat sa attic, nagbabaka sakaling naroon si papa. Nakita kong bukas ang ilaw at naiwang bukas ang pinto. Pagpasok ko ay hindi ko napigilang mapasigaw nang makita si papa na nakahiga sa isang tabi at nagkalat ang basag na flasks at kung ano-anong liquids.
"Pa! Anong ginagawa mo?!"
Tumingin lang siya sakin at mahinang tumawa.
"Nasaan ba si ate Eva?" tanong ko at lumapit sa kaniya.
"Umuwi siya kaninang tanghali, kailangan daw siya ng anak niya.”
"At ikaw hindi?”
"Cindy, I'm fine.”
"Anong fine? Can't you see yourself? Basang-basa ka na. Paano kung may masamang effects iyang mga chemicals sa balat mo? What if masugat ka sa mga bubog na iyan? O may lason pala iyang mga iyan? Paanokung hindi agad ako nakauwi at anong nangyari sa'yo?"
"Cindy, I said I'm fine. At walang lason iyong mga chemicals na iyan. Mixtures lang iyan ng water at substances,” paliwanag ni papa.
"Kahit na. Ilang oras ka na nakababad. Baka magkasakit ka!"
"Three hours pa lang naman.”
"What the—three hours?! Ano ba naman iyan, Pa?!" saad ko habang kumakamot sa ulo. Nagmamadaling tinulungan ko siya makabangon at isakay sa wheelchair.
Nilinis ko ang naiwang basag na piraso ng flasks at pagkatapos ay dinala na si papa sa kwarto. Habang humahanap ng damit na maisusuot niya ay hindi ko mapigilang isipin kung bakit niya binuksan ang lab gayong sa matagal na panahon ay hindi niya ginawa iyon.
"Ano bang naisip mo at nagpunta ka ro'n nang mag-isa?"
"Iyon na nga, mag-isa ako at wala si Eva kaya p'wede ko ‘yon buksan. Just wanted to know if I can still—uh, continue my unfinished experiment.”

Book Comment (47)

  • avatar
    Samantha Tusi

    omg iloveit!!

    24d

      0
  • avatar
    Michaela PB

    Be happy

    27d

      0
  • avatar
    Kįm Cîê Perez

    thank you

    10/08

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters