logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

Chapter 1: Life at the barrio

Zeignah's POV
"Kumain ka nang marami para lumakas ka agad," paalala ko kay Zini. "Aalis na ako mamaya kaya paniguradong walang makakaharap na magpakain sa'yo."
Nahahabag ang puso ko sa tuwing nakikita siyang nanghihina na nakahiga rito sa mahabang sofa. Mukha siyang hindi komportable pero mas maganda na kasing nandito siya sa salas para mas mabantayan namin ang lagay niya kaysa 'yong nandoon siya sa loob ng kwarto.
Si Zini ang nakababata kong kapatid. Minsan pa nga ay napagkakamalang anak ko siya dahil may kalayuan ang agwat ng edad namin. Bente uno anyos na ako samantalang siya at limang taon pa lang.
Mahina ang resistensiya niya at madali rin siyang mapagod. Hindi pa man namin niya naipapa-check up, alam naming mayroon siyang asthma. Mahilig kasi kaming magbasa ni mama ng mga libro o mag-search tungkol sa mga sintomas ng mga sakit niya kaya nagkaroon kami ng basehan.
Everytime she'll have a sniff of her father's cigarette, she'll sneeze non stop until her nose becomes runny and red. There are times that when her father forces her to go to the fields, she will then go home with rashers.
Minsan ay idinadaan na lang namin sa pagpapakulo ng mga inererekomemdang dahon-dahon sa amin ng mga kabitbahay at nawawala naman. 'Yon lang ay hindi pa rin namin magawang makampante ni ina.
Hula namin ay mayroon siyang allergic asthma. Dahil sumasakto ang majority ng symptoms niya sa type ng asthma na 'yon.
Gayunpaman, nagtatanong pa rin kami sa mga pharmacist sa tuwing may nalalaman na maaring gamot dahil mahirap na ang magkamali lalo na't buhay ni Zini ang nakataya.
"Ate pwede bang umabsent ka na lang ulit?" tanong niya.
Ang maliit na boses niyang nanginginig ang siyang nakapagantig ng puso ko. Ang kaso, wala akong magawa kung hindi ang maawa sa kanya. Wala naman na akong ibang pagpipilian.
Sinikap kong h'wag ipakita ang emosiyon ko. Lalo lang siyang mahihirapan kung ipapakita kong nahihirapan din ako.
"Zini, nakadalawang absent na ako ngayong linggo. Gusto mo bang mawalan ako ng trabaho?"
Nakita kong gumuhit ang multo ng konsensiya at pagkalungkot sa mukha niya. Ilang segundo pa ay sinikap niyang gumalaw para matalikuran ako.
Mukhang alam ko na kung saan ito pupunta. Hangga't maaga ay aagapan ko na. I'm gonna be late for work kapag lumala pa itong drama niya.
"Zini..." malambing kong banggit sa pangalan niya.
"Pumasok ka na po, ate. Ayaw kong ako ang maging dahilan para mawalan ka ng trabaho," mas pinalungkot niya ang boses niya.
Zini and her magical ability to guilt trip me. This little lady really knows how to manipulate people. Sana nga ay hindi niya gamitin 'yan sa masama.
"Zini, alam kong bata ka pa at baka hindi mo pa talaga naiintindihan kung bakit kailangan kong umalis para magtrabaho pero sana ay isipin mong para ito sa'yo."
Damn! I sound like a drama queen. Kasalanan 'to ni Zini eh, nahahawa na ako sa kanya!
"Alam ko 'yan, ate pero para sa akin din naman ang pag-aalaga mo ah. Parehong para sa akin 'yon pero pipiliin mong iwan ako rito para gawin ang isa na sinasabi mong para rin sa akin."
Literal na napanganga ako sa batang ito. The way she talk makes me wanna check her birth certificate to confirm her age. I can't believe I heard that from a five-year-old girl.
Normal pa ba ito?!
Kung magsalita siya ay parang isang bihasang aktres ng drama! Partida, limang taon pa lang ang batang 'yan.
I was left speechless and that my mind is currently being clouded by Zini's words. Hindi ko na napansing may kasama na pala kami rito.
Lumapit si mama para kuritin ang puwet ng madramang si Zini.
"Aray!" pagrereklamo niya. "Mang-iiwan ka na nga, nangungurot ka pa!" pagalit niyang pagbulyaw saka dahan-dahang humarap.
Lumaki ang mga mata niya nang makita si mama na nakapamewang. Siguro ay nag-sink in na rin sa kanya na si mama ang nangurot sa puwet niya at hindi ako.
Nang tignan ko naman si mama ay napansin kong naka-uniform na pala siya at mukhang handa na rin umalis. Sasabay na lang siguro ako sa kanya mamaya para makatipid ng pamasahe.
"Kanino, saan, at paano ka naman natutong sumagot ng gan'yan sa ate mo?" masungit na tanong ni mama. Sinamahan pa niya ito ng pagtataas ng isang kilay kaya nagmukha siyang isang terror na teacher na nangsasako ng mga estudyante.
Nagulat man, hindi ito naging dahilan para itigil ni Zini ang kaartehan niya. Lalo pa nga niyang ginalingan.
"Wala po, mama. Sinasabi ko lang naman po ang laman ng puso ko...."
Kapwa nangunot ang noo namin ni mama. Hindi na normal ang drama ng batang ito. Marahil ay nakukuha niya ang mga linyahang 'yan sa kanonood niya ng telenobela.
"Ang agang drama ah. Kinikilabutan ako sa drama niyong mag-ina," kantiyaw ng bwisit na nasa likuran namin.
As usual, siya ang huling gigising kahit siya ang unang natulog. Akala mo laging pagod, wala naman talaga siyang ginagawa bukod sa pagtambay.
This lazy ass retard never failed to ruin my day.
"Gumayak na kayo, mahuhuli kayo sa trabaho. Inaaksaya niyo pa ang oras niyo sa batang 'yan na puro drama lang naman ang laman ng utak," tamad niyang sabi.
Humihikab-hikab pa siya habang inaangat ang takip ng ulam.
"Buti pa nga si Zini may alam, ikaw wala," prangka kong sabi.
"Zeignah!" pagsusuway ni mama na siyang dahilan ng pag-irap ng mga mata ko.
She can defend her good for nothing husband if thats what pleases her but she knows she can't do anything to silence my mouth. Kung ayaw niyang pagsabihan ang asawa niya, ako ang gagawa.
"Mauna na po ako, ma," paalam ko sabay halik sa pisnge niya.
"Halik Hudas," narinig ko pang kantiyaw ng hayop.
"Mukhang Satanas," sambit ko pabalik saka sila tinalikuran.
Hindi ko na siya kailangan pang lingunin. Alam ko at ramdam ko ang galit niya kaya natitiyak kong bumabakat na naman ang mga ugat niyan sa noo.
"Kumain ka sa tamang oras, Zini. H'wag puro drama ang inaatupag," bilin ko sa kanya saka umalis.
Marami pa akong gustong sabihin lalo na at naririnig ko pa ang mga sinasabi ng batugang lalaking 'yon pero pinili ko na lang umalis. I have a long day ahead and I can't afford to have another source of exhaustion. Baka makaapekto lang 'yon sa trabaho ko.
Bago pa man ako makalayo ay...
"Zeignah naiwan mo 'yong baon mo!" sigaw ni mama mula sa loob.
I checked my bag to confirm that I left my lunch box. Nang nakumpira ko ngang wala ay bumalik ako para kunin ang naiwang baon.
I have to remind myself to not forget about my lunch box every time I have to go to work. Eh paano ko paaalalalahanan sarili ko kung makakalimutin nga ano?
Ang gulo ko rin minsan eh.
Well, at least hindi ako gaya ng lalaking nasa hapag kainan ngayon. Mas komplicated pa ang utak nito kaysa sa nabuhol na pubic hair.
Ang lakas kumain pero batugan.
"Akala mo kung sinong magaling, ulyanin naman," pang-aasar niya habang puno ng pagkain ang bunganga.
"Oh, looks like someone forgot to bring his table manners with him," I said with a full blast of sarcasm. "Wala na ngang silbi, wala pang table etiquette."
Nakatanggap naman ako ng bayolenteng reaksiyon mula sa kanya pero agad siyang inawat ni mama gaya ng lagi niyang ginagawa. Tama, mama. Awatin mo ang asawa mong 'yan.
Wala na ngang silbi, nangaargrabyado pa ng tao.
Bago pa man makawala ang alaga ni mamang nauulol, lakad-takbo na akong lumayo.
I immediately breathed in the fresh air given by all the trees that surrounds me. I need all the oxygen I can get after being deprived of it inside our suffocating house.
Iginala ko ang tingin sa paligid na napapalibutan ng nagtatayugang punong-kahoy habang tinatahak ang daan papunta sa kalsada.
Ito ang pinakamagandang parte ng pagtira sa baryo - the free access to the green stress-relieving environment.
Yes, this is the life at the barrio.

Book Comment (91)

  • avatar
    Taryudin Abidin

    kakak

    29/07

      0
  • avatar
    Say Decena

    this stroy ay napaka ganda

    15/07

      0
  • avatar
    John Michae Erin

    nice this story

    13/07

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters