logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

Chapter 4: Pretense

PAGTAPOS NG KLASE...
Nawala ang ngiti ni Rafael nang makita nyang sabay lumabas ng classroom sina Jessy at Luis na masayang nag-uusap.
Halata namang nawala rin ang saya ni Luis nang makita sya. Nagpaalam na si Jessy at sumama na kay Rafael sa pag-uwi.
Habang papunta sila sa parking lot...
"Jess, pwede ba malaman kung ano pinag-uusapan nyo ni, nung lalaking yon? Tanong ni Rafael. Pinipilit na banggitin ang pangalan ni Luis but he just really can’t dahil sa inis na ayaw naman niyang ipahalata kay Jessy.
“Ninong lalaki? Si Luis ba?” Jessy asked casually.
“May iba ka pa bang kinakausap na lalaki?”
“SI Luis lang.”
Biglang humawak si Jessy sa kanyang braso at kitang-kita sa mga mata at ngiti nito ang excitement. Na agad din binawi ang pagkakasukbit sa kanyang braso at nawala ang kinang sa mga mata.
"Sorry Rael. Ah wala naman kaming pinag-usapan. Nothing interesting. Really. "
"It's ok Jess. Just tell me everything, I wouldn't mind... at all."
“Ok. About the lectures lang naman, saka our high school days, about sa mga teachers ko na naging teachers nya rin. Yung mga events and happenings nung high school.”
“That’s really interesting though. I wonder what happened in high school. I hope, was there.”
SA KOTSE NI RAFAEL...
Napansin ni Jessy ang pagbabago ni Rafael, mukhang good mood ito.
"Do you really mean it? parang ang bait mo kay Luis ngayon ah."
Natawa lang si Rafael at ngumiti. Lalo tuloy syang na-curious.
" Why sudden change of mind?"
Nagseryoso na si Rafael. "Dahil tanggap ko na... tanggap ko na agad-agad."
"Ha? ang ano?"
" Na, si Luis talaga ang gusto mo. And I know best friend lang ang tingin mo sa akin."
Jessy heaved a deep sigh.
"Don't worry Jess... sa gwapo kong 'to, for sure may maiin-love rin sa akin. ehem-ehem." Sabay tawa.
"Ha ha. Oo naman, ako nga eh, kapangit-pangit feeling ko, pinag-aagawan ako."
If you would just know, totoong pinag-aagawan ka namin. It's not a feeling sweetie.
Again, he rather keep it within himself kesa malaman pa 'to ni Jessy.
"Hindi ka pangit. Ang ganda ganda mo nga eh. No wonder why Luis likes you."
Napatingin si Jessy sa kanya na may kislap sa mga mata. "Why do you say so? Sinabi nya ba sa iyo na gusto nya ako?"
"Not really. Pero di ba nung nasa library tayo sabi nya, he likes you at syempre nakita mo naman kung gaano kami nagkaka-initan so I assume, he really likes you."
Napalitan ng lungkot ang ngiti ni Jessy.
" In-assume mo lang pala na gusto nya ako. Tingin ko, hindi naman talaga dahil sa akin kaya kayo nagkaka-initan. Feeling ko, insecure lang sya sa iyo. Nung wala ka pa kasi, solo nya ang titulong heartthrob. Well, not anymore. "
"You really think so?" May umusbong na galak sa puso ni Rafael. Kaya ayaw nya na talagang sabihin na may competition between him and Luis. Hayaan na lang niyang ganon ang tingin ni Jessy.
"Talaga bang ok lang sa iyo na bukambibig ko si Luis? Pasensya na, it’s been four years na araw-araw ko siyang tinitigan, kasama na sya sa Sistema ko. Mahirap ng tanggalin."
"No worries, Jessy, sanay na ako, immune na yata ako sa name nya. Palagi mo ba naman syang binabanggit. Basta promise me, I am your only best friend. "
Nilahad niya ang kanyang kamay para hawakan ni Jessy at ganun nga ang ginawa nito na ibig sabihin ay approved.
"Just promise me Jessy, you'll tell me everything. You can cry on my shoulder. If you want to talk about Luis all day, all night, I'm willing to listen."
Mahirap man mag-pretend na ok lang sa kanya ang lahat, willing naman masaktan si Rafael kung ito lang ang paraan para magkalapit ulit sila ni Jessy.
"Oo nga pala Jess, binu-bully ka ba nung girl na yun?"
"Si Casey?"
"Oo, yung maganda, sexy, mukhang arti-"
"Si Casey nga. Oo si Casey yun. Bakit? you like her?"
"Just want to know kung binubully ka nya."
"Ah way back nung high school, simula nung kumalat yung issue na crush ko si Luis lagi na lang nya akong iniirapan. Ngayon lang na medyo namimisikal na at kinokompronta na ako."
"Dahil kay Luis? why girls go crazy over him?"
"Ang cool nya kaya."
" Whatever." Tanging tugon ni Rafael. Halata namang iritado pa rin pag si Luis ang topic. Kaya iniba na lang ni Jessy ang usapan. Hindi naman sya ganon ka-insensitive to talk about Luis all throughout ng conversation nila.
"Raf, ang dami ko ng utang sa iyo. Don't worry kapag naging sikat na akong writer o journalist, ako naman ang manlilbre sa iyo. Kahit saan o kahit anong gusto mo, my treat."
"Jessy, it's my happiness to share with you everything I have. Don’t bother. All I want is your presence, and your happiness "
Hinatid ni Rafael si Jessy sa kanilang bahay. At nang siya naman ang naka-uwi na...
Nakatanggap sya ng text mula kay Jessy.
[Thanks Rael... See you tomorrow my one and only best friend.]
Napangiti sya ng text na yun. Hindi nga sya nagkamali sa desisyon nyang maging magkaibigan na lang sila... for now.
[You're always welcome. I love you Jessy.]
Agad naman nyang reply...
[...message sending failed... ]
Ang lakas ng loob nyang magreply ng ganun dahil alam nyang wala na syang load.
KINABUKASAN SA CLASSROOM...
Tulad ng lagi, sabay pumasok sina Jessy at Rafael. Nauna na sa room si Luis at hindi nya nagustuhan ang sabay na pagdating ng dalawa na naka-holding hands pa.
"Hi Luis!" Bati ni Jessy na may kasamang ngiti.
" Morning." Isang tipid na ngiti ang tugon nito. Buti nga ngumingiti na rin si Luis kahit papaano. " Jessy, may I have your number, please?"
Natigilan si Jessy. Tama ba ang narinig nya? Hinihingi ni Luis ang kanyang number? Baka naman nabingihan nya lang.
Anong number ba ang hinihingi?
" As in cellphone number? o anong sagot sa number ng assignment natin?"
Ha? Ano bang klaseng tanong yan? nakakahiya naman kay Luis.
"Cellphone number." Simpleng sagot nito. " Hindi ba pwede? may magagalit ba?"
" Ah wala. Oo naman pwede mong makuha number dahil wala naman magagalit." Kinuha ni Jessy ang Cross pen at isang pirasong cute na sticky note. Napansin nila pareho ang panulat na gamit nya.
" Magatatampo kasi yung best friend ko pag hindi ko ginamit." at ewan ba nya kung bakit kinailangan pang magpaliwanag, halatang defensive. Kapwa naman silang natawa na lang.
"It's ok Jessy."
Nakaramdam na naman ng selos si Rafael habang pinagmamasdan ang dalawa, nakaka-inis, nagtatawanan pa talaga at hindi nya alam kung anong nakakatawa.Their closeness is so annoying, he can’t focus on the lecture.
PAGTAPOS NG KLASE...
Holding hands while walking, just like the old days na walang malisya dahil kababata naman sila Jessy at Rafael, they are used to do it simula pa nang mga bata sila.
Napalingon si Jessy nang tawagin ni Luis ang pangalan nya. Napatigil tuloy sila ni Rafael sa masaya nilang paguusap and their attention is now on Luis.
Nag back-out na lang si Luis sa sasabihin sana nya. Hindi nya alam kung nagseselos ba sya o natotorpe-- siguro pareho.
"Nothing... better to text you na lang." Yun lang ang sinabi ni Luis at umalis na.
"Bakit kaya kailangan pang i-text? Pwede naman sabihin na lang." Sabi ni Rafael sa tonong naiirita.
"Nandyan ka kasi."
Napa-isip din si Jessy sa inakto ni Luis, ano nga naman kung nandyan si Rafael? What’s the big deal? bakit nga naman kailangan pang i-text? hindi naman siguro ito mangungutang sa kanya o mangongopya ng assignment.
"Akin na nga yang cp mo, palit muna tayo. Pag nag-text sya, i-forward ko na lang sa iyo." Biglang inagaw ni Rafael ang cellphone ni Jessy at ipinalit ang mamahalin nyang cellphone.
" Ha? bakit pa? Ayoko nga, saka baka mawala ko pa itong cp mo, magbayad pa ako. Saka ikaw rin, nakaka-hiya naman sayo, low-tech yang cp ko, makikita nila sa iyo yan, baka isipin nila naghihirap ka na."
"Wala kong pakialam. Basta, baka anong kalokohan pang itext nyan sa iyo."
Maya-maya, tumunog ang cp ni Jessy. Nagtext si Luis.
[Hi Jessy. I'll be waiting for you in the library. Please come. Alone.]
-Luis.
Nabasa din yun ni Rafael dahil nasa kanya ang nya cellphone ni Jessy.
Grabe sa galak ang naramdaman ni Jessy sa simpleng text na iyon. " Hindi ako makapaniwala na nagtext si Luis sa akin! First text nya ever. Akala ko imposible mangyari. Nakaka-curious kung anong kailangan nya sa akin. Am I pretty enough, Rael?"
Biglang naging conscious si Jessy sa kanyang itsura at inayos- ayos pa ang kanyang gulo-gulong buhok at faded blouse.
“You’re looking good, don’t worry.”
Paniguradong kahit anong pigil ni Rafael kay Jessy ay pupuntahan nya si Luis. Ayaw naman nyang maging kontrabida sa kasiyahan nito but he’s giving her space. He’s being a real best friend.
Isa pa, meron pa syang klase na hindi nya pwedeng iwan para lang samahan si Jessy at masaksihan na unti-unti na silang nagkakalapit ni Luis.

Book Comment (139)

  • avatar
    Titing Bunal

    wow ang ganda din po pala nito. nakakakilig at nakakalungkot yung banhdang endong peri happy sa ending. ang ganda ng story nila jessy at rafael pati ni chari at zac. binasa ko hanggang dulo. kahit antok na ako. nakaka adik sya

    09/08/2022

      5
  • avatar
    BalmedinaSarah

    Ang ganda poo introduction pa lang ang gandaa na, keep it up author♥️

    06/05/2022

      11
  • avatar
    Ayril Nakar

    nice

    25/07

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters