logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

CHAPTER 2;

Coleen's POV
Grabe ang bilis sa pagmamaneho ng kotse si Nathan. Parang lilipad sa ere ang kotseng sinasakyan namin ngayon.
Parang bang sa kanya ang daan, o kaya naman ay nilalamon ng kotse nya ang kalsada! Jusko! Parang hihiwalayan ang kaluluwa ko sa magandang katawang lupa ko dahil sa kabang nararamdaman dahil sa klase at bilis ng pagmamaneho nya.
Buti nalang at walang traffic kaya tuloy-tuloy ang biyahe namin papuntang impyerno este trabaho!
Nakangisi ngunit nakafocus lang si Nathan sa mabilis na pagpapatakbo sa kanyang mamahaling kotse, habang ako naman ay halos pabaunin na ang mga kuko ko sa upuan ng kotse nya dahil sa baon ng pagkakakapit ko rito dahil na rin sa takot ko.
Hindi ko na masulyapan si Andrea kahit na sa rear side mirror lang ng kotse dahil sa takot. Focus na focus ang dalawang magandang mata ko sa kalsada.
Halos bumaon ang mga kuko ko sa higpit ng pagkakakapit ko sa upuan ng kotse dahil sa bilis ng pagpapatakbo ni Nathan.
Mas mabilis pa ata 'tong kotse ni Nathan kesa sa Roller Coaster!!!
Matapos ang halos labinlimang minuto ng makapagpigil hiningang byahe namin ay nakarating din kami sa harap ng kompanyang pinapasukan namin ni Andrea.
Napabuga ako ng hangin dahil sa kaninang kaba na naramdaman ko na feeling ko e hihiwalay na talaga ang kaluluwa ko sa napakagandang katawang lupa ko.
Juzzzko Dzaihhh, Di ko Kereeeeeyyy!
"Ingat ka sa trabaho, Coleen." sambit ni Nathan habang nakangiting nakatingin sa akin.
Binalingan ko rin sya ng tingin at pilit syang nginitian.
Pakshe naman kase yung bilis ng pagpapatakbo nya sa kotse nya noh! Tss.
"A-Ahehehe, Oo naman." pilit ngiting tugon ko. Agad kong iniwas ang paningin sa kanya at agad na inayos ang sarili ko.
Binalingan ko si Andrea sa rear side mirror ng kotse at parang gusto kong matawa sa itsura nya.
Malaki ang mga mata nya na halatang hindi makapaniwala sa sinakyan nya. Nakaawang ang bibig nya dahil siguro sa pagkagulat. At tulaley ang gaga na ang sarap pagtripan.
Pfft! Watdapaaaak! BWAHAHAHAHAHA!
"Woi! Babaita! Nandito na tayo! Ayusin mo na yang sarili mo. Mukha kang tanga."pigil ang tawang saad ko sa kanya at muling inasikaso ang sarili ko.
"Uhm... Coleen, mamaya susunduin kita dito sa trabaho mo huh?" iwas ang tinging saad ni Nathan.
"Ah-Eh, sure... Hihintayin kita dito. Hehehe" nahihiyang sambit ko matapos kong ayusin ang sarili ko.
"A-Ahehehe,o-okay, i'll see you later then." nakangiting saad nya na habang nakatigtig sa mismomg mga mata ko.
Nakikita ko ang excitement nya kaya naman mas lalo akong natuwa at nabuhayan ng pag-asang may tsansang maging kami ni Nathan my labadabs. Hihihihi.
Ngumiti ako ng bongga sa kanya at tumango bilang tugon.
Muli akong bumaling sa likuran ng kotse at ganun nalang ang gulat ko ng makitang nasa ganung sitwasyon pa rin si Andrea.
Malaki ang mga mata, nakaawang ang bibig na hindi makapaniwala at nakatulala kung saan.
May sayad na ba 'tong friendship ko?
Omaygaaaaad!
Wag naman sana!
Tamad akong bumisita sa mental hospital! Jusssskoooo!
Ano kayang drugs ang tinitira ni Andrea??
Baka inhalants?
O baka naman stimulants?
Hindi baka Narcotics?
O baka naman!!! Gateway Drugs?! Watdapaaaak!
"A-Andrea?? N-Nandito na tayo." utal kong kalabit sa kaibigan kong tulaley pa rin.
Deeeeemmmit!
Ayokong mabaliw ang kaibigan ko!!!!
Huwwaaaaaa!
Kahit anong kalabit ko kay Andrea ay hindi pa rin sya nagrerespond kaya naman, tuluyan na akong tumungo sa likod ng kotse at inalogalog sya.
"Woi! Andrea! Sumagot ka! Nandito na tayo sa harap ng kompanya" saad ko habang todo yugyog sa katawan ng kaibigan ko na nagpabalik din naman sa kanya sa ulirat.
Ang galing ko no!
"N-Nasan na tayo?" tanong nya saken.
"Nandito na tayo sa harap ng kompanya. Kani-kanina lang tayo dumating dito. Kanina pa kita tinatawag pero hindi ka sumasagot," nakangusong sambit ko. "Kaya yinugyog na kita, okay ka lang ba? Kanina ka pa kase tulala e." nakangusong dagdag ko pa.
Sinulyapan ko si Nathan na nakatingin pala sa amin at mukhang nagalala rin kay andrea.
Muli kong binalik ang paningin ko kay Andrea. "Masama ba ang pakiramdam mo?" muling tanong ko sa kanya.
"S-Sorry, medyo nagulat lang kase ako sa bilis ng pagpapatakbo ng sasakyan nitong si Nathan." saad nya.
Tinitigan kong muli si Nathan.
"S-Sorry, hehehe. Sabi nyo kase malelate na kayo kaha minadali ko na ang pagpapatakbo ng sasakyan para hindi kayo malate sa work nyo, besides ayaw ko ring malate si Coleen sa work nya, hehehehe." nahihiyang saad naman ni Nathan sabay kamot sa batok nya.
Ang sweet talaga ng bebe Nathan kuuuuh! Hihihihi.
Dahil dyan, bibilhan kita mamaya ng isang gallon ng ice cream na cookies n' cream, hihihihihi.
"Coleen, Let's go. Mayayari na tayo kay Tanda. Alam mo naman ang ugali nun, daig pa nya yung babaeng may isang buwan nang dalaw. Tsk!" inis na saad ni Babaita ng bumalik sya sa huwisyo at dagliang lumabas sa kotse ni Nathan.
Agad naman akong lumabas din para sumunod kay Babaita. Saglit syang kumatok sa bintana ng driver seat kung nasan si Nathan.
"Salamat sa paghatid. Ingat sa pagd-drive." nakangiting paalala ni Andrea kay Nathan. Ngumiti naman si Nathan at tumango sa kanya bilang tugon.
"Nathan, thank you sa paghatid sa amin, hehehe. Drive safely, Nathan. Woi! Mamaya nalang huh? Hihihi. Kita kits lateeeeeer!" todo ngiting sambit ko naman kay Nathan.
Binigyan nya ako ng matamis na ngiti at nakaramdam ako ng kilig.
"Oo naman, malakas ka saken, Coleen e. Hehehe. Oh, Yeah, I'll see you later, be ready for tonight. I'll drive safely for you." todo ngiting saad nya sabay kindat saken.
Pakshet! Wala akong naintindihan halos sa mga sinabi nga auh! Halos lahat kase english! Watdapak!
"E-Ehem!!!!! Maglalandian pa ba kayo o papasok na tayo sa loob dahil baka nandun na ang NAPAKABAIT nating Boss at sisantihen tayo sa trabaho dahil sa  pagkalate natin ngayon???"mataray na saad ni Andrea habang magkakrus ang dalawang  braso at nakataas ang kilay na nakatingin sa akin.
"Ahhh, hehehehe. Sige na, pumasok na kayo Coleen sa trabaho nyo, susunduin nalang kita mamaya." si Nathan hanang nakangiti sa akin.
Ginawaran ko nalang sya ng isang matamis na ngiti at tumango bilang tugon.
Ngumiti syang muli. "Okay, then, i'll pick you up later. Bye." nakangiting paalam ni Nathan sa amin.
Agad akong hinatak ni Andrea papasok ng opisina pero nagpadala nalang ako sa hatak nya habang ang paningin ko ay nanatiling na kay Nathan.
Nakita ko ang pagkaway nya sa akin habang nakangiti, kaya naman kumaway din ako sa kanya ng bongga bago kami tuluyang makapasok ni Andrea sa Impyerno este sa Trabaho.
Madaling madali sya. Agad nya akong hinaltak papasok sa Elevator at agad na pinindot ang button ng floor namin. Nasa 35th floor ang table namin ni Andrea, kaya ganyan nalang ang pagmamadali nya dahil may mga makakasabay pa kami sa elevator at hassle yun para sa kanya dahil medyo matatagalan pa kaming makarating sa floor namin.
Nang makarating kami sa floor namin ay pagkabukas palang na pagkabukas ng elevator ay agad na nagsitinginan sa amin ang mga tsimosang katrabaho namin. May mga nagbubulungan habang sumusulyap sa amin, kaya nakaramdam ako ng  kaba.
O my! Bakit nila kami pinagtsitsismisan?
Nalaman ba nilang ako talaga yung nakalimot na i-flush yung dumi sa inidoro??
Paano nya nalaman yun???
Sinigurado ko naman na wala akong nakasabay at walang nakakita sa akin ng tumae ako  ah!!?
O baka may nakikita sila na hindi ko nakikita na nakakita sa akin na tumae ako sa CR at nakalimutan magflush???!
Omayghaaaaad!
"Fvck! Late na ata tayo, Coleen." mahinang usal ni Andrea habang naglalakad papunta sa table namin.
Actually magkatabi lang ang table naming dalawa kaya minsan nakakapagtsismisan pa ako sa kanya kahit na oras ng trabaho, at nakakpagbonding pa kami kahit na may trabaho.
Ang astig ng friendship namin diba????
Hindi nalang ako umimik at nagpatuloy sa paglakad habang kapantay ko sya.
Ganun nalang ang gulat namin ng makarating kami sa pwesto ng table namin ni Andrea.
Nakaupo sa swivel chair ko si  Boss habang ang SIPSIP na secretary naman nyang mukhang suso ay naka-upo naman sa swivel chair ni Andrea.
"B-Boss..." utal na usal ni Andrea habang titig sa mga gamit namin na nakalagay nang lahat sa dalawang box.
"Sisante na kayong dalawa sa trabaho." direstong saad ni Boss sabay tayo mula sa kanyang pagkakaupo habang mukhang susong sekretarya nya ay nanatiling nakaupo habang walang ganang nakamasid lang sa amin.
Sipain ko kaya ang mukha nitong isang to, baka sakaling gumanda ang form ng mukha nya at umatras din ang nguso nya.
"B-Boss naman..." naluluha nang usal ni Andrea.
"I said you're both fired!!! Kunin nyo na ang mga gamit nyo! Hindi kailangan ng kompanya ko ang mga tulad nyo!" sigaw nya sa amin ni Andrea.
Muli kong sinulyapan si Andrea na ngayon ay umiiyak na, nakaramdam ako ng labis na galit dahil sa pagpapaiyak ng boss namin sa kaibigan ko.
Dahan-dahang nanlisik ang paningin ko sa aming boss at sa sekretarya nyang nakangisi sa amin.
Kumuyom ang dalawang kamao ko na parang naghahanap ng lugar o mukhang dadapuan nito.
"Mas lalong hindi namin kailangan ang kompanya mo, tanda! Magsama kayo ng mukhang kuhol mong sekretarya!" inis na singhal ko naman sa kanilang dalawa na halatang nagulat na ikinilos ko. Maski si Andrea ay natigilan sa narinig nyang salita na nang galing sa magandang bunganga ko. Hehehe. Nginisihan ko ang boss ko at ang sekretarya nya at inismiran.
"Kunin mo na ang gamit mo, Andrea. Aalis na tayo sa impyernong kompanyang ito. Hindi natin kailangan pang manatili sa kompanyang 'to, hindi rin natin kailangan ang walang kwentang trabahong 'to dahil marami pang nagkalat na trabaho nagkalat dyan at mas lalong hindi nat in kailangan ang demonyong Boss na yan." nakangising saad ko at agad na binuhat ang karton kung saan nakalagay ang lahat ng gamit ko sa trabaho. Agad namang sumunod si Andrea. Hindi ko agad inalis ang paningin ko sa dalawang kumag.
"Inyong-inyo na ang impyernong kompanya nyo, tanda. Sana lang e hindi kayo malugi, dahil kung malugi ang pinagmamalaki nyong kompanyang 'to e tatawanan ko pa kayo." huling saad ko habang nakakalokong nakangisi sa kanila at pasiring na iniwas ito at tumalikod sa kanila.
Nakasunod sa akin si Andrea at wala pa ring kibo. Siguro ay dahil nanghihimayang sya na wala na syang trabaho. At namomroblema kung saan na sya papasok nito.
Nakaramdam ako ng awa sa kanya dahil mahal na mahal nya ang trabaho naaming ito kahit na half demonyo at half hayuuuup ang boss namin, at ngayon ay nawala na nang dahil sa akin.
Dahil kase sa akin ay nalate kami, kung hindi sana ako tinanghali ng gising at nagpantasya kay Nathan my labs e maaga kaming nakapasok sa trabaho at nananatiling nandun kami, pero dahil sa mga kashungahan ko e nawala na ang lahat sa amin. Haysst.
Huminto ako sa paglakad kaya naman nakapantay na sya sa akin ngayon. Napahinto sya sa aking tabi at wala pa ring kibo.
"Uhm... Andrea... Sorry ha? Kung hindi sana sa kashungahan ko e hindi tayo mawawalan ng trabaho, ede sana nandun pa tayo at nagtatrabaho. Sorry talaga."  puno ng sinseridad kong paumanhin kay Andrea at nagbaba ng tingin.
Nakaramdam ako ng kamay na humawak sa aking braso, nilingon ko yun at nakita ko ang nakangiting mukha ni Andrea kaya naman nangiti rin ako.
"Don't blame yourself, Coleen. It's okay. Ikaw na nga ang may sabi, marami pangtrabaho dyan na pwede nating pasukan, kaya smile ka na... Hehe" nakangiting saad nya na ikinatuwa ko ng bongga.
Ibinaba nya ang box na hawak nya at niyakap ako. Nakaramdam ako ng sobrang saya dahil sya ang naging kaibigan ko. Hihihi...
Handa kong gawin ang lahat para sayo, kaibigan ko..
Kumalas sya sa pagkakayakap sa akin at muling akong nginitian.
"Ang tapang mo kanina ah, kinaya mong sagut-sagutin yung matandang yun. HAHAHAHAHA." tatawa-tawang saad nya sa akin.
"Eh kase binad trip nya ako e, kala nya hawak nya ang buhay natin nung nagtatrabaho pa tayo sa PINAGMAMALAKI NYANG KOMPANYA NYA kala mo naman malaki magpasuweldo. Tss. Hambalusin ko kaya sya ng swivel chair, lalo na yung sekretarya nyang mukhang suso na ang sarap hambalusin ng lamesa para umurong yung mga ngipin at nguso nun. Tsk!" anas ko na ikinatawa naming pareha.
"Bilib na bilib talaga ako sayo, kase ako nga hindi ko kinayang sagutin yung boss natin na yun habang ikaw e talagang binarado mo sya WHAHAHAHAHA. Ang astig mo dun, 'Day! HAHAHAHAHA. How to be you po???" tawang-tawa nya ang sambit sa akin.
"Pero Bes, paano na tayo nito? I mean saan tayo ngayon magtatrabaho? Saan tayo magsisimulang maghanap ng trabaho?" nagaalalang tanong naman nya sa akin.
Napabuntong hininga ako. "Basta, bahala na, pero ito ang pangako ko sayo bes, bago lumipas ang dalawang linggo ay magkakaroon ka na ng bagong trabaho." nakangiting sagot ko naman sa kanya na mas lalo nyang ikinangiti.
"Ehhh?? Ako lang ang makakahanap ng trabaho?? Akala ko ba TAYO??" naguguluhan nyang saad habang nakangiwi.
"Ehh?? Ikaw muna ang hahanapan ko ng trabaho, then kapag nakahanap na ako ng trabahong pwede mong pasukan ay tsaka na ako maghahanap ng akin, ako naman kase ang may dahilan kung bakit  nawalan tayo ng trabaho ngayon e, hehehe. Hayaan mo na ako, pangbawi ko nalang yun. Hihihi." nakangiting saad ko sa kanya.
Napabuntong hininga sya. " Okay fine, ikaw ang bahala." saad nya habang nakangiti at muling binuhat ang kahon nya na pinaglalagayan ng mga gamit nya galing sa office namin.
Sa Apartment.
Nang makauwi kami sa apartment at agad kong inilipag sa isang tabi ang kahon na dala ko, umupo ako sa sofa at ihinilig ang ulo ko sa sandalan.
Paano na ang pamilya ko?? Hayss, baka magalit sila mama nito. Marami pa naman kaming dapat bayaran, lalo na ang lupa nami sa probinsyang kailangan tubusin kung hindi ay mamapalayas sina mama dun! Argh!
"Woi! Okay ka lang ba, Coleen? Bakit parang ang lalim ng iniisip mo?" takang tanong ni Andrea habang nasa kusina at umiinom ng tubig.
Napabuntong hininga ako. "Wala, may iniisip lang." nakangiting sambit ko at tumitig sa kisame ng apartment.
"Share mo naman yan! Masyado kang nagsosolo dyan e." saad nya, binalingan ko sya ng tingin at muling syang nginitian.
Lumapit sya sa akin at umupo sa tabi ko, ihinilig nya rin ang kanyang ulo sa sandalan ng sofa.
"May problema ka ba? Sabihin mo lang sa akin, kaibigan mo ko, Coleen at handa akong makinig sa mga problema mo." saad nya habang nakatitig lang sa kisame kaya tumitig nalang din ako dun.
Napabuntong hininga muna ako bago tuluyang makapagsalita. "Eh kase nga diba wala na tayong trabaho, baka magalit sila mama nito saken, marami kaming dapat bayaran sa probinsya, may mga kailangan din yung mga kapatid ko sa pag-aaral nila, wala na kase silang inaasahan bukod sa akin na magtataguyod sa pamilya namin." saad ko, unti-unting nawala ang ngiti sa labi ko ng sambitin ko ang mga salitang yun.
Oo, ako lang ang inaasahan sa pamilya namin. May nakapagtapos naman ng kolehiyo sa pamilya namin, gaya ko, pero bukod sa akin ay tapos rin si Kuya Carlo ng kolehiyo ngunit may sarili na itong pamilya at hindi na inaasahan nila mama at papa. Kaya ngayon eto ako ngayon, ang nagtataguyod sa pamilya namin. Dati may trabaho si Papa ngunit ngayon ay wala na, kusa syang huminto sa trabaho dahil nga nagtatrabaho na ako ngayon dito sa maynila. No choice ako kundi ang itaguyod ang pamilya namin dahil malaki ang utang na loob ko sa mga magulang ko, dahil nakapagtapos ako sa kolehiyo dahil sa kanila. May mga nagaaral pa kase akong mga nakababatang kapatid kaya dagdag rin yun sa mga dapat kong pagkagastusan.
Halos lahat na nga ng sweldo ko e napupunta sa kanila dahil mas kailangan nila iyon kesa sa akin. Pwede ko naman kaseng asahan muna si Andrea dahil mas nakakaluwag sya kesa sa akin. May mga nakakatulong naman kase sya sa pamilya nila kesa sa akin na ako lang ang inaasahan sa pamilya namin.
"Haysst! Bakit ba kase ikaw lang ang nagtataguyod sa pamilya nyo?! Bakit hindi tumulong yung si Kuya Carlo mo, tutal may disenteng trabaho naman sya at di hamak na mas nakakaluwag kesa sayo??" saad nya habang nakatitig pa rin sa kisame at bahagyang magkasalubong ang mga kilay.
"Eh kase nga may pamilya na sya. Oo, sabihin na nating mas nakakaluwag sya sa buhay dahil may trabaho rin naman ang asawa nya, e mas gusto kase ni mama at papa na ako nalang ang kumayod para sa pamilya namin. Oo, sabihin na rin nating gusto ring tumulong ni Kuya Carlo sa akin, e papaano naman sya makakatulong kung mismong si mama na ang nagsasabi sa kanya na hayaan na ako kesyo daw mas kailangan nyang atupagin ang sarili na nyang pamilya ngayon. Haysst." malungkot na wika ko.
Ramdam ko ang pag-ayos sa pagkakaupo ni Andrea. "Ede tutulungan nalang kita, besides may nakakatulong naman ako sa pamilya namin, at syempre marami ka nang natulong sa akin kaya naman kukunin ko na ang chamce na ito para matulungan kita, diba BES kita at BES mo ko? Oh, Eh ano ba ang dapat na ginagawa ng magBESPREEEEN? Ede syempre nagtutulungan, kaya hayaan mo akong tulungan ka, hehehehehe."
Binalingan ko sya ng tingin at ginawaran sya ng tingin. "Salamat, Bes. Kung wala akong ikaw. Hindi ko na alam kung sino ang dapat kong pagsabihan ng mga problema ko, at hindi ko na rin alam kung sino ang tutulong sa akin. Hehehehe."
"Suuus! Ako rin naman e! Pero seryoso Bes NA-TAAAAAAAATS AKUUUUUH!" nakangusong saad nya na ikinatawa naming dalawa.
Dahil sa pag-uusap naming yun ni Andrea ay kahit papaano ay nabawasan ang bigat ng pasanin ko sa buhay at saglit kong nakalimutan ang mga problema ko.
Mabilis na tumakbo ang oras at syempre nung tanghalian ay sya ang nagluto dahil sa aming dalawa ay lamang ang skills nya sa pagluluto.
Hapon na ng maalala ko ang usapan namin ni Nathan, hindi na ako bumalik sa kompanyang pinagtatrabahuhan ko, siguro naman kase ay kapag nalaman nyang wala na kami dun ni Andrea ay dadaretso na siya dito sa Apartment namin alam namam kase nya ito.
Yung na nga ang inaasahan ko, narinig ko ang pagbusina ng sasakyan sa labas ng apartment, kaya naman agad akong tumunghay ako sa bintana at ganun nalang ang taas ng ngiti ko nang makita ko ang sasakyan ng Nathan sa tapat ng apartment.
"Woi Coleen! Sino yan?" takang tanong ni Andrea sa akin habang nakangisi.
Ahehehehehe, si Nathan my labadabs ko, ang man of my wet and dry dreams ko, BEEEEEES!
"Si Nathan, Bes." todo ngiting tugon ko sa kanya.
"Eh, diba may usapan kayo? Bakit hindi ka pa naghahanda??!"
"Ehhh??"
"Anong 'Ehhh?' may handa ka na at may lakad pa kayo ng bebe Nathan mo!" natatawang saad nya.
"Ahihihihi, napakasupportive naman ng Bestfriend kooooo!" masayang saad ko sabay takbo papalapit sa kanya at agad syang niyakap
"O sya, maghanda ka at papapasukin ko sya dito." nakangising saad nya ng makahiwalay ako sa pagkakayakap sa kanya.
"Aye! Aye! Captaaaain! Hihihihi" nakangising saad ko sabay saludo sa kanya.
"Gurabels na sa Banyo at ihanda ang sarili mo, Babaita!" natatawang usal nya.
Ngumisi akong muli at pakembot-kembot na tumungo sa Banyo para maligo.
~•~

Book Comment (38)

  • avatar
    SanchezRosielyn

    🥰🥰🥰🥰🥰🥰

    12d

      0
  • avatar
    allanicricyl mae

    It's Super Nice I like it!. please update the next chapter..

    26d

      0
  • avatar
    Daryl Christoff Padernal Guerrero

    Very interesting!

    11/08

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters