NAGHIHIKAB na lumabas ng silid si Snow. Inaantok pa siya pero kusang bumangon ang kanyang katawan. Nasanay na ang katawan niya sa pagbangon ng maaga. Late na sa kanya ang alas-otso. Dapat na nga siguro siyang humanap ng part-time job dahil pakiramdam niya ay nagsasayang siya ng oras sa patambay-tambay sa bahay na iyon. O kaya naman ay mag-apply na lang siyang part-time kasambahay kay Tatay Eli. Duda nga lang siyang papayag ang matanda. Pagbukas niya ng pinto ay nawala ang kanyang antok dahil may isang pumpon ng bulaklak ang sumalubong sa kanya. Dinampot niya iyon mula sa sahig. It was from Jason. Nasosorry ang mokong. Nagdadalawang-isip siya kung isasauli ang bulaklak o tatanggapin na lang iyon. Sayang naman din kasi. Iyon ang unang beses na may nagbigay sa kanya ng bulaklak, ire-reject pa ba niya? Isa pa, napakaganda ng mga iyon at parang nakikiusap sa kanyang tanggapin na. “Good morning, Snow,” anang isang tinig. Nakita niya na si Sebastian kahapon pero parang nai-starstruck pa rin siya. Noon lang siya nakakita ng artista at hindi niya akalaing makakasama niya pa sa iisang bubong. Ngumiti agad si Snow. “Good morning.” “How is your stay in our house? Wala namang nanggugulo sa’yo?” “Wala naman,” pagsisinungaling niya. “Really? My brother’s not pestering you?” amused na tanong ni Sebastian. “Brother? Si Dylan?” “Yes.” “He’s nice.” “Mabait iyon sa mga babae sa umpisa,” anito saka ngumiti ng nakakaloko. Kay cute talaga. “Akala ko sa kanya galing ‘yang bulaklak.” “Ah, ito? Ahm…” “Looks like you capture a San Gabriel already,” he teased. “Naku, hindi!” Ngumiti lang si Sebastian at nagpaalam na rin. Ang akala niya ay paalis pa lang ito ngunit dumiretso ito sa kwarto. Kakauwi lang pala. Ang hirap ding maging artista, daig pa ang nagko-call center agent. Ibinalik niya ang atensyon sa bulaklak nang hindi na matanaw si Sebastian. “Tatanggapin o hindi?” tanong niya sa mga pobreng bulaklak. “Accept it,” anang isang tinig. Agad na kumulo ang dugo ni Snow nang makita si Jason. Paakyat ito ng hagdan, nagkataon namang ang kwarto niya ang pinakamalapit sa hagdan. “Akala mo ba maloloko mo ko, ha? Hindi ka magiging mabait overnight.” “I’m really sorry, okay?” anito, hindi mukhang sinsero. Mukha pa ngang naiirita. Lalo niyang napatunayang may iba lang itong agenda sa kunwaring pagso-sorry na iyon. “Ano na naman ang trip mo?” “Nagso-sorry lang ako, ang dami mo ng sinabi. Masama bang mag-sorry? I realized I’m at fault. I offended you.” “You’re not sincere.” “But still, I know how to apologize.” “Saka ko na tatanggapin ang sorry mo,” aniya saka ipinasa rito ng pabalang ang mga bulaklak. “Kapag sincere ka na.” Bumalik si Snow sa silid at pinagsarhan si Jason ng pinto. Nanghahaba ang ngusong naupo si Snow sa kama. Sayang ang mga bulaklak. Kung hindi lang dumating si Jason, tatanggapin niya na sana. “Okay lang iyan, Snow,” aniya sa sarili. “Marami pa namang magbibigay sa’yo ng bulaklak.” Nagpalipas muna ng ilang minuto si Snow bago lumabas ng silid. Salamat at hindi niya nakita kahit ang anino ni Jason. Dumiretso siya sa silid ni Tasha at ginising ang huli. May go signal na siya ni Tasha na maaari niya itong gisingin kahit na anong oras. In fact, they had plans for that day. Nagpapasama si Tasha na mag-shopping. “Good morning!” masiglang bati niya kay Tasha nang pagbuksan siya nito ng pinto. “Wait for me at the dining area,” anito, paos pa ang tinig. Nakangiting tumango lang si Snow. Naabutan niyang naghahanda ng pagkain si Cindy sa dining table. “Good morning, Cindy,” bati niya sa babae. “Good morning, Snow. Gusto mo ng kumain? Ikukuha kita ng kape.” “Sabay kami ni Anastasia.” “Tulog pa iyon.” “Ginising ko na.” “Ginising mo?” gulat na tanong ni Cindy. At ikinuwento niya kay Cindy ang usapan nila ni Tasha. Nagulat si Cindy ngunit napangiti. “Mabuti naman at nakumbinsi mong lumabas ng kwarto si Ma’am Anastasia. Namumutla na ang isang iyon dahil hindi nasisinagan ng araw.” Sabay silang nag-agahan ni Tasha pagkatapos ay nagswimming muna habang nagpapalipas ng oras. Sarado pa kasi ang mga malls. “It’s nice to wake up early,” ani Tasha nang nasa gilid na lang sila ng pool. “Oo naman, parang ang dami mong nagagawa. Siya nga pala, sa tingin mo ba tatanggapin ako ni Adam sa restaurant niya ‘pag nag-apply ako bilang part-timer?” “Of course. But do you really need to work?” “Oo naman. Ilang buwan na lang, pasukan na naman. Iyong ipon ko, sapat lang pang-tuition sa isang sem.” “I can pay for your tuition.” “Ayoko. Nakikitira na nga ako rito, hihingi pa ako ng pang-tuition sa’yo. Gusto ko siyempre iyong pinaghirapan ko.” “Ang taas ng pride nito,” anito ngunit nakangiti. “Hindi ako mayaman pero may prinsipyo pa naman ako.” “Oo na, ma’am. Sige, I will help you find a part-time job. Pero paano naman ako? I will be alone in this huge house again.” “Hindi naman ako aalis, magtatrabaho lang. Tsaka nandito naman ang mga pinsan mo, makipaglapit ka na kasi sa kanila.” “Paano ko iyon gagawin, eh, parang sila naman ang lumalayo ng kusa?” “Si Cole. Pareho kayo. Both of you feel alone. May tsansa kayong maging close.” “You’re always talking about Cole. Do you like him?” panunudyo ni Tasha. “Ewan ko. Siguro?” “You never liked anyone before?” amused na tanong ni Tasha. “Masyado akong busy para magka-crush. Ngayon lang ako nagkabakanteng oras kaya naililibot ko ang mga mata ko sa paligid,” aniya saka natawa. “If you like Cole, sige, susubukan kong makipaglapit sa kanya. I will be your bridge.” “Uy, hindi naman ganyan ang ibig kong sabihin,” napapahiyang wika niya. “I know but I want you to end up with him if you like him. Sa ganun, hindi ka na talaga aalis dito.” Nagkatawanan na lang sila ni Tasha.
most recommended apps
17/04/2025
0this game is very nice
06/03/2025
1thanks a
27/11/2024
0View All