logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

CHAPTER THREE - Close Encounter

"I UNDERSTAND THAT you need to get dressed, so I'll leave you here for a while, don't try anything stupid, OK?" And then he left, without a sound.
Mirian was left dumbfounded and unable to move. Her heart's pounding it wouldn't surprise her if she'll have a heart attack. ‘Shit! What's he doing here?! How did he get in?! While I'm taking a bath? O, crap! I'm in trouble! What am I gonna do now?!’
Minutes pass but she still can't find the courage to move from where she is. Then soft knockings on her door breaks the silence.
"Are you done? Can I come in? Or you'll come out here?" Allen said.
"Um... W-wait a second, I'm coming out, just a second." Then she scrammed for her clothes like a drunken rat. Instead of a comfortable PJ's, she wore a sweatshirt and a pair of sweatpants. She's ready to fought a good fight if the need arises, after all she's a member of the badminton club way back in highschool. ‘Shit, what does my badminton experiences have against a guy like him? Can I—pwe! Ano ba?! Kanina pa 'ko nage-e-english, ang sakit na sa sinus, ha!’
Will she come out or—pwe! Kainis na Allen Renner, viral `yung kaka-english niya, ha! So, `yun nga, lalabas ba siya o hindi? `Wag na lang kaya? Baka kung ano pang gawin nito sa kanya, kung hindi naman siya lalabas, baka kung ano pang gawin nito sa kanya. Tsk, ganun din. Pinihit niya ang door knob at lumabas.
Prenteng nakaupo sa sofa ang kanyang visitor, bahagya lang siya nitong nilingon bago iminosyon ang katapat na pang-isahang sofa. Pinauupo siya. At home na at home. Komportableng-komportable, palibhasa alam na mas mahina pa siya sa toge, kaya kinakaya-kaya siya.
"M-mr. R-Renner..." kandautal niyang sabi nang makaupo. Paano ba niya uumpisahan ang sasabihin niya? At ano bang sasabihin niya?
"Go on, speak out your mind." Titig na titig ito sa kanya at kahit gusto niyang magbaba ng tingin ay hindi niya magawa, para siyang na-magnet.
Hindi siya makapagsalita. Madilim pa rin sa sala niya dahil nakapatay pa rin ang ilaw roon, tanging ang liwanag na nagmumula sa kanyang silid ang nagbibigay tanglaw sa kanilang dalawa. Pero kahit dim, e nag-uumapaw pa rin sa karisma ang kaharap niya , hindi na nga niya ito gaanong maaninag ay ang gwapo pa rin nito, noon lang niya ito nakita nang malapitan kahit madilim at naunawaan niya bigla si Monique kung bakit may pangha-harana pa itong nalalaman. Kung maliwanag lang siguro ay nakita na nito ang pamumula ng mukha niya. ’Shit,’ mura niya sa isip, ‘nasa iisang lugar lang kami ng über hot na boylet na itechiwa! Lumalabas ang kalandian ko nang wala sa oras!’
Bumalik siya sa realidad nang tumikhim ito. "In case you don't have any plans of speaking, then I'll take the liberty of talking."
"Uhmmm... K-kasi—"
"I know that you saw something that you shouldn't have seen."
‘Patay... Nakita niya nga ako!’ tili niya sa sarili.
"I'm not that careless to let anyone see my other side, but I'm aware that if you're keeping a skeleton in your closet, there's always this someone who'll accidentally open it and saw what you're hiding. For years nobody knew what I really do to live, not until you came to that rooftop and saw everything." Sa haba ng sinabi nito ay hindi man lang ito kumurap sa pagkakatitig sa kanya. The guy's really scary.
"N-nobody knew what y-you really do t-to live? A-ano pong i-ibig n'yong sabihin?" Medyo naguluhan siya roon, hindi ba dapat 'what I really do for a living'? Nakuha pa talaga niyang mag-usisa, e.
"Yeah, you heard it right. I kill others to live. I kill other vampires,” seryoso nitong sabi.
"'Luh?" may halong hindi paniniwalang sagot niya, `yung itsura ng mukha niya ay parang 'weh? Hindi nga? Kwento mo sa turtle.' Like hello?! Nagbabasa siguro ng wattpad stories ang isang `to, kaya ganito humirit. Sinong praning naman ang maniniwala sa sinasabi nito?
"What?" Kumunot ang noo nito. "'Luh', what? What does 'luh' mean?"
‘Ay, sosyal nga pala 'to, walang alam sa salitang kalye, sosyal na baliw na killer. Boom panes!’ muli niyang kausap sa sarili.
"Uh. I-it meant nothing sir, i-its just an expression... B-but... What d-did you—anong i-ibig n'yong sabihin na... V-vampires?" Pinagbigyan na lang niya ang trip nito. Mas nanganganib pala siya ngayon dahil hindi ito basta killer, baliw pa. ‘Ajujujuju... I'm deds.’
"Vampires, bloodsuckers, immortal bloodsucking corpse. I killed those who tried to kill me. Blah-blah-blah-yadda-yadda-yadda."
Hindi na niya pinakinggan pa ang ibang sinasabi nito, abala na siya sa palihim at pahirapang pag-i-scroll at pagpindot sa screen ng Iphone3 niya, yes, Iphone3 pa rin. Ajujujuju... Kahit sino na lang, susubukan niyang mag-compose ng text at mag-send ng distress message sa maswerteng recipient niya, hopefully lang ay puntahan o tawagan man lang siya nito, para magkaroon ng distraction at makalayo siya ng konte kay Allen baliw.
"That's why I—”
“SORRY, YOUR NUMBER CANNOT BE COMPLETED AS DIALLED, PLEASE CHECK YOUR NUMBER, AND DIAL AGAIN, TOOROOROOT! TOOROOROOT!”
Nanlaki ang mga mata niya habang kumunot naman ang noo ni Allen. Punyetang phone! Naka-loudspeaker! Ano bang pinindot niya?!
Sa isang iglap ay naka-plaster na siya sa dingding, hawak ni Allen ang leeg niya at hindi niya maramdaman ang sahig. ‘Whuhduh?!’
"I said, do not try anything stupid!" Nanlilisik at namumula ang mga mata nito, as in pula `yung iris, parang sharinggan. At may pangil...
Gustuhin man niyang sumigaw ay hindi rin pwede dahil hirap na hirap na siyang huminga dahil sa pagkakasakal ni Allen. Nagpa-panic na siya at hindi malaman ang gagawin para ipagtanggol ang kanyang sarili, nasaan ang adrenaline rush kapag kelangan niya ito?
"I'm gonna kill you! You worthless trash!" nanggigigil na sabi ni Allen, kasabay nang magkasunod na kulog at kidlat, tumagos ang liwanag ng kidlat sa jalousie na bintana at nakita niya nang mas malinaw ang naglilingas na mata nito at nangingintab na pangil.
‘Bampira nga...' bulong ng isip niyang nanlalabo.
Kung ganoon ay totoo nga ang nasaksihan niya kanina, maging ang mga sinabi ni Allen. Pero huli na yata ang realization niyang iyon dahil unti-unti nang lumabo ang kanyang paningin at gumaan ang pakiramdam niya, hanggang sa tuluyan nang nagdilim ang lahat. Ang mabangis na mukha ni Allen ang huli niyang nakita.
BUMALIKWAS NG BANGON si Mirian at umuubong humawak sa leeg niya.
"Buhay pa 'ko?! Shit! Buhay pa nga ako! Panaginip lang ang lahat! Praise the Lord!" Bumangon siya sa kama at itinaas ang mga kamay sabay kanta. "Alive, alive, alive forevermore! Alive alive a...live..."
Patakbo siyang lumapit sa full length mirror sa isang panig ng kanyang silid, may kung ano kasi siyang napansin sa kanyang leeg nang mapadaan siya sa salamin. May maiitim na marks sa leeg niya na hugis kamay. "Whuhduh?!"
"So you're awake. I thought I killed you,” sabi ng may kagagawan ng pasa sa leeg niya. Nakasandal ito sa may hamba ng pinto ng kwarto.
"A-ano pang ginagawa mo r-rito?!" Panic mode. Atras sa pader.
Pumasok sa kwarto si Allen at naupo sa kama. "I'm waiting for you to wake up. I ain't gonna leave until we settle our business."
"Business? Anong business?" Panic mode pa rin, iginala niya ang paningin sa kanyang silid para maghanap ng pangdepensa sa sarili. OK Sana `yung tubo na nasa ilalim ng kama niya, kaso paano naman niya makukuha iyon?
Bahagya lang ngumiti si Allen. "Don't play stupid, You know what I mean."
‘Semperds alam ko, `yung tungkol kay kuyang naka-coat,’ wika ng mahaderang part ng brain niya.
"I want you to shut your mouth or you'll end up like Sebastian, by the way Sebastian is the vampire I slay yesterday." Tumayo na ito at naglakad palabas.
Nakahinga siya nang maluwag nang umalis ito. `Yun lang naman pala ang gusto ni Allen the vampire slayer. ‘Huh? Parang mali yata, dapat, e Allen the vampire vampire slayer. Boom! Panes!’ Anyways, hindi na siya nito kailangan pang takutin kung katahimikan lang pala niya ang gusto nito, wala naman talaga siyang balak na magsalita, takot na lang niya rito.
"Does your neck hurt?"
"Ay, kamoteng neck na 'yan!" Literal siyang napalundag nang biglang sumungaw ang bulto ni Allen sa pinto ng kwarto niya at magsalita.
Amusement was written all over his face when she looked up to him. "I never thought that 'kamotes' have necks. I wanna see one someday." Pagkatapos ay tumalikod na uli ito, pero napansin niyang nakangiti ito.
Hindi na rin niya napigilang mapangiti with matching pagtaas-baba pa ng mga balikat, ‘Ang cute niya talaga! Eeeh! Enebeh?!’
Kakaiba ang Allen na 'yon, paiba-iba ang ipinaparamdam nito sa kanya, tatakutin siya, tapos mayamaya, pakikiligin naman siya, sino kaya ang may diperensya sa kanilang dalawa? Si Allen na "bampirang" killer, o siya na bipolar?
"BAKIT?” DOEOTHY ON the other line asked.
Sinipat muna ni Mirian ang pasa niya sa leeg bago sumagot. Naka-loudspeaker naman ang phone niya na nakapatong sa dresser. "May nangyari kasi kagabi, kaya tinanghali na 'ko ng gising, hindi na 'ko makakapasok." Paano siya papasok nito sa office gayong ubeng-ube at pagkakalaki ng marka ng kamay sa leeg nya? Ni hindi yon kayang itago ng concealer, kailangan talagang hintayin nyang mawala iyon.
"Hmmm... Ano kayang nangyari? I smell something fishy..." may himig panunukso nitong tanong.
"Hoy, kung ano man `yang iniisip mo, sinisigurado ko sa `yong napakalayo niyan sa katotohanan." Sinubukan niyang maglagay ng scarf pero tinanggal uli niya , mukha siyang flight attendant.
"Asus! Bakit, girl? What do I have in mind ba?" Natatawa pa ito.
"Psh... Ewan ko sa iyo , basta hindi muna ako makakapasok today, hindi maganda ang pakiramdam ko at may pasa ako na ubod ng laki, kailanga—"
"What?! Pasa?! Anong pasa?! Ano bang nangyari talaga?"
"Basta, tsaka ko na lang ie-explain kapag nakapasok na 'ko, OK? Bye."
"Teka lang, andito si Sir Rico, sa kanya mo sabihin."
Narinig na nga niya ang boses ni Rico sa kabilang linya bago pa man niya mai-end ang tawag.
"Hello? Hello, Mirian? Anong oras na? Wala ka raw balak pumasok, bakit na naman, ha?" Hindi naman galit ang tinig nito, iritable lang.
‘Buset!’ singhal ng brain niya.
“Hello, sir? Kasi ganito `yan,muntik na 'kong maholdap kagabi, sinakal ako kasi nanlaban ako, nakatakbo lang ako kasi tinusok ko siya sa mata. Takot na takot nga ako, e." Scripted na ang linya niyang iyon, dapat sana, e speech pa niya iyon kapag pumasok siya sa isang araw, kaso ngayon na niya kinailangan.
Katahimikan. Hindi sumagot si Rico kaya inakala niyang pinatayan siya nito ng phone, tiningnan nuya ang cellphone na nakapatong sa dresser at itinapat sa tenga.
"OK, bahala ka!"
"Aww!!" Pasok lahat ng hiyaw ni Rico sa tenga niya, parang hinintay talagang damputin niya ang cellphone. "Totoo naman sir, e, n-naholdap nga ako... M-muntik na. May pasa pa nga ako, o."
Tahimik pa rin, end call na pala talaga.
"Bwisit na Allen Renner kasi! 'Pag ako nasesante... Lagot siya sa 'kin." nakangiwi niyang sabi, hinihimas pa ang tenga.
"Gaga, ano naman ang kaya mong gawin against Allen the vampire vampire killer?"
`Yun lang.

Book Comment (50)

  • avatar
    Akiles Rohan Puntanar

    totoo nga naka kuha ako ng pera

    15/07

      0
  • avatar
    USNIEKRISJEN

    perfect story

    21/06

      0
  • avatar
    legarajanel

    nice

    16/04

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters