logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

CHAPTER TWO - Face To Face With The Last Renner

SA ISANG RESTAURANT dinala ng kanyang mga paa si Mirian. ‘Gutom lang `yan, girl.’
Ni hindi siya nakakaramdam ng pagod sa kabila ng haba ng distansyang nilakad niya. Roof top ng 40 storey building pababa hanggang sa restaurant na kinaroroonan niya ngayon. Gaano kalayo iyon? Hindi niya alam, basta malayo.
Paulit-ulit na nagpe-play sa utak niya ang nasaksihang eksena—kung hindi man matatawag na krimen iyon—kanina. Totoo ba `yon? Parang hindi. Sinaksak tapos naabo? Ano `yun, bampira? Napangisi siya sa naisip. Ni hindi nga niya napanood ang Twilight at iba pang installments niyon pero daig pa niya ang fanatic ng naturang pelikula kung mag-isip.
"Confirmed, gutom na nga ako."
Tinawag niya ang isang waitress at nag-order ng pinakamahal na pagkain. May bonus naman sila. ‘Yeah, man.’
Habang naghihintay ng order niya ay inilibot muna niya ang paningin sa buong paligid. May hinahanap na partikular na tao. "Shit, Allen Renner."
Nakita kaya siya nito kanina? Sana naman hindi. Kung anuman `yung nakita niya kanina, naabo man o whatever `yung lalaking naka-coat. Krimen pa rin `yun. Sinaksak ito, e. At witness siya. Karaniwan nang nanganganib ang buhay ng witness sa mga ganoong kiyeme kapag nalaman ng 'kriminal' na may saksi sa ginawa nito. At siya, si Mirian Ilusorio ang kaawa-awang saksi. Oras na malaman iyon ni Allen, siguradong isusunod na siya nito ro'n sa lalaking 'naabo'.
Itinukod niya ang siko sa mesa at napahawak sa noo. Pilit niyang iginigiit sa sarili na gutom lang siya, na hindi totoong may naabong lalaki, na may pinatay si Allen, na may krimen siyang nasaksihan. ‘Baka naman plasma TV lang `yung nakita ko kanina?’
"Psh... Plasma,” mahina niyang bulong.
"Ma'am here's your order, breaded stuffed chicken in white sauce with cream of mushroom soup." Iniayos na ng serbidor ang pagkaing in-order niya sa mesa.
"Eto na `yung pinakamahal na dish? Parang ang weird ng combination... Oh well.." Kakain na sana siya nang mapansing parang tumahimik ang mga tao.‘Bakit?’
Nang ilibot niya ang paningin ay nagtama ang mga mata nila ni Allen Renner. ‘Whuduh?!’
Nandoon din sa loob ng restaurant ang lalaki, nakapwesto sa bandang kaliwa niya, two tables away, umiinom ng kape habang hindi inaalis ang paningin sa kanya.
"Shit." Agad siyang nag-iwas ng tingin, sinundan siya nito, sigurado. Sigurado rin siyang alam nito na may alam siya. "A, excuse me, miss, paki-balot na lang ang mga `to,” aniya sa isang napadaang waitress. Bahagya niyang nilingon si Allen, ganoon pa rin, nakatingin sa kanya.
‘Eeeh, naman e, ang gwapo!’ Nanlaki ang mga mata niya sa naisip. Ano ba `yun? Kinikilig siya sa isang 'mamamatay-tao'? ‘Ang hard naman, mamamatay-tao agad?’ Ipinilig niya nang bahagya ang ulo at tumayo matapos makuha ang pagkain niya at magbayad.
‘Bye, Allen, `wag mo `kong susundan ha? Utang-na-loob.’ Nagmamadali na naman ang mga hakbang niya pabalik ng office, malayo-layo pala ang narating niya, pero ganoon pa rin, hindi siya napapagod. Eto yata `yung tinatawag nilang adrenaline rush. `Yun bang kapag sobrang excited o takot ang isang tao. Gusto niya sanang isipin na natatakot lang siya kaya siya nagkakaganon, pero hindi, e. Nae-excite din siya na hindi mawari.
‘Abnormal ka, Mirian, nae-excite dahil hinahabol ng kriminal?! Anong kalandian `yan, ha?’
‘Correction, gwapong mayaman na kriminal.’
Tinuktukan niya ang sarili habang mabilis pa ring naglalakad. Kung may nakakabasa lang ng isip niya ay malamang na mabwisit sa kanya at ikompara pa siya sa ibang babaeng naghahangad ng 'name and fortune' ni Allen Renner.
Lumingon siya sa pinanggalingan. Negative. Walang Allen Renner na sumusunod. Sana naman hindi siya basta na lang hatakin nito sa isang kanto at paslangin. Maraming ganoon sa movies, e.
NAKARATING NAMAN SI Mirian nang ligtas sa opisina nila, nakakain ng take-out lunch niya na medyo hindi na fresh, sinaluhan pa ng masisibang officemates niya, inasar dahil nag-solo flight daw siya, at nakapagtrabaho nang matiwasay nang walang Allen Renner na nagpakita sa kanya.
Sa madaling-salita ay hindi siya nito sinundan. Praning lang siya kanina, nang makapag-lunch ay nakapag-isip na siya nang maayos... Kung krimen nga ang nakita niya kanina, pasensya na lang si kuyang naka-coat dahil wala siyang balak na tumestigo sa korte para sa ikalulutas ng kaso nito. `Yun, e kung may kaso ngang maisasampa laban kay Allen Renner, kasi naman, sino bang magtatangkang banggain ang isang gaya nito? Syempre hindi siya. Siguro si kuyang naka-coat kanina, e malakas ang loob kaya `ayun, naabo. ‘Tsk... maayos na pag-iisip na `yang lagay na `yan, ha.’
Napabuga ng hangin si Mirian at saka ibinalik ang kanyang kikay kit sa bag.
"Sis, sabay na tayong umuwi,” ani Carmela pagkalabas nito ng cubicle at naghugas ng kamay. Taga-audit naman ito na roommate niy sa dorm noong college, pagkatapos ng graduation ay nawalan na sila ng communication, since nauna siya ritong maka-graduate at magtrabaho sa RS Advertising nang isang taon nagulat na lang siya nang makita ito sa cafeteria ng building nila minsan, nagka-kwentuhan sila at `ayun, paminsan-minsan, e nakakasabay niya itong mag-lunch o umuwi.
"Sureness,” tugon naman niya at sinipat-sipat pa ang sarili sa salamin sa harap nila.
"May problema ba?" tanong nito sa kanya pagkalabas nila ng restroom.
"Wala naman, mukha bang meron?"
‘Hay nako girl, you wouldn't wanna know kung anong pino-problema ko now.’ Gusto pa sana niyang idagdag.
"Para kasing restless ka. Ewan. OK ka lang talaga ha?" Bahagya pa nitong sinilip ang mukha niya.
Pinilit niyang ngumiti at pasiglahin ang boses. "Oo nga, bakit naman ako hindi magiging OK, e may bonus kame?" may halong pang-iingit pa niyang biro.
Tumawa lang ito at `yung iba pang empleyado na nakarinig sa sinabi niya at alam din kung anong tinutukoy niya. "E, `di kayo na nga ang may bonus."
"Confirmed ba `yan, ate?" tanong noong isang lalaki na sa mukha lang niya kilala.
"Hindi pa naman, positive thinker lang talaga ako,” nakangiti niyang tugon na ikinatawa muli ng iba.
"Push mo `yan, `te."
"Buti pa kayo."
"Kaya pala ang saya ng mga taga-accounting."
‘Nako mga ate at kuya, kung alam n'yo lang ang pinagdadaanan ko ngayon, hindi n'yo masasabing masaya ako,’ aniya sa sarili.
After almost two hours ay nakauwi rin siya sa apartment na tinutuluyan niya. Mag-a-alas-otso na. Gutom na naman siya . "`Eto ang hirap ng mag-isa. Mag-isa ka talagang magduru. Gutom ka na, wala pang malafang, pagod ka na, hindi pa makapag-pahinga. Haay, Lord! Patawad!"
Hindi muna siya nagpalit ng damit, ibinaba lang niya ang kanyang bag sa sofa at dumiretso sa kusina para magluto ng makakain. Kanin at pritong hotdog na lang. "Kakatamad magluto."
Nang maluto ang limang piraso ng hotdog ay iniwan na niya ang pagluluto, rice cooker naman ang gamit niya sa pagsasaing, e. Tumuloy siya sa banyo at naligo. Tumayo lang siya sa ilalim ng shower at nagmuni-muni.
‘Hindi naman siguro ako nakita ni Allen Renner kanina, kasi, kung nakita niya `ko, bakit `di man lang niya `ko inusisa kaninang may pagkakataon siya? Or siguro inisip niya na matatakot akong magsumbong sa mga pulis kasi alam ko nga naman kung anong kaya niyang gawin, kungsabagay, tama siya. Hehe. Takot ko na lang na makabangga siya, baka mas malala pa sa nangyari kay Monique ang gawin niya sa `kin, baka mapagaya ako kay kuyang naka-coat.’ Napalunok siya. ‘Ayoko, no way, kapag lumapit siya sa 'kin, iiwas na agad ako, bahala siya sa buhay niya, kapag naman tumagal at hindi ako tumestigo against him, e malilimutan niya na rin ako. Ajujujuju, kalilimutan na lang ako ni Allen the gwapong killer. Aish! Kakalimutan ko na talaga `yung nakita ko kanina, kunwari nakakita ako ng nayapakang poops, haha, bad, Mirian. Tao `yung ikinokompara mo sa poops. Ano ba? Kakain ka na ng dinner puro pa kadugyutan `yang iniisip mo?’ Kung anu-ano na lang ang umandar sa isip niya habang itinutuloy ang paliligo.
Nang makatapos ay nagtapis lang siya ng towel at lumabas na, nagulat na lang siya nang makarinig ng malakas na kulog, pagkatapos ay bumuhos ang malakas na ulan.
"Perfect! Masarap ang itutulog ko nito!" Pagkakain ay itinambak na lang niya ang pinagkainan sa lababo kasama nang pinagkainan niya ng almusal kanina.
“Tsst, anubayan, bukas na nga kayo ligpitan, inaantok na 'ko." Nagmartsa na siya patungo ng kanyang silid. Pero bumalik din siya sa may front door para siguraduhing naka-lock iyon at i-off na rin ang ilaw.
"Goodnight... Tapos may sumagot ng 'goodnight din sa iyo'... nyee... Tanga lang, tinatakot ang sarili,” naiiling niyang wika.
Pagkapasok niya sa kwarto ay kaagad niyang binuhay ang ilaw at dumiretso sa aparador para kumuha ng pajama set. Pero natigilan siya nang may ma-realize. May black coat ba siyang iniwan sa kama kaninang umaga? Napasinghap siya.
‘I don't own a fucking coat!’
Kaagad siyang humarap sa kanyang kama at ganoon na lang ang pangingilabot na nadama niya nang makita kung ano—rather—sino ang nakahiga sa kama niya na nakasuot ng pamilyar na coat.
"Good evening, Miss Mirian Perillo Ilusorio. My name is Allen Renner, it's great to finally meet you,” anang kanyang bisita habang tumatayo sa kama.
‘Shit... Si Allen Renner nga! Anong ginagawa niya rito?!’ bulyaw niya sa isip, ‘Paano siya nakapasok nang hindi ko namamalayan?! Shit! Nakatapis lang ako ng towel! Nakakahiya!’

Book Comment (50)

  • avatar
    Akiles Rohan Puntanar

    totoo nga naka kuha ako ng pera

    15/07

      0
  • avatar
    USNIEKRISJEN

    perfect story

    21/06

      0
  • avatar
    legarajanel

    nice

    16/04

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters