logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

Chapter 2: Empty Trademark

Panibagong araw. Panibagong kaganapan. Nandito ako ngayon sa dormitoryo at kumakain kasama si Lexa. Hindi na naman namin naabutan si Zarah. Minsan lang talaga kami nagkakasabay kahit nasa isang dormitoryo lang naman kami.
"Masyadong busy naman ata ng pinsan mo?" Kinakain na naman ako ng kuryosidad.
Paano ko nga ba makakalimutan na minsan na akong muntik mapahamak dahil sa kuryosidad na yan.
"Ewan ko ba dun. Masyadong abala, hindi ko nga alam kung anong pinagagawa nun sa buhay." Kinuha niya ang natitirang fries na nasa pinggan ko. Sinamaan ko siya ng tingin at nagpeace sign lang ang loka.
"Teka." Tatayo na sana ako ng pigilan niya ako. Binigyan ko lang siya ng nagtatanong na tingin. "Anong ginagawa mo?" Takang tanong ko sa kanya ng bigla niyang hubarin ang kalahati ng damit niya. "Pakitignan naman kung anong simbolo yung nasa likod ko oh." Tumalikod siya. Pinagmasdan ko ang isang babaeng may hawak ng pana at mayroong korona sa kanyang ulo. Napansin ko din na parang may espada sa magkabilang balikat niya.
'Mayroong pagkakatulad ang simbolo niya sa simbolo ni Nylo.'
"Nakita mo na ba?" Agad kong tinakpan ang kanyang likod. "Oo." Maikling tugon ko.
"Bakit ka nakangisi?" Kinakabahang tanong niya at hindi ko naman maiwasang hindi matawa. "Sabihin mona nga. Puro ka tawa diyan eh."
Sandali kong kinalma ang sarili ko at agad sinabi sa kanya ang kanyang simbolo.
May kinuha siya sa kanyang kabinet at pagbalik ay may dala na siyang libro. May hinahagilap siya at nang makita niya ay...
"Ito ba yun?" Tinuro niya ang babae sa libro na kung saan katulad na katulad din ng kanyang simbolo. Dahan dahan akong tumango.
"Bow combat ang tawag sa kapangyarihan ko at isa akong Blade Pilate na Enchanter." Nakangiting aniya. "Ano naman ang kayang gawin ng kapangyarihan mo?" May halong excitement na tanong ko.
'Ako kaya? Ano kaya yung simbolo ko? Nakakaexcite naman.'
"Hindi ko alam." Itinuon ulit niya sa libro ang kanyang atensyon. "Pero ayun sa nabasa ko, kaya daw nitong tamaan ng arrow ang kalaban kahit gaano man ito kalayo." Sagot niya at pinagmasdan ako ng maigi.
"Check natin yung sa'yo." May galak na aniya. Dahil sa excited din ako ay pinatignan ko nga ito sa kanya.
--------------
"Miss Louisses." Napabalik ako sa wisyo ng biglang isigaw ni Miss Violet ang pangalan ko. "Are you okay?" May halong pag aalala ang kanyang tono. "Yes Miss. Sorry." Tumango lang ito at nagpatuloy sa pagdidiskusyon.
Agad akong tinapik ni Lexa. "Okay ka lang ba?" Dahan dahan lang akong tumango. "Iniisip mo pa rin ba yung kanina?" Nag aalalang tanong niya.
Hindi ko naman gusto na pag alalahanin siya pero hindi ko lang talaga lubos na maintindihan. Bakit wala akong simbolo? Natatakot akong malaman ito ng lahat, ano kaya yung mangyayari sakin kapag nalaman nila na wala naman pala akong simbolo? Na isa lang akong normal na tao?
"Wag mo kasi ako masyadong isipin." Nabaling sa katabi ko ang aking atensyon. Nakangisi ako nitong hinarap. Ang kapal naman ng pagmumukha ng mokong na to. Mas makapal pa ata kesa sa libro. "Ano bang pinagsasabi mo diyan?" Inis na tanong ko. Imbis na sagutin ay nginisihan lang ako nito.
Hindi kona lang siya pinansin at itinuon na lang sa harap ang aking paningin.
"Okay class, ngayon na natin tatanggalin ang sealed sa mga kwintas ninyo." May hinalungkat si Miss Violet sa kanyang mga gamit at pagharap niya ay may hawak hawak na siyang magical stick. Iniharap niya ito sa amin at biglaang lumiwanag ang paligid. Napapikit ako sa sobrang liwanag nito. Unti unti kong idinilat ang aking mga mata at pinagmasdan ang nagagalak sa tuwa kong mga kaklase.
"Lahat ba kayo dito ay umilaw na ang mga kwintas?" Tanong ni Miss Violet.
May isang babae ang nagtaas ng kanyang kamay. Si Bretha.
"Miss, hindi pa po umiilaw ang kwintas ko." Malungkot na aniya. "Bukod kay Miss Adams, meron pa ba dito ang hindi pa umiilaw ang kanilang kwintas?" Tanong ni Miss at nababahala ako sa pagiging seryoso ng kanyang tono. Agad kong pinagmasdan ang kwintas ko. Wala din itong ilaw, maging ang bracelet ko.
Itinaas ko ang aking kamay. "Yes Miss Louisses?" Tanong ni Miss. "Wala pa din pong ilaw ang kwintas ko." Magalang na sagot ko. Naramdaman ko naman ang paglingon ni Ford at narinig kona lang ang pagbuntong hininga ni Lexa. Kaming dalawa lang ang may alam kung bakit wala pa din itong ilaw. Dahil normal na tao lang ako at alam ko sa sarili ko na guni guni ko lang yung naramdaman kong boltahe.
"Okay, all of you except kina Miss Louisses at Miss Adams ay magpapractice nang gamitin ang kapangyarihan ninyo bukas." Sandali siyang tumigil at may inalala. "But before that, kailangan bukas malaman niyo na kung saang Enchanter kayo nabibilang. That would be based on your symbols. All of you should join a group based on the symbols that you have."
Palakad lakad si Miss habang nagpapaliwanag. Lahat ba talaga ng mga Chant Instructor mahilig mag ikot ikot habang nagsasalita? Ako yung nahihilo sa kanila eh.
"After checking your symbols you can go to Chant Wall and sign up kung saan nababase ang simbolo ninyo."
Matapos magpaliwanag ni Miss Violet ay dinismiss na niya kami. One hour vacant again.
Napabuntong hininga na lang ako habang inaayos ko ang gamit ko. Pinauna kona si Lexa para makapag sign up na siya. Ako na lang at si Bretha ang naiwan dito sa room ngayon.
Nakikita ko sa peripheral vision ko ang paglapit niya.
"So, wala din palang ilaw ang kwintas mo?" Tanong niya at tumango lang ako. "Alam mo I don't have close friends here, unlike you. You're friends with Lexa and mukhang pati si Ford ay kaibigan mona din." Mahabang litanya niya na ikinangiwi ko.
"We're not friends." Simpleng sagot ko.
Narinig ko naman ang pagtawa niya. "Tingin ko nga may gusto yun sa'yo eh." Sagot niya na ikinabilog ng mata ko.
"Seriously?" Hindi makapaniwalang tanong ko. Nginisihan lang niya ako. "Seriously."
"So, can we be friends?" Saglit ko pang pinagmasdan ang kamay niya bago ko ito tinanggap at nginitian siya.
"By the way, I'm Bretha Adams."
"Chant Kyla Louisses."
Pagpapakilala ko din.
Nang makarating sa Chant Wall ay naabutan kong patapos na si Lexa. Agad ko siyang nilapitan.
"Tapos ka na?" Tanong ko. Nakangiti naman siyang tumango at pinagmasdan ang katabi ko.
"Lexa, si Bretha nga pala.". Pagpapakilala ko.
"Hi." Agad naman silang nagpakilala sa isa't isa.
"May thirty minutes pa tayo. Tara sa canteen?" Tumango lang kami ni Bretha.
                            "Ford's POV"
Kakatapos lang ng first part ng klase namin kay Miss Violet at tulad ng sinabi niya kahapon, pumunta na ako sa sa Chant Wall at inilista ang pangalan ko. Sa grupo ako ng mga Cubes Warrior. Frozen diamond ang simbolo ko at Ice water blended ang kapangyarihan ko. I can be as cold as demon. I can freeze you in just a short moment of time and I also have magic mixed with water. I can easily control water. Hindi naman ito ang first time kong gagamitin ang kapangyarihan ko.
Matapos naming pumuntang lahat sa Chant Wall ay dumeritsu na kami sa Ground Chanted para simulan na ang pag eensayo. Ito ang second part ng klase ngayon ni Miss Violet.
Mag iisang oras na kaming nag eensayo dito. Inikot ko ang aking paningin nang eksaktong tumama ito kay Kyla. Hindi man siya nakatingin ay nasisigurado ko pa rin ang lungkot na naroon sa kanyang mga mata. Nanonood lamang silang dalawa ni Bretha sa aming mga nag eensayo.
Hanggang ngayon ay napapaisip pa rin ako kung bakit hindi pa rin umiilaw ang kanyang kwintas tulad ng sinabi niya kahapon. Buong gabi ay yun lang ang naiisip ko.
"Ford, saan ka pupunta? Hindi pa tayo tapos sa pag eensayo." Tanong ng matalik kong kaibigan na si Sig.
"Sa library." Akmang aalis na ako ng sumunod siyang bigla. "Anong gagawin mo sa library?" Takang tanong niya. "Basta." Sagot kona lang at basta na lang siyang iniwan. Saglit ko pang tinanaw si Kyla bago tuluyang nilisan ang lugar.
Nang makarating sa library ay agad kong hinanap ang librong may pamagat na 'Libretto.' Isang librong punong puno ng magical. All books here are actually all about magic. Pero ang Libretto ay hindi lamang basta basta magic ang nilalaman. Kapag may mga tanong kang gustong mabigyan ng kasagutan, madalas sa Libretto mo lamang ito makikita.
Hinanap ko ang pwedeng maging dahilan kung bakit hindi pa rin umiilaw ang kwintas ng isang Enchantress.
Enchantress ang tawag sa aming mga nag aaral sa Enchanted Academy. Chant Instructor naman ang tawag sa mga nagtuturo sa amin.
Saglit akong natigilan nang may mabasang hindi inaasahan.
"Three reasons why you can't let the necklace shine"
1. The owner of a necklace is just simply a human being.
Reason: If the owner of a necklace is just a normal being and that person doesn't have any magical lineage that runs through his/her blood, it will really be impossible for that person to make the necklace shine.
2. The time haven't permit it yet.
Reason: An Enchantress can start making their necklace shine at the age of ten years old. You will already knew if that child was an Enchantress if the necklace you gave to that child shines the moment he/she receives it. You will be experiencing the three stages wherein your necklace will shine before you could finally find out if you are trully an Enchantress. First lighting of your necklace will be the moment you received it. Second will be the moment you become Seventeen and the last will be the moment you enter Enchanted Academy: A school for all who borns with a magic. If you're already done with those stages but haven't make your necklace shine, then consider the first reason. You are just a normal human being and not an Enchantress.
3. You are curse by someone or maybe you are being protected by someone.
Reason: Someone might have put a magic curse or a protective curse in your necklace.
Saan kaya sa tatlong dahilang ito ang rasun kung bakit hindi pa rin umiilaw ang kwintas ni Kyla? Posible kaya yung una? Pero ano naman ang dahilan nila para pagpanggaping isang Enchantress ang isa lamang normal na tao?
Umalis ako sa library na yun ng may malalim na iniisip. Nang makita si Kyla ay agad ko siyang hinigit.
"Aray ano ba?" Reklamo niya. "Nasasaktan ako." Dagdag niya kaya agad kong niluwagan pero hindi ko pa rin siya binibitawan.
Nilayo ko siya sa maraming Enchanters at marahang iniharap sa akin. Nasalubong ko agad ang masamang tingin niya.
"Ano ba ang problema mo? Bakit bigla bigla kana lang nanghihila diyan?" Malakas na sigaw niya kaya agad kong tinakpan ang bibig niya.
"Wag ka ngang sumigaw." Mahina ngunit naiinis na saad ko at agad inalis ang kamay kong nakatakip sa bibig niya.
"Bakit mo ba kasi ako hinila?" Sandali siyang lumingon sa paligid at mataman akong pinakatitigan. "At talagang sa wala pang makakakita ah? Anong binabalak mo? Siguro may masama kang balak noh?"
"Pwede ba?" Inis na saad ko. "May gusto lang akong linawin kaya kita hinila dito."
Parang hindi pa siya makapaniwala nung una pero buti na lang at nakumbinse ko din siya.
"Magsabi ka nga ng totoo." Pinakatitigan ko siya ng seryoso. "Hindi ka totoong Enchantress noh?" Nakita ko nang magulat siya at para pang nabahala. "Isa ka lang normal na tao." This time hindi na yun tanong at ang kaninang matapang niyang aura ay biglang nagbago. Parang naging kabado.
Siya naman ngayon ang nanghila sakin.
"Wag mong sasabihin please." Nakita ko ang pagsusumamo niya.
"So, totoo nga?" Seryosong tanong ko.
Nagulat ako nang bigla siyang umiyak. At ang mas ikinagulat ko ay ang biglaang pagbabago ng nararamdaman ko. Parang sa isang iglap gusto ko siyang protektahan. Parang sa isang iglap gusto ko siyang lapitan, yakapin at punasan ang kanyang mga luha.
'Ano ba tong nararamdaman ko?'
Hindi ko alam kung anong nangyari bigla. Basta nakikita kona lang ang sarili kong walang dudang lumapit at yumakap sa kanya.
"Shh." Pagpapatahan ko sa kanya. "Wag kang mag alala. Hindi ko sasabihin."
Ilang minuto din kaming nasa ganung sitwasyon nang maisipan na naming bumalik. Sa room na agad kami dumeritsu dahil paniguradong tapos na ang pag eensayo at bagong instructor na naman ang aming kahaharapin.
Hindi ko inalintana ang mga matang nakatingin sa amin habang papasok sa klase. Agad na naupo si Kyla sa tabi ko. Magkatabi naman kaming talaga. Nang magtama ang paningin naming dalawa ay nginitian niya ako. Wala nang kahit anong bakas nang pag iyak ang kanyang mukha.
"Hoy." Agad akong napalingon kay Sig sa biglaang pagbulong niya. Lumapit pa talaga ang langya para lang mang asar.
"Saan kayo nanggaling ha?" Pang aasar niya at saglit na sinulyapan si Kyla bago ako nilingong muli. "Anong ginawa ninyo? Siguro?..."
Agad ko siyang binatukan dahil siguradong kalabastugan na naman ang iniisip ng mokong na to. Isigro Lemuel. Tsk!
"Nag usap lang kami."
Aasarin pa niya sana ako buti na lang dumating na si Sir Victor. Meron nga pala siyang inatas sa amin nung nakaraan, na kailangan makagawa na kami ng sarili naming magic tricks.
"Good day Enchantress." Bati ni Sir.
"Good day to you too, Sir Victor." Bati naming lahat.
"Since kakaensayo niyo pa lang sa inyong mga magic, I will move the task next week. Next week na lang kayo gagawa ng sarili ninyong magic tricks." Saad ni Sir at marami na agad ang nagreklamo.
"Sir naman, kung kailan nakaensayo na kami tsaka niyo pa imomove ang task." Anang masungit kong kaklase na si Elisa.
"Oo nga Sir."
"Excited na kami Sir eh."
"Ngayon na lang Sir."
"Enchantress quiet." Kaya agad ding tumahimik. Takot siguro na masampulan.
"I have two reasons here why the task will be moved next week." Panimula ni Sir. Nakinig lang din naman kaming lahat. "First, siguradong napagod kayo kaya hindi kayo makakagawa ng magandang tricks. Second, nakarating sakin ang balitang meron pa kayong dalawang kaklase ang hindi pa umiilaw ang kanilang kwintas." Inikot ikot ni Sir ang kanyang paningin at mukhang may hinahanap. "Where's Miss Louisses and Miss Adams?" Tanong ni Sir at agad namang tumayo si Bretha kasunod si Kyla.
"The two of you, I need to discuss some stuffs with you later. Pagkatapos nang klase ko ay sumunod kayo agad sakin." Tumango muna ang dalawa bago umupo. "Since the task will be moved, I will give you another task to do to be perform today." Saglit na tumigil si Sir at parang may iniisip.
"Put your name on a small sheet of paper." Kaya agad naming sinunod ang habilin ni Sir. "When you are done, kindly pass it to me here in front." Ipinasa agad namin ito sa harap at gulat kami nang sa isang iglap ay biglang inisnap ni Sir Victor ang kanyang kamay at ang kaninang papel na may mga pangalan namin ay nagkaroon na nang ibang kulay. Bigla itong kumislap.
"Now I have grouped you into three." Agad lumutang sa ere ang aming mga papel at nakasulat na agad doon kung sino ang aming magiging kagrupo. "The task that you will be doing today is that, you need to make a Cherry blossom using your magic. Your grade will be according to the blossom that you will be making." Agad naghiyawan ang mga kaklase ko. Naeexcite siguro. "But I have a reminder here, make sure hindi lang basta bastang blossom ang gagawin ninyo. Because the task that you are going to make today, will be connected to the task that you are going to make next week."
"Maybe some of you are wondering why I grouped you into three kahit may kinalaman naman ito sa gagawin ninyong task next week. The reason explains this way, I want to see you work as a team. You need to create a Cherry Blossom that can be a potion at the same time." Marami pang ipinaliwanag si Sir bago inanunsyo ang magkakagrupo.
"Elisa Victorina, Bretha Adams and Noel Liopardo. Kayo ang magkagrupo." Agad tumayo si Elisa, Bretha at Noel at naghanap nang sariling pwesto.
"Miguel Sanchez, Ana Haskel and Gwen Nirrah. Kayo ang magkakagrupo." Tumayo din sina Miguel, Ana at Gwen.
"Ford Liston, Kyla Louisses and Lexa Fortes. Kayo ang magkakagrupo."
Nakita kong tumayo si Kyla ganun din si Lexa kaya tumayo na din ako.
"Sir Vic." Tawag ni Lexa.
"Yes, Ms. Fortes?"
"Pwede po bang sa labas na lang kami? Para po mas makafocus kami sa aming gagawin?" Magalang nitong tanong.
"Sige, but you need to be here after thirty minutes to perform the task."
"Yes, Sir." Sagot naming tatlo bago lumabas.

Book Comment (247)

  • avatar
    Kim Yarcia

    💗💗💗

    9d

      0
  • avatar
    Arravela Grace Ebo

    so sad

    13d

      0
  • avatar

    wow

    25d

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters