logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

Roommates

Lingid sa kaalaman ni Mary ay alam ng mag-ina kung sino ang paparating. Kilala ng mga ito ang klase ng sasakyan na 'yon at ang paraan ng pagbusina sa tuwing ito ay dumarating. Bumubusina ito ng tatlong beses sa labas ng gate bago pumasok.
"Kiara!" pasigaw na tawag ng Don na nagbubukas na ng pintuan buhat sa labas.
Napalunok si Kiel.
Napakagat-labi naman si Mary.
"Oh, mahal!" salubong na bati ng Donya sa asawa. "Napaaga ka yata! Akala ko tatlong araw ang ocular inspection mo." Binigyan nito ng halik sa pisngi ang kadarating na Don.
Diretsong tinapunan agad nito nang matalim na tingin si Kiel.
"Umuwi ako agad dahil alam ko darating ang anak mo't magdiriwang. At iyon ay dahil hindi mo siya matitiis--" tiningnan nito ang Donya na napayuko naman, "Hindi nga ako nagkamali! Your most precious son is here." At bumaling na muli sa anak.
Namulsa na lang si Kiel na pilit tinatago ang mukha sa pagkakayuko habang si Mary ay napagsaklob na lang ang dalawang kamay na nasa kaniyang likuran habang mataman na nakatingin sa mag-asawa.
"Good morning po!" bati niya sa kadarating na Don Elpidio.
Tinapunan siya ng tingin ni Kiel na parang sinasabi, 'ang lakas ng loob mo, ah.' Ngunit nagkibit-balikat lang siya bago kumagat-labi ulit. Patay malisya kunwari.
"Ah! Dad," kalmadong tawag ni Kiel sa ama. Pilit tinatago ang kaba. "This is Mary. G-girlfriend ko." Umalingawngaw sa tenga ng binata ang salitang 'girlfriend.' Hindi ito sanay na sabihin ang salitang iyon.
Kung ito nga ay hindi sanay paano pa ang ama?
Dumapo naman ang tingin ng Don sa kaniya na bahagyang nagpabago sa kaninang mood nito. Dahilan kaya nakaramdam nang kaunting kapanatagan si Kiel.
Tiningnan ng Don si Mary mula ulo hanggang paa. Nahihiyang itinago naman ni ang Mary ng palad ang butas ng leggings sa bandang tuhod.
"Ang sabi ko nga magpalit muna siya e kaya lang tulog pa kasi iyong kaibigan niya kaya dumiretso na kami rito. Nagasgas ang tuhod niya dahil na-holdap siya kanina, Dad," walang kagatul-gatol na paliwanag ni Kiel.
Papalapit na sa kanila ang mag-asawa kaya naman kumilos na si Kiel. Dumikit ito kay Mary at umakbay.
"Let's talk over a cup of coffee," utos ng Don habang sa mga mata ng anak ay nakatingin nang diretso.
Nang ito na ay tumalikod at maglakad palayo kasama ang asawa ay doon lamang nakapagpakawala nang malalim na hininga si Kiel. Nakuha na ring tanggalin ni Mary ang kamay nitong kanina pa nakasabit sa balikat n'ya.
Umismid si Mary.
"Don't start, okay? Sumang-ayon ka lang sa lahat ng gagawin ko. Para rin 'yon sa kabutihan mo lalo pa ngayon na nakapagsimula na tayo. Nakita mo naman kung gaano nakakatakot ang Daddy. Tingin pa lang 'di ba, parang may latay na?"
"Sa 'yo siya galit. Hindi sa 'kin."
"E, what's the sense of you being here pala kung gano'n?"
Hindi pa sila tapos na magdiskusyon nang lumapit si Linda. "Sir pogi, pinapatawag na po kayo ng Daddy n'yo," anunsyo nito sabay ngiti kay Mary. Ang kaninang poker face ay napalitan ng masayang mukha ni Mary nang ibalik niya ang ngiti kay Linda.
"Okay, salamat. Susunod na kami. Mauna ka na."
Tumalima naman ang kasambahay at tumalikod na.
Hinablot na ni Kiel ang kanang kamay niya saka siya hinila. Nagsimula na itong maglakad. Ngunit hindi nagtagal ay huminto ito.
"Huwag mong tigasan ang kamay mo! Catatonic ka ba? Lambutan mo naman. First time mo bang makipag holding hands?" singhal ni Kiel sa kaniya na napapangisi pa.
Ngunit imbes sumagot ay kumagat-labi lang si Mary.
Tama naman kasi si Kiel. Wala pang kahit sino ang nakahawak sa kamay n'ya liban sa ama kaya ngayon ay hindi niya alam ang gagawin. Parang may kumislot kasi sa loob n'ya kasabay nang pagtaas ng lahat ng balahibo n'ya sa katawan. Pero wala na siyang magagawa pa. Maging kasi ang mga paa na ayaw sanang maglakad ay nagpatialon na lamang.
Hila-hila siya ng binata nang makarating sila ng kumidor. Inabutan nilang nasa kabisera ang Don at sa kanan nito ang esposa. Hawak pa rin ni Kiel ang kamay niya habang siya naman ay namamangha na naman sa lamesang mahaba na gawa sa narra. Nakakalungkot lamang na kahit gaano kahaba ang lamesa ay wala naman umuukupa at tila magsisiksikan lamang sila sa unahang bahagi nito.
Nawiwili pa siya sa pagsipat sa mga dikorasyon sa ibabaw ng lamesa nang biglang bitiwan ni Kiel ang kamay niya saka ito'y naupo. Ang pwesto nito ay sa kaliwang bahagi ng Don.
"Ehem!" pagpapapansin ng Don. "Kiel, ang nobya mo," paalala nito.
Natauhan namang bigla si Kiel. Tumayo ito upang alalayan siya sa pag-upo. Ngunit dahil masikip ay pareho silang nahirapan. Dito lamang naisip ni Kiel na hilahin muna ang bangko upang maayos siyang makaupo.
Nagkatinginan lamang ang mag-asawa dahil sa kanila.
'Hay! Mukhang kailangan kong pag-aralan ang mga bagay na 'to. Makapag YouTube nga mamaya,' ani Kiel sa sarili habang pinagpapawisang bumalik sa pwesto nito.
Kanilang pinagsaluhan ang yeung chow rice, omelette, bacon, corned beef hash with sunny-side up eggs. Mayroon ding waffles and pancakes of their choice at s'yempre hindi mawawala ang para kay Kiel ay pagkain ng kambing dahil sa veggies na paborito ng ina--ang vegetable salad, with fresh mango juice at walang kamatayang coffee naman sa kaniyang ama. Pero ito lang ang tingin niyang namana sa ama. Gaya nito ay mahilig siya sa kape.
Pagkatapos kumain ay doon lamang nag-ungkat ng usapan ang Don.
"So, what about her?"
"Uhm... Dad. This is Mary Gretchen," pakilala ni Kiel na ginagap na muli ang kamay ng pekeng nobya.
"Mary na lang po," singit niya.
"Dad, bale isang taon pa lang po kami. Hindi ko lang s'ya madala rito dahil masyadong komplikado ang schedule n'ya. Nag-aaral po kasi s'ya at the same time, nagta-trabaho. Sorry kung hindi ko nasabi ang tungkol sa kaniya. Natatakot akong hindi kayo maniwala e."
'Saan naman kaya nakuha nito ang mga 'yon, bahala nga s'ya,' sa isip-isip ni Mary na napapangiwi pa pero agad ding ngumiti nang lingunin siya ni Kiel.
"Mary, meet my Dad. Don Elpidio Alonzo and my Mom, Donya Kiara Alonzo," pagpapakilala ni Kiel sa mga magulang nito.
Agad namang nagngitian ang dalawang babae samantalang ang Don ay nananatiling seryoso. Mabilis itong nagtanong, "What do you mean complicated?"
Natauhan ang pekeng mag-nobyo.
"Uh, Dad...mahirap po 'yong time n'ya lalo sa Call Center po s'ya affiliated."
Kumunot ang noo ng ama ni Kiel. Hindi yata satisfied sa mga tinuran ng anak.
'Patay Kiel. Sala-salabit na. Good luck!' bulong na muli ni Kiel. Ngumiti pa ito habang pinakakalma ang sarili. Hawak pa rin naman nito ang kamay niya pero naglalangis na iyon gawa ng kaba kaya binawi muna ng binata ang kamay nito.
"Ok?" maikling pahayag ng Don na ipinahinga na ang likod sa mataas na sandalan. At bago pa man ito muling magtanong ay nagpabibo nang muli si Kiel.
"Ang tatay na lang n'ya ang nag-iisa n'yang pamilya pero magkahiwalay sila dahil nga kailangan n'ya pong maghanap-buhay at siya naman ay kinailangang makitira sa kaniyang kaibigan--pansamantala."
'Nice one. Galing mo talaga, Kiel! Sige lang,' bulong naman ni Mary sa sarili na nananatiling nakangiti.
"If that's the case, why not let her stay here?"
Nakatitig ang Don sa anak nang magtanong. Tila ba't may pilit na inaamoy sa anak. Nagkatinginan ulit ang dalawang nagpapanggap.
Naghahanap sila pareho ng sagot. Hindi nila napag-isipan ang tungkol dito. They were both caught unprepared. Kaya naman isang makahulugang ngiti ang ipinamalas ng Don bago muling nagsalita. "You said... isang taon na kayong steady, right? I think it's high time for you to really know each other at kesa nakikitira s'ya kung kani-kanino dumito na lang siya." Lumingon ito sa kaniya. "Mary, this is our way of welcoming a new member of our family. At wala naman akong nakikitang dahilan para huminda ka. Ang gusto lang namin ay safe ka, right Kiel?" Mapanukso ang huling tanong na iyon ng Don sa anak. Maging ang mga tingin nito.
Ang akala ni Kiel ay magiging madali lang ang lahat. Hindi pala! Ibig pang sabihin ay kinakailangan nilang magpanggap araw-araw?
"I believe do'n din naman na kayo papunta, hindi ba? One year for me is enough. At kaya nga magsasama kayo sa iisang bubong ay upang makilala pa ninyo nang lubusan ang isat-isa. Don't worry, anuman ang mangyari. You can get married anytime! Gusto ninyo bukas na bukas rin e. Walang problema sa 'kin 'yon!"
Sumakit na yata ang ulo ni Kiel na caught off guard na ngang talaga. Habang hinihimas ang sentido ay napainom ito ng kape, habang tikom lamang naman ang bibig ni Mary na nagyuko na lang ng ulo.
At ang Donya na kanina'y wiling- wili lang sa pagkain ng salad ay napapapailing na lang na sumusulyap sa asawa. Maging ito ay walang magagawa sa mga plano ng Don. Isa lang ang ibig sabihin nito. Kailangan nilang subukan ang suhestyon ng asawa bago pa magbago ang isip nito at muling palayasin ang anak.
'Walanjo! Una instant boyfriend, fake nga lang tapos ngayon--asawa... ano 'to? Ano ba 'tong pinasok ko! At bakit ba kasi nakilala ko pa ang tukmol 'to!' bulalas ni Mary sa isip n'ya habang nakatingin nang matalim kay Kiel.
"Mahal, baka naman nabibigla ka lang ha? Hindi ba't napakabilis naman yata ng iniisip mong mangyari?" ang Donya na sinubukan ng magtanong.
"Maging tayo naman ay binigla nila, hindi ba? Kulang na nga lang ay sabihin nilang may anak na sila at may apo na tayo. Aba't siguro nga mas gusto ko pa iyon," tugon ng Don na pilyung-pilyo pang tumatawa.
Nagrehistro na lang ng fake smile si Mary habang tuluyan naman nang naestatwa si Kiel mula sa kinauupuan.
"So, are we all clear!" malakas at tila pasigaw na tanong ng Don na parang isang military officer ang boses.
"Y-yes, Dad!" agarang sagot ni Kiel na napatikhim na lang matapos na magsalita.
"Kung gano'n sige, ipapaayos ko na ang guest room." Ang tatayo na sanang Donya ngunit pinigilan ito ng asawa at sa kahuli-hulihang pagkakataon ay nagsalita ito sa napakaseryosong tono.
"She'll be sharing a room with Kiel. That's final!"
"What!" ang magkakasabay na sigaw nilang tatlo.

Book Comment (159)

  • avatar
    Eos Protacio Sauvettre

    I like your writing style, the narration, the plot so creative. Good job Author!

    04/07/2022

      0
  • avatar
    Owbreeeey

    A work that is worth to read for everyone!! Highly Recommended ❤️❤️ Keep the pen bleeding author 😘

    16/06/2022

      0
  • avatar
    AtthaphanMew

    Interesting. Nangangamoy life lessons kaagad. Keep on a good work, Author~ By this story you can inspire more people.

    09/06/2022

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters