logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

Chapter 10: She Knew

Ilang beses ko pang pinilit tinatak sa isip ko na hindi iyon totoo. Na wala sa mga iyon ang totoong nangyari. Pero hanggang magising ako, ay iyon pa rin ang patuloy na gumugulo sa isip ko.
"Buti naman at gising ka na." Lexa.
"Nag alala kami sa'yo." Dagdag pa ni Zarah.
Isa pa sa gumugulo sa akin ay ang mga kaibigan ko. Paano ko sasabihin sa kanila ang mga nalaman ko kung ako mismo ay naguguluhan? Paano ko sasabihin na ako at hindi si Samantha ang totoong itinakda?
At mas lalong, paano ko sasabihin kay Ford na nagpapanggap lang ang girlfriend niya. Isa pa ang Samantha na yan. Hindi naman pala siya ang totoong itinakda, pero nagawa pa niyang sabihin sa lahat na siya iyon.
Oo na! Naguguluhan ako pero wala e. Pagkatapos sabihin ni Asiana sa akin ang lahat, kahit hindi ko aminin, alam kong totoo ang lahat nang iyon.
Na siya ay isang goddess at kakambal ng kapangyarihan ko. Tagapagtanggol at tagaprotekta sa taong itinakda.
At ako iyon! Mahirap mang paniwalaan, pero ako nga talaga iyon.
Nakakatawa lang! Akala ko pa nung una, normal na tao lang ako. Pero mas lalo lang akong napaniwala sa mga sinabi sakin ni Asiana nang masundan ang mga imaheng bumalik sa alaala ko.
Hindi ko nga maintindihan kung paanong nawala iyon e. May kinalaman kaya si papa dito? And speaking of, kumusta na kaya siya?
***
"Salamat, kasi hinayaan mo akong makausap ka. Ilang beses mo din akong iniwasan ah!" Sentimento ni Ford.
Kasalukuyan kami ngayong nasa library. May pinagawa si Miss Vela, pero nagawa na namin. Nasa classroom ang mga kaibigan ko para tapusin iyon. Tanging kami pa lang kasi ni Ford ang natapos.
"Alam ko namang hindi mo ako tatantanan." Sambit ko na lang saka nagtingin tingin sa mga libro. Napansin ko ang isang makapal na libro na may nakalagay na 'libretto.' Agad ko itong kinuha at tinignan.
Bigla namang mas lumapit si Ford sa pwesto ko.
"Okay na ba tayo?" Tanong niya. Sandali ko siyang sinulyapan saka muling tinuon sa libro ang paningin. "Hindi ba tayo okay?"
Narinig ko na lang ang pagbuntong hininga niya. Akmang ililipat ko na ang pahina nang bigla niyang hawakan ang kamay ko. Tatanggalin ko na sana ito nang mas higpitan pa niya ang pagkakahawak.
"F-ford, ano bang ginagawa mo? Kapag umabot na naman ito kay Samanth-------."
"Wala na kami." Napatigil ako sa sinabi niya.
Sinamaan ko siya ng tingin.
"Ganyan ka na ba kadesperadong makipagbati sakin at nagawa mo na namang magsinungaling?"
"Kailan ba ako nagsinungaling sa'yo? Hindi ko lang sinabi na naging kami pero hindi ako nagsinungaling sa'yo.
"Anong hindi? Nangako ka ngang hihintayin ako, tapos malalaman ko na lang kayo na pala?" Medyo napataas na ang boses ko.
"Kayong magsyota, kung ayaw ninyong matulog, magpatulog kayo." Napatingin ako sa isang lalaking nakapandekwatro habang nasa mesa ang dalawang kamay at nakapatong ang ulo niya dito. Seriously? Wala ba siyang matutulugan at sa library pa niya naisip iyon?
"Sig!" So, kilala pala ni Ford ang lalaking to?
"Uy bro! Kayo pala! Ang ingay ninyo kasi e, nagising tuloy ako," anas nung Sig daw.
Biglang sumama ang mukha ni Ford.
"Natutulog ka ba talaga o baka naman nakikinig na naman sa usapan ng iba, tulad ng lagi mong ginagawa?"
Napahagalpak sa tawa ang lokong si Sig. O diba, ang feeling close ko.
"Kilala mo na talaga ako, bro." Biglang dumapo ang paningin niya sakin. "Ipakilala mo naman ako sa syota mo oh! Ikaw ah! Siya siguro yung dahilan kung bakit umiiyak ka gabi gabi. Hindi ka naman kasi umiyak kay Samantha e."
Napalingon ako kay Ford dahil sa sinabing yun ni Sig. Umiwas naman siya ng tingin. Wala sa sarili akong napangiti.
Ako pa lang ang iniyakan niya? Bakit parang natutuwa ako?
"B-bakit?" takang tanong niya nang mapangiti ako. Pansin ko rin ang pamumula ng mukha niya.
Ganun ang epekto ko sa kanya? Hmm, masubukan nga. Smirk!
Nilapit ko ang mukha ko sa kanya dahilan para mas pamulahan siya at muling iniwas ang tingin.
"Isang lapit mo pa ng ganyang kalapit sakin, magsisisi ka." Pero binalewala ko ang binanta niya... na agad ko ring pinagsisihan.
"Uyyy!" Kantyaw ni Sig dahilan para pamulahan ako ng todo. "Ang PDA ninyo ah! Nawala na tuloy yung pagkainosente ko." Muling humagalpak sa tawa ang loko.
Sinamaan ko ng tingin si Ford.
"Nakakadalawa ka na ah!"
"At hindi ko inaasahang tutugon ka." Nakangising aniya.
Napaiwas ako ng tingin. Sh*t! Bakit nga ba kasi ako tumugon? Baka mamaya, nahalikan na ni Samantha yan e! Kahit wala na sila, parang hindi ko masikmura ang kaisipang nahalikan na siya ni Samantha.
At para namang nabasa niya ang nasa isip ko.
"Wag kang mag alala, ikaw pa lang at ikaw lang ang hahalikan ko."
"Uyyyyyyy! Naku! Hindi lang pala para sa mga kulang sa tulog ang library, para na rin pala sa masyadong matatamis, ano." Sumipol sipol pa ang walangya!
Pareho namin siyang sinamaan ng tingin ni Ford.
"Easy! Highblood kayo masyado e."
***
"Naalala mo nung kumanta ako nung tayong dalawa lang?"
Napatango ako. Paano ko iyon hindi maaalala, e ang sweet sweet nga niya e.
"Sa susunod na kakantahan kita nun, sisiguraduhin kong akin ka na."
Pinamulahan ako ng sobra dahil sa sinabi niya.
Narinig ko naman ang tawa niya. "You're blushing."
"Tsee!" Sinungitan ko nga. Kainis e!
"Uyy! Nagsusungit, babae ka nga talaga. Akala ko, lalaki e."
Sinamaan ko ulit siya ng tingin at tumawa ng tumawa lang ang loko.
***
"Kayo ah! Ba't magkasama kayo?" Salubong ni Lexa.
"At magkaholding hands pa." Parehong napako ang paningin nila sa kamay naming magkahawak.
Agad ko itong binawi at napakamot sa ulong nagtuloy tuloy sa upuan ko.
"Uy! Kumusta na kayo?" Hindi ko na pinakinggan pa ang pakikiusyoso nila kay Ford.
"Sa susunod na kakantahan kita nun, sisiguraduhin kong akin ka na."
Napangiti ako nang maalala ang sinabi niya kanina. Hihintayin ko ang araw na yun.
Biglang pumasok si Sir Victor kaya agad nang nagsipag upo ang mga kaibigan ko. Bumalik na din sa dating pwesto si Ford, sa tabi ko.
"Next week ay bibisita ang Chant Organims dito. We'll welcome them with a warm heart."
Matapos ianunsyo iyon ni Sir ay nagsimula na siyang magdiscuss.
Syempre about magic and powers ang dinidiscuss nila.
"Kyla, come with me on my office." Saka naunang maglakad si Sir Victor. Nagpaalam lang ako sa mga kaibigan ko at sumunod na sa kanya.
Akmang hihintayin na naman ulit ako ni Ford nang pigilan ko siya.
"Sir." Saad ko nang makarating kami sa stead niya.
"Have a seat." Nakangiting aniya kaya agad akong naghanap ng pwesto at umupo.
"Next week will be their arrival." Alam ko na kung sino ang tinutukoy niya. Hinintay ko na lang ang idadagdag niya. "Good thing, napailaw mo ang kwintas mo bago pa man sila dumating."
Tumango lang ako at ngumiti saka marahang nakinig sa mga sinasabi niya.
"The reason why I ask you to come here is because I want to discuss something wih you."
"Ano po yun?" Magalang kong tanong.
"Since they will be here next week, gusto ko na ikaw ang magrepresent ng Academy natin sa kanila."
"Po?" Nagugulat kong tanong. Naman oh! Ano naman ang alam ko sa mga ganyan?
"Don't worry, we, the Instructors will help you with it." He assured me through his smile.
Hanggang makalabas ng opisina ni Sir ay dala dala ko pa rin ang tungkol sa bagay na iyon.
Seriously? Ano naman ang alam ko sa pagrerepresent na yan, e kahit nung sa dati kong school hindi ko pa naranasang magrepresent e.
Dahil abala sa pag iisip, hindi ko namalayang may makakasalubong pala ako. At kung minamalas ka nga naman....
"Look who's here. A pathetic b*tch." Akmang lalampasan ko na sana si Samantha nang pigilan niya ako. "Wag mo akong talikuran kapag kinakausap pa kita."
Tinaasan ko lang siya ng kilay. Ang galing ding magpanggap ng isang to ah! Infairness, hindi halata sa kanya na mapagpanggap siya ah.
"Ano ba ang kailangan mo?" Inis na tanong ko dahil unti unti na kaming nakakaagaw ng atensyon sa iba.
"Uh!" Kunwaring nag isip pa siya. "I want you gone." Aniya na para bang ang dali dali lang ng pinapagawa niya.
"Sorry, but not sorry. I maybe gone, but not for too long." Binigyan ko siya ng makahulugang tingin.
Yeah! I'll be gone pero hindi din naman ako magtatagal. Balak ko lang bisitahin sa mundo ng mga tao si papa.
"What do you mean?"
"It's for me to know and for you to find out."
Saka ko siya nilampasan. Pero bago pa man ako makaalis ay lumingon muna ako sa kanya.
"One thing, enjoy your throne, Samantha. Dahil pagbalik ko, matitigil na yang kahibangan mo."
Bago ako tuluyang makalayo ay narinig ko pa ang pagmura niya.
Yeah! Curse all you want. Because when I came back, I'll curse you to death.
                          "Samantha's POV"
Lutang at mukhang malalim ang iniisip ng babaeng iyon kaya agad ko siyang hinarang.
"Look who's here. A pathetic b*tch." Akmang tatalikuran niya sana ako nang pigilan ko siya. The hell with this girl. Walang nagtatangkang tumalikod sakin kapag kinakausap ko. "Wag mo akong tinatalikuran kapag kinakausap pa kita."
Tinaasan niya ako ng kilay. Aba't! Ang lakas din naman ng loob ng babaeng to na tarayan ako.
"Ano ba ang kailangan mo?" Inis na tanong niya. Sige lang! Mainis ka dahil mas lalo pa kitang iinisin.
"Uh!" Kunwaring nag isip ako. "I want you gone." Seryoso kong saad.
Pero nagulat ako sa sinagot niya.
"Sorry, but not sorry. I maybe gone, but not for too long." Saan naman ang balak ng babaeng to na magpunta? Sana naman wag na siyang bumalik pa.
Binigyan niya ako ng isang makahulugang tingin.
"What do you mean?"
"It's for me to know and for you to find out." Saka niya ako nilampasan. Pero bago pa man siya tuluyang makalayo ay muli niya akong nilingon.
"One thing, enjoy your throne, Samantha. Dahil pagbalik ko, matitigil na yang kahibangan mo."
Lumayo na siya.
"D*mn!"
Agad akong tumakbo at pinuntahan si Miss Eva sa opisina niya. Good thing at nandoon din ang magpinsan.
"Ba't hinihingal ka?" Venus.
"At bakit ka tumatakbo?" Elesus.
Huminahon muna ako bago nagsimulang magsalita.
"I think......."
"What?" Taas kilay na si Miss Eva.
"She knew."
Bigla namang naguluhan ang tatlo.
"Kyla already knew." Pandederitsu ko.
Biglang umiba ang atmosphero dito sa loob ng opisina ni Miss Eva.
Biglang may pumaibabaw na boses mula sa kung saan.
"I do really knew." Nagulat kami nang may magsalita mula sa kung saan. Tinig ni Kyla.
"Where are you?" Naghahanap ngayon ang boses ni Miss Eva.
"You wouldn't know, unless you tell me all the d*mn truth. But, let's continue our discussion when I'm finally back."
At muling nawala ang kakaibang atmosphero kanina. Mukhang wala na ang babaeng yun.
"Lalabas siya ng Enchanted Academy." Parang siguradong sigurado ang tono ni Venus.
"At saan naman siya gagala?" Maarteng tanong ko.
"I know where she'll be heading." Miss Eva.
"Paano kung sundan siya ng prestile clan?" Nag aalalang si Elesus.
"Kaya kailangan natin silang maunahan." Seryosong saad ni Miss Eva.
Now, what have I missed?

Book Comment (248)

  • avatar
    Kim Yarcia

    💗💗💗

    8d

      0
  • avatar
    Angel Saavedra Gretchen

    mganda sya...

    10d

      0
  • avatar
    Arravela Grace Ebo

    so sad

    12d

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters