logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

Chapter 3: First Love's Sentiments

SA KLASE NILA JESSY...
Lutang na lutang pa rin si Jessy dahil sa kaganapan kanina between Rafael and Luis.
Pinagmamasdan nya si Luis. Mukha namang seryoso ito sa lahat ng sinabi nya kay Rafael kanina.
Siguro gaya rin ni Yuan Valdomero na dating naglakas-loob na manligaw sa kanya for the first time pero walang consistency. Nagpadala sa pressure ng mga nang-aasar na barkada kaya bago pa mag back-out sa panliligaw inunahan na niyang busted-in.
Siguro ganun din si Luis, iniisip ang sasabihin ng lahat. Oo nga naman, ano na lang ang sasabihin ng mga Winterfieldians kung si Mr. Heartthrob ay manliligaw kay Ms. Nerdy.
For now, ang lecture muna ang kanyang uunawain. Magte-take down notes sana sya nang mapansin ang box na may lamang ballpen na binigay ni Luis.
Hindi nya alam kung gagamitin nya ba ito o yung bigay ni Rafael. Naisip nyang yung kay Rafael na lang. Masyadong precious man ang bigay ni Rafael ngunit extra special ang kay Luis baka maubusan kagad ng tinta. Sa special occasions na lang nya ito gagamitin.
"Don't you like it?" Tanong ni Luis sa kanya habang nakatalikod ang prof na kinagulat nya at muntik nang malaglag ang box.
" Just tell me and I'll buy you another."
"Ah... hindi Luis... Gustong-gusto ko nga kaya minsan ko na lang gagamitin para hindi agad maubusan ng ink. Thank you nga pala."
Napangiti lang si Luis. "Oh don't worry, refillable naman yan, just remind me to refill it."
" Ah wag ka na mag abala pa. Ok na." Ngumiti lang din si Jessy. Yung pigil na ngiti tuwing kinikilig.
" Never ka naman naging abala sakin."
PAG-TAPOS NG KLASE...
Sinundo ni Rafael si Jessy sa classroom tulad kahapon para sabay sila umuwi. Ang pinagka-iba lang, hindi sya naka-ngiti, hindi sya kumikibo. Hanggang sa kotse, wala pa ring imik...
" Bakit ba? kanina pa ako kwento ng kwento sayo pero parang wala kang naririnig. May problema ka ba Rael?" Tanong ni Jessy.
"Wala akong problema." Tipid na sagot sa kanya.
" Eh bakit ang tahimik mo?"
" Wala kasi akong magandang sasabihin kaya I better shut up."
" Dahil ba kay Luis? Napansin ko lang ha, parang hindi kayo in good terms. Magkagalit ba kayo?"
" Isn't it obvious na kumukulo ang dugo namin sa isa't- isa? Napaka-yabang nya. He's just making fun of you! Tuwang-tuwa sya na pinagtitripan ka kasi alam nyang gusto mo sya. Ikaw naman, gullible. Hindi mo alam na pinagkakatuwaan ka na, tuwang-tuwa ka pa."
"You think so? Tingin mo, trip nya lang yun? Ganun ba talaga ako kapanget? "
Natahimik na lang si Jessy, narealize nyang may point nga naman ang sinabi sa kanya.
Wala na rin masabi si Rafael, ayaw nya ng magsalita pa baka masamain na naman ni Jessy.
Hindi nya kasi masabi ang totoong nararamdaman. Nagseselos sya kay Luis and he rather keep it within himself.
Alam nyang mas matimbang si Luis kesa kanya, yun ang kinaiinis nya.
"Alam mo Jessy..." Hindi na rin mapigilan ni Rafael ang magsalita. "Sana hindi na lang ako bumalik, ikaw lang naman ang dahilan kung bakit ako nagbalik dito. "
Natahimik na lang si Jessy.
Hininto na ni Rafael ang kotse sa tapat ng bahay nila. Hindi mabuksan ni Jessy ang pinto ng koste dahil naka-autolock ito.
"Wait. Let's settle this Jessy." Paki-usap ni Rafael.
"Settle what? Wala na tayong dapat pag-usapan. Masaya naman akong nandito ka na and that's good enough. End of story. Kung gusto mo na bumalik ng New York, wala namang pumipigil sayo."
" Si Mom... what did she say to you nung nasa States ako?" Seryoso si Rafael. Determinado syang masagot ang katanungan nya.
"Do you really want to know? Ayoko na sanang alalahanin kasi nakaka baba ng pagkatao, nakaka trauma. Pero salamat na rin sa nanay mo, dahil sa kanya, nagsikap ako."
Pilit na pinigilan ni Jessy ang kanyang luha na gusto ng bumagsak.
" Ang sabi nya sa akin dati, ang bata-bata ko pa pero ang landi-landi ko na. Manang-mana ako sa nanay kong malandi at mangaagaw. Hindi raw nya papayagan na makasama mo ang gaya naming manloloko."
Hindi nya na mapigilang umiyak.
" I'm sorry Jess..." Hinimas-himas ni Rafael ang likod ng kababata, naunawaan nya ang sentimyento nito.
" Ang sabi pa nya, hindi tayo bagay kahit magkaibigan lang. Mahirap lang kami at ang bagay sa akin ay yung tulad kong squatter. I really can't believe na masasabi nya yun sa isang batang eight years old. As if naman na may relasyon tayo nun eh magkalaro lang naman tayo. My ghad, kung galit sya sa tatay ko, wag na nya ako idamay."
Hinayaan lang ni Rafael si Jessy na ilabas ang sama ng loob.
" Ang sabi pa nya, tinagalog daw nya ang mga sinabi nya para maunawaan ko. Kaya sana tigil-tigilan na kita. "
Pinunasan na ni Jessy ang kanyang luha. "So, ok na ba? Pwede na bang bumaba?" Tanong niya.
 Malungkot ang mukha ni Rafael. " Don't you love me Jessy?" Seryoso nyang tanong.
Biglang bumilis ang tibok ng puso ni Jessy lalo na ng hinawakan ni Rafael ang kamay niya.
" You love me, don't you? "
Tinanggal ni Jessy ang pagkakahawak ni Rafael sa kamay niya.
"O, come on Rafael, we're just brats back then. Yes, I'm jealous. But that was a friendly jealousy. And yes, I love you..."
Lalo pang natahimik ang paligid...
"Friendly love... ganun." Paliwanag ni Jessy.
Parang may sumaksak sa puso ni Rafael. So, all of these years, sya lang pala ang nagmamahal.
"Jessiely, I love you."
Natigilan ulit si Jessy, hindi nya inaasahang maririnig nya yun kay Rafael. Bigla syang nakaramdam ng ilang.
" I love you Jessy, simula pa nung mga bata pa tayo. Yes, nagka-girlfriend ako, plenty. But nagawa ko yun para hindi kita maisip. Kasi I can't get you out of my head! Alam mo naman siguro kung gaano kahirap na tayo lang ang magkaibigan tapos pinaghiwalay pa. "
Alam na alam ni Jessy ang feeling na yun ni Rafael-- the feeling was mutual.
"Kaya ganun na lang ang galit ko kay Luis. Bakit mas naiisip mo pa sya kesa sa akin?! Nandito na ako. Can't you see? I'm dying of jealousy!"
"Tama na Rafael."
Hindi na alam ni Jessy kung paano pa kakausapin si Rafael after ng confession nito sa kanya. Gusto na lang nyang mawala sa sitwasyon na yun- awkward moment.
But why it seems that her heart beats faster a thousand times? Like what she felt eight years ago...
Kinabukasan
Sinundo ni Rafael si Jessy sa bahay pero ang sabi ni Dylan, maaga daw itong pumasok sa school. Tinext nya at tinawagan si Jessy pero out of reach ang cellphone. Siguro nga iniiwasan na sya.
Iyon ang kinakatakot nya kaya ayaw sana nyang magtapat. Pero ano namang magagawa nya kung hindi nya na kayang itago pa ang nararamdaman...
SA ALGEBRA CLASS...
Hindi pa rin sya binabati ni Jessy, para syang isang stranger. Pinagmasdan na lang nya ito at hindi nya maiwasang tumingin kay Luis. Seryoso lang naman ang dalawa sa pakikinig. Mukhang sya nga lang ang hindi nakikinig sa prof.
Lahat napanansin nya pati ang Parker Pen na bigay ni Luis na gamit ngayon ni Jessy. It really breaks his heart...dahil lang sa ballpen? Syempre mas malalim pa dun ang dahilan at ito ay ang katotohanang si Luis ang gusto ni Jessy.
Napansin ng prof na hindi siya nakikinig. Kilalang terror pa naman ito.
"Mr. Richards! "
Sigaw ng prof at lahat ay napatingin sa kanya.
" You're not listening! Even though your mom and I were best friends in our college days, it doesn't mean that I will tolerate your apathy!"
"I'm sorry Mrs. Dela Cruz, I'm listening... I'm listening very carefully to the extent that my brain wants to break down. Really Ma’am."
" Come over and answer this equation. "
Buti na lang at magaling sya sa Math at madali lang nya nasagutan ang nakasulat sa whiteboard.
" Very good. Pero bakit ba kasi hindi ka nakikinig? Parang malungkot ka, binusted ka ba?"
Samut-saring hiyawan ang dumagundong sa room na yun. Biglang nabuhay ang boring na subject na ito. Salamat kay Rafael.
Ganun ba ka-obvious na binusted sya at pati na ang buong klase ay nagtatawanan?
Napansin din nya na ang lahat ay nagtatawanan na maliban kina Luis at Jessy. Bakit kaya? Na-curious tuloy sya kung anong naiisip ng mga yun.
"May LQ po kasi kami ng girlfriend ko." Nakisakay na lang sa biruan ng klase, ayaw kasi nyang mapahiya.
Whoooaah!!!
Lalong dumagundong ang hiyawan. Nabuhayan ng dugo ang lahat. Kapag pag-ibig nga naman ang pinag-uusapan.
Sumigaw na si Mrs. Dela Cruz ng 'class quiet!' at tahimik na nga.
Sa gitna ng sandaling katahimikan, biglang nagsalita si Luis.
"Alam ba ng girlfriend mo na girlfriend mo sya?" Binigkas ni Luis ang ‘girlfriend’ sa tonong sarcasm.
Muling nag-ingay ang klase. First time in the history ng Algebra class na may ganitong kaganapan.
First time din na mag-react si Luis, masyado nga kasing serious ang taong ito, bihira lang kumibo, siguradong trending ito sa Winterfield.
"Then why don't you ask her yourself?" Ayaw na sanang patulan pa ni Rafael ang tanong ni Luis pero hindi nya mapigilan ang sarili dahil sa inis.
Whooahh!!!
Sobrang intense na ng kaganapan.
" Jessy, alam mo ba na girlfriend ka nya?" Nagpatol din si Luis. Ayaw nitong magpatalo. Para silang mga bata.
Rinig na rinig ng lahat ang sinabi ni Luis at ang lahat ay napatingin kay Jessy. Pulang-pula na si Jessy sa kahihiyan. Parang gusto nyang sumigaw at sabihing 'tigilan nyo na ako pleeaasse!'
To the rescue naman si prof, tinanong nya si Jessy na ikinagulat ng lahat. " You're the daughter of Dylan, right? Classmates din kami nung college. Di lang talino namana mo. Ok anyway let's go back to the lecture, ang hindi maka move on, pasasagutin ko dito sa board."
At mala-sementeryo ulit ang klase.
Hayagan na talaga ang love-triangle nila Rafael, Jessy, at Luis.
Pagtapos ng klase, nauna na si Jessy na lumabas ng room. Sinabihan nya si Rafael na h'wag na syang sundan at gusto nyang mapag-isa.
````````````````````
Napang-abot naman si Rafael at Luis.
"Hey Luis, can we talk?"
Maayos naman na pagkakasabi ni Rafael. Pina-una na ni Luis ang mga barkda nya at nag-usap sila sa parking lot.
"How many times do I have to tell you, please leave Jessy and I alone?"
"Rafael, kailangan ko pa bang sabihin sayo na head over heels si Jessy sa’kin since first year high school pa. Hindi mo ba alam na kinikilig sya tuwing nakikita ako? Namumula ang mga pisngi nya kahit na mapadaan lang ako. I always see her taking a stolen glance at me. You think, gusto nyang tantanan ko sya? "
" You know why? Dahil wala ako nung mga panahon na tinitignan ka nya. If I were only here, she wouldn't have noticed you."
" Eh naasan ka ba? Then that's your fault. Sisihin mo ang sarili mo dahil wala ka."
Natahimik bigla si Rafael. Napagtanto nyang tama nga si Luis. Kaya tinalikuran na sya nito. Pero marami pa syang gustong sabihin.
"Now that I'm here. May the best man win."
Napa-hinto si Luis at muli syang hinarap. " You're competing with me? Well, I don't. We both know that I already won."
SA HALLWAY...
Si Jessy at Casey naman ang nagpang-abot.
" Hey bitch." Bati ni Casey Jean kay Jessy.
Dumeretso lang ng lakad si Jessy na waring walang narinig kaya hinila ni Casey ang kanyang shoulder bag at nahulog ang mga dala nyang libro.
Nagtimpi lang si Jessy, hindi naman kasi sya ampalaya kaya hindi sya bitter. Hindi rin sya patola kaya hindi nya gustong patulan si Casey.
"Dati Nerd ka lang ngayon bitch ka na? So should I call you now, Nerdy Bitch?"
Marami na ang nakatingin sa kanila, napapahiya na si Jessy. Nakita nya na nakatingin si Rafael at papalapit na sa kanila. Siguro para umawat at ipagtanggol sya. Agad naman nyang sinagot si Casey para h'wag ng mangialam si Rafael at ipakita na kaya nya ang kanyang sarili at hindi nya kailangan ng tulong.
"Ikaw Casey, dati bitch ka lang ngayon insecure ka na?"
Gusto syang sampalin ni Casey kaso ang daming naka-tingin, at dumating pa si Luis.
"I'm not insecured. To whom? To you? " Pabulong na sabi ni Casey.
"Then stop acting like one." Sagot naman ni Jessy sabay talikod. Isang matinding dramatic exit.
Wala ng magawa si Casey kundi magdabog at umalis. Isang malakas na kantiyaw lang naman ang natanggap nya mula sa crowd.
SA CAFETERIA...
Nilapag ni Jessy ang kanyang bag sa isang table nang maalala nya ang mga librong nahulog nya kanina sa hallway dahil kay Casey.
Kailangan nyang balikan para maabutan pa ang mga yun duon. Paalis na sana sya nang dumating naman si Rafael, dali-dali syang naglakad papalayo.
Ayaw nya itong makita. Ayaw nyang kaawaan sya ng kababata dahil nasaksihan nito kung gaano sya binu-bully.
"Hey Jess... please stop right there."
Hindi sya pinansin ni Jessy at nagpatuloy lang sa paglalakad.
"Hey Jess! your books, I got them."
Sa puntong iyon, napahinto na si Jessy, hinarap na sya, at kinuha ang mga libro.
" Can I drive you home? Sabay tayo umuwi, as always." Tanong sa kanya ni Rafael.
Isang ngiti lang ang tugon niya na ang ibig sabihin, pumapayag sya. Choosy pa ba?

Book Comment (139)

  • avatar
    Titing Bunal

    wow ang ganda din po pala nito. nakakakilig at nakakalungkot yung banhdang endong peri happy sa ending. ang ganda ng story nila jessy at rafael pati ni chari at zac. binasa ko hanggang dulo. kahit antok na ako. nakaka adik sya

    09/08/2022

      5
  • avatar
    BalmedinaSarah

    Ang ganda poo introduction pa lang ang gandaa na, keep it up author♥️

    06/05/2022

      11
  • avatar
    Ayril Nakar

    nice

    25/07

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters