logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

Chapter 1

Chapter 1
August 2013...
"Quiet! Listen to what I'm saying! Nagtatanong ako, sinong hindi nakagawa ng assignment?!"
Kasalukuyan akong nakatulala ngayon sa bintana. Hays, naisip ko na naman 'yon.
"I'll repeat, Sinong hindi nakagawa ng assignment?!" Nakataas na ang kilay ni Ma'am Jona habang hinahampas pa sa desk niya ang stick. "Tumayo ang walang assignment!" 
Nagkatinginan kaming magkakatabi. Mahina akong nagbilang ng 5 seconds bago kami sabay-sabay na tumayo. Nakapikit lang si Kelly habang kanina pa tumatawa si Kyle.
"Kayong tatlo na naman?!" Nanggagalaiting sigaw ni Ma'am Jona sa amin. "Trina, Kelly and Kyle. Ize-zero ko ang score niyo!" 
Nagtawanan ang mga kaklase namin. Huminga ng malalim si Ma'am Jona at pinatahimik ang mga kaklase naming tumatawa.
"Unbelievable!" Sigaw niya. "Dismiss!"
Sa sinabing iyon ni Ma'am Jona ay nagpaunahan na kaming tatlo sa paglabas ng classroom. Nagsusuntukan pa si Kyle at Kelly habang nasa hagdan na kami ng Science Building. At ako, inilabas ko na ang camera ko mula sa bag at nagsuot ng headphones. Sawakas, uwian na.
Simula pagkabata ay magkakaibigan na kami nina Kelly at Kyle. Dagdag pa na naging magkakaklase rin ang mga magulang namin noon. Silang dalawa lang ang mga naging matalik kong kaibigan hanggang ngayon na nasa high school na kami.
Si Kelly Villarante, maganda, mayaman at minsan ay maarte. Mahaba ang curly niyang buhok at matangkad din. Pwedeng-pwede siyang maging Model. At ang lagi niya namang kaaway ay si Kyle. Si Kyle Santiago naman, siya lang ang nag-iisang lalaking may lakas-loob na makipagkaibigan sa amin. Noon ay iyakin siya pero ngayon, sinasabayan na rin niya ang kabaliwan ni Kelly. Hate niya ang science subject kahit nasa pamilya siya ng mga doctor.
Bagay na bagay talaga silang dalawa. Pareho kasi silang may crush na teacher.
Ako naman, walang nakakaexcite sa pagkatao ko. Hindi ako ganoong pala-salita at mas pinipili ko lang minsan na mapag-isa. Bitbit ang camera ko, kumukuha nalang ako ng mga litrato ng kahit anong mga bagay sa paligid ko. Sapat na iyon para hindi ako makaramdam ng lungkot.
Magkakaiba kami ng mga ugali pero kung may isang bagay man lang na pinagkakasunduan namin, iyon ay ang pag-aabsent at pag-iiskip ng mga klase.
"Sama ka ba, Trina? Pupunta kami sa Rustan's. Kailangan ko kasing puntahan si Mommy para kuhanin 'yung pinabili ko sakaniyang skateboard." Tanong ni Kelly habang tinatali na ang buhok niya.
Umiling ako at tinignan ang suot kong relo. "Susunduin ako ni Daddy at Mommy ngayon, may importante raw kaming pupuntahan. Bawi nalang ako next time."
"Gano'n ba? Oh sige, ingat kayo! Mauna na kami ng siraulong Kyle na 'to." Ani Kelly at binatukan pa si Kyle.
Kumaway na ako sakanilang dalawa. Pinanood ko lang silang maglakad sa sidewalk habang ako ay nakatayo lang sa gilid at hinihintay ang sasakyan ni Daddy. Kinuhanan ko ng litrato ang kulay asul na kalangitan. Ang mga estudyanteng tumatawid sa kalsada. Ang gate ng Quazo. At...
"Mommy!" Sigaw ko nang makita si Mommy na bumaba mula sa sasakyan. 
"Trina, kumusta ang school?" Hinalikan niya ako sa pisngi at inalalayan nang makasakay sa backseat.
"Ayos lang po. By the way, saan pala tayo pupunta?" Tanong ko habang isinusuot na ang seatbelt. "Niyaya ako ni Kelly na pumunta sa Rustan's kaso sinabi kong may pupuntahan tayo. Saan po ba?"
Daddy smiled. "Pupunta tayo sa 8th anniversary ng The Vinci Gallery. Gusto kitang isama roon dahil alam kong mahilig ka sa art. Maraming mga photographers na pumupunta roon dahil bukod sa magandang mga paintings, maganda rin ang outdoor view. I'm sure, you'll enjoy it."
Tumango nalang ako bilang pagsagot. The Vinci Gallery? Matagal ko nang naririnig ang pangalan na 'yan pero ngayon palang ako makakapunta.
After 10 minutes, huminto na kami sa tapat ng isang kulay gold na gate. Maraming mga tao ang pumapasok doon at nakaparada sa labas ang mga sasakyan. Nang lumabas ako ay tumambad agad sa amin ang napakaraming puno sa gilid ng kalsada. Mmm, this is beautiful.
May tatlong palapag ang The Vinci Gallery. At totoong napakaganda nito. Mukhang mauubos ang battery ko sa gallery na 'to.
"Trina, pupunta tayo sa second floor. Nasa office ang Tito Vincent mo." Sabi ni Daddy.
Pero agad akong umiling. Ayokong sumama, mabobored lang ako roon.
"Kita nalang po tayo sa lobby. Maglilibot muna ako." Saad ko naman. "I'll take pictures."
"Oh, are you sure?" Tanong ni Mommy at tinanguan ko naman sila agad. "Alright, magkita tayo sa lobby. 20 minutes, okay?"
"Yes, Mommy!"
Pinauna ko na silang makapasok sa elevator ng The Vinci Gallery. Saka ko inilibot ang aking paningin sa kabuuan ng lugar. Para din siyang National Museum or Art in island. Pero mas nakafocus ang gallery na ito sa painting at photography.
Kaniya-kaniyang pictures ang mga tao sa loob. Bawat paintings ay nakalagay ang pangalan ng pintor. Bawat photographs naman ay nakasulat kung sino ang photographer niyon. Pero hindi na ako nagtagal sa loob dahil may nakaagaw ng pansin ko.
May river sa labas. Papunta ang daan sa likurang bahagi ng Gallery. Kitang-kita mula sa garden ang view ng river. Nakaka-curious.
Lumapit ako sa railings at pinanood ang pag-agos ng tubig sa river. Nagkakaroon ng reflection sa tubig ang lapalubog na araw na mas lalong nagpapaganda sa mga mata. Napatingin pa ako sa isang hagdanan pababa ng garden. Padiretso naman iyong sa isang wooden door.
Inilibot ko muna ang paningin at nang makitang wala namang nakatingin sa akin ay pinuntahan ko ang wooden door na iyon at agad na pumasok.
Muntik ko nang mabitawan ang camera ko sa pagkagulat. May malaking puno. At sa ilalim ng punong iyon ay ang mga kagamitan sa pagpipinta. At nasa gilid lang ang river. Sobrang ganda ng view!
"What are you doing here?"
Nagulat ako sa boses na nanggagaling sa aking likuran. Oh my gosh...
"Ahm, sorry---"
"This is a crime. Do you know what you're doing, Miss? This is trespassing." Dagdag pa ng boses na iyon dahilan para mas lalo akong kabahan.
Humarap ako sa nagsasalita at agad na napatakip sa bibig nang tuluyan ko nang makita ang mukha niya.
"W-Wait lang, ha! I'm sorry, hindi ko sinasadyang mapunta sa lugar na 'to! Nacurious lang ako kaya... and, please by the way! I'm not a criminal! Aalis na ako, I swear!"
Lalabas na sana ako pero narealize ko na nakaharang pala siya sa pintuan. At ang suot niyang apron ay punong-puno ng paints. Wait...
"Drawer ka ba?" Tanong ko.
May hawak din kasi siyang lapis at paint brush. Tapos 'yung buhok niya ay nakatali at may pinta rin. Siguro, siya ang may-ari ng mga painting materials dito? 
"What do you mean?"
Teka, bakit parang nangyari na 'to?
.....
Pero bigla naman akong napahinto nang marinig ko ang pagbuntong-hininga ng kaharap ko sa lamesa. Doon ko lang napagtanto na hindi lang pala ako nag-iisa sa table na 'to dahil may isa pang batang lalaki.
He's not looking at me... He's not smiling... He's not crying...  
Busy lang siyang nakayuko hawak-hawak ang isang lapis. Mukhang may dinodrawing siya sa sketch pad niya at hindi ata siya makapili ng tamang color na gagamitin.
W-Wow!
"Drawer ka ba?" tanong ko.
Nakita ko ang paghinto niya sa kanyang ginagawa matapos marinig ang sinabi ko. Saka na siya unti-unting tumingin sa akin. Tinignan niya ako kung saan tumaas-baba ang mga mata niya na para bang tinatanong kung sino ako. 
"What do you mean?"
Nang sawakas ay nagsalita na siya, napatakip ako sa bibig ko at ngumiti ng pagkalawak-lawak. He's cute!
"Uhm, drawer! Mahilig ka magdrawing tapos magaling ka tapos cute. Edi drawer ka." Simple kong paliwanag habang kinakamot pa ang makati kong pisngi.
"You are stupid."
Nagulat ako sa sinabi niya kaya agad akong umiyak. Hindi niya pinansin ang ingay ko at nagpatuloy lang siya sa pagdo-drawing niya.
He said, I'm stupid!
Hindi ako natigil sa pag-iyak habang nakaturo sa batang lalaki. He's bad!
Nilapitan ako ni Daddy at ibinalik na sa table kung nasaan si Mommy. Pinupunasan naman ni Mommy ang mga luha at sipon ko habang pinapatahan ako.
Yes... Tama, naaalala ko na...
"Ahm, drawer... 'Yung mahilig ka magdrawing tas magaling ka rin... 'Yung g-ganon..."
"Drawer?" He shrugged. "You're stupid."
"E-Excuse me?" Hindi makapaniwalang usal ko.
Tumitig siya sa akin at gano'n nalang din ang nagawa ko. Saka ako biglang nakaramdam ng kaba.
Tumibok ng sobrang bilis ang puso ko. Habang nakatitig sa mga mata niya ay parang unti-unti na akong naliliwanagan. After eight years... Ilang taon din ang hinintay ko para sa pagkakataon na 'to... Hindi ko inaakalang mangyayari nga nga matagal ko nang gustong mangyari. Ang makita siyang muli...
Sabi nila, apat na segundo lang ang kailangan ng babae para malaman niyang inlove siya. Pero hindi... hindi ako naniniwala roon. Dahil walong taon akong naghintay para lang marealize ko na gusto ko siya. At sa mga taong iyon, nakalimutan ko siya... Nakalimutan ko na siya. Pero bakit parang bumabalik sa akin ang lahat? Sobrang tagal na rin... Masyado akong naninibago, hindi makapaniwala. 
At ngayon, nandiyan na siya at nandito ako. Magpapatuloy ang pagtingin ko sakaniya kahit ilang taon pa ang lumipas. Kahit umalis pa siya. Kahit iwanan niya ako ulit. Hinding-hindi ako magsasawang maghintay hanggang sa bumalik siya... Hanggang sa magkita kaming muli.

Book Comment (57)

  • avatar
    Jhepot Biay

    ang ganda po

    19d

      0
  • avatar
    Princess Zafra Prado

    I want this story🥰

    10/08

      0
  • avatar
    Anna Javan

    𝙨𝙪𝙥𝙚𝙧 𝙜𝙖𝙣𝙙𝙖 𝙗𝙖𝙨𝙝𝙞𝙣

    03/06

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters