logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

My Miss Winterfields

My Miss Winterfields

chariellemyles


Chapter 1: Mr. Heartthrob x Ms. Needy x Mr. Hottie

IN WINTERFIELD UNIVERSITY’S BASKETBALL COURT
Jessy’s pinkish lips unconsciously curved in a smile when Luis talked to her to borrow her pen. It was such a heavenly feeling to finally get noticed by her long-time crush, and she- a nobody.
"Uy Friend!" Tinapik-tapik siya ni Ria sa pisngi nang makitang wala na sa earth ang kanyang wisyo. "Ses, umalis na yung pinagpapantasyahan mo kanina pa. Gumising ka na, ok?"
"Have you seen that, Ria? Hiniram niya yung ballpen ko tapos nag 'thank you' pa siya, tapos nginitian niya ko!"
"Hello! syempre nanghiram natural magte-thank you. It’s what you call, polite gesture. Hindi ka special, Ses. Saka kitang-kita ko talaga na nginitian ka niya. Alam kasi niya na kinikilig ka. Nakakahiya ka Beks!"
" Ang gwapo talaga ni Luis noh?" Sabi ni Jessy.
" Saan banda?" Sagot naman ni Ria habang pinapanuod ang mga basketball cager na nagpapractice kung saan isa ruon ay si Luis.
"Sa lahat ng angles, Ses. Ang gentleman, ang bait---"
Totoo naman lahat ng sinabi ni Jessy, sadyang umay na si Ria sa mga pinagsasabi ng BFF dahil simula first year high school pa lang sila, yan na ang bukambibig nito.
"My ghad Jessy! Kala ko pag college natin mag eevolve ka na, from nerdy Luis fanatic to typical college student."
Hindi co-ed ang high school ng Winterfields kaya ngayon ang unang pagkakataon na mapapalapit sila ni Luis.
" Kasalanan ko ba Ria kung tinamaan ako sa kaniya?"
"Tatamaan ka na talaga sa akin. Hindi ka pa ba sawa kaka-isip d’yan? Kakasulyap? Kaka-stalk? Pati yata Most Loyalty Award gusto mo makuha. Paubaya mo na yan kay Casey."
" No way! Ngayon pa ba na blockmate ko na si Luis!" Kilig na kilig si Jessy, isipin pa lang niya na abot-tanaw na lagi ito dahil same course ang kinuha nila.
"Nako Ses, mas marami ka na kaagaw ngayon d’yan. Lately, may chismax na anak talaga siya ni Don Luisciano at siya lang naman ang tagapag-mana ng QNTV, kaya nga Journalism kinuha niya. Look at Casey, goddess at napakayaman pero ‘di siya jinojowa. Ikaw pa kaya? Real talk lang seswang. Hanap ka na lang ng bagong crush. May nanliligaw naman sa’yo, si Valdomero, kaisa-isahan na nga lang, in-fairness, binusted mo pa."
" Ewan ko ba Friend, Alam mo nung first time ko siyang nakita parang tumigil ang mundo at nasabi ko sa sarili ko na na love at first sight ata ako. "
" Naka ilang kwento mo na yan? Basta ako hindi ko siya type, dahil alam kong hindi kami bagay, masyado siyang mataas; cannot be reached. Get real! "
" Sinong type mo? yung 3rd year high school na nagpapa-cute sa’yo?"
" Hindi noh! ang type ko yung half- half. I mean, foreinjer. Matangkad, maputi, matangos ang ilong, maganda ang mata, yung unang kita mo pa lang parang nangungusap na sa’yo, yung mabait, hindi suplado 'di gaya ng Luis mo... parang... parang siya--"
Natigilan sila pareho nang may lalaking nag-lakad sa kanilang harapan. Matangkad, maputi, matangos ang ilong, green eyes, at naka-ngiti. Pasok sa banga na kakabanggit lang ni Ria.
Kapwa nila sinundan ng tingin ang lalaki. Si Jessy natulala parang nakakita ng multo.
" Uy, Friend! h'wag kang ganyan, ako unang naka-kita sa kanya, akin siya, may Luis ka na."
" Rael..." Yun lang ang nasabi ni Jessy habang minamasdan nila ang lalaki papalayo. Bagong estudyante siguro.
Biglang napatayo si Jessy sa kinaupuang bench at iniwan si Ria. Hinabol niya ang lalaki. Wala siyang pakialam sa mga nakakabanggaang nagbabasketball. She needs to catch the man he's chasing.
" Rael!"
Sigaw niya nang malakas na ikinatigil hindi lamang ng lalaki kundi lahat ng nasa court.
"Jessiely..." Sambit ng lalaki nang sa wakas, sila ay nagkaharap. Niyakap siya nang mahigpit, panay pa ang tulo ng luha at siya rin ay hindi na napigilang umiyak at gumanti ng yakap.
Natigilan ang lahat. Ang mga mata't tenga ay nakatuon sa kanila, parang eksena sa isang pelikula.
Hanggang sa may papalapit sa kanila na dahan-dahang nagdi-dribble ng bola.
" Would you mind if you’ll take your drama with you elsewhere? We're having a practice here. "
Si Luis yun at kahit na mahinahon niyang pinaki-usapan sina Jessy, halata naman sa mga tingin niya ang pagka-irita. Isang matalim na titig ang pinukol niya sa lalaki.
" Oh, sorry. Just got too excited." Paliwanag ng lalaki habang pinapawi ang luha. Halatang Fil-Am dahil sa American accent at itsura.
Masyado na silang agaw eksena kaya niyaya ni Jessy ang lalaki sa mapunong parte ng campus kung saan pwede silang maupo at magkamustahan.
Nung umpisa, kapwa sila tahimik; hindi makapaniwala na muli silang nagkita.
" Jessiely... I missed you so much."
Hinawakan ang kaniyang kamay at hindi naman niya tinutulan. Matagal din bago siya nakapag-salita para kasing panaginip. Nasa tabi niya na talaga ang best friend.
Nagbago na ang paraan ng pagtawag nito sa kaniya ng 'Je'-sili'- it's now with an accent.
" Namiss din kita Rafael. Ano nga palang ginagawa mo rito?"
" Mag aaral." Ipinakita ni Rafael ang kaniyang class schedule. Kaka-enroll lang niya. He's taking up Architecture.
"Kumusta ka naman sa States?" Sunod na tanong ni Jessy.
"I'm good. Though I've missed you so much, I survived the loneliness. Ha ha."
" Buti naman..." Sabi ni Jessy na may tipid na ngiti. "Akala ko nakalimutan mo na 'ko."
" Of course not! Pwede ba yun? I promised to come back. Hindi nga lang kita nakilala agad, you've changed a bit "
" Anyway, hindi ko inasahan na darating ka. Na- surprise ako."
" Well, you surprised me more, hindi ko alam someone's courting you na pala." Biglang nawala ang saya sa boses ni Rafael.
" Ha? sinong nanliligaw sa akin?" Napa-isip si Jessy nang maigi dahil wala naman talagang nanliligaw sa kanya bukod kay Valdomero.
" The guy a while ago."
"Ha, si Luis? Ako nililigawan niya? Hindi nga niya ko kinakausap. Kasi hindi naman niya ako kilala"
" Para kasing he's jealous, as if you were his girlfriend."
" Talaga? Ha ha. In my dreams. " Nawala ang ngiti ni Jessy sa katotohanang walang ganun.
" Bakit naman hindi? You're such a sweetheart. "
Hindi na nakapag react si Jessy sa natanggap na compliment dahil tumunog na ang bell. Hudyat na tapos na ang lunch break. Nagmadaling umalis si Jessy.
"Jess, just a sec." Pagpigil ni Rafael at agad rin naman siyang hinarap ng dalaga."I'll drive you home after class. "
"No. Thanks. " Tanggi ni Jessy at nagpatuloy na sa pagtakbo upang hindi mahuli sa susunod na klase.
Agad din siyang sinundan ni Rafael para ihatid sa classroom.
Sa Classroom nila Jessy...
Pagdating nila sa room, wala pa ang prof pero siya yata ang huling dumating dahil occupied na ang lahat ng upuan.
Nakatingin ang lahat sa kanilang pagpasok at biglang tumahimik ang paligid.
Parang gusto na niyang matunaw sa kinatatayuan. Agad siyang kumalas sa kanilang holding hands. Wala siyang magawa kundi ang yumuko.
" Sige na Rael, nandito na ako. Salamat ha."
"I'll wait till you find your seat. " Saad ni Rafael. Nanatili lang siyang nakatayo duon habang ang mga kababaihan ay kinikilatis siya ng maigi.
Gustuhin man ni Jessy na kainin na lang sana ng lupa sa sandaling iyon, napilitan na lang siyang maghanap ng mauupuan.
Mabilis niyang napansin ang bandang dulo dahil napapaligiran yun ng apat na lalaking nagkukumpulan at si Luis ang napapagitnaan. Para siyang leader ng isang frat. Ang katabing upuan nito ay bakante, tanging bag lang ang nakalagay.
"Jessy, I reserved you a seat."
Tinanggal ni Luis ang kaniyang bag na nakalagay sa katabing upuan. Nagulat si Jessy dahil kilala pala siya ni Luis.
" You can now dispatch your boyfriend."
Whooooaaahh!!!
Samut-saring ingay ang umalingawngaw sa classroom na iyon. Lahat sila ay hindi makapaniwala sa ginawa at mga sinabi ni Luis. Why would he do that? He's too cold, he couldn't care less.
Talaga bang ni-reserve pa iyon ni Luis para sa kanya? At anong sabi nito? dispatch your boyfriend? Si Rafael ba ang tinutukoy niya?
"Luh! Hindi kami mag boyfriend. " Mariin niyang tanggi.
Bakit ba kasi pinagkakamalan siyang girlfriend ng mga gwapong 'to na imposible namang maging girlfriend ang tulad niya.
Actually, hindi siya pangit, in-fact ang ganda talaga niya; she has a fair, smooth skin, and 5'8 in height, Mana sa nanay niyang half- Chinese half Spanish.
Sadyang hindi lang siya fashionista, at rich kid gaya ng mga nag-aaral sa Winterfield. She's too inferior gawa ng kanyang social status.
Hindi siya marunong mag-ayos; sabog- sabog ang kilay, ni walang anumang kolorete sa mukha kabaliktaran ng mga schoolmates niya na parang hindi mabubuhay kung walang makeup.
"She's my girl. " Sambit ni Rafael. "And no one messes with her." Sabay akbay kay Jessy.
May pagka-authoritative ang pagkakasabi niya na masama ang tingin kay Luis na parang nagbababala ng world-war na magaganap sa pagitan nila. Though he spoke it with calmness, he was able to instill the message that he wants to convey.
And he walked away . . .just like that.
Maya-maya, dumating na ang prof. Wala ng magawa ang lahat kundi ang tumahimik at pasimpleng bulungan.
Sa kalagitnaan ng klase, tinawag ng dean ang kanilang prof; may emergency. May natitira pang isang oras sa klase nila, paniguradong si Jessy na naman ang topic.
As in boyfriend niya yung super hottie na yun? I can't even---
Hey, the right question is... May boyfriend si Ms. Nerdy???
Yan ang usap-usapan ng mga classmates niya. Syempre, wala na yun sa kaniya, apat na taon siyang nakaranas ng bullying. Fortunately, she was befriended by Ria, that somehow endure her high school dilemma.
Unti- unting naglalabasan ang mga classmates niya. Napatingin siya sa kaliwa, nandun pa rin si Luis, tahimik lang. Wala ng mga tao, dalawa na lang sila.
Tulad ng lagi, seryoso lang ang mukha nito, hindi mahilig ngumiti kaya nag-aalangan tuloy siyang kausapin.
Gusto sana niyang magpasalamat at binigyan siya ng upuan. Magpapaliwanag na rin na hindi sila magboyfriend ni Rafael.
" No need to say 'thank you'." Bago pa makapagsalita si Jessy, naunahan na siya ni Luis.
" Ah ok..." Yun na lang ang nasabi niya dahil tumayo na rin sa kinauupuan si "Mr. Ice".
" Hindi ko boyfriend si Rafael." Ewan ba niya at bakit niya pa iyon nasabi. Bigla na lang lumabas sa kaniyang bibig.
" Yeah, I know. At wala namang naniniwala, and I don't care.''
Lumabas na rin si Luis ng classroom at naiwan siyang nag-iisa. Parang may kumurot sa kaniyang puso. Paulit-ulit sa isipan niya ang sinabi ni Luis na parang echo.
'Wala namang naniniwala... I don't care.'
Mukhang tama nga si Ria, Luis is actually arrogant. She's just blinded by her ardent admiration toward him kaya parang wala na siyang nakikitang mali sa lalaking yon.
Is it the right time to get real, give him up, and move on?
Kahit wala naman talaga siyang anumang inaasahan mula kay Luis. She knows that he's completely out of her league.
Tutal, nag balik na ang kanyang long lost best friend.
Oo nga pala, si Rafael. Hinihintay siya nito pagtapos ng kanyang klase.

Book Comment (139)

  • avatar
    Titing Bunal

    wow ang ganda din po pala nito. nakakakilig at nakakalungkot yung banhdang endong peri happy sa ending. ang ganda ng story nila jessy at rafael pati ni chari at zac. binasa ko hanggang dulo. kahit antok na ako. nakaka adik sya

    09/08/2022

      5
  • avatar
    BalmedinaSarah

    Ang ganda poo introduction pa lang ang gandaa na, keep it up author♥️

    06/05/2022

      11
  • avatar
    Ayril Nakar

    nice

    25/07

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters