logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

Chapter 11: Her Absence

           "Lexa's POV"
"Nakakamiss din pala ang isang yun no!" Nakabusangot na saad ng pinsan ko.
"Oo nga. Walang away." Pareho naming sinamaan ng tingin si Bretha. "Ibig kong sabihin... She's a way.. Oo. Yun nga! Hehe. Nakakalungkot kasi she's a way." Palusot pa nito.
Dalawang araw nang wala si Kyla. Sabi ni Miss Eva ay binisita daw niya ang papa niya sa mundo ng mga mortal.
Kasalukuyan kami nasa canteen ngayon na magkakaibigan, kasama na rin doon si Ford syempre. Nakabusangot nga ngayon e. Missing in action kasi ang love of his life.
"Kumain ka na nga. Babalik din yun pare." Saad ng kaibigan niyang si Sig. Oo nga pala. Kasama na rin namin ang isang to ngayon.
"Aalis muna ako." Paalam ni Ford at hindi na hinintay pa ang isasagot namin. Hays! Kawawa naman siya.
Napatingin ako bigla kina Bretha at Blue. Mukhang nagkakamabutihan na ata ang dalawang to ah.
"Tigilan mo na nga ako. Kanina ka pa e." Napalingon kami kina Sig. Kasalukuyan siyang kinukulit ngayon ng magaling kong pinsan. "Patingin nga ako. Gusto ko lang namang malaman kung malaki e." Nanlaki ang mata namin sa sinabing yun ng pinsan ko.
Bigla siyang napatingin sa amin.
"Oh! Ba't ganyan ang mga reaksyon ninyo?" kunot noong tanong niya at natawa nang may mapagtanto. "Haha. Pinipilit ko kasi siyang pahiramin ako ng litrato nung bear. Gusto ko kasing malaman kung malaki ba o hindi. Balak ko kasi sanang hingin sa kanya." Para naman kaming nakahinga ng maluwag sa paliwanag niya.
***
"Uy! Si Samantha oh!" Tinuro ni Bretha ang papalapit sa amin na si Samantha.
"Look who's here." May sinilip siya sa likuran namin. "Mukhang kulang ata kayo." Kami lang kasi ni Bretha ang magkasama ngayon. Papunta na dapat kami sa Chant Wall para tignan ang announcement nang bigla namang sumulpot ang isang to.
"Buti nga kaming dalawa lang ang makakaharap mo e." Matapang na sambit ni Bretha.
"Uh! So, akala ninyo naman hindi ko kayo kaya kapag kompleto kayo?" Bigla na lang siyang tumawa. "Kahit magsama-sama pa kayong lahat, hindi ninyo ako kaya. Remember, ako ang babaeng itinakda." Mapagmalaki ang tonong saad niya.
Humakbang ako palapit sa kanya at ngayon ay magkapantay na lang kami.
"Kung ikaw nga ang itinakda, bakit hanggang ngayon hindi pa rin bumabalik sa dati ang kastilyo?" Napangisi ako nang matigilan siya. Sige lang! Magpanggap ka lang. Akala siguro niya, hindi nasabi sa amin ni Kyla ang totoo bago siya umalis.
Kahit nga hindi sabihin ni Kyla na siya ang totoong itinakda, may ideya na din naman kami e. Kumpirmasyon na lang ang kailangan, pero hindi na yun mahalaga ngayon. Kompirmado na e.
"D-dahil hindi pa ito ang tamang panahon. May kailangan pa akong gawin bago tuluyang lumiwanag muli ang kastilyo at bumalik sa kaayusan ang lahat." paliwanag pa niya.
"Pathetic," bulong ni Bretha na mukhang narinig naman niya. Buti nga! Para tagos sa puso.
"Anong sabi mo?" Galit na tanong ni Samantha at biglang nagpalabas ng enerhiya.
Umilaw ang kwintas ni Samantha, pinailaw din ni Bretha ang kwintas niya.
"Kaya ko na to." Bulong ni Bretha sa akin at sumenyas na lumayo ako ng konti na ginawa ko naman.
"Tignan natin kung hanggang saan ang kaya mo. Ang lakas ng loob mong kalabanin ang itinakda."
"Dami pang dada," asik ni Bretha saka naunang sumugod.
Bigla namang lumapit ang ilan sa amin. Mayroong natigilan sa ginagawa at nakiusyuso na rin. I'm not aware na mahilig pala sa chismiss ang mga Enchantress.
Agad na napalibutan ng asul na liwanag ang dalawa. Mukhang gumamit ng keeper energy si Samantha para walang makialam sa laban nila.
Keeper energy ang tawag sa enerhiyang nilalabas mo kapag gusto mong kayo lang ang nakakalaban at ayaw mong may makialam na iba.
Medyo nadidihado na rin si Bretha dahil kontrolado ni Samantha ang paglabas niya. Hindi siya makakaalis, unless kung si Samantha mismo ang magpalabas sa kanya.
Akmang pakikialaman ko na sana sila nang bigla na lang mawala ang asul na enerhiya. Biglang bumagsak si Bretha. Agad ko siyang dinaluhan.
Hindi masyado kita sa labas ang laban na nagaganap kapag nagamitan ka ng keeper energy. Kaya ganito ngayon ang pagtataka ko sa sinapit niya. Ano kaya ang ginawa ng impostor na yun sa kanya?
***
"Kumusta na siya?" Nasa clinic kami ng dumating ang iba pa naming mga kaibigan.
"Hindi pa rin siya nagigising." Matamlay kong sagot. Gusto kong sisihin ang sarili ko. Wala akong nagawa para sa kanya.
"Ano ba kasi ang nangyari?" Nag aalalang tanong ni Blue. Kompleto kaming lahat, maging si Ford ay nandito na rin bukod syempre sa isa pang wala.
Kinuwento ko sa kanila ang nangyari.
"That b*tch." Gigil na gigil ang pinsan ko ngayon.
"Wag ka ngang magsasalita ng ganyan. Baka marinig ka nun. Siya pa rin ang babaeng itinakda." Suway ni Sig sa kanya.
Oo nga pala. Kami ng pinsan ko at ni Bretha pa lang ang may alam ng totoo. Mas pinili kasi ni Kyla na sa amin muna sabihin ang totoo. Saka na lang daw sa iba kapag nakabalik na siya.
Ang sabi naman niya, tatlong araw lang daw siya doon. Kaya siguradong bukas ay nandito na rin yun.
Isang oras pa ang itinagal namin sa clinic. Nagpapalit-palit lang kami nang pagbabantay kay Bretha. Hindi pa rin kasi siya nagigising hanggang ngayon. Mukhang naubos daw ang enerhiya niya.
Ilang minuto lang ay uwian na. Nang madismiss ay agad kong inayos ang mga gamit ko. Nauna akong bumalik sa clinic at pagdating ko ay gising na siya. Ilang saglit lang din ay dumating na ang iba pa sa kanila.
Agad na tumabi si Blue sa kanya.
"Kumusta na ang pakiramdam mo?" Tanong nito sa kanya.
"Okay na." Nakangiting sagot niya pero inalalayan pa rin siya ni Blue. How sweet!
"Sorry." Paumanhin ko sa kanya. Pakiramdam ko talaga kasalanan ko kung bakit sinapit niya iyon e.
"Ano ka ba? Wala kang kasalanan." Niyakap niya ako. "Hindi ko lang talaga nagustuhan yung mga sinabi niya kaya napuno ako. Dahil sa inis, naubos ko agad yung lakas ko dahilan para hindi na ako makalaban pa ng gumanti siya."
"Ano ba ang mga sinabi niya?" Tanong ng pinsan ko.
"Hindi na daw makakabalik si Kyla dahil siguradong hinahabol na siya ng mga Prestile Clan. Hindi ko iyon nagustuhan at napuno na ako."
"WHAT?" Napatayo sa gulat si Ford. "Bakit siya hahabulin ng mga ibon na iyon?" takang tanong niya pero ako at ang dalawang babaeng kasama ko ngayon ay alam na ang dahilan.
Narinig ko na nga ang salitang yun. Pero hindi ko alam ang buong istorya. Ang alam ko lang, gusto nilang makuha ang itinakda para magamit sa kasamaan ang kapangyarihan nito. Masyado nga ata talagang makapangyarihan si Kyla, pero natatakot ako. Paano kung sinundan nga siya doon? Pero may tiwala ako sa kanya. May tiwala ako sa babaeng itinakda.
"I don't know." Pagsisinungaling ni Bretha. Nangako kasi kami kay Kyla na wala kaming pagsasabihan dahil ang gusto niya, siya na daw ang magsabi pa sa iba.
Kinabukasan ay kaming dalawa lang ni Zarah ang nagsasalo sa hapag. Pero hindi tulad nung unang araw na umalis siya, ngayon ay masigla na kami. Mamaya kasi babalik na siya.
"Iligpit na natin to." Masiglang aniya kaya niligpit na nga namin ang pinagkainan namin.
Matapos magligpit ay agad akong naligo at nang matapos ay sabay naming tinungo ang klase ng masaya.
                       "Samantha's POV"
"Ano na ang plano mo ngayon?" Tanong ni Teir Yvan. Isa sa miyembro ng ODDS.
"Watch me." Nakangising anas ko saka nagtuloy-tuloy sa paglalakad. Agad kong natanawan ang dalawang babaeng magpinsan na ano pa? Edi, kaibigan ng Kyla'ng yun.
"Teka, anong plano mo?" Pigil sa akin ni Charrie.
"Papatikimin sila." Maikli, ngunit excited kong sagot.
"Paano kapag nakarating kay Kyla yan? Mga kaibigan niya yan ah," saad ni Lizah.
"Hindi mo siya pwedeng kalabanin dahil siya ang totoong itinakda," dagdag naman ni Leziah.
Kita ko ang takot sa kanilang mga mata.
"So? Mas maalam pa rin ako pagdating sa paggamit ng kapangyarihan." Sagot ko.
"Ah basta! Labas na kami diyan." Lizah. Saka nangunang maglakad na sinundan naman ng tatlo.
"Mga duwag," bulong ko saka nagtuloy-tuloy.
"Sisiguraduhin ko na sa oras na bumalik siya, wala na siyang mga kaibigan na maaabutan. Lalo pa't siguradong sa sandaling ito ay nahuli na siya nang mga Prestile, dahilan para hindi na siya muli pang makabalik."
Tumawa ako ng nakakaloko dahilan para mapalingon silang dalawa sa akin. Hinintay naman nila ang paglapit ko.
"Para kang timang diyan. Alam mo ba yun?" Zarah. Tumawa naman ang pinsan niya.
Tignan ko lang kung makatawa pa kayo sa gagawin ko.
Gumamit uli ako ng Keeper Energy para kahit malaman man ng ilan ang gagawin ko, wala silang magagawa kundi ang panoorin ang pagpatay ko sa dalawang to.
Yeah! I made my mind. Tatapusin ko na ang dalawang to. I'll prove to them na mas nakakatakot pa rin ako kesa sa itinakda.

Book Comment (248)

  • avatar
    Kim Yarcia

    💗💗💗

    8d

      0
  • avatar
    Angel Saavedra Gretchen

    mganda sya...

    10d

      0
  • avatar
    Arravela Grace Ebo

    so sad

    12d

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters