logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

Kabanata 3: Julian Marquez

"Bakit hindi mo man lang ako sinabihan na nakauwi ka na pala galing Taiwan?" tanong ko matapos kong gawin ang trabaho ko. 
Hindi kami nakapag-usap kanina kasi an'daming customers na pumapasok sa shop para bumili ng kape. Buti na lang nakabalik na si boss Bryce kaya napabilis ang trabaho ko at hindi ako nahirapan sa paggawa at pag-se-serve ng kape sa mga customers kanina. Malakas pa rin ang ulan pero kokonti na lang ang pumapasok na customer. Hindi rin nakauwi sina Owen kaya nag-decide silang apat na aalis lang sila once tumila na ang ulan. Pero ewan ko ba bakit hanggang ngayon umuulan pa rin?
"I'm sorry if I didn't tell you. Kakauwi ko lang ng Pilipinas at dito ako dumiretso para makita ka," sagot niya. Kahit kailan talaga, ang sweet ng lalaking 'to.
"Ako pa talaga ang gusto mong makita imbis na ang pamilya mo. Sinabihan mo ba sila na ngayon ang uwi mo?"
"No, I want to surprise my family that's why I didn't tell them."
"At hindi mo rin ako sinabihan maging si Jessie. Hindi ako na surprise nang makita ka, mas lalo lang akong nalungkot at umiyak kanina," malungkot na saad ko. Agad siyang tumayo at umupo sa katabi kong upuan.
Gusto kong tumawa dahil sa itsura niya ngayon pero pinipigilan ko kasi baka masira lang ang drama ko. Para siyang iiyak o ano dahil sa sinabi ko. Ang galing ko talagang umarte, napaniwala ko siya agad.
"Hey I'm sorry, I didn't mean to do that. Hindi ko naman kasi alam ang dahilan kung bakit ka umiiyak kanina kaya nilapitan na kita agad. I thought you will be happy pero pinaiyak lang pala kita lalo. I'm so-" Hindi ko na siya pinatapos, bigla ko siyang niyakap ng mahigpit na ikinagulat niya. Pero naramdaman ko ang braso niya na yumakap sa baywang ko.
Namiss ko itong kaibigan ko, tatlong taon din kaming hindi nagkita dahil sa Taiwan siya nag-aaral. Pero ngayon nandito na siya, magagawa na ulit namin ang mga bagay na hindi namin nagawa mag-mula noong umalis siya.
"I miss you so much Eukie and I promise that I will never ever leave you again," sinserong sambit niya. Ngunit bigla akong kumawala mula sa pagkakayakap sa kaniya nang may tumikhim.
Napatingin ako sa paligid pero wala namang ni isang tao ang nakatingin sa direksyon namin. Napalingon sa 'kin si Griffin at agad niyang tinuro si boss Bryce sa counter na kasalukuyang nakayuko. So, ang tumikhim kanina ay si boss Bryce?
"Sandali lang Julian ha? maupo ka na muna riyan, babalik din ako," sabi ko at tumango naman siya. Tumayo ako agad at nagtungo sa direksyon ni boss Bryce. Napatingin ako sa direksyon nina Griffin pero ang seryoso na ng tingin sa 'kin ni Owen at Aiden.
Ano ba ang problema nila? naguguluhan ako. Magmula nung pumasok si Julian dito, naging seryoso na silang lima tapos hindi na nagsasalita. Dahil ba sa kape na ininom nila o dahil sa ulan?
"Boss Bryce, may problema po ba? kanina pa kayo tahimik diyan," kinakabahang usal ko. Napaangat siya ng tingin at dahan-dahang lumingon sa akin. Pero ang seryoso pa rin ng mga tingin niya at hindi ako sanay na ganito siya. 
Ano ba kasi ang problema? may nagawa ba 'ko? may masamang nasabi ba si Jessie kanina kaya biglang nagbago ang mood niya?
"Who's that guy?" maawtoridad na tanong niya. Bigla akong napatingin sa direksyon ni Julian, buti na lang sa labas siya nakatingin.
"Ka-kaibigan.. na-namin siya ni Jessie at siya si Julian Marquez," nauutal na sambit ko.
Shit! kinakabahan na 'ko, bakit ba siya biglang nagtanong ng ganito sa akin? Hindi naman siya ganito sa tuwing may kinakausap akong lalaki na kilala o kaibigan ko. Pero ngayon, nakapagtataka ang mga kinikilos niya.
"You can go.."
"Pero boss hindi ko pa-"
"It's fine Eukie, ako na ang bahala rito. Marami kang ginawa ngayong araw, so you need to rest baka kasi makasama pa 'to sa 'yo," seryoso ngunit nag-aalalang usal niya.
Wala na rin akong nagawa kundi ang sundin ang sinabi niya. Hinubad ko na ang suot kong apron at kinuha ang bag ko bago ako umalis sa counter. Lumapit ako sa table nina Dylan para mag-paalam pero nakatingin silang apat sa direksyon ni Julian.
"May ginawa bang masama ang kaibigan ko para tingnan niyo siya ng gan'yan?" walang emosyong sambit ko. Sabay nila akong nilingon pero bigla silang nag-iwas ng tingin sa akin. May atraso ba si Julian sa kanilang lima?
"Pinapauwi na 'ko ni boss Bryce.." Napatingin naman agad sa 'kin si Owen pero sinamaan ko siya ng tingin.
"I-ingat ka Eukie, sasamahan na muna namin dito si Bryce," wika ni Dylan.
"Sige, salamat. Alis na 'ko," paalam ko at umalis na sa harapan nila. Lumapit ako agad sa direksyon ni Julian ngunit nakatingin pa rin siya sa labas. Mahina na ang ulan at madilim na rin ang paligid kahit alas singko y medya pa lang ng hapon.
"Julian.." Lumingon siya agad sa 'kin at nginitian ako. Tumayo siya at lumapit sa direksyon ko.
"Pinapauwi na ako ng boss ko, ayoko naman sana kaso baka pagalitan niya pa 'ko," dugtong ko.
"Gano'n ba, then ihahatid na kita sa inyo."
"Huwag na Julian, kailangan mo ring magpahinga. Ayos lang ako at kaya ko na."
"Don't worry about me, okay? I'm fine. Sa ayaw at sa gusto mo ihahatid pa rin kita." Napabuntong hininga na lang ako dahil sa kakulitan niya. Hindi na ako sumagot at pumayag na lang sa gusto niya.
Naglalakad na kami ngayon papunta sa nakaparada niyang kotse at buti na lang may dala siyang payong. Natanaw ko naman agad ang kotse niya sa kabilang kalsada. Ang nag-iisang pulang sports car na naka-park sa harap ng isang department store. Hindi ko akalain na may gano'n siyang kagarang sasakyan kahit 18 years old pa lang siya.
Bigla niyang hinawakan ang kamay ko at inalalayan para makatawid sa kabilang kalsada. Bakit kasi doon pa siya nag-park kung pwede naman doon sa harap ng coffee shop?
Nang makarating kami sa kotse niya, pinagbuksan niya ako ng pinto at inalalayan papasok ng kotse bago siya sumakay. Nginitian niya muna ako bago niya binuhay ang makina at pagkatapos nun, umalis na rin kami.
"Nagugutom ka ba? o di kaya nauuhaw?" tanong niya. Nilingon ko naman siya at umiling bilang sagot. Pero bigla niyang niliko ang sasakyan papuntang Jollibee. Kaya naman pala tinanong niya 'ko pero nagsasabi naman ako ng totoo.
Hindi na kami bumaba ng sasakyan at mas pinili niyang mag-drive thru na lang. Napanganga ako dahil sa dami ng in-order niya. Tatlong malaking plastics na puno ng pagkain ang inabot sa kaniya ng crew. Nakangiti pa siya habang nilalagay ito sa backseat ng sasakyan. Abnoy ka talaga Julian!
"May problema ba? is there anything you want?" tanong niya at umiling naman ako agad. Hindi na 'ko nagsalita at mas piniling tumahimik na lang. Baka ano na naman ang bilhin niya at mapuno na lang ng pagkain itong kotse niya.
Bumaba ako agad pagkahinto niya ng kotse sa harap ng bahay. Tinulungan ko rin siya sa pagbitbit ng mga binili niya bago kami pumasok.
"Ethan.. nakauwi na 'ko, nasaan ka?" ani ko nang makapasok na kami sa loob ng bahay. Nilapag ko muna sa mesa ang tatlong plastic bago ko nilapitan si Julian na kasalukuyang nakaupo sa may sala.
"Kuya Julian??"
Napalingon kaming dalawa sa direksyon ni Ethan. Agad siyang tumakbo pababa ng hagdan matapos maka-recover sa pagkagulat nang makita niya si Julian.
"Kuya namiss po kita, kailan ka po umuwi?" wika niya matapos niyang yakapin si Julian.
"Namiss din kita bunso, kaninang hapon lang ako nakauwi tapos pinuntahan ko ang ate Eukie mo," sagot naman ni Julian.
"Gano'n po ba, pero babalik ka pa ba sa Taiwan kuya?" tanong ng kapatid ko.
Napatingin agad sa 'kin si Julian ngunit kapansin-pansin ang pagbabago ng ekspresyon ng mukha niya dahil sa tanong ng kapatid ko.
Hindi namin 'yan napag-usapan kanina pero babalik pa kaya siya sa Taiwan?
"Ahh hindi na Ethan, dito na ako mag-aaral," nakangiti ngunit may bahid ng lungkot ang tono ng boses niya. Sa tingin ko may problema.
"Ethan, iwan mo na muna kami ng kuya Julian mo, may pag-uusapan lang kami saglit," singit ko at tumango naman ang kapatid ko bilang sagot.
Sa tingin ko may malalim siyang dahilan kaya napauwi siya ng wala sa oras dito sa Pilipinas.
At 'yon ang aalamin ko.

Book Comment (77)

  • avatar
    Fhem De Castro

    it was so painful yet i can't stop myself from reading one chapter to another. Good job author. MORE Story please. 🤗🤗🤗🤗

    03/05/2022

      0
  • avatar
    Rhea Jean Adlawan Adapon

    thanksse

    2d

      0
  • avatar
    Jocelyn Macer

    ha hidi ko po yan alam hahah🤫🤫🤫

    7d

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters