logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

Chapter 1.1

“OO naman. Sandali at magpapasundo tayo kay Andrew.”
Hindi na naitanong ni Snow kung sino si Andrew dahil mabilis na nag-dial ang matanda sa cellphone nito. Napangiti si Snow, ngayon niya lang nalamang techie si Tatay Eli. Maya-maya pa ay isang itim na kotse ang pumarada sa harap ng convenience store at isang lalaking naka-americana ang lumabas mula roon.
“Good evening po,” bati sa kanya ng lalaki. Sa tingin niya ay matanda lang ito ng kaunti sa kanya. Moreno ito, matangkad, kulot ang buhok ngunit maayos ang pagkaka-wax, matangos ang ilong at makapal ang mga labi. Papasa itong batang version ni Cesar Montano.
“Tatay E-Eli,” alanganing baling niya sa matanda.
“Iyan si Andrew, assistant ko.”
“Assistant?”
Binalingan ng matanda si Andrew. “Dalhin mo na sa sasakyan ang bag ni Snow.” Mabilis pa sa alas-kwatrong sumunod si Andrew. Nawiwindang si Snow sa mga nagaganap. Ang buong akala niya ay ordinaryong tao lang si Tatay Eli, simple, ka-level niya kumbaga.
“Tatay—”
“Tara na, Snow,” imbes ay yakag nito. Litong-litong sumunod siya sa matanda hanggang sa kotse. Ni hindi na siya nakapagpaalam kay Miles na nang lingunin niya ay nakita niyang gulat ding tulad niya.
Ipinagbukas sila ni Andrew ng pinto ng sasakyan at saka ito lumigid patungo sa driver’s seat. “Tatay, nahihilo ako sa mga nangyayari,” aniya sa matanda habang nasa biyahe sila.
“Magugustuhan mo ang bahay ko,” imbes ay excited nitong wika. Binalingan nito si Andrew. “Tawagan mo si Cindy. Sabihin mong ayusin ang kwarto sa tabi ng kwarto ni Anastasia. Doon muna si Snow.”
Tulad ng dati, agad na sumunod si Andrew. Napanganga na lang si Snow. Ano ba itong napasok niya?
Hindi bahay ang pinuntahan nila ni Tatay Eli. Mansyon ang tawag doon. Sampung beses yata ang laki ng lugar na iyon sa bahay nina Snow. Ang walkway pa lang bago makarating sa harap ng bahay ay parang parke na. Bawal ang walang kotse roon. Napakalayo ng bahay sa mismong gate na maraming guards ang nakabantay.
Diyos ko, nasa Pilipinas pa ba ako?
Nakanganga pa rin si Snow kahit nang makalabas na siya mula sa sasakyan at pinagmamasdan ang exterior pa lang ng mansyon.
“Welcome to my grandchildren’s home, Snow,” ani Tatay Eli.
“Sa mga apo ninyo lang, ‘to, tatay?” nanlalaki ang mga matang tanong niya.
“Well, I’m living here too. Pero sa ngayon lang dahil gusto ko ngang magkasama-sama kami. But I have a house in Cavite too. Doon ako naglalagi bago ko napilit na pagsama-samahin ang mga apo ko sa bahay na ‘to. Anyway, I wanted to introduce myself properly, hija. I am Elissus San Gabriel.”
“E-Elissus S-San Gabriel?” nagkakandabulol-bulol niyang tanong. The prominent Elissus San Gabriel?! Nananag-inip ba siya? Paanong ang isang Elissus San Gabriel ay naging malapit sa kanya? “Nagdi-disguise kayo all this time, tatay? No, Mr. San Gabriel?”
“Call me tatay, it sounds nicer than mister,” natatawa pang tugon nito. “Nagdi-disguise ako noong nagkakilala tayo dahil sa kakasunod sa apo ko. Natuwa ako sa kabutihan mo kaya sa tuwing nalulungkot ako ay dinadalaw kita sa convenience store. Let’s go inside?”
Wala sa sariling tumango na lang si Snow. She let the old man lead the way. The mansion was stupendous. Halos lumuwa ang mga mata niya sa karanyaang nakikita. Hindi niya akalaing makakapasok siya sa ganoong kalaking bahay sa tanang buhay niya.
Kapag sinabi ni Tatay Eli na hindi nagkikita-kita ang mga taong nakatira roon ay maniniwala siya. Baka nga mawala siya kapag nakipaglaro siya roon ng tagu-taguan. Hindi lang iyon, napakalinis din ng buong bahay, para iyong kumikinang. Bibigyan niya ng bonggang palakpak ang mga naglilinis doon.
“Andrew, ikaw na ang mag-tour kay Snow sa buong buhay. Kailangan ko nang uminom ng gamot.” Binalingan siya ni Tatay Eli. “I’ll see you later, Snow. Ipapakilala kita sa mga apo ko.”
“Ito ang magiging kwarto niyo, Miss Snow,” magalang na wika ng seryosong si Andrew paghatid nito sa kanyang magiging silid. Ito pa ang nagbukas ng pinto para sa kanya.
“Puwede bang Snow na lang?” nakangiwing sabi niya kay Andrew bago pumasok sa silid. “Masyado ka namang pormal. Saka bisita lang naman ako rito.”
“Pasensya na po. Nasanay na akong ganitong makitungo sa mga bisita ni Sir Elissus.” Seryoso pa rin.
Sumuko na lang si Snow at mukhang hindi naman magpapapilit si Andrew. Nagpasalamat na lang siya rito at agad din siya nitong iniwan pagkatapos sabihing susunduin siya maya-maya para ipakilala sa mga apo ni Tatay Eli.
“Hala!” O.A niyang reaksyon nang makita ang silid. Daig pa niya ang nasa hotel. Queen-sized ang kama na may pink na cover. Malamig din ang buong silid kaya hinanap niya kung nasaan ang aircon. Inverter iyon hindi tulad ng lumang aircon sa kwarto niya na halos hindi naman niya ginagamit dahil pinagagalitan lang siya ni Mama Evian.
May sariling banyo rin sa silid na iyon. Take note, may bathtub pa. Deserve niya ba talaga ang tumira roon ng libre? Higit sa lahat, nasa mansyong iyon ang San Gabriel cousins na pinapangarap ng lahat ng kababaihan sa Pilipinas.
Daig pa ang mga celebrity ng mga ito. Ngunit may isang San Gabriel na totoong celebrity, si Sebastian, na tinitilian ng lahat. Ito ang pinakasikat na San Gabriel ngunit hindi rin pahuhuli ang mga pinsan nito.
Bigla siyang nakadama ng kaba, ano ang magiging reaksyon ng magpipinsan kapag nalamang titira siya roon kasama ng mga ito?
“WOW!” Sa isip-isip ni Snow habang pinagmamasdan ang mga pagkaing nasa mesa. Daig pa niyon ang handaan kapag fiesta. Hindi lang siya makapag-react na parang manghang-mangha dahil nahihiya na siya. Kanina pa siya nagmumukhang inosente sa harap nina Tatay Eli at Andrew.
“Andrew, nasaan na ba ang mga apo ko?” baling ni Tatay Eli kay Andrew na nakatayo sa likod nito. Nasa kabisera si Tatay Eli at siya ay nasa kanan nito.
“Si Sebastian po, nasa shooting pa. Si Adam, nasa restaurant niya pa. Si Caleb, hindi pa po umuuwi mula sa trabaho. Si Dylan naman po kaaalis lang daw. Sina Jason at Cole, wala po sa kwarto nila.”
Hindi nakaligtas kay Snow ang paglungkot ng ekspresyon ni Tatay Eli. Mukhang nangungulila ito sa mga apo. “How about Anastasia?”
“Pababa na po.”
Ilang minuto rin bago dumating si Anastasia. She was prettier in real than in stolen shots by the paparazzi. “Who are you?” tanong agad nito. Intimidating kahit pa alam niyang magkasing-edad lang sila. Nagpapasalamat na lang siyang nakangiti ang babae.
“This is Snow, apo.” Si Tatay Eli na ang sumagot para sa kanya. “I met her not a long time ago. Sinagip niya ako mula sa isang aksidente.”
“Oh! That was very nice of you. I’m Anastasia.” Anastasia offered her hand to her. Tumayo si Snow para tanggapin ang kamay nito. “Thank you for saving lolo.”
“Naku, wala iyon,” natatarantang wika niya. “Kahit sino naman, gagawin ang ginawa ko kung saka-sakali.”
“I don’t think so, Snow,” nakangiting sabi ni Tatay Eli. “I brought her here because she was… ahm…”
“Pinalayas ako ng mama ko,” salo niya na kay Tatay Eli.
“And I want you to learn from her, apo. She was a nice person. She knows about life kahit bata pa siya…”
“At ako, hindi, ‘lo?” nakangiwing tanong ni Anastasia.
“Hindi sa ganoon. Ang akin lang, puro lalaki ang mga pinsan mo. Kailangan mo ng babaeng kasama sa bahay na ‘to.”
Ngumiti si Anastasia, ngiting hindi naniniwala ngunit ganoon pa man ay hindi ito nagkomento. Medyo natakot si Snow dahil baka kapag silang dalawa na lang ni Anastasia ay bigla na lang siyang komprontahin nito.
Pagkatapos kumain ay umakyat na ang mag-lolo sa kanya-kanyang silid ng mga ito. Naiwan si Snow sa mesa at sinadya niyang hintayin ang mga kasambahay na magliligpit doon. “Ate,” aniya sa unang kasambahay na lumapit. “Ako na ang maghuhugas niyan.”
“Naku, ma’am, hindi na po. Pagagalitan kami ni Don Elissus,” mariing tanggi ng kasambahay.
“Sige na,” pangungulit niya.
“Hindi po talaga puwede.”
“Isama mo na lang ako sa kusina.”
Napilitang tumango ang kasambahay at noong nasa kusina na siya ay saka siya hindi nagpapigil sa paghuhugas ng pinagkainan. Hindi niya lang kasi maatim na naroon siya para sa wala. Kumakain, makikitulog, pagkatapos ay ituturing pang prinsesa. Hindi sapat na dahilang minsan niyang tinulungan si Tatay Eli para bigyan siya ng ganoong kalaking pabuya.
“Sino ang nagpasa kay Miss Snow ng trabaho sa kusina?” tanong ng isang maawtoridad na tinig na wala ng iba kundi kay Andrew.
Nakangiwing hinarap ni Snow ang lalaki. Nakonsensya siya nang makitang takot na takot ang kasambahay. “Ako ang nagpumilit, Andrew. ‘Wag mo na siyang pagalitan.”
“Ako na po ang magtutuloy, ma’am,” agaw ng kasambahay sa hugasin niya.
Walang nagawa si Snow kundi maghugas ng kamay at lumabas mula sa kusina bago pa mapagalitan ng tuluyan ang pobreng kasambahay.
“Hindi lang talaga ako sanay ng walang ginagawa,” aniya kay Andrew nang lingunin niya ito. Naramdaman kasi niyang nakasunod sa kanya ang lalaki.
Mukhang naging awkward dito ang lapit nila sa isa’t isa kaya mabilis itong lumayo. “Bisita pa rin kayo rito, Miss Snow. Hindi matutuwa si Sir Elissus kung makikitang pinagtatrabaho ang bisita niya.”
“Okay. Aakyat na ako.” Tumango lang si Andrew. “Good night,” nakangiting pahabol niya bago tuluyang umakyat. Didiretso sana siya sa kwarto ngunit nakita niyang nakatayo si Anastasia sa labas ng silid nito na katabi ng kanya at mukhang sinadya nitong hintayin siya.

Book Comment (77)

  • avatar
    RJay

    most recommended apps

    17/04/2025

      0
  • avatar
    Romel Secundo Evangelista

    this game is very nice

    06/03/2025

      1
  • avatar
    TomiasvinceTomias

    thanks a

    27/11/2024

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters