logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

Chapter 6: Fight

Hindi siya sumagot.
"Makikipagbalikan ka ba sa kanya?" Tanong ko pero umiwas lang siya ng tingin at hindi pa rin sumasagot.
Mukhang alam ko na.
Tumayo ako na ikinagulat niya.
"Saka mo na lang ako kausapin kapag may sagot ka na." Saka ko siya iniwan.
Bakit ganun? Bakit parang nasasaktan ako? Wala pa naman akong gusto sa kanya diba?
Tama. Wala pa. Ngayong bumalik na ang past niya at mukhang wala na din naman akong laban kasi parang may balak pa siyang balikan ang Samantha na yun.
***
"Ganun na lang yun? Susuko ka na?" Lexa.
"Akala ko ba past is past." Napakunot noo naman si Zarah. Maging sina Bretha, Nylo at Blue ay naghihintay lang nang isasagot ko.
Kasalukuyan kaming nasa canteen ngayon. Tapos na ang practice namin kay Sir Victor at si Miss Violet na lang ang instructor namin sa araw na ito.
Mamayang hapon ay magkakasubukan na daw kaming lahat. Aalamin ang mga kakayahan namin. Kasalukuyan kaming kumakain dito sa canteen nang biglang dumating ang ODDS kasama ang bago o sabihin nating, dating leader nila na si Samantha Luciana.
Bigla silang lumapit samin na pinangunahan naman ng kanilang leader.
"Looks who's here," nang-iinsulto ang tinig ni Samantha habang nakatingin kay Zarah.
"A pathetic, loser pretentious leader," dagdag nito na ikinasama ng aura ni Zarah. Bigla siyang tumayo at hinarap si Samantha.
"Anong sabi mo? Hindi ako nagpapanggap lang and let me tell you." Mas inilapit niya ang mukha niya kay Samantha na ikinailag nang isa. "I am... a better leader...than you." Saka ito itinulak.
"How dare you?" Akmang sasampalin niya sana si Zarah nang pumagitna na ako.
"Wag kang makikialam dito." Saka ako tinulak.
"Ano ba? Wala namang ginagawa si Kyla sa inyo bakit ginugulo ninyo siya?" Sumingit na din si Lexa at maging ang magkapatid ay nakiawat na rin.
Mataman akong tinitigan ni Samantha saka tinaasan ng kilay.
"So, ikaw pala si Kyla? The pathetic b*tch who's trying to steal my man away from me." Saka ako sinampal na ikinagulat ng lahat. Maging ang mga alipores niya ay nakisali na rin.
Sinampal ko din siya na mas lalong nagpaingay sa lahat ng taong nasa canteen.
"HOW... DARE...YOU.. SLAP... MY ... PRETTY.. FACE?" Balak pa sana niyang gumanti ng isang kamay ang pumigil sa kanya.
Napatingin ako sa taong nagmamay ari nito. Bigla niya akong nilapit sa kanya saka sinamaan ng tingin si Samantha.
"You.. Are.. Not.. To.. Hurt.. This.. Girl.. Again.." Madiin at may galit na saad niya.
"Siya ang nanakit sakin. Bakit siya ang kinakampihan mo? Ako ang girlfriend mo."
Nagulat ako sa sinabi nito at wala sa sariling napalayo kay Ford. Umalis ako sa canteen at iniwan silang tumatawag sa pangalan ko.
"D*mn." Napaluhod ako at hinayaan ang sariling umiyak.
Nakita kong kumislap ang kwintas ko na ikinataka ko. Mas lalo pa akong nagtaka sa sunod na mga nangyari.
And the next thing I knew? Everything went black.
                        "Elesus POV"
Nakita kong tumakbo si Kyla papunta sa garden. Akmang hahabulin na siya ni Ford nang muli na namang sumubok pumigil si Samantha sa kanya.
Napailing na lang ako at wala sa sariling sinundan ang babaeng mahal ko.
Yeah. That girl. That destined girl! Mahal ko siya. Una pa lang, minahal ko na siya. Kahit noong nasa mundo nang mga tao pa lang kami. I know her. Matagal na.
Pero mukhang huli na ang lahat para umamin pa ako sa kanya.
How she react earlier. How she ran away nang malaman na girlfriend ni Ford si Samantha. It d*mn hurts. I know it hurts. Dahil pareho lang kaming nasasaktan ngayon. Siya nasasaktan sa isa at ako sa kanya.
Naabutan ko siyang umiiyak at kita ko ang galit sa kanya. Kumuyom ang kamao niya at kumislap din ang kanyang kwintas. Hindi na ako nagulat pa sa mga sumunod na nangyari.
Napalibutan siya ng makapal na liwanag at nakapalibot din sa kanya ang mga paru parung kasama ng kapangyarihan niya.
May idea na ako sa kayang gawin ng kapangyarihan niya pero kung hanggang saan ang kaya nito ay hindi ko alam.
Isa lang ang alam ko. Siya ang itinakda at isang bagay na sigurado ako ay ang protektahan siya. Sa abot ng aking makakaya.
Agad ko siyang dinala sa clinic. Nagtanong pa ang nurse dahil bakit panay daw ang balik niya sa clinic. Sinabi ko na lang na nawalan ng malay at ginamit kong dahilan ay ang practice nila.
Sandali ko siyang iniwan sa clinic at agad tinungo ang isa pang tao na walang ibang hangad kundi ang protektahan siya. Ang protektahan ang itinakda.
Kumatok muna ako ng dalawang beses saka ko narinig ang salitang...
"Pasok." Boses ni Miss Eva na inaasahan ko na naman.
Naabutan kong nag aayos ng papeles si Venus sa loob. Agad akong kumuha ng upuan saka umupo.
"Mukhang may importante ka na namang itatala," seryosong saad ni Miss Eva.
Napatigil sa ginagawa si Venus saka umupo sa upuang katabi ko.
Agad akong napaharap kay Miss Eva saka ito tinitigan ng seryoso.
"I'm trying to protect her power and identity," panimula ko na mukhang nagpakuha ng interes nilang pareho. "But, I failed." dagdag ko pa na nagpabahala sa kanila.
"What do you mean you failed?" Miss Eva.
"Her emotions empowered her. Dahil sa emosyon niya ay nakawala ang kapangyarihan niya sa pagkakalocked ko nito."
Ako ang dahilan kung bakit hindi umiilaw ang kwintas ni Kyla. May nilagay akong pananggala dito para hindi malaman ng lahat na may kapangyarihan siya.
"I've tried so many tactics already. Pero laging nakakalusot ang kapangyarihan niya."
"Ibig mong sabihin, ilang beses nang nagpaparamdam ang kapangyarihan niya?" Venus.
Tumango ako.
"Unang beses ay yung muntikan na siyang lumagpas sa linyang nilagay natin para hindi makalapit sa kastilyo. Nasundan pa yun at ang mas malala, ay ang kanina. Pero alam kung hindi lang yun ang kaya niyang ipakita." Mahabang paliwanag ko.
"Ano nang gagawin natin ngayon, Miss Eva?" Nag aalalang tanong ni Venus. Malalim naman ang naging buntong hininga ni Miss Eva.
"We have no choice but to make sure na hinding hindi na ulit magpapakita ang kapangyarihan niya." Napakunot noo kami sa tinuran ni Miss Eva.
"If we need to get rid of her power, then let's do i------what's that?" Agad kaming napatayo dahil sa ingay na narinig namin.
"Sh*t! May nakarinig satin." Venus.
Nagkatinginan naman kaming dalawa ni Miss Eva.
[Back to Kyla's Point of View]
"My Master, pwede na po tayong mag ensayo ulit."
Kinuha kong muli ang espada ko saka pilit na tumayo.
Pumikit ako at naramdaman ko na lang ang kakaibang boltaheng lumabas hindi lang sa kwintas ko kundi maging sa katawan ko.
"My Master. You did it again."
Ngumiti ako.
"Thanks to you, Asiana."
Biglang may pumasok.
"Good shot, my baby."
***
"Ahh." Nasapo ko ang noo ko dahil sa sakit nito.
Naramdaman ko agad ang nurse na lumapit sa pwesto ko.
"Okay ka lang ba, iha?" tanong nito.
"Opo," sagot ko para hindi na siya mag alala pa.
Bakit ba ang hilig kong bumalik sa clinic na to?
"Okay na po ako. Pwede na po ba akong lumabas?" Magalang na tanong ko saka inilibot ang paningin.
Wala ang mga kaibigan ko dito. Wala din akong masyadong maalala kundi ang nangyari bago ako mawalan ng malay.
May girlfriend na si Ford at ang mas malala ay hindi man lang niya iyon agad sinabi sakin. Baka naman kaya hindi niya ako masagot kanina. Kasi sila na pala. Mukhang maling tanong pa ata ang natanong ko.
Pero totoo bang kumislap ang kwintas ko kanina? Pero imposible ata yun. Normal na tao lang naman ako. Parati ko na lang napagkakamalang may kislap ang kwintas ko kahit ang totoo ay sobrang imposible nun.
At ang panaginip ko. Bakit ganun? Sino ang master na tumatawag sakin sa panaginip ko? At ano ang ibig sabihin ng panaginip kong yun? Bakit kahit sa panaginip ay napakamagical din nito?
Hay! Hindi ko na alam. Ang dami kong tanong pero hindi ko naman alam kung paano mabibigyan ng kasagutan.
Si Miss Eva sana. Kaya lang, hanggang ngayon ay palaisipan pa rin sakin ang mga sinabi niya nung huli naming kita.
Ilang minuto pa ay nagdesisyon na akong umalis sa clinic. Sa dorm na lang ako dederitsu.
Akmang bubuksan ko na sana ang pintuan sa dorm nang may humila sa kamay ko.
Pag angat ko ng tingin ay nasalubong ko agad ang kanyang paningin. Wala sa sarili akong napalayo sa kanya.
"Ang sakit din pala kapag nilalayo mo ang sarili mo sa akin," aniya. May himig ng lungkot ang kanyang boses.
Hindi ko siya pinansin at tinuon sa iba ang paningin.
"Hayaan mong magpaliwanag ako."
Naiwasiwas ko bigla ang kamay niya nang magtangka na naman siyang hawakan ako.
"Please lang," pagsusumamo ko. "Wag mo na lang muna akong kausapin. Palagi na lang kasi e." Biglang gumaralgal ang tinig ko. "Tuwing nagkikita tayo, yan na lang ba ang sasabihin mo? Hayaan mo akong magpaliwanag? Ang sakit din kasi e. Hindi ko nga alam kung bakit ako nasasaktan, e wala naman tayong relasyon. Alam ko wala akong karapatang magalit pero kasi...." Sandali akong humugot ng hininga saka nagpatuloy. "Kanina lang tayo nag usap diba? Sabi mo kanina nakikipagbalikan siya sa'yo. Tinanong kita kung makikipagbalikan ka ba sa kanya, pero hindi ka sumagot. At ngayon malalaman ko na lang na kayo na pala?" Naramdaman kong tutulo na ang luha ko anomang oras kaya dali dali kong binuksan ang pintuan saka doon tuluyang napahagulgol.
Hindi ko na siya tinanaw pa sa bintana. Umalis ba siya o nanatili? Hindi ko alam.
Biglang bumukas ang pintuan at agad akong niyakap nina Lexa at Zarah.
"Tahan na. Nandito lang kami."
Mas lalo lang akong napaiyak sa kanila.
"Magpapahinga muna ako." Walang emosyon kong sambit saka sila iniwan sa sala at pumasok sa kwarto.
                              "Zarah's POV"
Nang makapasok si Kyla sa loob ng kwarto ay napailing na lang kami ni Lexa sa kanya.
"Grabe. Ang lamig niya ah." Lexa.
Napabuntong hininga na lang ako. Akmang aalis na sana ako sa pwesto ko kung saan niyakap namin si Kyla kanina nang mapatigil ako sa isang matigas na bagay. Napako ang atensyon ko doon at napakunot noo.
"Lexa, halika nga dito." Bigla naman siyang lumapit sakin.
"Baki-----ano yan?" Gulat na tanong niya nang mapadapo din sa bagay na iyon ang kanyang atensyon.
Agad kong kinapa ang matigas na bagay sa sahig.
"Tubig?" Takang tanong ni Lexa nang mapansin ang bagay na kinuha ko.
"Umiyak ka ba?" dagdag tanong niya. Umiling lang ako.
"Hindi din naman ako umiyak.. Sino ba ang----teka!" Napatigil siya nang may mapagtanto at mukhang pareho na kami nang iniisip ngayon.
"Biglang naging bato ang luha ni Kyla... Ibig sabihin siya ang...."
"Itinakda." Ako na ang nagpatuloy nang sasabihin sana ni Lexa.
Ang tagal naming naghintay. Ikaw lang pala!
Wala sa sarili akong napangiti.
Sa wakas.. Babalik na rin ang maliwanag na buhay nang kastilyo.
Salamat sa pagdating mo Kyla.

Book Comment (248)

  • avatar
    Kim Yarcia

    💗💗💗

    8d

      0
  • avatar
    Angel Saavedra Gretchen

    mganda sya...

    10d

      0
  • avatar
    Arravela Grace Ebo

    so sad

    12d

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters