“WELCOME to our house,” ani Anastasia ngunit hindi naman ito mukhang masaya sa pagwe-welcome sa kanya. Nginitian niya lang ito. “So, how do you like this place?” Hindi niya gusto ang tono ng babae. “I don’t know what you feed my lolo but—” “Hindi ko alam na si Elissus San Gabriel siya noong tinulungan ko siya,” putol niya na sa mga sasabihin pa ni Anastasia dahil alam na niya kung saan iyon papunta. Gold digger ang tingin nito sa kanya, halatang-hatala iyon sa pagtaas ng kilay nito. Dahil sa sinabi niya ay bahagyang kumalma ang ekspresyon ni Anastasia. Nagpantay rin sa wakas ang mga kilay nito. “Is that true?” “Oo,” mabilis niyang sagot. “At hindi ko rin alam na ang mansyon na ‘to ang tinutukoy niya nang sabihin niyang patitirahin niya ako sa bahay niya. Ilang oras pa lang ang nakakaraan nang malaman ko ang tunay niyang pagkatao. You can ask him if you want.” Kinapa ni Snow ang cellphone sa bulsa at hinanap doon ang picture nila ni Tatay Eli. Ipinakita niya kay Anastasia ang larawan. “See? Iyan ang itsura niya sa tuwing magkikita kami sa convenience store kung saan ako nagtatrabaho. Tatay Eli ang tawag ko sa kanya. Hindi ako katulad ng iniisip mo, Anastasia.” Mukhang nakumbinsi naman niya ang babae. Naiintindihan naman niya ang inaasal nito. Hindi lang milyonaryo ang mga San Gabriel, bilyonaryo ang mga ito. Marami na siguro ang nagtangkang magsamantala at nag-iingat lang ang mga apo ni Tatay Eli. “Are you going to sleep?” imbes ay tanong ni Anastasia. “Hindi pa ako inaantok.” Niyaya siya ni Anastasia sa loob ng silid nito. Katulad nito ang silid nito, mala-prinsesa. Bakit nga naman hindi kung ito ang nag-iisang prinsesa ng mga San Gabriel? Marahil ay ibinibigay rito ang lahat ng lolo nito. “So, how does my lolo described me? Sobrang sama ba?” medyo friendly nang tanong ni Anastasia nang nasa mini-sala na sila sa loob ng silid nito. “Wala naman siyang nabanggit na masama tungkol sa’yo. Ang natandaan ko lang, wala ka raw kaibigan?” “Dinala ka niya rito para kaibiganin lang ako?” “Siguro dahil naaawa siya sa’kin na wala akong matutuluyan matapos akong palayasin ng stepmother ko.” “Oh, you have an evil stepmother?” natatawang tanong ni Anastasia. “Your life must be a fairytale. Bagay sa’yo ang pangalan mo.” Marami na ang nagsabi sa kanya niyon kaya natatawa na lang din siya. Ngunit malayo siya kay Snow White. Una, hindi siya kulay snow. Kayumanggi ang kulay niya at pinay na pinay ang dating. Pangalawa, iyong mga miseries lang ni Snow White ang nakuha niya, iyong pam-fairytale na love story, parang hindi naman darating. Isa pa, wala siyang oras para sa love story. Ang nais lang niya ay makatapos ng pag-aaral sa ngayon. Iyon na lang kasi ang pangarap na mayroon siya. Ang pangarap niyang mabigyan ng magandang buhay ang ama pagkatapos ng lahat ng paghihirap at paglaban nito sa sakit ay hindi na mangyayari pa dahil wala na ito. “Bakit wala kang kaibigan?” imbes ay tanong niya sa babae. “I have. Nasa States nga lang dahil matagal akong namalagi r’on. Wala pa akong isang taon dito sa Pilipinas.” Alam ni Snow iyon dahil usap-usapan naman sa labas ang buhay ng mga San Gabriel. Ang sabi pa nga ay nag-abroad si Anastasia para makapag-move on sa nasawing pag-ibig. “Pero hindi ka nagkaroon ng kaibigan dito sa Pilipinas?” “Nagkaroon naman. Pero pare-pareho lang ang mga iyon. Manggagamit. Dahil alam nila kung anong pamilya meron ako.” It must be sad being Anastasia. Ngayon ay alam na niya kung bakit parang palagi itong nag-iingat. Ganoon pala kapag sobrang yaman, ano? Hindi rin masaya. Akala pa naman niya, kapag nagkapera siya ay mas magiging masaya siya. Hindi pala iyon ganoong kasimple. “Kailangan mo lang sigurong buksan pa ang puso mo para magkaroon ka ng mapagkakatiwalaang kaibigan. You should let your guard down,” payo niya rito. “That’s what I’m doing now,” balewalang sagot ni Anastasia. “My lolo trusted you. Maybe you’re worth it. Matalino ang lolo ko, mabait siya, pero hindi siya magpapaloko sa kung sinu-sino. Lalong hindi siya magpapasok ng estranghero sa bahay na ‘to kung alam niyang gagamitin lang siya.” Napangiti na ng totoo si Snow. Sa wakas ay wala ng paghihinala ito sa kanya. “Salamat, Anastasia.” “Tasha na lang. Iyon ang tawag sa’kin ng mga pinsan ko.” “Sayang hindi ko pa sila nakilala ngayon.” “You won’t like meeting them. Total naman, ako ang dahilan ni lolo kaya ka niya pinatira rito, iwasan mo na lang ang mga pinsan ko. Not all of them are nice. Ang Kuya Adam ko lang ang mabait sa kanila.” “Seryoso?” hindi makapaniwala niyang tanong. “The media are just embellishing the truth. My cousins are not that great,” ani Anastasia saka tumawa. “Hindi nga kami magkakasundo.” “Pero magkakasama kayo sa mansyon na ‘to.” “Dahil iyon ang hiling ni lolo. My lolo is sick and we can’t say no to him. Matitigas ang ulo namin pero mahal naming lahat si lolo kaya kahit para kaming hangin sa isa’t isa rito sa bahay na ‘to, tinitiis namin para sa kanya.” “Pero parang kulang pa ang effort ninyo dahil nalulungkot pa rin siya kahit magkakasama kayo rito.” Natahimik si Anastasia, mukhang na-guilty. Maya-maya ay huminga ito ng malalim at tipid na ngumiti. Hindi na rin nagtagal si Snow sa kwarto ni Anastasia. Ngunit nang mag-isa na lang siya sa kanyang silid ay hindi rin naman siya makatulog. Kahit anong paikot-ikot ang gawin niya nanatiling mulat ang kanyang mga mata. Para siyang batang namamahay. Nang hindi siya makatiis ay tumayo siya at nagtungo sa kusina para uminom sana ng tubig. Ngunit nabitiwan niya ang baso nang biglang may nagsalita.
most recommended apps
17/04/2025
0this game is very nice
06/03/2025
1thanks a
27/11/2024
0View All