logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

KABANATA 2

SAMANTALA, impit at sigaw ng isang dalagita ang maririnig sa loob ng isang madilim na silid habang paulit-ulit na sinusunog ang kaniyang katawan gamit ang kapangyarihang apoy ng hindi kilalang lalaki.
Ang silid na iyon ay nakamamanghang matatagpuan sa isang silong ng palasyo kung saan hindi masyadong dinadaluhan ng tao.
Ang lugar na iyon ay tanging Heneral at kaniyang tauhan lamang ang makakapasok sapagkat iyon ay ang silong na ginagamit na kulungan sa mga nahuhuling kriminal na may mababang estado.
"Pinuno, nawalan po siya ng malay," sambit ng lalaking may katandaan na.
Iyon ay ang lalaking napag-utusan na parusahan ang dalaga at walang sino man ang nangahas na pigilan ito.
"Kaladkarin mo papunta rito ang isa pang bihag," maawtoridad na utos ng kaniyang pinuno habang sinisipat ng tingin ang walang malay na dalaga, puno pa it ng pandidiri.
Ilang minuto lang ay kinakaladkad na ng tatlong lalake ang isa pang dalaga palapit sa kinatatayuan ng kanilang pinuno.
"Pakiusap! Pakiusap, huwag po!" Malakas na sigaw ng dalaga na nasa mga labing-anim na taong gulang pa lamang.
Halata sa kaniyang payat at di katangkarang katawan ang hirap na pinagdaanan kahit na ilang araw pa lamang siya sa kulungang iyon.
Puno ng galos ang kaniyang katawan. Putok ang kaniyang labi habang sunog naman ang kaniyang mahabang buhok na ngayon ay hindi na nagkapantay-pantay. Pati ang kaniyang maganda at makinis na mukha ay hindi nakaligtas sa naglalagablab na apoy. Sunog ito ngunit hindi niya itoiniinda Makita lamang ang kaniyang kapatid.
"Hindi na po mauulit! Pakiusap, hindi na po namin uulitin ng kapatid ko!" Puno ng paghihikahos at daing na sambit ng dalaga kasabay niyon ay ang pagsipa ng isang lalaki sa likuran ng kaniyang tuhod dahilan upang mapaluhod siya. Pagkatapos no'n ay hinila nito ang kaniyang sunog na buhok upang tumingala ang kaniyang ulo sa kanilang pinuno.
Kita ng pinuno kung paano rumagasa ang mga luha ng dalaga habang puno ng pakikiusap ang kaniyang mga mata.
"Sige, hindi kita kikitilan ng buhay, sundin mo lamang ang iuutos ko," nakangising saad ng pinuno.
Ang dalagita naman ay agarang tumango-tango kahit na hindi niya alam ang ibig sabihin nito. Lumuhod ang pinuno upang magpantay ang kanilang mga mata sabay hawak sa panga ng dalagita.
"Patayin mo ang babaeng iyon. Patayin mo ang kapatid mo…" turan ng pinuno sabay turo sa dalagitang halos hindi na makilala dahil sa pagpapahirap sa kaniya. Lapnos ang balat nito at nakalbo na rin. Ang kaniyangmukha ay halos hindi na makilala dahil sa pagsunog sa kaniya kaya naman ay halos maghingalo na ito.
Nang marinig iyon ay agad natigilan ang dalagita. Nang maintindihan ang tinuran ng Heneral ay yumuko siya habang nanlalaki ang mga mata at walang tigil ang pagbuhos ng kaniyang mga luha.
Maya-maya pa ay dahan-dahang tumayo ang dalagita. Akmang pipigilan siya ng ibang lalake nang biglang itaas ng Heneral ang kaniyang kaliwang kamay hudyat para pigilan ang mga ito.
Naglakad ang dalagita patungo sa kaniyang kapatid habang nangiginig ang kaniyang mga kamay. Itinapat niya ang kaniyang kaliwang kamay sa katawan nito at ito'y pinalutang. Sa mga pagkakataong iyon ay kumurba ang ngisi ng mga taong nakapaligid sa kaniya habang naghihirap naman ang dalaga sa pagdedesisyon.
Humikbi siya at naisip kung paano nagging masama angmundo sa kaniya. Naiisip niya na paanong nagagawa nilang tumawa habangsiya’y nahihirapan at nagdudusa?
Ilang segundo lang ay biglang nagising ang kaniyang kapatid at ang nanghihina nitong mga mata ay tumitig sa kaniya.
Isang ngiti ang pinakawalan nito na dahilan upang mas lumaki ang maluha-luha niya mga mata.
Nang hindi niya magawa agad ay biglaang nag-iba ang kamay ng Heneral. Naging mahaba ang mga ito at naging matulis ang dulo. Mabilis ang pangyayari at ilang segundo lang ay bumaha ng dugo sa silid na iyon.
Pinatay ng Heneral ang magkapatid nang wala man lang ibang tao ang nakakaalam.
"Itapon ang mga walang kwentang bangkay. Siguradong walang makakaalam, maliwanag?"
Iyon lamang at umalis na sa silid ang Heneral na parang walang nangyari.
PAGSAPIT naman ng gabi ay nakapagdesisyon si Sylrica, kakambal ni Syric na kababata rin ni Aeros, na sa kuwarto na lamang ni Aeros siya matutulog. Maluwag naman ang silid na kahit anim na tao ay magkakasya.
Bahagya niyang binuksan ang bintana na nasa gilid ni Aeros para makapasok ang hangin sabay tabi ng kurtina na nakasabit dito.
Maliwanag din naman ang buwan at maganda ang panahon.
Habang mahimbing ang pagkakatulog ni Sylrica ay may kakaiba namang nangyayari sa loob ng katawan ni Aeros. Mabilis na dumadaloy ang dugo sa bawat ugat ng binata mula utak hanggang sa bawat parte na ng katawan nito. Kasabay niyon ay ang pagdaloy ng kuryente sa kaniyang pisikal na katawan.
Walang kamalay-malay ang dalaga sa nangyayari hanggang sa naalimpungatan siya dahil sa ingay na nagmumula sa kama ng binata.
Nangingisay ito dahil sa taas ng kaniyang lagnat. Ang ulo nito ay pawang hindi mailagi sa iisang pwesto, mula kanan at kaliwa ang galaw nito habang nakapikit ang mga mata sabay ng kaniyang pag-ungol dulot ng sakit.
Agad kumilos si Sylrica upang gamitan ito ng kaniyang healing magic pero wala itong epekto. Masyadong malakas ang kuryente at masyado ring mataas angkaniyang lagnat.
“Aeros! Aeros, anong nangyayari?” natataranta niyang sigaw.
Maya-maya pa ay bumukas ang pinto ng kuwarto. Iniluwa niyon si Syric at si Sister Eden na nagsama ng iba pang may abilidad na magpagaling.
Pigil ang kanilang ingay dahil sa katabing mga silid ay mga batang natutulog. Malalim na rin kasi ang gabi.
“Palibutan siya.” Kalma man ang boses pero sa loob-loob niya ay kinakabahan na si Sister Eden sa posibleng mangyari ng gabing iyon.
"Tengoku no tsuru," (Heaven's Crane) nangungunang sambit ni Sister Eden sabay taas ng kaniyang dalawang kamay sa tapat ni Aeros na ginaya at sinunod naman ng mga kasamahan niya.
Ilang segundo lang ay nagsilabasan sa kani-kanilang mga palad ang kulay berdeng ilaw na pumalibot sa katawan ni Aeros.
Isinagawa nila ang healing ritual nang magkakasama sa pabilog na porma. Dahil sa kondisyon ni Aeros, hindi magiging sapat ang abilidad ni Sister Eden dahil masiyado na itong komplikado kung kaya't naisipan niyang magsama pa ng iba.
"Aeros!" Napapapikit na lamang ang magkambal habang naririnig ang pigil na sigaw ni Aeros sa kuwartong iyon.
"Umatras na muna kayo, pakiusap," utos ng isang Sister habang nililingon sina Sylrica at Syric na pinipigilan ang sariling lumapit habang nakataas pa rin ang mga kamay nito kay Aeros. Hanggang sa ilang minuto ay kumalma na rin siya. Bumalik siya sa pagtulog habang patuloy sa paglandas ang pawis sa kaniyang katawan.
Matapos ang isinagawang healing ritual ay pinalabas na ni Sister Eden ang kapwa niya Sister na limang babae. Tulad niya ay healing lang din ang kakayahan ng mga ito.
Hatinggabi pa lamang iyon ngunit pagkatapos ng pagpapagaling ay hindi agad nakatulog si Sylrica.
"Aeros, tiisin mo lang. Nandito lang kami."
Nangangamba siya na baka mangisay na naman ang binata lalo na't mayroon pa rin itong lagnat. Isa pa, halos maiyak siyasa nakikitang kondisyon ng binata. Lapnos ang balat nito pero sa tulong nina Sister Eden ay hindi na ito masyadong malala.
*****
KINAUMAGAHAN, abala sila sa pag-uusap nang dahan-dahang iminulat ni Aeros ang kaniyang mga mata.
Gulat silang lahat nang makita ang pagbabago ng mga mata ni Aeros. Mula sa pagiging kulay itim ay naging asul ito. Hindi lang iyon, pati na rin ang kaniyang balat na halatang naging maputla. Ang kaniyang buhok ay naging puti rin ang dulo nito.
Kataka- taking wala na ng tuluyan ang sunog sa kaniyang katawan.
Hindi na lamang muna nila iyon binanggit sa binata bagkus ay pinagpahinga pa nila ito ng husto. Ni hindi nila ito magawang kausapin ng maayos dahil tulala ito at pawang lantang gulay.
*****
Samantala, sa kaharian ng Veroin ay may pagpupulong na nangyari sa pagitan ng isang knight at ng haring si Venoixe. Nalaman nila ang kakaibang pangyayari sa simbahan sa bayan ng Nirvana ngunit wala silang alam kung sino ang naging sangkot ng pangyayaring ito.
Alam nila na ang bayan ng Nirvana ay isang mahirap at liblib na bayan kung kaya't hindi nila maiwasang mag-alala lalo na sa mga taong naninirahan doon.
“Largus, ikaw ay binibigyan ko ng permiso upang magsagawa ng imbestigasyon. Bumalik ka sa loob ng isang linggo at magbigay ng ulat sa akin.” Mula sa kaniyang kulay gintong trono ay kita niya ang pagluhod ng pinagkakatiwalan niyang knight para magbigay pugay at senyales na naiintindihan niya sa kaniyang utos. Nakapuwesto ang kaliwang kamay nito sa dibdib sabay yuko ng ulo.
Si Largus ay isang salamangkerong may Thunder God gift. Matagal na siyang naninilbihan sa kaharian ng Veroin sa ilalim ng utos ni Haring Venoixe.
“Masusunod, Kamahalan.”
Agad itong tumalikod at tumungo na. Wala pang ilang minuti ay nagsimula na siyang bumiyahe sa himpapawid sa tulong ng isa sa kaniyang tauhan na si Sylphus, isang babaeng may kakayahang kontrolin ang hangin.
Isa si Sylphus sa pinakaaasahan niya na sa kalaunan ay naging kaniyang kanang kamay. Hindi lang ito magaling sa depensa kung hindi pati rin ng opensa. Alerto ito at sa kabila ng pagiging babae ay nagawa nitong makaakyat sa mataas na ranggo.

Book Comment (12)

  • avatar
    OcampoDarill

    addidjdjsjisksndkxjdjdjd

    03/09/2024

      0
  • avatar
    requinalabrojasnicenicole

    hiiiii

    27/07/2024

      0
  • avatar
    John Jemich Mangaoang

    nice

    14/03/2024

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters