logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

Chapter 2

Warning: This chapter contains violence and harassment. It isn’t suitable for readers 18 and below. Read it at your own risk.
Koal’s  POV
“Wahh!” Napasigaw ako dahil may tigyawat na naman ako sa aking noo. “Bwiset naman oh, bakit ngayon pa?” pagmamaktol ko habang papuntang opisina.
“Koal andito ka na pal—ano ‘yan? May tigyawat ka na naman?” parang natatawang turan ni Francine sa ’kin. “Sige lang… hayaan mo na, maganda ka pa rin naman pero grabe, para talaga siyang third eye Koal at sa noo mo pa talaga.” Humagalpak pa siya ng tawa with matching pahawak sa tiyan effect pa, letche.
“Maiiyak na ba ako niyan?” puno ng sarkasmong saad ko sa kanya kaya mas lalo pa siyang napatawa. Buwiset talaga ‘tong babaeng ‘to.
“Grabe naman ‘to, hindi na mabiro, joke lang,” Sabay tampal niya ng mahina sa'king balikat. Hay, wala na talaga akong maaasahan sa isang ‘to. Napailing na lamang ako.
Ngunit, ‘asan na pala ‘yong iba?
“Oy Francine, nasa’n na ‘yong iba? Wala pa ba sila? Eh, mag a-alas-otso na ah?” takang tanong ko sa kanya sabay baling ng tingin sa relo ko.
“Gaga, alas singko pa nga lang ng umaga ‘andito na sila lahat eh. Pa’no ba naman, pinapatawag daw sila ni Sir. Mark, kasi bakit daw galit na galit si CEO Grey sa kanya.” Napamulagat naman agad ako sa aking narinig mula kay Francine.
“Talaga? Nakakausap ni Sir Mark, si Boss Grey?” hindi makapaniwalang tanong ko kay Francine. Grabe, I can't believe…ano kaya hitsura niya? No. Erase. Wala kang pakialam Koal, okay? pagkastigo ko sa ‘king sarili.
“Oo, so… hindi pala totoo ‘yong chismiss na multo si Sir. Grey.” biglaang turan ni Francine dahilan upang mangunot agad ang aking noo. “Naniniwala ka sa usaping ‘yon?” hindi makapaniwalang turan ko sa kanya.
“Oo naman, malay ko ba,” wika niya sabay kibit balikat.
But I realized something, dahilan upang mapahinto ako sa aking paglalakad at mapahawak sa mismo kong baba, what the! Bakit ngayon ko lang natandaan ulit ‘yon?
Akala ko panaginip lang ‘yon kagabi? Pero shuta! Totoo nga, anong gagawin ko? Sabihin ko na lang kaya na may nakapasok talagang magnanakaw sa office ng CEO kagabi? Kaso baka ako pa mapagbintangan na magnanakaw.
“Hoy Koal, ano na naman tumatakbo riyan sa utak mo, ha?” biglaang tanong ni Francine sa 'kin dahilan upang mapabalik agad ako sa reyalidad.
“Ahh—haha, wala. Pero b-bakit daw sila pinapatawag?” kinakabahang tanong ko pabalik kay Francine. Ano ka ba Koal, bakit mo pa tinatanong! Alam na alam mo naman kung ano ‘yong dahilan!
“Ewan ko.” Nagkibit balikat ulit ito. “Basta ang sabi nila, galit na galit daw si Sir Grey kay Sir Mark, ‘yon lang narinig ko. Pero teka nga, bakit mo ba tinatanong?” Napakachismosa talaga ng babaitang 'to.
“Bawal ba? Curious lang naman, sige na may gagawin pa ako. Mauna na muna ako sa table ko,” seryosong saad ko at dali-daling umalis na sa harapan ni Francine.
“Problema no’n?” rinig kong saad ni Francine ngunit ipinagsawalang bahala ko na lamang ‘yon.
Sino kaya ‘yon? At saka…baka may nawawalang gamit sa CEO office kaya pinapatawag sila?
“Argh! Kinakain ako ng konsensya ko, shuta!” mahinang bigkas ko sa ’king sarili’t bumalik na lamang sa aking ginagawa.
Nasa harapan ako ng pintuan ng opisina ni Boss Grey ngayon, at nasa kalagitnaan ako ng pagdadalawang isip kung papasok ba ako, o hindi. Baka kasi locked na naman. “Bahala na.” Pikit mata kong binuksan ang pinto ng opisina ng bigla na lang may tumapik sa aking balikat dahilan upang mapasigaw ako sa gulat.
“Ay palakang tipaklong!” sabay lingon ko sa aking likuran. “Ano ba, Nikko!” sigaw ko rito sabay hawak ko sa aking dibdib para pakalmahin ang sarili ko. Jusko naman, Mamamatay yata ako nang maaga nito, eh.
“Sorry, I didn’t mean to scare you,” saad niya sa akin at may pa-hands up effect pa, tss.
Ano na naman bang kailangan niya?
He's Nikko, my....ex-boyfriend back then when I was still in highschool.
“Umm Koal, I know this is absurd but…Can I talk to you, for a minute?” tanong nito sa ‘kin at makikita mo talaga sa mga mata niya ang sinsiridad mula rito. Napabuntonghininga na lamang ako. Bakit pa kasi sa lahat lahat ng p’wedeng kompanya na pagtrabahuan niya ay dito pa?
“Sige, kung ano man ang gusto mong sabihin, sabihin mo na dito ngayon. Bago pa ako mawalan ng ganang makipag-usap sa’yo, Nikko,” may diin na saad ko at seryoso siyang tiningnan sa mata.
“Bakit ba kailangang dito pa talaga tayo sa rooftop mag-usap?” tanong ko habang nakatanaw sa buong syudad ng Cavite City. Ano na naman kailangan niya sa akin ngayon?
“Para walang maka istorbo sa 'tin?” patanong ring saad nito sa’kin pabalik dahilan upang mangunot ang noo ko. Bakit parang may gusto pa siyang nais ipahiwatig sa mga katagang iyon? takang tanong ko sa aking isipan ngunit ipinagsawalang bahala ko nalamang ito.
Baka masyado lang akong mapag-isip.
“Ano ang gusto mong sabihin sa’kin? Para makaalis na agad ako.” Lumingon ako sa kinaroroonan niya. Hindi talaga ganito ang ugali ko, masayahin at friendly akong tao. Pero ‘pag once na hindi ko talaga gusto ‘yong ugali mo or existence mo? Pasensiyahan na lang tayo.
“Look, Kelly—” 
“Stop this bullshit, Nikko Himenez! At ‘wag na ‘wag mo ‘kong matawag-tawag na Kelly, that's all in the past! At kung ano man ang meron tayo noon, puwes noon ‘yon. And please, matagal ko nang binaon ‘yon lahat sa limot, Nikko!” galit na saad ko sa kanya ngunit nginitian lamang niya ako na parang wala na siya sa sarili niyang katinuan.
Sabog ba ‘tong lalaking ‘to?
“Why so feisty, huh?” agarang tanong niya sa akin habang hindi mawala ang malademonyong ngiti niya sa kaniyang mga labi, dahilan upang kabahan na ako sa mga inaakto nito. Pero hindi pa rin ako nagpadala, at umarteng hindi apektado sa kanya.
“Ito lang ba ang gusto mong sabihin sa’kin, Nikko? Puwes, mauuna na ako sa ‘yo,” may diin pa rin na sabi ko sa kanya at umalis na agad ako roon sa aking kinatatayuan kanina. Akmang pipihitin ko na sana pabukas ‘yong pinto, nang bigla na lang niya itong isinara pabalik gamit ang kanang kamay niya.
Kinakabahan na ako!
“Ano bang—Hmp! Hmp!” Hindi ko na naituloy ang nais kong sabihin, ng bigla na lang niyang tinakpan ang bunganga ko gamit ang kaniyang kaliwang kamay. Napaiyak agad ako sa samu’t saring emosyon na nararamdaman ko ngayon.
“H’wag ka munang umalis Kelly…gusto pa kitang paligayahin, alam mo ba kung gaano kita kamahal? Hmm?” pabulong na turan niya sa aking tainga sabay amoy niya sa 'king leeg, dahilan upang magsitaasan lahat ng balahibo ko sa katawan.
H-hindi…tulong! piping sigaw ko sa aking isipan na alam ko namang wala ring makakarinig. Napaiyak nalamang ako dahil sa kawalan ng pag-asa at halo-halong kaba’t takot na aking nararamdaman.
Nagulat na lang ako nang bigla na lang niya akong kinaladkad patungo sa edge ng rooftop, sabay kapit ng kaniyang kaliwang kamay sa aking beywang. Humalik siya sa ‘king leeg, pababa sa ‘king collarbone, dahilan upang mas magwala pa ang buong sistema ko.
“Hmp! Hmp!” pagpupumiglas ko pa mula sa pagkakahawak niya sa akin. Kasabay din nito ang walang humpay na pagpatak ng aking mga luha sa magkabilaan kong mga pisngi.
Nakakadiri! Nakakasuka! ‘Yan ang sinisigaw ng isipan ko ngayon.
Akmang ipapasok na sana niya ang kaniyang kamay sa aking suot na above the knee skirt, kaya mas nagwala pa ako at pinagsusuntok siya sa kaniyang dibdib “Hmp! Hmp! Hmp!”
“Shut the hell up, woman!” naiinis na saad ni Nikko sa ‘kin at akmang sasampalin na sana niya ako nang biglang may pumalo ng matigas na bagay sa kaniyang ulo mula sa likuran. Nawalan agad siya ng malay sa lakas ng impact nito.
“How dare you to treat a woman like that,” may diing saad ng isang baritonong boses na nasa aking harapan na ngayon. Napaupo na lang ako nang wala sa oras sa sahig at nanginginig na tinanaw ang mukha ng estranghero na sumagip sa’kin.
Who is he?
Is he also an employee in this company?
“H-Help me…p-please,” nanginginig kong saad sa lalaking nakatayo sa aking harapan. Hindi ko rin masyadong makita ang pagmumukha nito dahil nakatalikod ito sa gawi ko.
Bakit parang…nanlalabo ang paningin ko? takang tanong ko sa ’king isipan sabay sapo ko sa aking sariling ulo. “Argh!” daing ko dahil sa nararamdaman kong sakit mula rito. Pero dahil na rin siguro sa panlalambot ng aking katawan ay nawalan kaagad ako ng balanse.
Ngunit bago pa man lumapat ang katawan ko sa malamig na sahig, may mga matitipunong braso na agad ang sumalo sa ‘kin. Napangiti naman ako nang palihim sa aking isipan.
Alam kong ang babaw lang ng dahilan ko pero…sisiguraduhin kong mamahalin kita kung sino ka man, kahit ano ka man. Pasasalamat ko ‘yan sa ’yo. Pangako.

Book Comment (135)

  • avatar
    Kyle Jen Abay

    verygood

    6d

      0
  • avatar
    Neth Ranario

    Nindot

    6d

      0
  • avatar
    Princess Rhianne Berden

    this is so good to read

    11d

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters