logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

Chapter 7: The Destined Girl

"Anong ginagawa mo?" tanong ko kay Lexa nang matanaw ko siyang naglalabas ng pixi dust.
"Lilipad." Nakangiting sagot niya saka ako nilingon. "Gusto mo ba?" tanong niya.
"Hindi ka ba mapapagalitan kung basta-basta mo na lang gagamitin ang kapangyarihan mo?" Takang tanong ko at napailing naman siya saka ako hinila.
"Lalagyan kita ng pixi dust at isipin mo na lang na makakalipad ka." Sinunod ko ang gusto niya at ilang saglit lang ay naramdaman ko nang nakalutang na ako. Parang naramdaman ko ding kumislap ang anklet ko sa paa. Pero baka guni-guni ko na naman iyon. Hindi ko na lang ito pinansin.
"Masaya di ba?" Nakangiting tanong niya saka sinabayan ako sa paglipad.
Tumango ako pero ilang saglit lang ay binalot din agad ng malungkot na aura.
"O bakit?" tanong niya nang mapansin ang nakasimangot kong mukha.
"Ang sarap pa lang lumipad no?" Wala sa sariling tanong ko. "Kung may kapangyarihan lang din sana ako." Napayuko ako at naramdaman ko naman nang matigilan siya.
Naramdaman ko na parang may gusto pa sana siyang sabihin nang biglang sumingit si Zarah.
"Bumaba na kayo diyan. Pupunta daw tayo sa Ground Hall dahil may importante daw na iaannounce ang namamahala sa Enchanted Academy na si Miss Eva."
Natigilan ako sa sinabi niya. Ano kayang iaannounce ni Miss Eva? May kinalaman kaya yun sakin?
Ilang saglit lang ay tinutungo na namin ang daan papuntang Ground Hall. Doon kasi kami pinagtitipon-tipon kapag may mahahalagang iaannounce ang head ng EA sa amin.
Pagkarating namin sa Ground Hall ay marami agad kaming narinig na bulong-bulongan.
"Tungkol saan daw ba ang announcement ngayon?" Tanong ng babaeng may mahabang buhok.
Speaking of mahaba, namimiss ko na tuloy yung mahaba kong buhok. Ang bagal kasing tumubo e.
"Tungkol daw sa babaeng itinakda." Sagot naman ng isa pang babae.
"Bakit daw?" Tanong ng isa pa.
Tatlo kasi sila ang kasalukuyang nag-uusap. Malapit lang kasi sila sa pwesto namin kaya dinig na dinig namin ang pinag-uusapan nila.
"Natagpuan na daw ang babaeng itinakda."
Biglang nagkatinginan sina Lexa at Zarah.
Hindi namin kasama yung tatlo pa. Kami nina Lexa at Zarah lang kasi ang magkakasabay na pumunta dito.
Natigil ang bulong-bulongan ng biglang magpakita sa stage ang isang babaeng medyo may edad na. Kahit umeedad na si Miss Eva ay hindi pa rin nawawala ang natatangi nitong ganda. She still looks young on her mid 80's. Wag na kayong magtaka kung bakit malakas pa rin si Miss Eva sa kabila ng edad niya. What do you expect? Magic really exists at ang hindi ko lang alam ay kung anong ginagawa ng isang normal na taong kagaya ko sa mundong puno ng magical.
Isang tinig lang ang nagpabalik sa akin sa ulirat.
"Thinking of me again?" Alam ko ang boses na yun pero hindi ko siya nilingon. Nagsenyasan naman ang dalawa at hinayaan ko na lang sila.
Hindi na nakaimik pa ang taong nasa likod ko nang may sumulpot na kontrabida.
"Babe, tara na. Wag ka diyan." Naramdaman ko na lang nang mawala na sa likod ang presensya nila.
"Hindi pa rin kayo nakakapag-usap ni Ford?" Nagulat ako nang biglang lumapit sakin si Lexa at ibinulong iyon. Umiling lang ako saka tinuon sa harap ang paningin.
"Hello to all Enchantress." Nakangiting panimula ni Miss Eva. Biglang lumapit sa kanya ang lahat nang Chant Instructors at bakas din sa kanila ang pagtataka. Wala din siguro silang idea sa biglaang pagpapatawag ni Miss Eva.
Puno ng pagtataka ang mga mukha nila bukod na lang kay Miss Vela na ngayon ay nakangisi.
Bakit kahit malayo si Miss Vela sakin ay nararamdaman ko ang pagtitig niya. Bigla niya akong nginisihan nang magtama ang paningin namin.
Simula nung araw na naganap ang paggawa namin ng potion ay naging weird na si Miss Vela para sakin.
"I know all of you are wondering for this urgent meeting. Yes! It's URGENT, indeed." Talagang diniinan pa ang salitang 'urgent.' Tss! Miss Eva!
"That is because, I have a good news for everyone of us." Nakangiting anunsyo niya.
Nananatiling tahimik ang madla at bakas sa mukha nilang hindi maipinta ang paghihintay sa iaanunsyo ni Miss Eva.
"Hindi ko na papatagalin pa." Sandali niyang inilibot ang kanyang paningin at nang mahanap ang hinahanap ay agad niya itong tinawag. "Miss Samantha Luciana, come up here on stage." Agad na tumayo si Samantha at gusto talaga nito nang atensyon ah? Sa gitna pa talaga dumaan. Grand entrance lang ang peg?
"Hoy! Baka mamatay na yan sa kakatitig mo ah." pang-aasar ni Zarah at naramdaman ko namang may tumawa sa likuran ko. Nandito na pala ang tatlo.
Agad na tumabi si Bretha kay Blue at si Nylo naman ay tumabi kay Lexa. Nasa kaliwa ko kasi si Lexa at nasa kanan ko naman si Zarah.
"Nasaan sina Venus at Elesus?" Tanong ko kay Bretha. Ininguso niya ang stage. "Ayun oh." Ngayon ko lang napansin na nasa stage din pala ang dalawa. Nang magtama ang paningin namin ni Elesus ay nginitian niya ako, samantalang iniwanan naman ako nang makahulugang tingin ni Venus.
Biglang napasinghap ang lahat kaya naagaw nito ang tingin ko at ang mas nakakagulat pa ay nang biglang lumuhod at magbigay galang si Miss Eva maging ang dalawa kay Samantha. Hindi gaya ni Miss Eva, mukhang napipilitan lang ang dalawa, samantalang nakangiti naman si Miss Eva.
Maging ang ibang instructors ay nagulat din sa ginawa nila.
Muli akong nakarinig ng bulong-bulongan.
"Bakit naman lumuhod sila kay Samantha?" Tanong ng isang lalaki.
"Oo nga. Parang mas superior pa siya kesa sa head ah." Pagsang ayon naman ng isa pang kaibigan niya.
Agad tumayo si Miss Eva na sinundan naman nina Venus at Elesus. Napangiwi pa nga si Elesus, samantalang napaface palm naman si Venus.
"Siguro nagtataka kayo kung bakit namin ginawa iyon?" Tanong ni Miss Eva saka pinagmasdan ang hanggang ngayo'y nagtatakang madla. "The reason explains this way..." Hinarap muna niya si Samantha saka ito nginitian bago muling harapin ang madla. "She's the destined girl." dagdag niya na nagpaingay sa lahat. Naramdaman ko agad ang pag alma ng mga kaibigan ko. Parang hindi sila sang ayun sa naging rebelasyon.
"Silent." Agad namang tumahimik ang buong Ground Hall. "Siya ang matagal na nating hinahanap na itinakda. Ang makakapagpabalik sa kaayusan at kaliwanagan ng kastilyo. Siya ang solusyon sa problema nating ito." Bigla niya akong tinignan at nagtaka pa ako sa biglaan niyang pagngiti. Parang may assurance ang ngiti niyang iyon.
Panibagong palaisipan na naman sa akin ito at may panibagong utang ng paliwanag na naman na kailangang ipaliwanag si Miss Eva sa akin.
Biglang kumislap ang bracelet ko at nakita ko nang rumehistro ang gulat sa mukha ni Miss Eva. Nakikita ba niya ang bracelet ko? Pero paano? Akala ko, ako lang ang nakakakita nito?
Iniwas niya ang kanyang paningin at itinuon itong muli sa harap ng madla at muling ngumiti.
"Sa mundo ng mga tao namin siya natagpuan. Unang pasok pa lang niya dito sa pangalawang pagkakataon ay naramdaman ko nang siya nga ang itinakda. Alam ninyo naman na hindi ito ang unang beses na tumungtong siya sa Enchanted Academy. Marami din kaming test na ginawa sa kanya at lahat ng iyon ay nagpapatunay na siya nga ang itinakda." pagpapatuloy niya.
'You're lying.'
Gusto kong sabihin yun pero hindi ko magawa. At teka! Saan naman nanggagaling ang kaisipan kong iyon? Parang may parte sa kaloob-looban ko ang gustong lumabas at umapila sa sinasabi ni Miss Eva. Pero sino naman iyon?
At bakit pakiramdam ko ay may kung anong nagpupumilit na lumabas sa katawan ko? Wala naman sigurong masamang kaluluwa ang pumasok sa akin diba?
'Asiana.'
"Okay ka lang?" Tanong ni Zarah nang bigla akong mapahawak sa ulo ko.
"Oo. Okay lang." Sagot ko saka muling tinuon sa harap ang atensyon. Weird! Para kasing biglang may imaheng nag pop up sa isip ko.
Biglang inabot ni Miss Eva kay Samantha ang mikropono at tinanggap naman ito ng isa.
"Surprise." Nakangising saad nito. "I know, all of you are shocked pero wala e. You have no choice but to accept it. Ako ang babaeng itinakda. Don't worry, I won't fail you, lalo pa't malaki ang gagampanan ko sa mundong ginagalawan nating ito." Biglang napadapo ang paningin niya sa akin saka ako nginisihan.
"Hi dear, Kyla." May kung ano sa boses niya ang hindi ko maintindihan. Don't tell me may binabalak siya? Baka bigla ko na lang siya mahagis sa ere niyan.
Saan mo na naman nakuha ang pagkakapal nang mukha mong yan, Kyla? Hindi mo ba narinig? Siya ang babaeng itinakda. Dapat matakot ka sa kanya dahil malakas ang kapangyarihan niya.
Nakangisi pa rin siya pero sa pagkakataong ito ay nasa madla na ang paningin niya.
"Since I am the destined one at ako din ang magbabalik ng kaliwanagan sa kastilyo at magpapanatili ng kapayapaan sa EA, I want you to give your respect to me by kneeling down."
Biglang lumuhod ang lahat maliban saming magkakaibigan. Nakakaagaw na kami ng atensyon dahil kami na lang ang tanging nakatayo. Not to mention, Ford. Katulad namin, hindi rin siya lumuhod.
Bigla naman silang nagbulong-bulongan at karamihan pa sa mga pinagsasabi nila ay hindi magaganda.
Tulad na lang nito.....
"Ang bastos naman ng magkakaibigan na yan."
"Oo nga. Hindi man lang respituhin ang babaeng itinakda."
"Siguradong mapaparusahan ang mga yan."
Marami pa silang kung ano-anong sinasabi na wala namang katuturan.
"Magkakaibigan nga kayo. Pareho kayong mga walang galang, walang respeto. Hindi ninyo ba nakikita ang mga Enchantress na yan? Nakaluhod na sila't lahat, nakatayo pa rin kayo. At dahil diyan, nararapat lamang na maparusahan kayo." Agad niyang itinapat sa amin ang kanyang kamay at akmang magpapakawala ng kapangyarihan nang biglang isang malakas na hangin ang pumigil sa kanya.
Paglingon ko ay inaatake na siya ng kapangyarihan ni Ford.
"Don't.. You.. Dare.. Hurt.. My.. Friends.. Kahit pa girlfriend kita o kahit ikaw pa ang babaeng itinakda, wala ka pa ring karapatang saktan ang mga kaibigan ko, lalong lalo na si Kyla." Saka siya nagpakawala ng isang malakas na enerhiya na nagpatumba kay Samantha.
Pinukol ni Samantha ng masamang tingin si Ford pero mukhang hindi din magpapatalo ang isa. Nagsukatan pa sila ng masamang tingin. Bigla namang nainis si Samantha at biglang naglaho.
Lumapit si Ford sa amin at bahagya naman akong lumayo sa kanya. Alam kong gusto na niya akong makausap pero hindi pa ako handang harapin siya.
Lumapit ako kina Bretha at nagtangka na naman ulit na lumapit si Ford sa akin na ikinailing ko. Bagsak ang balikat niyang tumalikod sa amin saka lumabas ng Ground Hall.
Lumaylay din ang balikat ko.
"Tara na." Paanyaya ni Bretha at tumango lang ako. Alam ko na ang gagawin niya. Tulad ng kung anong ginagawa niya kapag tinatamad siyang maglakad. Hindi nga ako nagkamali.
Ilang segundo lang ay naramdaman ko na ang biglaan naming paglaho.
Isa sa kakayahan ni Bretha ay ang kakayahang maglaho tulad ng ginawa ni Samantha kanina. Buti na lang at hindi nililimitahan ang paggamit ng kapangyarihan sa loob ng EA kaya malaya nilang nagagamit ang kapangyarihan nila.
Ilang segundo lang ay nasa canteen na kami. Ano pa nga bang aasahan ko? Kapag si Bretha ang nagteteleport ay siguradong canteen ang kababagsakan namin.
At kung minamalas ka nga naman....
"Talagang sinundan ninyo pa kami dito ah." Pang aasar ni Samantha.
Bigla namang umusok ang ilong ng mga kaibigan kong babae.
"Excuse me lang ah, pero kasi canteen to e. Intended for all Enchantress." Biglang singit ni Lexa.
"Ikaw siguro pwede pa, pero yang kasama mo." Sabay tingin sakin. "Mukhang malabo." Nakangising dagdag niya saka humakbang palabas. Pero sandali siyang natigilan sa paglakad saka ako muling hinarap. "If I were you, lulubos-lubusin ko na ang natitirang sandali ko dito sa EA, remember bilang na lang ang araw at darating na ang miyembro ng Chant Organims." Ngumisi muna siya saka nagtuloy tuloy na sa paglabas. Sumunod naman agad ang mga alipores niya sa kanya.
Kinabahan ako dahil hindi basta-bastang pagbabanta yun, para sakin isang pagpapaalala iyon. Malapit na nga talagang dumating ang Chant Organims. Ano nang gagawin ko? Makikiusap ba ako sa kanya na wag niyang ipagkakalat yun sa iba? Dahil halata namang may alam siya.
Natapos ang araw na iyon na binalot ako ng ganoong palaisipan.
Nakatulog ako at......
"Master, master."
Nananaginip lang naman ako diba?
Tama! Panaginip lang nga ito.
"Master, bumangon ka na riyan at kailangan na nating mag ensayo."
***
"Ahh!"
"Uy! Okay ka lang ba?" Tanong ni Zarah. Mahimbing na ang pagkakatulog ni Lexa.
"Oo. Nanaginip lang," sagot ko saka tinanaw ang orasan. Alas dos ng umaga. Seryoso?
Humiga na lang ulit ako.
Pero kakahiga ko pa lang nang may maramdaman akong nagpupumilit lumabas sa katawan ko.
"Hindi ka nananaginip. Ako to, Master. Hindi mo na ba ako naaalala?"
May nagpupumilit talagang lumabas sa katawan ko pero pinilit ko ding makatulog at buti naman nakatulog din ako.
Kinabukasan......

Book Comment (248)

  • avatar
    Kim Yarcia

    💗💗💗

    8d

      0
  • avatar
    Angel Saavedra Gretchen

    mganda sya...

    10d

      0
  • avatar
    Arravela Grace Ebo

    so sad

    12d

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters