logo
logo-text

Download this book within the app

Enchanted Academy: A Magic School

Enchanted Academy: A Magic School

shecanslay


Prologue

"Papa, tara maglaro ulit tayo." Inaakay ko na ngayon si papa palabas upang tumungo sa aming bakuran. Napahagikgik naman siya habang nagpapatianod sa aking paghila.
"Kyla, kumalma ka." Tawang tawa si papa ngunit nagpapatianod naman ito. Si papa talaga.
Kumuha ako ng walis tingting at agad na naglinis sa aming bakuran. Tama kayo! Ang laro na tinutukoy ko ay ang paglilinis namin sa aming bakuran. Bata pa lang ako ay sinasanay na niya ako sa mga gawaing bahay at palagi niyang pinapaalala na unahin ko muna ang pagtulong bago ang laro.
Masaya kong pinagmasdan ang aking papa na nakangiting nagwawalis. Wala na ang aking mama, hindi ko siya naabutan dahil paslit pa lamang ako ng siya ay mawala. Iniligtas niya ako. Kapalit ng buhay ko ay ang kanyang kamatayan. Ang sabi ni papa ay namatay daw ang aking mama habang ipinanganganak ako. Isa lang daw sa aming dalawa ni mama ang makakaligtas. At ako ang napili ni mama na iligtas.
Hindi ko kailanman naramdaman na sinisisi ako ng aking papa dahil purong pagmamahal ang naramdaman ko sa kanya.
Napatigil kami sa paglilinis ng biglang may isang itim na van ang biglaang tumigil sa aming bakuran.
"Papa." Naiiyak na tawag ko sa kanya. Hindi ko na alam ang gagawin ko dahil takot na takot ako. Ano ang laban namin sa kanila? Mga armado sila.
"Kumalma ka Kyla. Tatagan mo ang iyong loob." Pagpapakalma sa akin ni papa.
Saglit akong kumalma ngunit agad din iyong nawala nang makarinig kami ng sunod-sunod na putok.
"Papa," sigaw ko ng mapadapa siya dahil sa isang tama ng bala. Sunod-sunod ang luhang dumaloy mula sa aking mata ng makita ko ang dugong dumadaloy palabas mula sa sugat ni papa. Agad kong inakay papasok sa loob si papa.
"Papa, wag mo akong iiwan." Umiiyak kong pakiusap sa kanya. Ngunit nginitian lamang niya ako at nakita ko nang bigla siyang may kinuhang isang gadget. Hindi iyon cellphone dahil umiilaw iyon. Narinig ko pa ang pagkausap ni papa sa kung kanino man iyon sa isang kumikinang na gadget.
Wala na akong panahon na itanong sa kanya iyon dahil kailangan nang matakpan ang kanyang sugat upang mabawasan ang dugong dumadaloy mula rito. Agad akong naghanap ng isang malinis na tela ngunit ingat na ingat pa rin ako kahit hindi ko man sigurado kung andiyan pa sila. Mukhang tumahimik na.
Nang makahanap ay agad akong lumapit kay papa at tinalian ang kanyang sugat upang tumigil na ang pagdurugo nito.
Ilang saglit lang ay may isang ginang ang biglaang dumating. May dalawang lalaki siyang kasama. Agad nilang tinulungan makatayo si papa at agad ginamot ang sugat nito.
"Tara muna sa labas. Kailangan nilang makapag usap ng masinsinan." Isang matangkad na lalaki ang lumapit sa akin. Sa hula ko ay ilang taon na siguro ang tanda nito sa akin ngunit mukha pa naman siyang bata kung pagmasdan. Agad niya akong inaya palabas at hindi naman ako nagdalawang isip na sumama dito.
"Sino po kayo?" Inosente man ngunit magalang kong tanong dito.
"Ako si Venus." Pagpapakilala niya at agad itinuro ang isang lalaki na patungo na sa aming direksyon ngayon. "At siya naman si Elesus."
"Ano pong ginagawa ninyo dito?" Para talaga akong nasobrahan sa kainosentehan dahil sa magkakasunod kong tanong.
"Nandito kami para tulungan kayo ng iyong Ama." Si Elesus ang sumagot.
"Salamat sa pagdating ninyo, ngunit nahuli pa rin kayo." Hindi ko naman sinasadyang maging mapakla ang aking tono pero totoo naman talaga. Dumating sila kung kelan wala na ang mga armadong lalaking iyon. Para palang sa mga pelikulang napapanood ko. Dadating ang pulis, kung kelan nahuli na ang salarin.
Narinig ko ang pagtawa nilang dalawa. Napairap na lang ako sa kawalan. Paraan ko nang pagtatago ng hiya.
Ilang minuto pa kaming nag usap ng makita kong tapos na din sa pag uusap si papa at ang ginang kanina. Lalapit na sana ako ngunit nang may maalala ay humarap ulit ako kina Venus upang itanong ito.
"Sino ang ginang na iyon?" Itinuro ko ang isang ginang na seryoso man at walang expresyon ang mukha, ay sobrang nagagandahan naman ako sa kanya. Para pa rin siyang dalaga.
"Siya si Miss Eva. Siya ang namamahala sa paaralan na papasukan mo." Napalingon ako dahil sa isinagot na iyon ni Venus.
"Paaralan? Papasukan?" Inosenteng tanong ko pa rin dito. Ba't pa napakainosente ko?
Mahinang tumawa si Venus bago sinagot ang aking tanong.
"Hayaan mong ang iyong ama na ang magpaliwanag sa'yo. Pumaroon na tayo sa loob ng bahay niyo."
Kaya naman pumasok na nga kami sa loob.
"Papa." Naiiyak kong tawag dito at agad lumapit upang yumakap sa kanya. Napatingin naman sa akin ang ginang na si Miss Eva.
"Siya na ba si Kyla?" Tanong ni Miss Eva na nagpakunot ng noo ko. Kilala ba niya ako?
Itatanong ko na sana iyon kay papa ngunit inunahan naman ako ni papa.
"Oo." Maikling sagot ni papa.
"Kung ganun siya ang itinakda?" Tanong ni Miss Eva na mas lalong nagpakunot ng noo ko.
"Itinakda?" Naguguluhang tanong ko ngunit nginitian lamang ako nito.
"Kailangan mo nang magpahinga dahil kailangan mo nang lakas para sa paglalakbay natin bukas." Si Miss Eva na hanggang ngayon ay nakangiti pa rin sa akin.
"Hindi ko po kayo maintindihan." Nagugulahang saad ko at agad naman akong iniharap ni papa sa kanya.
Tumingin muna siya kay Miss Eva. "Ako na ang magpapaliwanag sa kanya." Tumango lamang si Miss Eva.
"Papa, ano pong sinasabi nila?"
"Anak, nakita mo naman ang nangyari kanina diba. Hindi ka na ligtas dito. Kailangan na kitang ilipat sa lugar kung saan matitiyak ko ang kaligtasan mo." Paliwanag ni papa. Hindi ko alam kung bakit sunod sunod na tumulo ang luha ko kahit wala naman akong idea sa sinasabi ni papa. Agad niyang pinunasan ang mga luha ko.
"Magkakahiwalay po tayo?" Humihikbing tanong ko. Hindi ko matanggap ito. Si papa na lang ang natitira sa akin dahil ang lolo't lola ko na sobrang lapit sa akin ay hanggang ngayon hindi pa rin nakikita. Ilang taon din ang pagkawala nila. Hindi ba sila napapagod magtago? Kailangan ko kayo, lo, la.
"Ano nga ulit ang sabi ko sa'yo?" Tanong niya.
"Maging responsable po, matapang at huwag lumaking duwag at matatakutin." Humihikbi pa ring sagot ko.
Nginitian naman niya ako.
"Tama. Para sa kaligtasan mo din ito anak. Magkikita pa naman tayo eh. Dadalawin kita doon."
"Mamimiss kita, papa." Mahigpit ko siyang niyakap.
"Mamimiss ka din ni papa, anak." Nakita ko ang tumulong luha mula sa mata ni papa kaya agad ko itong pinunasan. Ngumiti naman siya. "Kailangan mo nang mag ayos ng gamit mo, dahil bukas ay maglalayag na kayo patungo sa paaralan na papasukan mo." Dagdag niya at agad tumayo.
Bigla naman agad akong kinain ng kuryosidad ko. Anong klaseng paaralan kaya iyon? Mababait kaya ang mga estudyante doon? Sana lang dahil ayoko ng gulo at umiiwas talaga ako sa gulo.
Agad na may kinuha si papa sa mga gamit niya at nakita kong may isang tableta siyang hawak. Gamot ba iyon? Pero bakit kumikinang? Akala ko iinomin niya iyon, ngunit nagulat ako nang bigla niyang inilahad ang kanyang kamay kung saan mas napatunayan kong kumikinang nga ito.
Taka naman akong napatingin sa kanya dahil isinenyas niya na abutin ko ito.
"Kainin mo." Utos niya.
"Po?" Napapalunok kong tanong.
May gamot bang kinakain? Parang wala naman. Si papa talaga. Sa panahong ito, nagawa pa talaga niyang magbiro ah.
"Kakainin mo yan at hindi iinumin. Huwag kang iinom ng tubig." Hindi makapaniwala ko siyang tinignan.
"Pero pap---"
Hindi ko na natapos ang dapat kong sabihin nang bigla niyang kunin ang kamay ko at ilagay ang tableta dito. Kumikinang ito hanggang sa unti unting nagiging kulay asul. Biglang inisnap ni papa ang kanyang kamay, at ilang saglit lang ay nasa bibig ko na ito. Gusto kong isuka dahil sa lasa nito, ngunit ilang saglit lang ay bigla itong naging lasa ng chocolate.
Akala ko tapos na ang kung anumang experimentong ginagawa ni papa ngunit nagulat ako ng bigla niyang putulin ang buhok ko hanggang sa maging sa balikat ko na lang ito. Oh! Hindi! Ang mahaba at pinakainingatan at inalagaan kong buhok, wala na. Lumuluha kong pinagmasdan si papa. Nginitian lang niya ako ngunit nakita kong may lungkot sa kanyang mata.
Nahinayangan din siguro siya dahil alam niya kung gaano kong inalagaan ang aking buhok.
"Ito na ang huli, anak."
May kinuha siya sa kanyang gamit at nakita kong may dalawang alahas at isang anklet siyang kinuha. Agad niyang iniabot sa akin ito.
Una kong isinuot ang kwentas. Katulad nang tableta, kuminang din ito ngunit kulay pula naman ito. Nang isinuot ko ang bracelet ay naging kulay dilaw ito. At nang isuot ko ang anklet ay naging kulay berde ito.
"Bakit lahat nang sinusuot ko ay kumikinang? Maging ang tableta kanina ay kuminang din."
Sandali siyang nag isip bago sumagot.
"Sila Eva na ang magpapaliwang sa'yo kapag nakarating na kayo sa pupuntahan niyo bukas." Paliwanag ni papa. Agad niya akong niyakap. Kahit may isang gabi ko pang makakasama si papa ay naiiyak pa rin ako. Sobrang mamimiss ko ang papa ko.
Agad niyang pinunasan ang kanyang luha at nakangiting humarap sa akin. "Mag ayos ka na ng gamit mo para bukas, anak."
Saglit kong pinagmasdan sina Venus, Elesus at Miss Eva bago humarap kay papa.
"Saan po ba ang punta namin bukas papa? Saan na po ang bagong paaralan ko?" May lungkot man ngunit hindi maipagkakaila ang excitement na nararamdaman ko. Adventure! Mahilig kasi talaga ako sa mga adventures.
"Sa Enchanted Academy." Laglag ang panga akong napatingin kay papa.
Enchanted Academy?

Book Comment (247)

  • avatar
    Kim Yarcia

    💗💗💗

    9d

      0
  • avatar
    Arravela Grace Ebo

    so sad

    13d

      0
  • avatar

    wow

    25d

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters