logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

Chapter 7 VERNAL EQUINOX

CHAPTER 7
“Bakit hindi n’yo ho sa akin ipinaalam Tita?” Tanong ko, narinig kong bumuntong hininga si Tita sa kabilang linya.
“Hindi ko ipinaalam dahil napagod na ako Iha, pang-ilan na ba ito? Sa isang taon at kalahati na lumipas, halos buwan-buwan ay nagsasabi ang anak ko na babalik siya na parating hindi natutuloy. Napagod na akong makita ka na maghintay at umasa na darating ang anak ko na ni minsan ay hindi nangyari. Kung sinabi ko at hindi na naman natuloy ang pagdating niya ngayon ay nasisiguro kong iba na namang muli ang mararamdaman mo.” Medyo mahabang litanya ni Tita habang ako’y nakaupo lamang sa kama ko at nakikinig na tila ba nasa harapan ko siya.
Gusto kong sabihin na hindi ako naghintay at umasa na darating ang anak niya pero sa halip ay napanguso na lamang ako.
“Ayokong mapagod ka sa anak ko.” Dagdag ni Tita sa mas mahinang boses. Natigilan ako.
“Ayokong mapagod ka kahihintay sa anak ko dahil unang-una sa lahat ay hindi ka dapat siyang naghihintay sa kanya.” Aniya sa normal na boses na.
“That is why I apologize Iha.”
“Ayos lang po.” Agad kong tugon, napabuntong hininga naman ang ginang.
“Sige na, mag-ayos ka na ng gamit mo. Nasaan ang anak ko? Nariyan ba? Pakausap ako saglit.”
“Mag-ayos po? Bakit po? At wala po dito ang.. si Igne po Tita, hindi po siya kasama ni Manong Mang.” Natawa ang ginang ng kaunti.
“Sa tingin ko’y hindi ako masasanay sa pagtawag mo sa anak ko ng Igne Iha ahahahaha.” Tawa ni Tita. “And Iha, Mang wasn’t his name, Mang is short for Manong. So don’t call him Manong Mang ahahaha.” Tawa nang tawa si Tita.
“Ah..” Gage, Manong Mang amp.
“His name is Danel Iha.” Tumatawa pa rin ng kaunti si Tita, gustuhin ko mang mahiya ay hindi ko mahanap iyong kahihiyan sa katawan ko. Kinakabahan ata ako.
“He is Zyzy’s driver ever since. He basically saw how my son grew up into such a fine man.” Ani ni Tita.
“Sige na Iha, magprepare ka na. Mang is there to pick you up. You’re moving in with my son. Kung wala si Zyzy then I guess it’s really just Mang right there. Ang batang iyon, hindi man lang siyang sumundo, mapipingot ko na talaga.”
“M-moving in? Move in Tita?”
“Yes of course Iha, now that my son is here in our country, you’ll live with him. Mag-asawa kayo hindi ba? At tsaka, paano ninyo kami mabibigyan ng apo kung hindi kayo magsasama?” Ani ni Tita, I feel like she’s teasing me because she’s laughing! Oh goodie, I face palmed.
“S-sige po Tita. Mag-aayos na po ako.”
“Good. Let me talk to Mang while you’re packing your things up.”
Tumango ako na para bang nasa harap ko si Tita saka lumakad palabas ng kwarto at lumapit kay Mang Danel na ngayon ay naroroon parin sa sofa. “Kakausapin daw ho kayo ni Tita, Mang, pakihintay nalang po ako saglit dito. Kapag po may kailangan kayo ay tawagin n’yo ako, meron pong..” ngumiti ako, “Ako na po pala.” Ibinalik ko kay Manong Mang—I mean, Mang Danel ang cellphone niya bago ako lumakad papuntang kusina.
Naghanda ako ng maiinom at makakain bago bumalik sa sala at ipinatong iyon sa mesa na naroroon. Mukhang kausap ng muli ni Mang Danel si Tita sa cellphone kaya naman sumenyas nalang ako na babalik ng kwarto, nang tumango si Mang Danel ay pumanhik na ako para mag-ayos ng gamit.
I seriously don’t know what to do, kinakabahan ako at hindi ko alam kung ano ang mga gamit ang dadalahin ko.
Napagdesisyunan kong tanungin si Autumn gaya ng palagi kong ginagawa, asking for her opinion, pero hindi siya sumasagot. Marahil ay may ginagawa kaya naman hindi ko nalang rin piniling tawagan si Winter since magkasama sila trabaho. I had no choice but to call Sum, yes, napipilitan ako ehehehe.
“Yes, hello? This is the most beautiful human being speaking. How may I help you today, Sir/Ma’am?” Tuloy-tuloy na aniya.
“Sum, what are the things that you would bring with you if you were to live with your husband whom you still haven’t met and seen?”
“Hindi kailangan ng marami, isa lang, kagandahan ko.” Aniya, I have this feeling na nililipay siya ng ipo-ipo ngayon.
“Sum I am dead serious. Please naman oh.” I said, namomroblemang talaga.
“I am serious as well. Flaunt your beauty para nganga agad.” Aniya pa, nasapo ko nalang ang mukha ko. Sinasabi ko na nga ba, hindi magandang ideya ang tawagan ang isang ‘to ajwbdhsd.
“Isa..” I threatened.
“Abugh abugh, why is that? Ikaw ang may kailangan sa’kin pero tinatakot mo ‘ko tsk tsk. I’m hurt. Badly hurt Spree.” Anito sa ala-ala’y malungkot na boses.
Hindi ako umimik dahil alam kong tatagal ang usapan kapag nagsalita pa ako, she’s a tripper and right now my only purpose is to know what to do, what and which to pack, this isn’t the time for me to have a nonsense conversation with her.
“Tsh. Ang kj talaga. You should have console me Spreeeeeee.” Natawa ako nang magsalita siya pagkalipas ng ilang segundo dahil sa boses n’ya. Asar-talo palagi ehehehehe.
Pagkaano’y bumuntong hininga s’ya, “Well.. if you really wanna know my opinion, how about a lingerie? What’chu think? Ehehehehe..” I sighed, wala s’yang planong magseryoso talagaaaaaa.
Hindi ako muling umimik, she sighed, “Okay fine, seryoso na. Uhm.. kung anong kailangan mo of course, iyon ang dalahin mo. Toiletries lalo na, damit, ahm.. psh, seriously why are you asking me that kind of question huh? Nagsabi na naman ba ang asawa mo na babalik na s’ya?”
“Bumalik na.” I simply replied.
“E-Eh?? Weeeeehhhhhhhh?! Leegiii—?”
Thank you for reading. <3
– Maka.。

Book Comment (54)

  • avatar
    Baja Loraine

    it so nice

    17/08

      0
  • avatar
    SantosRoberto

    goodi

    30/07

      0
  • avatar
    Caleb's Pasa-Buy

    Great story very interesting to read

    23/07

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters