logo
logo-text

Download this book within the app

Snow and the Seven Princes

Snow and the Seven Princes

Andrea Gale


Chapter 1

WALANG tigil ang pagpatak ng luha ni Snow habang pinagmamasdan ang pinaglibingan sa ama. Umalis na ang lahat at siya na lamang ang naiwan doon. Maging ang mama niya ay umalis na at walang salitang iniwan siya.
Yakap ni Snow ang litrato ng ama. Iyon na lamang ito ngayon, litrato, ala-ala. Sa naisip ay napahagulgol siya. Pumanaw ang tunay niyang ina noong ipinapanganak siya, sa litrato na lang din niya ito nasilayan. Ang lahat pa ng litratong iyon ay sinunog ng Mama Evian niya nang pakasalan ito ng kanyang ama.
Hindi siya nagalit kay Mama Evian, pinilit niya itong intindihin kahit na napakabata pa niya noon. She was eight when her father married her stepmother. Dahil nangungulila sa kalinga ng isang ina ay mabilis niyang tinanggap ang Mama Evian sa buhay niya ngunit siya yata ang hindi nito basta-basta natanggap.
They didn’t go along well. Palaging mali ang ginagawa niya para rito ngunit hinayaan na lang niya. Kailangan niyang pakisamahan ang babae kahit pa para na lang sa kapakanan ng kanyang ama. She loved her father so much.
At ngayong wala na ito, lalong kailangan niyang habaan ang pasensya sa kanyang Mama Evian. Wala na kasi siyang pagpipilian. Kahit pa ayaw ng babae sa kanya, responsibilidad pa rin niya ito lalo pa t silang dalawa na lang sa bahay. Kaya naman niya, natiis nga niya ng labing anim na taon.
“Hindi mo binili ang buong sementeryo,” anang isang iritableng tinig.
Lumingon si Snow at isang napakagwapong mukha ang sumalubong sa kanya. Gwapo sana, nakasimangot lang. “P-pasensya na,” aniya saka suminghot. Pasimple niyang sinilip ang puntod na dinadalaw ng lalaking masungit. Jean Tolentino.
Sinikap ni Snow na gawing tahimik ang pagluluksa para hindi na mainis ang lalaki ngunit kahit ano ang gawin niya ay hindi niya mapigil ang paghagulgol. Hindi niya ma-imagine na pag-uwi niya sa bahay ay hindi na makikita ang nakangiting mukha ng ama. “P-papa…”
Narinig niya ang pagpalatak ng lalaki. Hindi niya na lang ito pinansin. Ano ba ang pakialam nito? Sementeryo iyon, natural nang may nagluluksa. Bahala ito sa buhay nito. Nang tuluyan sigurong mairita sa kanya ay lumayas na rin ang lalaki.
Nanatili si Snow sa sementeryo hanggang sa nag-aagaw na ang liwanag at dilim. “Babalik ako rito, papa. Huwag kang malulungkot, ha? Hindi bale, alam ko namang magkasama na kayo ni mama.”
Mabibigat ang hakbang na lumabas siya mula sa sementeryo. Pagdating naman sa bahay ay sorpresa ang sumalubong sa kanya: ang kanyang mga damit na nakaempake. “Mama, ano ‘to?”
Pagod na siya sa totoo lang, sa lahat-lahat. At hindi ang salubong na iyon ang inaasahan niya. Can this woman be a little considerate? Oo na, may toyo ito at malaki ang disgusto sa kanya ngunit hindi ba siya puwedeng pagpahingahin nito kahit isang araw lang? O kahit kalahating araw lang, masaya na siya roon.
“Tigilan mo na ang pagtawag sa’kin ng mama dahil hindi naman ako ang nanay mo. Wala na ang papa mo. Wala ng dahilan para kupkupin pa kita. Lahat ng naipon niya, naubos na mula noong magkasakit siya. Hindi kita kayang buhayin. Makakaalis ka na.”
“Mama!”
“Sabi nang tigilan mo na ang pagtawag sa’kin ng mama!” sigaw nito.
“Hindi ko alam kung bakit ayaw mo sa’kin. Ginawa ko naman ang lahat para matanggap mo ako. Hindi naman ako kahit kailan naging pabigat sa’yo kaya bakit ganito, mama?” umiiyak nang tanong niya. Sa loob ng mahabang panahon, noon lang niya nagawang itanong iyon sa babae.
“Umalis ka na,” imbes ay tugon nito.
Hindi pa rin siya makapaniwala. Ganoon lang? Parang hindi mahigit isang dekada ang pinagsamahan nila. “Kahit kailan ba hindi mo nagawang ituring akong anak?”
“Anak? Wala akong anak. Kaya umalis ka na. Wala na ang tatay mo, wala ng rason para dumito ka pa.”
“Pero bahay ‘to ng papa ko!”
“Bahay namin, nakalimutan mo bang kasal kami? Gagawin ko kung ano ang gusto ko sa bahay na ‘to. For now, I want you out of here.”
“Mama! Saan ako pupunta?” nakikiusap na niyang wika. Nasa abroad na ang lahat ng pamilya ng tunay niyang ina. Hindi naman siya malapit sa mga kamag-anak ng ama. Mama Evian was all she got and yet she was throwing her out like a trash.
“Problema ko pa ba iyon?”
Napasalampak sa sahig si Snow nang ihagis sa kanya ng madrasta ang travelling bag na naglalaman ng kanyang mga gamit. She bit her lower lip to refrain herself from crying. She had cried too much. Kung kanina ay iyak ng pagluluksa. Ngayon ay nais niyang maiyak sa sobrang galit.
Kaysa magmakaawa ay tumayo siya, binitbit ang bag at tumalikod. Sa ngayon ay malabong mapapayag niya si Mama Evian na tumigil sa pagpapalayas sa kanya. Wala siyang pupuntahan pero bahala na.
Mayroon pa siyang kaunting pera, bahala na kung saan iyon makakarating. Sa convenience store kung saan nagpa-part timer siya dinala ng kanyang mga paa. “Miles,” bati niya sa katrabaho.
Kumunot ang noo nito nang makita siya. “Naglayas ka?” tanong nito.
“Pinalayas ako,” aniya saka nagbuntong-hininga.
“Tinoyo na naman iyang evil stepmother mo,” anito na sinamahan pa ng pag-iling.
Imbes na magkomento ay kumuha na lang si Snow ng cup noodles at binayaran iyon. “Hindi ka pa kumakain?”
“Pinalayas agad ako pagdating ko sa bahay, eh,” aniya na parang balewala lang iyon. Ayaw na niyang dibdibin dahil masakit lang.
“Dapat pinadala mo na sa mental iyong babaeng iyon. Saka may karapatan ka kaya r’on sa bahay dahil sa papa mo rin iyon.”
“Hayaan mo na. Lilipas din ang toyo ni mama,” sabi na lang niya habang hinihintay na maluto ang cup noodles.
Kumakain na siya nang pumasok sa convenience store ang isang pamilyar na pigura. Awtomatikong napangiti si Snow. “’Tay!” bati niya sa bagong dating. Suot pa rin ni Tatay Eli ang paborito nitong get up. Nakabukas na checkered polo, panloob na puting sando at abuhing pantalon. Para raw magmukha itong cool ay palaging nakasuot ng shades kahit gabi na. “Bago ‘yang fedora ninyo, ha?”
“Snow, ngayon lang ulit kita nakita,” nakangiting tugon ng matanda saka naupo sa tabi niya. Minsang tinulungan ni Snow ang matanda nang muntik itong masagasaan ng tricycle sa labas ng convenience store. Mula noon ay palagi na itong bumabalik doon para makipagkuwentuhan sa kanya.
“Namatayan ho kasi ako kaya hindi ako nakapasok nang ilang araw,” malungkot niyang tugon ngunit pinilit pa ring ngumiti.
“Sino ang namatay?” Halatang nag-alala ang matanda. Ganoon ito kaya naging malapit sila, parating concern. Para na nga itong lolo niya.
“Si papa po.” Nakadama ng pagbigat ng dibdib si Snow nang maalala ang ama. Akala niya ay wala na siyang mailuluha pa ngunit ito na naman siya. Yumuko siya nang may luhang maglandas sa kanyang pisngi at pasimple iyong pinunasan.
Nang mag-angat siya ng tingin ay nakita niyang nakatingin ang matanda sa travelling bag niya na ipinatong sa gilid ng mesa. “Sa’yo ba iyan, hija?”
Nahihiyang tumango si Snow. Close naman sila kaya alam na nitong hindi niya masyadong kasundo ang madrasta.
“Pinaalis ka ng mama mo?”
“Baka po stress lang siya dahil sa pagkawala ni papa,” sabi na lang niya.
“Saan ka pupunta ngayon?”
Bagsak ang mga balikat na umiling siya. “Wala pa po akong mapupuntahan kaya dito-dito lang po muna ako. Babalik po ako sa’min kapag malamig na ang ulo ng mama ko.”
“At kapag hindi na lumamig ang ulo niya?”
Hindi nakatugon si Snow. May plano na naman siya kaya lang ay nakakahiyang sabihin sa matanda. Mangungutang sana siya sa mga kaibigan para makaupa kahit sa isang maliit na kwarto lang. Ang problema ay kakaunti ang kaibigan niya at kapareho rin niyang nag-i-struggle sa pinansyal.
Mula nang magkasakit ang papa niya pagkagraduate niya ng high school ay naubos na ang lahat ng ari-arian nila. Isinakripisyo na rin pati ang pag-aaral niya sa kolehiyo ngunit nagsikap siya, pinag-aral ang sarili. Kahit anong part-time job ay pinapasok niya.
Dahil nangangailangan din ng pera sa bahay, ibinibigay niya rin sa Mama Evian niya ang malaking bahagi ng sahod para makatulong sa mga gastusin. Iyon ang dahilan kung bakit dalawampu’t limang taong gulang na siya ay nasa kolehiyo pa rin siya. Graduating na naman siya. Nakakalungkot lang isipin na hindi pa umabot sa graduation day niya ang papa niya. She wanted him to see her wearing a black toga.
“Kung gusto mo ay sumama ka na lang sa’kin,” ani Tatay Eli.
“Po?” gulat niyang tanong.
“Babayaran kita, patitirahin din kita sa bahay ko. Ang gusto ko lang sana ay kaibiganin mo ang apo kong si Anastasia dahil palagi siyang mag-isa. Gusto kong turuan mo siya tungkol sa buhay para hindi niya sinasayang ang oras niya sa mga walang katuturuang bagay.”
“Naku, ‘tay, hindi mo ako kailangang bayaran para kaibiganin ko ang apo mo. Saka mas kailangan niyo ang pera para sa pagpapagamot niyo,” tanggi ni Snow. Nabanggit ng matanda minsan sa kanyang may sakit ito.
“Pero papayag kang tumira sa bahay ko?” nakangiting tanong ng matanda.
“Okay lang po ba talaga?” Nag-aalinlangan si Snow. Oo at mabait ang matanda ngunit hindi ba’t sobra naman ang magpakupkop siya rito. Pangalawa, ni hindi nga niya alam kung saan nakatira ang matanda.

Book Comment (77)

  • avatar
    RJay

    most recommended apps

    17/04/2025

      0
  • avatar
    Romel Secundo Evangelista

    this game is very nice

    06/03/2025

      1
  • avatar
    TomiasvinceTomias

    thanks a

    27/11/2024

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters