logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

CHAPTER FOUR - Jules

"A-ANO NA NAMANG ginagawa mo rito?" gulat na tanong ni Mirian sa lalaking napagbuksan niya ng pinto.
"Visiting you, you didn't show up at your workplace yesterday. I thought you already ran away," Allen said.
"Bakit naman ako lalayas? Anong dahilan?" aniya, tinalikuran niya ito at naupo sa sofa, sumunod naman ito sa kanya.
"Because you're afraid of me."
Napangisi siya. "Ako? Matatakot sa `yo? Hah!" Ewan kung saan niya nakuha ang lakas ng loob para sabihin iyon sa isang kagaya nito. Pero totoo 'yon, wala siyang nararamdamang takot dito, noong una, nangangalisag ang balahibo niya kapag nasa malapit ito, pero ngayon... Wala, e. Nagulat lang siya nang makita itong nakatayo sa labas ng pinto kanina, pero hindi siya natakot.
Tumaas lang ang mga kilay nito. "You're not afraid of me, huh. Let's see then."
Sa isang iglap ay hawak na naman siya nito sa leeg. ‘Ambilis?! Bampira nga pala `to, psh,’ sabi ng mahadera niyang brain. Sinasakal na naman siya, pero hindi naman mahigpit.
"Aray ha. Ube pa nga yang leeg ko dahil sa kagagawan mo tapos uulitin mo na naman." Tinampal pa niya ito sa kamay.
Hindi pa nakontento, pinalabas pa ni Allen ang mga pangil nito. "Feisty huh? Nobody slaps Allen Renner like that."
Medyo bumilis ang tibok ng puso niya, pero hindi pa rin siya nagpadala sa takot. Hinawakan lang niya ang kamay nitong nasa leeg niya. "A-ano bang trip mo? Alam ko naman na hindi mo 'ko papatayin kaya pwede ba, bitiwan mo na 'ko?"
Nawala ang pangil nito at saka siya binitiwan. Tumuloy ito sa kusina niya. Feel-at-home talaga. Iba. "What makes you think that I won't kill you?"
Nakangiwing sinundan niyq ito habang hinihimas ang leeg. "Asa. Kung papatayin mo 'ko, dapat kahapon mo pa ginawa."
Patingin-tingin ito sa laman ng cupboard niya. "I'm just giving you a chance, but if you screw up, I'll make sure you won't be seeing daylight anymore... and even moonlight." He said while checking up on a cup noodle.
"Nyanyanya.... Dami mong alam, bistado na po kita!" Naupo syà sa may dining set at tinitigan ito, ref naman nya ang kinakalikot. "Bakit at home na at-home ka dito? Ganyan ka ba talaga sa bahay ng may bahay?"
Kinuha nito ang isang ice cube tray, ipinatong nito iyon sa lamesa at itinulak palapit sa kanya, "Put it on your hematoma, it'll help subside the discoloration."
‘Awww... Concern syà sa'ken... Ayiieee! Kilig mats!’
‘Siya may gawa niyan eh, nakokonsensiya lang yan!’
Ipinilig nya ang ulo para matigil sa pagtatalo ang dalawang part ng brains nya. Kumuha siya ng isang yelo at sinunod ang payo nito. "Hindi mo sinagot yung tanong ko sa ’yo."
"No," anito. Tumuloy ito sa backdoor at sumandal sa doorframe.
"Anong 'no'?" kunot-noong tanong niya.
"The answer to your question, its a no."
Huh? Ano bang tanong niya? Ah Oo, kung ganito ito ka-at-home sa ibang bahay.
Wala nang nagsalita sa kanila after that. Nailang siya kaya nag-isip uli siya ng topic.
"Naglalagay ka rin ba ng yelo kapag nagkakapasa ka?"
‘Enngk! Ano bang klaseng tanong 'yon?!’
"Uhmmm...ano, ano pang ginagawa mo dito?" ‘Ano ba?!’ Ampapangit na binubuksan niyang topic. Kaasar.
Nilingon siya nito, medyo nakangiti. Pinagtatawanan siya. "No, I don't put ice on my bruises 'coz I don't get any, and as for what am I still doing here... I'm studying your place. I want to know if this is a safe hiding spot just in case."
"Weh? Hindi ka nagkakapasa? Eh di ikaw na... Saka anong Ibig mong sabihing hiding spot?"
Huminga ito ng malalim at tumayo. "None of your business." At 'yun, nilayasan na siya.
Sinundan na lang niya ito ng tingin. Mga kalahating oras siguro ang nakalipas bago nag-sink-in sa kanya na dumating si Allen Renner sa bahay niya at nag-chikahan sila na parang mag-bestfriends...
Napasubsob siya sa lamesa na parang lowbatt na ewan. "Andito talaga siya kanina... May bampira akong bisita kanina. At hindi ako nasindak sa kanya!" Pinanlamigan siya ng buong katawan, pero saglit lang at bumalik din sa normal ang pakiramdam niya, "Bakit ako matatakot sa kanya? Hindi ako papatayin n'on." Napangiti siya at nagtungo sa sala para manood ng kahit na ano.
Malakas ang loob niya na hindi siya papatayin ni Allen dahil parati niyang naaalala ang sinabi nito. "I thought I killed you." Yung paraan nito ng pagkakasabi niyon, eh may halong relief. Parang ang dating eh. 'Haay, Buti na lang buhay ka, akala ko napatay kita'. Isa pa, ramdam niya ang lakas nito, kaya talaga siyang patayin kung gugustuhin lang nito. Pero hindi niya ginawa. Dahil wala itong intensyon na patayin siya.
Gayonpaman, kailangan din niyang maging maingat sa mga sasabihin o gagawin n'ya rito, hindi pa rin niya ito dapat pagkatiwalaan.
"Kaya lang kasi, ang gwapo nito masyado, kaya ang hirap katakutan."
AYOS NA ANG leeg ni Mirian, salamat sa payo ni Allen na lagyan niya iyon ng yelo kaya mabilis na humupa ang kulay nito, nilagyan na lang niya ng concealer yung ibang makulit na parts at nagsuot ng turtleneck kahit na summer para makapasok na sa trabaho.
As usual chismis ang inuna nila pagkakita sa kanya ng mga kaopisina niya, kung ano ang scripted niyang dahilan kung bakit siya absent ng ilang araw ay siya niyang sinabi sa lahat, pati kay Rico, syempre.
Nang dumating ang araw ng linggo ay nagkayayaan sila ng mga officemates niya manood ng sine at mag-ikot-ikot sa mall. Hindi siya tumanggi dahil bukod sa gusto n'yang malibang, ay gusto rin niyang malimutan ang tungkol sa lihim ni Allen na ngayon ay lihim n'ya na rin. Marami pa siyang hindi maintindihan sa mga nangyari at gusto sana niyang itanong iyon sa lalaki, kaya lang eh paano? Ni hindi na nga uli ito nagparamdam sa kanya. Parang nakalimutan na siya. Ang daya. Samantalang siya eh parang timang na nanghahaba ang leeg kapag napapadaan sa mga gusaling pag-aari nito sa pagba-bakasakali na makita ito.
Kungsabagay eh sino nga ba naman siya para alalahanin pa nito? "Haaay..."
"Ang lalim no'n, gurl, ha." Ani Dorothy.
Napalingon siya rit. "Ha?"
"Yung exhale mo raw, ang lalim ng pinaghugutan." Karen said.
"Ah... Haha, gutom na 'ko eh," palusot niya.
"Jollibee na lang tayo."
"Psh... Jollibee. Don't you have any good suggestions, Dorothy?"
"OK na dun, Karen, tara na." Hinila na niya ang dalawa para hindi na makapag-protesta.
Nang makarating sila sa fast food eh hinayaan na lang nyang mag-order ang dalawa, tumuloy muna siya sa restroom, pero dahil puno pa ay naghintay muna siya sa labas. Buset.
Ano kayang meron at ang haba ng pila sa banyo? Pati yung CR ng boys eh may maigsing pila rin, para hindi mainip ay nilibang na lang niya ang sarili sa pagtingin sa suot na sapin sa paa ng mga nakapila.
‘Ang chaka ng nail polish ni ate, nagcha-chapped na ayaw pang magpa-pedicure... 'Luh? Buti hindi yung dollshoes ang isinuot ko, may katulad pa 'ko dito... Nice naman ng shoes ni baby, may heels na agad, tuhruy...’
Nang manawa sa paa ng mga babae, eh doon naman sa pila ng boys siya tumingin. ‘Deadly weapon naman ng sapatos ni kuya, pointed talaga? Push me 'yern sa lalamunan ng katabi mo... Ui, wow, ang ganda ng rubber shoes, maganda din kaya ang face?’
At hindi naman siya nabigo. Ke-gandang lalaki nga ng nakasuot ng pulang rubber shoes, ngiting-ngiti pa ito sa kanya na tila naa-amuse. Mukhang pinapanood siya nito kanina pa.
Nag-iwas siya ng tingin, sakto namang umusad na ang pila kaya nakapasok na siya sa restroom. Hinayang na hinayang sa cute na boylet kanina.
"OK LANG ’YON, mababait naman talaga ang mga nakatira dito."
"Naku, nakakahiya naman kasi sa inyo, ate, isosoli ko rin pagkatapos."
"Kahit 'wag na, konti na rin naman yang electrical tape na 'yan."
"Ahaha, ikaw ang bahala, basta kapag kelangan n'yo ng tulong, don't hesitate to ask for my help."
"Ambait mo naman."
Papasok pa lang si Mirian sa kalye nila eh, naririnig na niya ang pagku-kuwentuhan na tunog landian ng mga kapitbahay niya. OK lang, wala naman siyang pake.
Kauuwi niya lang galing sa trabaho at gusto na niyang kainin ang take-out niya na bunga ng kanilang bonus. Pagkapasok niya ng gate ng apartment nila na 24/7 na bukas ay napalingon sa kanya ang tatlong babae na nagti-tipon-tipon sa harapan ng bakanteng unit.
"Si Mirian lang pala, akala ko si Gerry na,' natatawang sabi ni Helen, nasa kaliwa ng unit niya ang unit nito, may dalawang anak na lalake at asawang call center agent.
"Bakit, Helen? Ano ba kung ako si kuya Gerry?" biro niya habang binubuksan ang front door.
Sinenyasan siya nito na 'wag maingay. "Bruha, eh 'di kinalbo ako no'n."
"Sino si Gerry? Husband mo?" anang tinig-lalaki.
Napatingin uli siya kina Helen. May titira na yata dun sa dulong unit. Limang unit iyon na magkakatabi at yung dulo na lang ang bakante.
"Asawa ni Helen, may asawa na kasi 'yan, kami ni Mirian at Lilibeth, dalaga pa," parang maiihing sabi ng isa pa niyang kapitbahay na si Marissa. "Mirian, halika, ipakikilala ka namin kay Jules."
Noon sumilip ang lalaking natatabunan na ng bulto ng tatlong babae, at muntik na siyang mapaubo nang mamukhaan ito.
"Hi, Mirian." Ngiting-ngiti ito sa kanya, yung ngiti na katulad noong unang beses niya itong nakita sa restroom ng Jollibee.

Book Comment (50)

  • avatar
    Akiles Rohan Puntanar

    totoo nga naka kuha ako ng pera

    15/07

      0
  • avatar
    USNIEKRISJEN

    perfect story

    21/06

      0
  • avatar
    legarajanel

    nice

    16/04

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters