logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

Chapter 5: True Love Waits

SA LIBRARY...
Naka-upo si Luis at nakatingin lang sa pinto, halatang may hinihintay.
Isang matamis na ngiti ang sumalubong kay Jessy mula kay Luis. Totoo ngang sya ang hinihintay. Dalawa lang sila sa silid-aklatan.
Tumayo na si Luis at lumapit sa kanya at nilahad ang kamay.
"May I hold your hand?"
Sobra naman sa pagiging maginoo ng lalaking ito. Ibang-iba talaga sya sa lahat ng kilala nya dito sa Winterfields.
Inalalayan sya nito sa paglakad hanggang sa marating nila ang pinaka- dulong bookshelf.
Yun bang nasa lugar sila na tanging boses lang nila ang maririnig dahil sa sobrang tahimik.
Bumilis sa pagtibok ang puso ni Jessy. Hindi ito gaya ng lagi tuwing siya'y kinikilig, mas malalim pa dun, ibang level na. 
Puro lumang libro lang ang tangi nilang kaharap. Kaya pinwesto ito doon sa dulo ay wala naman kasing nagkaka-interest na tignan iyon at heto sila ngayon ni Luis, nakatitig sa kawalan. Ano bang trip nito?
Bigla na lang syang isinandal sa bookshelf at kinulong sa mga bisig nito. Mariing tumitig sa kanyang mga mata na bigla naman nyang iniwas ang kanyang tingin, hindi nya kayang makipag-titigan.
Mas sanay kasi syang, sya ang tumititig sa malamlam na mga mata ng binata.
Hinawakan nito ang kanyang pisngi at pinaharap sya upang magtagpo muli ang kanilang tingin.
"Do you love me Jessy?"
May nginig pa sa boses ni Luis dahil sa kaba. Hindi ito ang karaniwan nyang pananalita na puno ng kumpyansa sa sarili.
Nanlambot ang mga tuhod ni Jessy at napakapit ng mahigpit sa laylayan ng damit ni Luis. 
Hindi ito totoo! Never her my wildest imagination na mangyayari ito. Hindi sya handa sa ganitong kaganapan.
Napasandal na lang si Luis sa bookshelf. Kapwa na sila nakasandal at nakatingin sa kawalan.
"I'm so sorry Jessy. T'was a foolish of me. First time I asked a girl about it..."
Wala para ring imik si Jessy dahil sa pagkabigla. Totoo ba ang kanyang narinig mula sa kanyang ultimate crush?
 "I just want it to be romantic but I guess, I just really can't. Ang hirap pala magconfess sa isang girl na matagal mo ng gusto."
Napabuntong-hininga pa sya bago ituloy ang sasabihin. "C-can I, p-pwede ba kitang ...ligawan?"
Tahimik lang si Jessy. Matagal-tagal din na walang salitaan. Matagal bago pa nag sink in sa kanyang isipan ang katanungan nito.
"Ok. I understand kung hindi pwede. Siguro you really like that guy."
Naglakad na si Luis paalis at naiwan si Jessy na tulala. Nahiya na rin sa mga binitiwan nyang salita. Ito pala ang feeling ng first confession.
"Luis!"
Hindi lang kita crush. Mas higit pa dun. 
Walang lumalabas na salita sa mga labi ni Jessy. Tanging 'Luis' lang ang kanyang nasambit. Sobrang shocked pa sya.
"I'm willing to wait." Ang sabi ni Luis habang nakangiti ngunit may lungkot sa kanyang mga mata.
" But please make it fast, before we ran out of time."
Ran out of time? What does he mean?
Ang sinabi nitong 'I'm willing to wait.' ay sapat na. Hindi man nya maunawaan ang huli nitong sinabi.
SA CLASSROOM...
Hindi alam ni Jessy kung anong ikikilos towards Luis. Sobrang distracted sya sa presence nito.
Siguro manggagaya na lang sya na tahimik lang, parang walang nangyari.
Pero ang hirap itago ng nararamdaman.
Natapos ang klase na walang nauunawaan si Jessy. Lumipad ang kanyang isip; nasa Neverneverland.
Hindi pa nya malalaman na tapos na ang klase kung hindi pa nagsi-tayuan ang mga kaklase nya.
Nilapitan sya ni Luis at niyayang sabay ng mag-lunch. Pumayag naman sya kaya tinext nya sina Rafael at Ria na di sya makakasabay kumain. 
Habang naglalakad sina Jessy at Luis papuntang cafeteria, pinag-titinginan sila at halatang pinag-uusapan, lalo na ng mga babae. 
"Sabi ko naman sa'yo Jessy, dun na lang tayo sa labas kumain, maraming tao dito, hindi tuloy tayo makapag-usap ng matino." Sabi ni Luis.
"Ok na dito. Kakain lang naman tayo, baka makita din natin sila Ria. Saka ano nga bang pag-uusapin natin?"
"Ah wala naman." Halatang hindi rin makapagsalita si Luis. "Gusto lang kita makasama." Napayuko na lang siya at napangiti, ang cute nya talaga.
Sa pinakadulo sila pumwesto. Si Luis napaka defined ng kanyang table manners. Walang kibuan habang kumakain. Kapwa pa naiilang sa isa't isa. Maya-maya tumunog ang cellphone ni Jessy.
Nag excuse muna sya para sagutin ang text ni Rafael.
[Ok, enjoy.]
Text ni Rafael. May sumunod pang text.
[See you later, as usual. I'll wait till you're out...]
Nagreply naman sya kaagad.
[Thanks bestfriend. :) See yah.]
"Si Rafael yun, right?" Tanong ni Luis nang matapos syang magreply.
"Ah oo. Mag-enjoy daw ako."
Tapos ngumiti na lang si Jessy at kumain. Busog na busog sya, ang daming inorder ni Luis na desserts at sandwich na naka-balot pa.
"Ang dami naman nito Luis."
"Para mamaya baon natin. Nakaka-gutom kasi sa klase."
Ngiti lang ang tugon ni Jessy. Pero deep inside, tuwang-tuwa sya sa galak.
Finally, meron ng 'natin'. Nakaramdam naman siya ng lungkot knowing na hindi sanay si Luis kumain dito dahil sa mamahaling resto ito naglalunch. Siya rin naman, hindi sanay kumain dito sa kadahilanang can't afford nya ang mga food kung aaraw-arawin. Napaka-layo talaga ng agwat ng estado nila sa buhay.
Agad na napansin ni Luis ang lungkot sa mukha ni Jessy.
"Bakit naman biglang nawala yung ngiti mo?"
"Ha?"
"Nami-miss mo yung bestfriend mo na lagi mong kasama kasi mas pinili mong sumama sa akin instead of him--"
"Ha?"
Yun pala ang inaakala ni Luis na iniisip nya.
" Nagpaalam naman ako sa kanya, sabi nya sa akin mag-enjoy daw ako. Definitely, hindi sya ang iniisip ko. Besides, magkikita naman kami mamaya. Ihahatid nya ako pauwi."
"Then, what are you thinking of? Kanina kasi nakangiti ka pa then all of a sudden, nalungkot ka. It must be something so serious."
"Sa totoo lang, nahihiya kasi ako sayo, ngayon ka lang yata kumain dito. Hindi mo din nakasama yung mga tropa mo iniwan mo sila dahil sa akin."
"It's nothing Jess. I can eat everywhere. Ang mahalaga, ikaw ang kasama ko. About sa barkada ko naman, iniiwasan ko na sila. Bad influence daw kasi sa akin. My Dad said, 'Get a life!'"
Napangiti na lang si Luis sa mga pinagsasabi nya. Maski man sya naninibago sa kadaldalan nya. Kaya iniba na ang usapan.
"Si Rafael nga pala, bakit lagi kayong magkasama? sobrang close nyo. The first time I saw you with him, dun sa court remember? parang you know each other very well."
"Childhood friends kami. Hindi lang basta friends; best of friends at nag iisa. Magkatapat lang bahay namin. Ang tatay ko at Mom ni Rafael ay mag ex-boyfriend. Then, dun na sila sa States tumira, yung family ni Rafael."
"Ok, so talagang friends lang ang relationship nyo?"
"Oo. Tanggap naman daw nya na hanggang best friend lang ang turing ko sa kanya. Alam kasi nya na meron na kong ibang gusto--"
Biglang natigilan si Jessy, buti napigilan pa nya ang susunod nyang sasabihin.  
"So there's nothing to be jealous about? I mean, hindi ko dapat pagselosan si Rafael?"
"Ha?" 
Namumula ang mga pisngi ni Jessy. 
"Eh, bakit ka naman magseselos sa kanya?"
Wala rin masabi si Luis. Natotorpe na naman.
"Anyway Jessy, about what I've said sa library kanina, I really mean it. Pwede ba kitang ligawan? I'm sorry, I was being rude. First time ko kasing magpa-alam na manligaw so I really don't know how."
"Talaga ba? parang hindi ako naniniwala. Eh ang daming babae na--"
"Ay yun ba? Mga girlfriends yun ng mga barkada ko. Yung iba akala nila gf ko sila. Ha ha. Ang gwapo ko naman. Just kidding."
"Gwapo ka naman talaga."
Hindi tuloy maka-tingin si Jessy pero ito na ang pagkakataon na masabi nya ang totoong nararamdaman na apat na taon din nyang itinago.
"Sa totoo lang, first year high school pa lang tayo, crush na crush na kita. Siguro naman alam na alam mo na yun."
Nahinto na sya sa pag confess, hanggang dun na lang ang kayang sabihin ng kanyang pride.
"And?"
Nakikinig ng maigi si Luis at nabitin, gusto pa nyang may marinig mula kay Jessy.
" Ano pa Jessy? " 
"Alam mo na yun..."
"I want to hear it from you."
"I really like you. Halos lahat naman, gusto ka. Kaya common na siguro na marinig mo yan."
" No, it's diff'rent, really. Iba yung feeling kapag galing mismo sa crush mo na crush ka rin nya."
Hinawakan ni Luis ang kamay ni Jessy na lalong dumagdag sa kilig na nagaganap between them.
" We like each other, don't we? Siguro ok lang naman kung manligaw sayo."
" I'm sorry Luis."
Iniwas ni Jessy ang kanyang kamay. Para kasi syang nakuryente.
"Napansin mo naman siguro na sobrang distracted ako sayo. Mahihirapan akong mag-focus. Alam mo ba kanina sa klase, honestly, wala akong naunawaan. At isa pa, kung magiging 'tayo', napakalaking pressure nun, boyfriend ko si Luis Joseph Quinson. At ikaw rin, imagine, girlfriend mo si Ms. Nerdy."
" Are you talking about Yuan? I'm not like him. I'm not giving in to any pressures. If that's what you want to know. Alright, I understand, I will not insist anymore. Sabi ko naman sa'yo kanina, 'I'm willing to wait'. "
Tumingin si Luis sa kanyang relo at oras na para sa susunod na klase.

Book Comment (139)

  • avatar
    Titing Bunal

    wow ang ganda din po pala nito. nakakakilig at nakakalungkot yung banhdang endong peri happy sa ending. ang ganda ng story nila jessy at rafael pati ni chari at zac. binasa ko hanggang dulo. kahit antok na ako. nakaka adik sya

    09/08/2022

      5
  • avatar
    BalmedinaSarah

    Ang ganda poo introduction pa lang ang gandaa na, keep it up author♥️

    06/05/2022

      11
  • avatar
    Ayril Nakar

    nice

    25/07

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters