logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

Chapter 3

TULALA si Savannah, naroon na siya sa sariling mesa sa labas ng opisina ni Carl. May mangilan-ngilang bagay na ibinilin sa kanya ang lalaki para sa kanyang trabaho. Iyong iba raw ay matutunan na lang niya sa paglipas ng mga araw. Wala namang mahirap na ipinagagawa si Carl, ang totoo nga ay may mga ipinapa-retype lang ito, photocopy, at kung anu-anong madadaling errands. Ayaw raw siya nitong biglain sa kanyang unang araw sa trabaho. Wasn’t he a considerate man?
Umiling siya. Hindi dapat iyon ang iniisip niya kundi ang kanyang misyon. “Savannah, ano’ng iniisip mo?”
Napapitlag si Savannah, hindi niya pala na-deactivate ang earpiece. “Wala,” mahina niyang tugon at saka bahagyang yumuko.
“Kanina ka pa tulala.”
“Inaantok lang ako. Hindi ako sanay na gumising nang ganito kaaga.”
“Masasanay ka rin.”
“Ikaw? Bakit gising ka? ‘Wag mo na akong bantayan. Wala pa namang aksyon.” Para siyang isang bubuyog na bumubulong.
“Hindi puwede. ‘Pag pumalpak ka, milyones ang mawawala,” giit nito.
Napailing na lamang siya. Balewalang dine-activate ni Savannah ang earpiece. Bahala si Megan kung ano ang gusto nitong gawin. Ang totoo ay hindi pa rin siya pinatatahimik ni Carl De Dios. He seemed familiar. Hindi niya lang talaga matandaan kung saan niya ito nakita.
Okay lang naman sana kung pamilyar lang ito sa mga mata niya kaya lang ay may kakaibang pitlag sa dibdib siyang nadarama kapag nakakaharap ito o kahit marinig man lang niya ang tinig. That was scary. She hadn’t felt that way before.
Carl’s aura was bright. Maihahambing niya ito sa pagsikat ng araw sa umaga. Fresh, bright…beautiful. Para itong isang pangako ng bagong pag-asa. At hindi iyon nakakatuwa. He was her subject, her mission. Ipinilig niya ang ulo. Hindi siya dapat lumilihis sa plano.
Natigil lang siya sa pag-iisip nang mag-ring ang telepono sa kanyang mesa. “Yes, this is De Dios Incorporation. Letter of invitation from the Senior Citizens of Aldemar? Yes, we just received it,” ani Savannah habang nakatingin sa isang papel sa kanyang harapan. “Yes, Mr. De Dios will attend. Thank you.”
Ngumisi si Savannah pagkatapos ng tawag. She didn’t even hand the letter to Carl. At wala siyang planong gawin iyon. Ano pa’t naroon siya para sa isang demolition job? Madali na iyong lusutan kung saka-sakali.
Inip na inip si Savannah habang nagta-type ng mga dokumento, hindi iyon ang uri ng trabahong gagawin niya sa mahabang panahon. She’d rather jump from roof to roof than being in that place. Walang thrill, walang adventure, ni pawis ay wala. Paanong nakakatagal ang kahit na sino sa ganoong uri ng trabaho? Nakaupo maghapon sa loob ng malamig na silid. Nasan ang growth sa lugar na iyon?
“Wow, growth!” buska ng isang bahagi ng isip niya.
“Miss Ruiz, it’s lunch time, hindi ka pa ba nagugutom?” tanong ni Carl nang mapadaan ito sa mesa niya.
Nagkunwari siyang nagulat sa presensya nito kahit na naramdaman niya ang paglabas nito sa silid. “Sir, kayo pala. Tatapusin ko lang po ito at kakain na rin ako.”
Nakangiting tumango si Carl at umalis na rin. Nang tuluyan na itong mawala sa paningin niya ay nagtungo siya sa hagdan papuntang rooftop, hindi kita ang anggulong iyon sa CCTV camera. She activated her earpiece. “Megan, nandyan ka?”
“Yup. Saan ka pupunta?”
“Sa rooftop.”
“Bakit sa rooftop ka pa dadaan? Kaya ko namang i-edit ang footage ng CCTV?”
“Mas madali ‘to.”
Mula sa rooftop ay tumalon siya patungo sa ikatlong palapag, sa maliit na terasa ng opisina ni Carl. Nakita niyang hindi naka-lock ang bintana roon kaya hindi siya nahirapang makapasok. Maingat siyang naglagay ng mga spy cameras sa silid, lahat ng anggulo ay makikita. Naghalungkat din siya sa mga gamit doon at wala siyang makitang kahit na anong magagamit laban kay Carl.
“Tao ba talaga ‘tong si De Dios?” hindi makapaniwalang tanong ni Savannah kay Megan. “Bakit hindi natin mahanapan ng butas?” Ang mga kasing-uri ni Carl ang pinakamahirap na misyon sa totoo lang.
Narinig niya ang pagtawa ni Megan. “Well, ‘pag walang butas, alam mo na ang gagawin. May plano ka na ba?”
“Ilang buwan pa bago ang campaign period, marami pa akong puwedeng gawin. Sa ngayon, dahan-dahan muna. Iyon naman ang gusto natin, ‘diba? Kailangan niya munang magtiwala sa’kin.”
“Lumabas ka na d’yan, paakyat na si Carl.”
Nagbuntong-hininga si Savannah bago mabilis ang kilos na lumabas ng opisina mula sa bintana. Kung gaano siya kabilis nakarating doon ay ganoon din siyang kabilis nakaakyat sa rooftop. Eksakto lang ang balik niya sa mesa, kabubukas lang ng elevator at iniluwa niyon si Carl.
“Miss Ruiz, bakit narito ka pa rin?” tanong ni Carl.
“Pababa na po ako sa cafeteria,” nakangiting tugon niya saka tumayo. Nasa unang palapag ng gusali ang cafeteria. Walang pagpipilian si Savannah kundi ang makihalubilo, mangalap ng tsismis. Hindi siya eksperto sa linyang iyon pero kung kinakailangan ay gagawin niya.
Nakahanap na siya ng mesa nang may ilang empleyado roon na lumapit sa kanya. “Ikaw ang bagong secretary ni Sir Carl, ‘diba?”
Nakangiting tumango si Savannah. Rule number one kapag gusto mong makasagap ng tsisimis, dapat ay friendly ka. “I’m Veronica Ruiz,” pagpapakilala niya sa sarili.
“Mahaba ang ‘Veronica’, may nickname ka ba?” tanong ng isang lalaki. Sa tantya niya ay nagpapa-cute ito.
“Hindi gwapo, ‘wag kang makipag-close,” ani Megan.
Bahagya siyang yumuko at pasimpleng in-off ang earpiece. Buwisit na Megan, pinapanood pa rin pala siya. Nais niyang matawa sa komento ni Megan ngunit pinigilan niya ang sarili.
“’Roni’ na lang,” nakangiting sabi niya sa mga ito.
Sa dami ng nagpakilala sa kanya ay wala siyang pangalang natandaan. But she tried her best to look genuinely friendly. Isang bagay na napakahirap gawin dahil wala naman siyang kaibigan. Paano ba ang makipagkaibigan nang totoo? She wondered, too.
“Ang swerte mo, palagi mong makikita si Sir Carl. Kung pwede nga lang na makipagpalit sa’yo ng trabaho,” anang isang kasamahan. Maganda ito, maputi, petite, ngunit nalimutan agad niya ang pangalan nito.
“May girlfriend ba siya?” painosente niyang tanong. Mula sa mga impormasyong galing kay Megan ay single si Carl pero malay ba niya kung iba ang alam ng mga empleyado nito?
“Uy, ikaw, ha? Type mo rin si Sir, ano?” tudyo sa kanya.
“Naku, hindi,” tanggi niya. “Curious lang ako.”
“Single si Sir. Ayon sa tsismis, mula nang makipaghiwalay sa ex-girlfriend niya, hindi na nag-nobya kahit kailan. Baka hindi pa nakaka-move on.”
See? “Kilala ninyo ba ang ex niya?” Muli ay pasimple niyang in-on ang earpiece.
“Eliza ba iyon?” tanong ng isa sa isa pang kasamahan.
“Oo yata. Eliza Mariano,” kumpirma ng babaeng petite na maganda.
“Eliza Mariano?” tanong ni Megan. “Sige, hahanapin ko. Tignan natin kung ano ang meron sa kanya.”

Book Comment (37)

  • avatar
    Maxima Abana Cabasag

    Good story :)

    19d

      0
  • avatar
    SiarotJenelou

    nice gamr

    28/06

      0
  • avatar
    Harvey S Santillan

    nice story

    31/05

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters