logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

Kabanata 5: Russel?

Maaga akong nagising kinabukasan para gawin ang mga gawaing bahay. Matapos kong mag-saing at mag-luto ng ulam ay nagsimula na rin ako sa paglilinis. Una kong ginawa ay pinalitan ko ng bagong kurtina ang mga nakasabit sa bintana at pinalitan din ng bagong punda ang mga unan. Mag-iisang linggo na kasi itong hindi napapalitan kaya kailangan ko na rin itong labhan. Ang pangalawa ko namang ginawa ay inayos ko ang mga gamit sa salas at pinunasan din ang mga ito. Madami na kasing alikabok at hindi ito nalilinisan dahil nga sa may trabaho si nanay at may pasok din ako. Kaya ngayon lang nagkaroon ng oras para ayusin at linisin ang bahay.
Alas syete na ng umaga at kakagising lang din ni Ethan pero nag-igib na siya ng tubig. Nag-prisinta rin siya na ang maglilinis ng banyo at ng kwarto ni nanay na hindi niya naman ginagawa noon pa.
Ito ang isang katangian na gustong-gusto ko sa kapatid ko, hindi mo na siya kailangang utusan dahil kusa niya itong gagawin. Nagmana talaga siya sa 'kin.
Nakaupo lang ako ngayon sa isang duyan dito sa labas ng bahay. Kakatapos ko lang mag-walis at medyo napagod ako kaya naupo muna ako saglit.
Hindi man lang kami nakapagsimba ngayong araw, hindi kasi nakauwi si nanay at hindi kami sanay na hindi siya kasama sa pag-simba. Mamayang tanghali pa pala siya uuwi pero namiss ko na siya.
Hindi man siya ang tunay naming ina pero tinuring niya naman kami na parang tunay niyang mga anak. Hindi man kami nanggaling sa kaniyang sinapupunan pero tinuring namin siya bilang tunay naming ina. Mahal na mahal namin siya ni Ethan at hinding-hindi namin siya iiwan.
"Ate Eukie.." Napatingin naman ako kay Ethan, kagagaling niya lang sa loob ng bahay at papunta na siya ngayon sa direksyon ko.
"Bakit may problema ba?" tanong ko at umiling naman siya bilang sagot. Umupo siya sa tabi ko, buti na lang nagkasya kaming dalawa at hindi naputol yung tali na nakakabit sa puno ng mangga.
"Next year pala ate, mag-se-second year na 'ko tapos ikaw naman college na. Pero hindi pa rin natin nahahanap sina mama't papa," aniya. Bakas sa mukha niya ang lungkot pero nakukuha niya pa ring ngumiti.
"May balak pa kaya sila na balikan tayo?" dugtong niya. Hindi ako nakasagot agad kasi hindi ko rin alam kung ano ang isasagot ko sa tanong niya.
Siyam na taon na ang nakalipas mula noong iwan kami ng magulang namin. Walong taong gulang lang ako sa mga panahong 'yon at tatlong taong gulang naman si Ethan. Hindi namin alam ang dahilan kung bakit bigla kami nilang iniwan. Nagmakaawa ako na huwag silang umalis pero hindi sila nakinig. Kaya si nanay Tessa na kapatid ni mama ang bumuhay at nagpalaki sa amin. Kung hindi dahil sa kaniya baka nasa bahay ampunan kami ngayon o di kaya palaboy-laboy sa kalsada.
Hindi alam ni nanay Tessa kung saan nagpunta si mama at hindi niya rin alam ang dahilan kung bakit kami iniwan ng kapatid niya. Wala kaming natanggap na balita kung nasaan sila pero hinihiling ko na sana bumalik na silang dalawa.
"Hindi ko alam bunso," maikling sagot ko.
"Galit ka ba sa kanila ate?" muling tanong niya. Lumingon siya sa 'kin pero agad akong nag-iwas ng tingin sa kaniya.
"Hindi, siguro magagalit lang ako kapag nalaman ko na ang dahilan kung bakit nila tayo iniwan. Ikaw? galit ka ba sa kanila?"
"Oo ate, galit ako sa kanila dahil sinaktan at pinahirapan ka nila. Nakita ko kung paano ka nagmakaawa para huwag lang silang umalis. Sinuong mo ang malakas na ulan para habulin at pigilan sila pero iniwan pa rin nila tayo," malungkot na saad niya.
Naintindihan ko si Ethan, alam ko na nag-aalala lang siya sa 'kin kaya galit siya kina mama't papa. Pero sa mga oras na 'yun, hindi ko na inisip pa ang sarili ko kundi siya lang. Natatakot ako na baka masira ang buhay niya kapag iniwan kami nina mama't papa. Kaya kahit ang lakas ng ulan, hinabol ko ang taxi na sinakyan ng magulang namin pero hindi ito tumigil. At akala ko no'ng magising siya kinabukasan, hahanapin niya sina mama pero ako pala ang hinanap niya.
"Kaya sana huwag na silang bumalik, masaya at kontento na ako sa kung anong buhay ang meron tayo ngayon ate. Kahit wala tayong tatay, may nag-iisang nanay naman tayo na maalaga, mabait at mapagmahal," wika niya.
Ramdam ko ang sakit sa bawat bigkas niya ng mga salita pero nakuha niya pa rin ang ngumiti kahit nasasaktan na siya.
Kung ano man ang dahilan ng pag-iwan sa amin nina mama't papa, iintindihin ko. Pero hindi nila ako mapipigilan na magalit sa kanila. Matagal ko na silang napatawad ngunit ramdam ko pa rin ang sakit nang nakaraan. Mawawala rin 'to, hindi man ngayon pero sa tamang panahon.
*****
"Ate Eukie, kailan pala ang exams natin?" tanong niya. Kakatapos lang namin kumain, nasa sala siya at nagbabasa ng libro habang ako naman ay nandito sa kusina, naghuhugas ng pinggan.
"Next month ata, bakit mo naman natanong?"
"Kasi diba ngayong buwan gaganapin ang National Sports Festival? Tapos bukod doon may dance contest din." Napaisip ako dahil sa sinabi niya, pero bakit hindi ko alam 'yan? Last month lang ginanap yung Intramurals tapos ngayong buwan National Sports Festival na naman?
"Hintayin na lang natin ang announcement ng school," sagot ko na lang. Pinunasan ko naman agad ng towel ang kamay ko matapos kong maghugas ng pinggan saka ako umupo sa tabi niya.
"Si kuya Russel pala ate member ng isang dance troupe sa school," aniya na ipinagtaka ko.
Sinong Russel naman kaya ang tinutukoy niya? Ngayon ko lang narinig ang pangalang 'yan tapos sa kaniya pa nanggaling.
"Russel? sino 'yun?" takang tanong ko. Naibaba niya naman agad ang hawak niyang libro at nagtatakang napatingin sa akin.
"Akala ko kilala mo siya, sikat kaya siya sa school ate at ka-year level mo lang siya," sagot niya saka siya napakamot sa batok.
"Hindi naman ako magtatanong kung kilala ko siya, sino ba kasi 'yun?" naiinis na wika ko.
"Ate, siya ang panganay na anak ni Mr. and Mrs. Montero na siyang amo ni nanay at kuya ni Sofia," mahinahong sagot niya. Pero paano niya nakilala ang lalaking 'yun? eh hindi pa naman siya nakapunta sa bahay ng pamilya Montero.
"Paano mo siya nakilala?" muling tanong ko. Umayos naman siya ng upo at humarap sa akin. Story time na!
"Diba noong nakaraang buwan Intramurals?" tanong niya at tumango naman ako bilang sagot.
"Nasiraan ako ng sapatos no'ng papunta na kami sa gym at itong si kuya Russel, nakita niya 'ko sa isang bench na inaayos ang sapatos ko. After nun ate, sabi niya sumama raw ako sa kaniya papuntang dance room at ayun nga, sumama ako. Nang makarating kami sa dance room, binigay niya sa 'kin ang isang sapatos na hindi na kasya sa kaniya. At doon ko lang din nalaman ang pangalan niya at kung sino siya. Nagpapasalamat nga ako sa kaniya ate eh, dahil sa sapatos na binigay niya nanalo kami," nakangiting kuwento niya.
Kaya naman pala no'ng umuwi siya after ng laro nila, iba na ang suot niyang sapatos. Nakakabilib ang ugali ng Russel na 'yun, kung hindi dahil sa tulong niya baka hindi nakalaro ang kapatid ko.
"No'ng nalaman niya na nanalo kami, nilibre niya ako ng lunch ate at binilhan niya pa 'ko ng milktea sa labas ng school. Sinabi ko rin sa kaniya na si nanay Tessa nagtatrabaho bilang kasambahay sa pamilya niya. Tapos ang sabi niya ate, kapag wala raw akong pasok sasama ako kay nanay na pumunta sa kanila. Sobrang bait niya ate at gusto nga rin niya na makilala ka eh," dugtong pa niya. Halatang mabait nga ang lalaking 'yun pero wala akong panahon na magpakita sa kaniya.
"Anong category ng sayaw ang kinabibilangan niya?" tanong ko na ikinangisi niya.
"Yieee.. gusto mo rin siyang makilala 'no?" nanunuksong sagot niya. Sinamaan ko siya ng tingin kaya bigla siyang napasimangot.
"Hindi naman ako interesado sa kaniya. So ano nga? hindi mo pa sinasagot ang tanong ko," ani ko na ikinanguso niya.
"Hip hop, urban dance 'tsaka pop dance ate," sagot niya.
Napaisip naman ako agad, bakit hindi ko nakilala ang lalaking 'yan kung sikat naman pala siya sa school? Wala talaga akong kamuwang-muwang sa mga nangyayari sa paligid ko. Kapag lalaki na kasi ang pinag-uusapan, hindi talaga ako interesado.
"Tao po.." Napalingon kaming dalawa ni Ethan nang may kumatok sa pinto. Si Julian lang pala, pero bakit siya nandito?
"Kuya Julian!" Tumayo naman agad ang kapatid ko at tumakbo papunta sa kaniya. At ngayon ko lang napansin na may bitbit siyang dalawang box ng pizza. Inangat niya pa ito para makita ko at napailing na lamang ako na ikinatawa niya.
"Napaaga yata ang dalaw mo, kuya? Diba ang sabi niyo kagabi may importante kayong aasikasuhin ngayong araw?" tanong naman ni Ethan. Hindi pa nga nakakaupo si Julian, may tanong na agad.
"Paupuin mo nga muna ang kuya Julian mo Ethan," singit ko. Napakamot siya sa batok niya at nag-peace sign sa akin. May future talaga siya sa pagiging reporter.
"Si mom na ang nag-asikaso kaya napaaga ang pagpunta ko rito," sagot ni Julian nang makaupo siya sa tabi ko.
"Kaya naman pala, pero anong strand ang kukunin mo kuya?" muling tanong ni Ethan.
Ano nga kaya ang kukunin niya? magkaiba kasi ang education system ng bansang Taiwan kaysa rito sa Pilipinas.
"Hindi ko pa alam bunso, malalaman ko rin 'yan bukas." Paano kaya 'yun? ang school kaya ang magdedesisyon? Hayss, ang hirap talaga kapag transferee ka tapos galing ka pa sa ibang bansa. Sana hindi siya mahirapan bukas.
"Saang school ka pala mag-aaral?" tanong ko. Nilingon niya naman ako at nginitian ng pagkatamis.
"Edi kung saan ka nag-aaral," nakangiting sagot niya.
"Gusto mo lang talagang makasama si ate Eukie," singit ni Ethan sabay tawa nito.
Napaiwas agad ng tingin si Julian ngunit hindi nakaligtas sa paningin ko ang pamumula ng pisnge niya.
Ngayon ko lang s'ya nakitang nag-blush pero bakit kaya?

Book Comment (77)

  • avatar
    Fhem De Castro

    it was so painful yet i can't stop myself from reading one chapter to another. Good job author. MORE Story please. 🤗🤗🤗🤗

    03/05/2022

      0
  • avatar
    Rhea Jean Adlawan Adapon

    thanksse

    1d

      0
  • avatar
    Jocelyn Macer

    ha hidi ko po yan alam hahah🤫🤫🤫

    6d

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters