logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

Chapter 2.1

“WHO THE hell are you?!” tanong ng baritonong tinig. Kasabay niyon ang tunog ng pagkabasag ng basong nabitiwan ni Snow.
Halos hindi siya makahinga nang tignan ang galit na anyo ng lalaking nagtatanong sa kanya. Mestizo ang lalaki, makapal ang kilay, matangos ang ilong, maganda ang hugis ng labi at tila nangungusap ang mga mata. May bonus pang biloy sa kaliwang pisngi nito na lumalabas kahit nagsasalita lang at hindi ngumingiti. Mukha sana itong anghel na bumaba sa lupa kung hindi lang siya sinusungitan ng ganoon.
“S-Snow,” pagpapakilala niya sa sarili.
“Sa tingin mo interesado akong malaman kung ano ang pangalan mo? Sino ka? Sino ang nagpapasok sa’yo rito? Bago kang kasambahay? May kusina sa maid’s house.”
Nakakapang-init din ng ulo ang isang ito. “Hindi ako maid dito,” kalmado niyang sagot kahit gusto niya ng sigawan ang lalaki. Habang tumatagal ay naaalala na niya ang pangalan nito. It was Jason San Gabriel. Walang masyadong tsismis tungkol dito dahil mailap ito ngunit ngayon ay alam na niya kung bakit hindi ito gustong pag-usapan ng media. Nakakasulasok kasi ang ugali nito. Dapat ng mag-isip-isip ang mga babaeng tumitili rito. He was not as great as the media was picturing him.
“Kung ganoon, ano ka rito?” tanong nito, kunot pa rin ang noo at mukhang lalapain siya kapag hindi siya sumagot ng tama.
“Bisita siya ni Sir Elissus,” singit ni Andrew na nakarating na pala sa kusina. Hindi niya na namalayan sa sobrang asar kay Jason.
“Bisita?” he smirked. “Are you my grandfather’s concubine?”
Sa inis ni Snow ay kinwelyuhan niya ang lalaki. Kahit anong pang-iinsulto, ‘wag lang siyang matawag-tawag na kabit, homewrecker, mistress o kept woman. “Sumosobra ka na, ha? Iyong tawagin mo akong maid, babalewalain ko. Pero concubine? Ano ‘to, panahon ng hari at reyna? Oo, mayaman ka at mahirap lang ako pero hindi ko ibaba ang pagkatao ko para umasenso lang!” Pagkatapos ng litanya niya ay itinulak niya ang bastos na lalaki at nag-walk out na palabas ng kusina. Bahala na si Andrew na magpaliwanag kung bakit siya nasa mansyong iyon.
Ngunit hindi sa silid dumiretso si Snow kundi sa likod-bahay. Walang tao sa pool area kaya sinamantala na niya. Naupo siya sa poolside at inilublob ang paa sa tubig. Hindi niya na namalayang umiiyak na siya. Kung hindi pa tumulo ang luha sa hita niya ay hindi niya iyon mapapansin.
Napakahaba ng araw na iyon para sa kanya. Mula sa libing ng kanyang ama, pagpapalayas ng madrasta at biglaing pagtira sa mansyon ng mga San Gabriel. Napakahaba at napakabigat na araw. All she wanted to do was to go to sleep and end that day. Ngunit ipinagkakait pa iyon ng kapalaran sa kanya. “Tulog na lang ang hinihingi ko, ayaw niyo pa ring ibigay?” aniya sa sarili habang umiiyak.
That Jason made her day worst than ever. Akala niya ay sapat na ang madrasta niya para sirain ang araw niya, hindi pa pala. Mas may mailalala pa pala. Oo, pinagdudahan siya ni Anastasia pero hindi iyon kasingsakit ng naging pagkompronta ni Jason sa kanya. That jerk!
“Aren’t you tired of crying?”
Nag-angat ng tingin si Snow at isang pamilyar na mukha ang sumalubong sa kanya. It was the guy from cemetery! Pinahid ni Snow ang luha sa mga pisngi bago nagsalita. “San Gabriel ka rin?”
“Cole San Gabriel,” pagpapakilala nito sa sarili saka naupo sa tabi niya at ginaya siya sa paglublob ng paa sa pool.
Hindi niya pa narinig ang tungkol sa Cole na ito. Ang buong akala pa naman niya ay kilala niya na ang magpipinsang San Gabriel. “Snow,” pagpapakilala niya rin sa sarili.
“What are you doing here?”
“Nagpapalipas ng sama ng loob.”
“No, I mean in this house. Are you a maid here?”
Maid na naman? “Bisita ako rito…” At ikinuwento na ni Snow ang buong istorya kay Cole. Bakit kasi wala ang mga ito nang ipapakilala sana siya ni Tatay Eli kanina? ‘Edi sana ay isang kuwento na lang. Nakakapagod ding magpaliwanag ng paulit-ulit. Ilang San Gabriel pa ang makikilala at pagpapaliwanagan niya? Ngayon pa lang ay napapagod na siya.
“Ganoon talaga sila rito, mapanghusga, sanayin mo na ang sarili mo,” ani Cole.
Nagulat siya sa bitterness sa tinig nito. “Naging biktima ka rin ng panghuhusga nila?”
Hindi nito pinansin ang sinabi niya kaya nagtanong na lang ulit siya. “Sikat ang pamilya niyo, bakit kahit kailan ay hindi ko narinig ang tungkol sa’yo? Sa States ka rin ba tumira ng matagal na panahon tulad ni Anastasia?”
Ngumiti lang si Cole at saka tumayo. “See you around, Snow.”
Kunot ang noong pinagmasdan na lang ni Snow ang papalayong si Cole. Mukhang masungit si Cole ngunit hindi naman pala talaga. Baka nairita lang talaga ito sa ingay niya sa sementeryo kanina. Ganoon pa man ay napakamisteryoso nito. Bakit hindi niya ito kilala? Baka naman hindi lang siya masyadong obsess sa mga San Gabriel kaya ganoon. Baka iyong mga nagpapakamatay para sa isang sulyap ng magpipinsan ay kilala naman si Cole.
“Miss Snow? Ipinapatawag po kayo ni Sir Andrew,” anang isang napakagandang nilalang na nakasuot ng maid’s uniform. “Miss Snow?”
Napangiti si Snow. “Nagko-cosplay ka ba?”
“Po?”
Napahagikgik si Snow. “Wala,” aniya saka tumayo. Sumunod siya sa babae. Habang naglalakad ay hindi pa rin siya makapaniwalang maid ito roon. Bakit ito nagtitiyaga sa ganoon kung puwede itong mag-audition sa mga TV networks bilang artista?
Akala niya ay si Anastasia lang ang maganda sa mansyong iyon, hindi pala. “Ano’ng pangalan mo?” tanong niya sa babae matapos lakihan ang hakbang para magkasabay sila sa paglalakad.
“Cindy po, Miss Snow,” nakangiting tugon ng babae. Ang ganda ng mga biloy nito. Kung lalaki siya, ang mga tipo nito ang gusto niya. Mestizang simple at mukhang napakabait.
“Snow na lang, Cindy. Tsaka mukhang mas matanda ka sa’kin ng ilang taon. Ate Cindy na ang itatawag ko sa’yo,” magiliw niyang sabi sa babae.
“Naku, pagagalitan po ako ni Don Elissus tsaka ni Sir Andrew.”
“Hindi ka pagagalitan ni Tatay Eli pero baka si Andrew, pagalitan ka nga,” biro niya sa babae. Natawa na rin ito.
“Kapag tayo lang, Snow na lang ang itatawag ko sa’yo pero ‘pag nandyan sina Don Elissus, dapat magalang ako.”
“Deal!”
Sa sala niya naabutan si Andrew na hinihintay siya. Iniwan din sila agad ni Cindy. “Pasensya ka na sa inasal ni Jason. Hindi lang talaga alam ng isang iyon ang salitang diplomasya. I’m really sorry—”
“Wala kang ginawa sa’kin kaya ‘wag ka ng mag-sorry,” aniya kay Andrew. Tinapik niya ang balikat nito at nagpaalam na rin. “Good night, Andrew.”
NAALIMPUNGATAN si Snow at mabilis na mapatayo nang magising siya sa hindi pamilyar na silid. Kumalma lang siya nang maalala ang mga naganap nang nagdaang-araw. Nasa mansyon nga pala siya ng mga San Gabriel.
Alas sais lang ng umaga ayon sa digital clock na nakapatong sa bedside table. Ganoon pa man ay inayos na niya ang sarili at saka bumaba patungo sa kusina. Nais niyang tumulong sa paghahanda ng agahan.
Dahil si Cindy ang nasa kusina ay napayagan siyang tumulong. Ito raw ang bahala kay Andrew, anito sa iba pang kasambahay na naroon. Habang nagluluto ay nagkuwentuhan sila ni Cindy. Lola raw nito ang pinakamatandang kasambahay sa mansyong iyon at doon na rin lumaki si Cindy.
Nakapag-aral naman daw si Cindy at nakatapak kahit ilang taon sa kolehiyo ngunit tumigil din nang magkasakit ang lola nito. Ang lola raw nito ang tanging pamilya kaya walang choice kundi ang magsakripisyo. Pumayag din daw si Tatay Eli na manatili roon ang lola ni Cindy kahit hindi na nagtatrabaho kaya hindi na rin talaga nakaalis pa si Cindy. Bukod pa roon ay tinutulungan ito sa pagpapagamot sa lola nito.
“Mabait ‘yang si Don Elissus, ewan ko kung bakit hindi nagmana ang lahat ng apo,” ani Cindy na may pailing-iling pa.
“Huhulaan ko kung sino ang worst sa magpipinsan,” ani Snow.
“Sino?”
“Si Jason?”
“Nakilala mo na ba silang lahat?” imbes ay tanong ni Cindy.
“Hindi pa.”
Natawa si Cindy. “Kilalanin mo muna silang lahat saka ka magbigay ng rating.”
Pagkatapos magluto ay masayang pinagmasdan ni Snow ang mga inihanda nila. Nakakahinayang lang na mag-isang nag-agahan si Tatay Eli. “Sabayan mo na ako, Snow.”
“Nasaan po ang mga apo ninyo?”
“Hindi ko sila nakakasabay kumain. Iba-iba kasi ang oras ng gising.”
“Gigisingin ko po si Anastasia,” suhestiyon niya. Isa man lang sa mga apo nito ay makasabay nito.
“Hindi na. Masamang ginigising ang isang iyon. Sige na, kumain ka na.”
Sumunod na lamang si Snow sa matanda. Ang haba-haba ng mesa at ang dami-daming pagkain ngunit dalawa lamang sila. Ano ba namang tahanan iyon? Pagkatapos kumain ni Tatay Eli ay umalis na rin ito. Sisilipin daw ang bahay sa Cavite.
Sa laki ng bahay na iyon, nabo-bore si Snow. Napakatahimik. Nais sana niyang bumalik sa convenience store ngunit nakakahiya naman kay Tatay Eli kung tutulugan niya lang ang mansyon nito. Hihintayin na lang niyang magising si Anastasia dahil ito naman talaga ang misyon niya sa lugar na iyon.
Sa sala sa ikalawang palapag siya naghintay ngunit inugatan na siya ay hindi pa rin lumalabas sa silid si Anastasia. Kakatukin na sana niya ang babae nang maalala ang bilin ni Tatay Eli na huwag gigisingin si Anastasia.
Ibinaba niya ang kamay na ipangkakatok sana sa pinto. “Hi!” Muntik mapalundag si Snow sa gulat. Nanlaki ang mga mata niya nang makita si Sebastian. “Ikaw ba si Snow?”
Walang kurap na tumango lang siya. Hindi lang pala ito gwapo, napakagwapo nito sa personal. Kulay gatas ang balat nito at napakapula ng mga labi. Para siyang hinihila ng mga mata nitong light brown ang kulay. Higit sa lahat, wala itong pores!
Parang timang na kinapa niya ang sariling mukha. Nakakainggit si Sebastian. Kaya naman pala tinitilian ito ng marami. Physically, he was perfect. Wala naman yatang San Gabriel na hindi maganda o gwapo. Nasa genes talaga.
“Hi, Snow!” bati sa kanya ng lalaking lumabas mula sa silid na malapit sa hagdan. Si Adam San Gabriel iyon. Malaki rin ang fans club ng isang ito kahit artista. Ito kasi ang pinakafriendly ayon sa mga tsismis na nakakarating sa kanya.
“Paano ninyo akong nakilala?” tanong niya sa dalawa.
“Andrew left a memo already,” ani Sebastian. “He explained everything to us.”
Napaka-efficient naman pala talaga ni Andrew. Marahil ay dahil iyon sa naganap nang nagdaang-gabi. “Gusto ninyo na bang kumain?”
“Male-late ako sa call time ‘pag kumain pa ako. We’ll talk later, Snow. Ciao!” Patakbong bumaba ng hagdan si Sebastian, hindi na siya hinintay na tumugon.
Binalingan na lang niya si Adam. “Ikaw?”
“Sabayan mo na ako.”
Kahit nag-agahan na ay sinamahan pa rin ni Snow si Adam. “Hindi talaga kayo magkakasabay kumain?” tanong niya kay Adam.
Dinahan-dahan ni Snow ang papaya sa plato niya dahil busog pa talaga siya. Pakiramdam niya lang ay kailangan niyang kilalanin pa ang magpipinsan, hindi para mamulaklak ang kanyang love life kundi para iparealize sa mga ito ang pagkukulang sa abuelo.
“Yes.”
“Pasensya na, ha? Hindi naman talaga ako pakialamera kaya lang, napansin ko kasing nalulungkot ang lolo ninyo habang mag-isa siyang kumakain dito.”
Tinitigan siya ni Adam at saka malungkot na ngumiti. “It’s impossible for us to eat together.”
“Kahit para sa lolo ninyo lang?”
Nang hindi tumugon si Adam ay iniba na ni Snow ang topic. Napansin kasi niyang parang nawalan ito ng ganang kumain. “Didiretso ka na sa restaurant mo pagkatapos mong kumain?”
“Yes.”
“Lahat pala kayo rito busy, ‘no?”
“Not everyone. Just look at my cousin, Dylan, puro pagpaparty lang ang ginagawa. Well, you can say he’s busy. Busy wasting our family’s money for nothing.”
“Hindi ko pa siya nami-meet.”
“Kung makasalubong mo man siya, ‘wag kang magpapabola, okay? I can’t believe Andrew didn’t warn you about Dylan.”
Napangiti si Snow. “Noted.”
Nagkuwentuhan pa sila hanggang sa matapos kumain si Dylan. Tama ang tsismis, friendly nga ito. Inihatid niya ang lalaki sa garahe at doon naman niya nakilala si Caleb San Gabriel. Pasakay na ang huli sa sasakyan.
Tinanguan siya ni Caleb na parang kilala na siya nito. Ni hindi siya nakapagsalita dahil sa intimidating nitong aura. Mabilis na nakapagmaneho si Caleb paalis. “Hindi lang talaga palasalita ang isang iyon,” ani Adam nang marahil ay mapansin siyang nakatulala sa nakaalis na sasakyan ni Caleb.
Nginitian niya si Adam. “Ingat sa pagmamaneho.”
“Salamat. See you later.”

Book Comment (77)

  • avatar
    RJay

    most recommended apps

    17/04/2025

      0
  • avatar
    Romel Secundo Evangelista

    this game is very nice

    06/03/2025

      1
  • avatar
    TomiasvinceTomias

    thanks a

    27/11/2024

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters