logo
logo-text

Download this book within the app

Chap. 4

-Nali's POV-
"Ang gwapo naman pala nitong apo mo Isabella."
"Aba naman kumare, mana ata sa lola niya yan."
"Hay nako Isabella, my baby loves, honey bunch, sweetheart, honey, cup cake---"
"Manahimik ka dyan Peter kung ayaw mong paluin kita ng upuan. Pinapahiya mo ako!"
"Oo na nga eh! Ito naman! Ang sungit sungit mo talaga! Alam ko naman kinikilig ka----ummm!"
Muntik ko na maibuga yung iniinom kong tubig. Kasi naman! Biglang sinupalpalan ni lola Isabella si lolo Peter, sa bunganga ng cupcake!
Ang ganda ng palitan nila ng conversation kanina. Tapos bigla nalang ganito ang mangyayar.
"Nakakatawa talaga ang pagmamahalan nilang dalawa." nilingon ko yung katabi ko. Bigla bigla nalang kasi siya nagsasalita.
Nakangiti siyang kumain, habang nakatingin sa grandparents niya.
"Anong nakakatawa dyan? Eh mukha silang nagpapatayan." napangiwi ako nung nakita kong sinupalpalan na naman ni lola Isabella ng cupcake ang bunganga ni lolo Peter.
Kawawa naman, ang hirap talagang maging UNDERstanding husband. Naaabuso ng todong todo.
Siniko ko yung left arm niya, "Oi awatin mo na yung lola mo." mahinang sabi ko sa kaniya.
Ayaw kong maging witness sa isang karumaldumal na krimen.
"Let them be. Ganyan lang talaga sila." he whispered back. Nginitian niya akong muli, bago pinagpatuloy ang kinakain niya.
I gave him a dead panned look then humarap nalang sa kinakain ko. Okay? Bahala kayo dyan. Basta ako kakain, huwag niyo nalang ako pansinin.
"By the way, Aldrich? Magkakilala na pala kayo nitong apo kong si Nali?" I blankly stared at my grandfather. Kasasabi ko lang na huwag akong pansinin eh.
And oohhh, so Aldrich pala ang pangalan niya.
"Now that you've mentioned it. Para nga silang magkakilala." singit naman ni lola Cristine. Napatango naman ang kumare niyang si lola Isabella.
"Actually po, nagkita kami kanina sa park. Matatamaan sana siya ng bola pero hinila ko siya. Kaya yun, wala siyang sugat ngayon." tumango ako sa pagpapaliwanag ni Aldrich.
"Yes, kanina lang. Pero hindi ibig sabihin nun ay magkakilala na talaga kami." tinaasan ako ng kilay ni mommy. Na para bang hindi siya naniniwala sa kwento namin nitong katabi ko.
Tumango tango nalang ang iba at ipinagpatuloy ang kanilang pagkain. Ganoon rin ang ginawa ko.
Maya maya pa ay umubo ubo si lolo, kinuha niya ang wine glass niya na may laman na wine at tumayo mula sa kinauupuan niya.
Napatingin ako sa kaniya. Nagtataka kung bakit siya biglang tumayo.
Itinaas niya ang wine glass niya, "Gusto ko lang magpasalamat sa kumpare kong si Peter at sa asawa niyang si Isabella sa pagdalo nila sa family dinner na ito. Maging kay Aldrich, thank you." tinignan ko si lolo with a confused look on my face. Biglang naging seryoso ang atmosphere ng dining area.
Tumayo si lolo Peter at itinaas rin ang wine glass niya, "Salamat rin sa pagpapaunlak mo sa amin, kumpare. Ngayong araw, opisyal ko nang tinatanggap ang proposal mo. Ang apo kong si Aldrich at ang apo mong si Nali ay opisyal na magfiance na."
Itinaas rin nila mommy,daddy,lola,lola Isabella at ni Aldrich ang wine glass nila.
"Cheers!" saka nila ininum ang wine.
Naging blangko ang isip ko. Hindi ako makapagsalita, parang sinasakal ako. Hindi ako makapaniwala sa narinig ko, para akong nabibingi.
Ako? May fiance na?
Natahimik ako ng mga ilang segundo. Ramdam kong nasa akin ang tingin ng lahat. Tila ba'y hinihintay ang kung ano ang magiging reaksyon ko.
"Hindi pwede ito!" padabog akong tumayo mula sa kinauupuan ko.
"Nali!" narinig kong sigaw ni mommy.
Pinalo ko ng malakas ang dining table, "Fiance ko? Siya!?" tinuro ko si Aldrich na tahimik na nakatingin sa akin.
Nilipat ko ang paningin ko kay lolo, "Ano ba naman ito. 21st century na! Malapit na mag 22nd! Arrange marriage? Bullshit! Hindi ko ito matatanggap!" sigaw ko, tumalikod ako at patakbong lumabas sa dining area.
Narinig kong tinatawag ako ni mommy at daddy, pero hindi ako tumigil. Tuloy tuloy lang ako sa pagtakbo, hanggang sa makarating ako sa kotse ko.
Sumakay ako, binuhay ang makita at nagdrive paalis.
>°•🏹•°<
"Hey, Nali. Wake up, may pasok pa tayo." napadilat at napabangon ako nang wala sa oras.
"Mira –– arggg!" napapikit ulit ako at napahawak ako sa ulo ko. Shit! Ang sakit!
"Ang dami mong nainom na soju. Kaya siguro masakit iyang ulo mo. Ikaw naman, hindi porke 19 ka na ay mag-iinom ka na ng ganito karami. Limits okay? Limits." sabi ni Mira, habang pinupulot yung mga nagkalat na bote ng soju sa sahig, nilalagay niya ang mga iyon sa isang malaking supot ng SM.
Nagbuntong ako ng hininga. Minsan lang naman ako mag-inom eh. And may problema ako, nafeel ko lang kagabi na mag-inom kasi stress ako sa mga nangyare.
Nilibot ko ang tingin ko.Nakatulog na naman ata ata ako sa sala, as usual.
"Anong oras na ba?" papikit pikit na tanong ko kay Mira.
Tumingin siya sa wallclock bago sumagot, "7:00 am, maligo ka na. May one hour nalang bago mag umpisa ang klase. Naliligo na sila Geraldine at Sylvia. Kaya dapat maligo ka na rin."
"Ahh, oo nga pala. Hindi ka makakasabay sa amin." Tanong ko sa kaniya.
"Yep. By the way... ang dami mong nainom. Ano bang nangyare?" alalang tanong ni Mira sa akin. Umupo siya doon sa katapat kong upuan.
"Baka tawanan mo lang ako eh." napakamot ako ng ulo ko. Shit, talaga. Ang sakit ng ulo ko. Hinding hindi na talaga ako iinom. May training pa naman kami sa swimming ngayon.
"I swear to god na hindi kita tatawanan." tinaasan ko siya ng kilay.
"Talaga?" tumango siya, kitang kita ko sa mga mata niya na seryoso siya. I sighed in defeat. May convincing powers talaga ang mysterious nerd na ito.
"Kagabi, sa family dinner namin. Inannounce ni lolo, na may fiance na ako. Arrange marriage kami." tinignan ko ang reaksyon ni Mira. Nananahimik lang siya. Parang hinihintay niya pa akong magsalita ulit.
"Para nilang mina-manipulate ang buhay ko." walang buhay akong humiga ulit sa sofa.
"What happened after the announcement?"
"Sinigawan ko sila at nag-walk out ako." my eye twitched at the memory of me walking out of the dining room in a melodramatic way.
"Well, atleast binigyan mo sila ng sign na hindi ka agree sa arrange marriage niyo."
"Oo nga!" "That's my girl!"
Napatingin ako sa dalawang babaeng sumigaw, nakatapis silang pareho. Aba't! Nakikinig pala silang dalawa?
Bumangon ako mula sa pagkakahiga ko sa sofa, "Naniniwala kayo sa kwento ko?" nanlaki ang mga mata ko, hindi ako makapaniwala na naniniwala sila sa kwento ko.
"Duh? Hindi once nag-lie sa atin ang ating youngest friend, right? Sylvia?"
"Oo nga eh, hindi kailanman nagsinungaling iyang si Nali. Kaya maniniwala kami. Ano? Name the guy. Ako bubugbog sa kaniya." napatawa kaming dalawa ni Mira sa narinig namin. Inaamba pa kasi ni Sylvia ang mga kamao niya na para bang ready na manuntok.
Lumapit sakin si Mira at hinawakan ang mga balikat ko, "Kaya mo yan, Nali. Basta, huwag ka lang matakot na sabihin ang lahat ng mga gusto mong sabihin, huwag mong sarilihin okay?."
Para akong bata na tumatango sa magulang ko. Well, mas matanda naman siya sa akin ng mga ilang taon. Ayaw nga lang niya magpatawag na ate.
"At Nali?"
"Ano?"
"Maligo ka na at magtoothbrush. Ang baho mo kasi."
Sinamaan ko siya ng tingin.
>°•🏹•°<
Late kaming nakarating sa university, naligo pa kasi ako at natraffic rin sa daan. Kaya ayun ako ang sinisi nila Sylvia at Geraldine.
Kahit ngayong lunch break ako parin ang sinisisi nila, kung bakit sila may detention mamayang 6-6:30 pm.
"Sorry na guys, 30 minutes lang naman. Pati rin naman ako may detention. Ayaw niyo yun? The more the merrier." tumawa ako sa sinabi ko. Pero sinamaan lang ako ng tingin nila Sylvia at Geraldine.
"30 minutes in the detention room is like being prisoned for 1 year! Sa isang ghost town! So boring!" said Geraldine
"Sorry na."
Inirapan lang ako ni Geraldine. Nagtatampo talaga siya, kasi hindi siya makakadalo sa party na pinupuntahan niya gabi gabi.
"Dahil sa 30 minutes na iyan. Hindi ako makakapagtrabaho sa coffee shop. First time ko umabsent!" I flinched at what Sylvia had said.
"Sorry na okay? I'll pay nalang sa hindi mo pagpasok."
Natigilan siya pero nagsalita rin after a few seconds, "Alam mo naman hindi ako tumatanggap ng pera na galing sa inyo. Kaya, no."
"No, I insist."
"Siguro, kapag kailangan na kailangan ko na talaga ng tulong?"
"Sige kung ikaw ang bahala."
"Moving on. Hindi mo na nabanggit ang pangalan nung lalaki. Late na kasi kanina." singit bigla ni Mira sa usapan.
"Ahh yung lalaking yun? May extra chika pala ako sa inyo." biglang lumaki ang mga tenga nung tatlong chismosa.
"Chika na ano?"
"Ano?"
"Quick! Kwento na!"
Kapag talaga chika eh, ang bibilis. Mas mabilis pa kaysa kay Flash.
So ayon na nga, ikwenento ko muna yung nangyare sa park. Kung pano ako niligtas ni Aldrich sa paparating na bola ng volley ball. Hanggang sa pag-walk out ko sa mansyon namin. With action pa akong nag-ki-kwento.
"Aldrich... What?" takang tanong ni Geraldine as soon as matapos ko yung kwento ko.
"Aldrich Quinton? Quintin? Nakalimutan ko eh." makakalimutin talaga ako eh, sorry naman.
Napahawak si Geraldine sa baba niya. Tinignan namin siya nila Mira at Sylvia with a super confused look on our faces.
"Kung yung Aldrich na yan hung tinutukoy mo..." tinignan niya ako straight sa mga mata ko.
"Bakit? Kilala mo siya?" parang bigla akong kinabahan.
Natahimik siya, nagbuntong hininga bago ako sinagot.
"May transferee sa department namin. Aldrich ang pangalan niya. Dark green ang buhok tapos nakaclean cut."
Sa sinabi ni Geraldine. Parang sasabog na ang utak ko sa gulat.

Book Comment (20)

  • avatar
    Rona Mae Faraon Amistoso

    Good plot, nice story. Keep it up author 👍👏

    29/05/2022

      0
  • avatar
    Allan Dave Aclan

    ganda 100

    14/07

      0
  • avatar
    Reynold Villalva Mantes

    nice story❤️

    04/06

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters