logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

Violeta Retreat House

Violeta Retreat House

MARIAHISAL


Chapter 1: Awkward Bus Ride

Aly
Ang tanging rason lang kung bakit ako nag-volunteer na pumunta at tumulong sa retreat house ay dahil para makatasan ako sa school works at sa mismong eskwelahan. Chance ko na ito dahil hindi maapektuhan ang school works ko dahil special case itong retreat para sa kanila, hindi ko rin alam kung bakit, atleast makakalanghap ako ng sariwang hangin at may plus points pa sa lahat ng subjects ko. Iyon lang ang mahalaga.
"Aly!" napabuntong-hininga ako. Kilala kung kanino ang boses na iyon. Kay Delany ang nag-iisa kong kaibigam dito sa school.
"Bakit?"
"Nakasimagot ka kaagad, wala pa nga akong sinasabi sa iyo, " sabi niya pa kaya naman pilit akong ngumiti.
"Okay, ano na namang chismis ang balak mong sabihin sa akin?" tanong ko sa kanya. Kilalang- kilala ko itong kaibigan ko, base sa ekspresyon mg mukha niya hindi siya tumakbo papunta sa akin para magpaalam. Sigurado akong may bago na naman siyang chismis.
"Grabe ka naman, bakit alam mo? " natatawang tanong niya.
"Matagal na tayong magkaibigan Delany, " sagot ko naman.
"Anyway, kilala mo ba si Austin Sanchez? yung heartthrob ng school! Balitang-balita na break na sila ng jowa niya. Si Sydney yung class representative ng mga juniors. Ang sabi pa nakita daw ni Austin na kahalikan ni Sydney si Axel Zamora ng kalabang school. Magkaribal sila, hindi ko lang alam kung alam mo. Ayun, nakipagsuntukan pa si Austin. Kaya na suspend siya. " hindi na ako nakapagsalita dahil tuloy-tuloy ang kwento niya, kapag talaga sa mga ganitong usapan maasahan mo siya.
" Ganun ba? Alam mo namang wala akong pakialam sa mga ganyan diba, " sabi ko naman sa kanya.
"Wait lang hindi pa kasi ako tapos, " napailing na lang ako at ilang araw ko ring hindi maririnig ang kadaldalan niya.
" Na suspend nga si Mr. heartthrob at kailangan niyang mag volunteer sa retreat, kung saan ka din pupunta ngayon, " nagulat naman ako sa sinabi niya, akala ko pa naman makakalaya na ako sa mga tao sa eskwelahan na ito. Hindi pala.
"Really? Malas ko naman, " bigla naman akong nalungkot.
"Anong malas swerte ka nga, maraming gusto siyang makasama. " masayang sabi ni Delany pero napailing na lang ako.
"Alam mo naman kung bakit ako nag volunteer diba, " malungkot na sabi ko.
"Alam ko, " pilit na ngiting sabi ni Delany.
Pagsabi niya noon ay ang pagdating ng bus na magdadala sa akin sa retreat house. Ako lang dapat talaga mag-isa dito sa bus na ito pero mukhang may makakasama na ako.
Ang bus na ito ay pagmamay-ari ng mismong retreat house, nakalaan para sa mga volunteer. Medyo malayo kasi sa kabihasnan ang lugar kung nasaan ang retreat house.
"Mukhang matagal tayong di magkikita, " tila na luluhang sabi ni Delany.
"Sira ka, ilang araw lang. " natatawa kong sabi at agad siyang niyakap. Pumasok na ako sa loob ng bus at doon ako sa pinaka dulong bahagi nito. Kumaway muna ako kay Delany bago tuluyang umupo, tumunog narin ang bell kaya hindi na nagtagal si Delany.
Ilang minuto pa ang lumipas ay hindi parin umaandar ang bus at alam ko kung bakit hindi pa umaandar ang bus, may isa pang hininintay. Si Austin Sanchez, aba at napakatagal niya. Mukhang wala atang balak dumating.
Kakausapin ko na sana ang bus driver, nang may pumasok sa loob ng bus. Agad akong nag-iwas ng tingin nang magkatingin kaming dalawa. Umupo siya sa may pinaka unahan, at napansin ko pang kinausap niya ang bus driver dahil tumango ito.
Agad namang umaandar ang bus pagkapasok niya, napabungtong hininga na lang ako at pinikit ang mga ko.
-------------
Bigla akong nagising dahil sa biglaang pagpreno ng bus.
"Pasensya na po, nasiraan ata tayo. " sabi naman ng bua driver. Napabuntong hininga naman at napailing.
Napansin ko namang nakatingin sa akin si Austin, agad din naman itong nag-iwas ng tingin kaya hindi ko na lang pinansin.
Tumingin ako sa labas magdidilim na, makakaabot pa kaya kami sa pupuntahan namin ng may liwanag pa. Lumabas ako ng bus para makausap ang bus driver.
"Kuya, matagal pa kaya iyan? " tanong ko habang pinagmamasdan ang paligid. Parang nasa kawalan kami, walang bahay o kahit ano. Wala ka talagang mahihingian ng tulong.
" Hindi ko alam, pasensya na po. " sagot naman ni kuya driver.
"Naku ayos lang iyon kuya, kaya lang mukang wala tayonv mahihingian ng tulong dito. " sagot ko naman.
"Nasa liblib na parte po tayo, mahina rin ng signal dito. " sagot naman niya habang inaayos bus.
"I figured that out," mahina kong sabi. Nagpaalam na ako sa kanya at pumasok na ng bus, at ko na naman napansin si Austin na tahimik lang.
"Bakit ka naman nakatingin sa akin? " tila inis na tanong niya.
"Hindi naman ako nakatingin, sadyang may mata lang. " sagot ko naman at agad na pumunta sa may likurang bahagi ng bus.
"Aly, " narinig kong tawag niya. Nagulat ako dahil alam niya ang pangalan ko.
"Paano mo nalaman ang pangalan ko? " tanong sa kanya.
"Everyone knows your name, " sagot naman niya.
"Seryoso? Hindi ko alam iyon, " sabi ko naman. Lumapit ako sa kanya dahil parang ang weird naman kung mag-uusap kaming magkalayo sa isa't-isa.
"Bakit anong sinasabi nila sa akin? " tanong ko pa sa kanya.
" You're weird. " napangisi na lang ako.
"Yun lang? I'm not weird just different, akala ko naman kung ano, " napailing ako. Bata pa lang ako iyon na ang sinasabi ng mga tao, just because I love black. A lot of people love black.
"May gusto ka bang sabihin sa akin? " tanong ko.
"Ha? " tila nagtataka niyang sabi.
" Tinawag mo ang pangalan ko, may gusto kang sabihin sa akin. " sabi ko naman. Nang-aasar yata ito.
"Wala." tipid nitong sabi.
"Ganyan kaba sa talaga? " tanong ko.
"Anong ganyan? " tanong naman niyang pabalik.
"Masungit sa mga tao, " sagot ko naman.
"Bakit ikaw din naman ah, masungit sa mga tao. " natatawang sabi niya.
" Hindi ako masungit, ayoko lang kumausap ng mga tao. Ganoon na ugali ko kahit sa school, ikaw hindi ka naman ganyan sa school. " paliwanag ko sa kanya.
"Or maybe dahil talaga ito sa akin. I mean except kuya driver tayo lang namang dalawa ang andito at ayoko talaga kitang kausapin. " dagdag ko pa.
Natawa naman siya sa sinabi ko.
"No. Wala kang kasalanan, wala lang talaga ako sa mood. " sagot niya. Oo nga pala broken ito.
"Ganun ba, sige balik na ako sa upuan ko. " pilit akong ngumiti. Awkward na nga, mas lalo pang magiging awkward.
"Dito ka na lang kaya, bakit kailangan mo pang pumuwesto sa likuran, " sabi niya.
" Mas gusto ko kasi sa likod eh, " sabi ko na lang.
Nagulat ako dahil kinuha niya ang mga gamit niya at sumunod sa akin para umupo din sa likurang bahagi ng bus.
"Bakit ka andito? " tanong ko.
"Wala lang, mas gusto ko kasi sa likod. " sagot niya naman.
Kailan ba matatapos ang araw na ito? Nag volunteer ako para matahimik ang buhay ko. Pero mukang hindi mangyayari iyon dahil kay Austin Sanchez. Napabuntong hininga na lang ako at napatingin sa labas. Wala na, madilim na. Mukang dito kami matutulog sa bus.
"Malalim ang buntong hininga ah, malaki siguro ang problema mo. " sabi ni Austin habang nakatingin sa labas.
"Isa lang naman ang problema ko, itong sirang bus. Dito pa ata tayo matutulog, hindi ka ba naiinis? " sabi ko naman.
"Hindi. Nag eenjoy nga ako at isa pa isa lang naman ang kinaiinisan ko ngayon. " sabi niya.
Tumahimik uli ako. Alam ko kung ano iyong kinaiinisan niya, wala akong balak pag-usapan iyong break-up niya.
"Baka kailangan ng tulong ni kuya driver, puntahan ko lang. " paalam niya sa akin. Tumango lang ako, hindi naman niya kailangang magpaalam.
Sumilip ako sa labas at pinagmasdan silang nag-uusap. Nakangiti naman ang bus driver kaya mukang maayos na ang lahat. Agad ding pumasok si Austin at dumiretso ito sa likurang bahagi ng bus kung saan siya nakaupo kanina.
"Maayos na pala, maya-maya lang aalis na rin ang bus. " nakangiting sabi niya.
"Mabuti naman at para makarating na tayo sa retreat house, " sabi ko naman.
"Ipikit mo muna ang mga mata mo, gisingin na lang kita kapag nakarating na tayo. " sabi naman niya. Hindi na ako nagreklamo dahil sa totoo lang ay inaantok na rin ako.
At isa pa hindi ko na rin alam ang sasabihin ko sa kanya. Hindi rin naman ako pala kwentong tao. Ipinikit ko na lang ang mga mata ko at nagpahinga.
Naramdaman ko pa ang pag-andar ng bus at narinig kong nagsalita si Austin pero hindi ko na maintindihan ang sinabi niya dahil tuluyan na akong hinila ng antok.
END OF CHAPTER 1

Book Comment (104)

  • avatar
    Neca Joy Gorre

    Djht

    6d

      0
  • avatar
    Sian Lee

    maganda

    7d

      0
  • avatar
    Seung Yeon Mhicay

    Amazing

    29d

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters